Kabanata 22

Unexpected Encounter

Hindi muna ako umuwi. Ewan ko ba. Parang ang bigat ng pakiramdam ko kahit wala naman talagang dahilan.

Tahimik kasi ang condo. Walang Aviel. Tapos si Kaelis naman busy daw sa "manliligaw" niya.

Napabuntong-hininga ako habang nagda-drive. Kaya imbis na dumiretso pauwi napagpasyahan kong pumunta muna sa coffee shop malapit sa campus.

Yung madalas naming daanan. Pagpasok ko, agad akong dumiretso sa counter.

"One iced vanilla latte please," sabi ko.

Favorite ko. Habang hinihintay order ko, naglibot muna tingin ko sa café para maghanap ng upuan.

Pero bigla akong natigilan. Nanlaki mata ko nang bahagya.

Si Kaelis. Nandoon siya. May kasamang lalaki. Nakatalikod sakin yung guy pero halatang pogi rin mahaba ang buhok pero. clean tingnan, naka-black long sleeves at silver accessories.

Nagulat ako. Pero thankfully hindi ako nakita ni Kaelis. Kaya mabilis akong umiwas ng tingin saka naghanap ng pwesto na hindi nila ako makikita. Umupo ako sa medyo tagong side ng café.

Hindi obvious. Pero malapit enough para marinig ko sila minsan.

Napabuntong-hininga ako habang kunwari busy sa phone. Eh ano naman? Malay ko bang nandito sila. At bakit ba parang kailangan kong magtago?

Baliw.

Dumating na rin order ko kaya tahimik lang akong umiinom habang pilit hindi tumingin sa direction nila.

Pero maya-maya narinig ko yung boses nung lalaki.

"Long time no see, Kae." Napakurap ako.

Kae. So close. "Yes, Elian," sagot ni Kaelis habang relaxed lang nakasandal sa chair. "Kakasal na dad mo, diba?"

Then sumagot yung lalaki.

"Yes," sabi nito. "But the worst part? I didn't know my dad's fiancée has a daughter."

Napatingin ako nang bahagya. Tumaas agad kilay ni Kaelis. "Omg," sabi niya. "You hate girls pa naman."

Napatawa nang mahina yung guy, si Elian.

"Very," sagot nito. "Tapos makakasama ko pa sa iisang bahay." Napailing siya habang umiinom ng coffee.

"I just wanna teleport honestly. Pero I'm still studying. Ayoko ma-cut cards ko." Napatawa si Kaelis.

"Practical." Tahimik lang akong nakikinig habang umiinom ng drink ko.

Mukhang personal life na nung guy yung topic. At honestly medyo nakakahiya na makinig pa. Kaya napagpasyahan kong ipa-takeout nalang yung coffee ko.

Tumayo ako nang dahan-dahan habang inaabot bag ko. Ayoko makita ako ni Kaelis dito.

Hindi ko rin alam bakit. Basta ayoko lang.

At habang naglalakad ako papunta counter pilit kong kinokontra sarili ko.

Hindi naman ako affected, curious lang.

Oo,curious lang talaga.

Napagpasyahan ko nalang umuwi.

Tahimik yung biyahe pauwi habang mabagal lang tugtog ng music sa kotse.

At habang nagda-drive ako hindi ko mapigilan maalala yung coffee shop.

Si Kaelis, yung kasama niya, yung casual niyang pakikipag-usap na parang sanay na sanay.

Napabuntong-hininga ako.

"Wala naman akong pake," bulong ko sa sarili ko habang pumapasok sa parking.

At paulit-ulit ko talagang sinasabi 'yon sa utak ko.

Pagdating ko sa condo, agad akong dumiretso sa kitchen para ilagay yung coffee ko.

Pero pagpasok ko natigilan ako. May cake sa counter. Favorite ko.

Nanlaki mata ko nang konti. Tapos may maliit na note sa gilid.

Eat this. Alam kong malulungkot ka pag wala ako. - Aviel

Napabuntong-hininga ako habang napapangiti.

"Baliw talaga," bulong ko nang mahina.

Bigla kong namiss si Aviel. Kasi kahit sobrang kulit at ingay niya iba pa rin talaga kapag wala siya sa condo.

Tahimik masyado. Kaya kinuha ko nalang plates saka hiniwa yung cake.

Saktong may dala rin akong coffee kaya bagay na bagay.

Tahimik lang akong kumakain sa kitchen island habang nakatingin sa city lights sa labas.

At habang tumatagal kung anu-ano nanaman naiisip ko. Napabuntong-hininga ako habang iniikot yung straw sa drink ko.

Nagiging close na ba talaga kami ni Kaelis?

Kasi... halos araw-araw na kami magkasama.

Lunch, activities,hinahatid ako, pati pagtulog sa condo ko.

Napangiwi ako nang maalala yung ulo niya sa hita ko kanina umaga.

"Baliw talaga," bulong ko ulit.

Pero napailing ako. Baka naman talaga...

pinababantayan lang ako ni Aviel. Kaya lagi siyang nakadikit. Kaya kung anu-ano rin sinasabi niya sakin.

Ganun lang siguro. At si Kaelis naman kasi-

ganun talaga personality niya.

Maingay, malandi, mahilig mang-asar.

Napatingin ako sa cake habang iniisip lahat.

Then bigla kong naalala yung pag-aalaga niya sakin sa clinic. Yung paghatid niya.

Yung sabi nyang pupunta siya sa condo kahit wala na si Aviel. Yung pag-alam niya sa favorite cake flavor ko.

Tahimik akong napasandal sa upuan.

Hindi ko na alam.

Kinabukasan, maaga akong pumasok.

As in sobrang aga.

Tahimik pa yung hallway, iilan palang students sa building, at medyo malamig pa hangin galing aircon pagpasok ko sa classroom.

Akala ko wala pang tao. Pero pagpasok ko natigilan agad ako. Nandoon na si Kaelis.

Mag-isa. Naka-upo sa pwesto niya habang may hawak na coffee at phone, tapos naka-headphones pa isang tenga.

Pagkakita niya sakin agad siyang ngumiti.

"Good morning." Napatigil ako.

Kasi... hindi yung usual niyang smug smile.

Mas soft. Mas normal. At nakakapanibago.

"Morning," sagot ko habang dahan-dahang umuupo sa tabi niya.

Rinig lang yung mahinang music galing headphones niya at tunog ng aircon.

Then bigla kong naalala lahat kagabi.

Yung sinabi niya. Yung pagbabantay niya sakin. Yung pagpunta niya sa condo kahit wala si Aviel. Napabuntong-hininga ako.

Napatingin ako sa kanya. Busy na ulit siya sa phone niya. At doon ko napagpasyahan magsalita.

"Kaelis." Napalingon siya agad. "Hm?"

Tahimik akong tumitig saglit bago nagsalita.

"Kung napipilitan ka lang bantayan ako because of Aviel..." sabi ko nang dahan-dahan, "you don't have to."

Kumunot noo niya agad. As in instant.

"What?" Huminga ako nang malalim.

"Independent woman ako, Kaelis," sabi ko habang naka-cross arms. "Kaya ko sarili ko, no." Tahimik lang siya nakatingin sakin.

"At saka," dagdag ko habang umiiwas tingin, "yung time mo kasi... parating napupunta sakin."

Diretso siyang sumagot. "No." Napalingon ako agad sa kanya. "...anong no?"

"No," ulit niya habang nakakunot noo pa rin na parang hindi niya gets bakit ko iniisip 'yon. "Hindi ako napipilitan."

Napakurap ako.

"Anong hindi," sabi ko agad. "May sarili ka ding time no. Ano ka ba."

Tahimik lang siya nakatingin sakin. Then dahan-dahan niyang nilapag phone niya sa table.

"I want to." Natigilan ako.

Diretso lang siyang nakatingin sakin habang nagsasalita.

"Gusto kitang bantayan," sabi niya nang kalmado. "Hindi pilit 'yon." Napatigil ako literal.

Biglang parang uminit yung buong classroom. Hindi ko alam irereact ko.

Kasi... hindi siya mukhang nang-aasar.

Walang smirk, walang kaartehan, seryoso siya.

Bubukas na sana ang bibig ko para magsalita pero biglang bumukas pinto ng classroom.

Maingay agad na pumasok yung group of friends ni Kaelis.

"Tingnan niyo oh," sabi nung isa habang tumatawa. "Nauna nanaman siya dito dahil kay Aveline."

"soft launching ba yan," dagdag nung isa.

Bigla akong natahimik. Hindi ko alam ano sasabihin. Hindi ko alam bakit parang bumibilis tibok ng puso ko.

At mas lalong hindi ko maintindihan bakit hindi ko kayang tingnan si Kaelis pagkatapos nung sinabi niya.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.