Kabanata 23
"Tomorrow," sabi ng professor habang nagsusulat sa board, "we'll have a field activity."
Biglang nag-ingay yung classroom.
"Finally," bulong ni PJ. "Ayoko na muna makita classroom na 'to."
Napatawa si Carmela. "Where po?" tanong nung isa.
"The traditional herbal district," sagot ng professor. "You'll identify authentic medicinal herbs, interact with local herbal specialists, and buy ingredients for your next formulation project."
Napangiti agad ako. Honestly excited ako.
Mabango at aesthetic. Sa tabi ko, si Kaelis biglang tumuwid ng upo.
"Cute," bulong niya.
Napalingon ako agad. "Yung trip?"
"Hindi," sagot niya habang nakatingin sakin. "Ikaw pag excited." Napairap ako agad.
Napangisi lang siya.
Kinabukasan, maaga kaming nagkita sa school para sa field trip. At dahil field trip nga mas casual suot naming lahat.
Si Carmela naka-knitted cardigan. Si PJ parang pupunta concert.
At si Kaelis? Mukha nanamang luxury Pinterest board. Cream oversized sweater, silver accessories, tapos maayos buhok na parang hindi man lang nahihirapan maging gwapo.
Nakakainis.
Pagdating namin sa herbal district, literal na bumungad agad samin yung warm smell ng herbs, dried flowers, tea leaves, at old wood shops.
Ang ganda.
May hanging herbs sa bawat store, traditional signboards, glass jars na puno ng kung anu-anong halamang gamot.
"OMG," sabi ni Carmela habang nagpi-picture agad. "Parang historical K-drama," dagdag ni PJ.
Tahimik lang akong umiikot tingin sa paligid habang nakangiti.
At sa gilid napansin kong nakatingin lang sakin si Kaelis.
"What?" tanong ko. "You look happy."
"Eh kasi gusto ko 'to."
"I know."
Hindi ko na alam bakit parang kinakabahan ako kapag simpleng sagot lang binibigay niya lately.
Nagkalat na yung students sa iba't ibang stalls habang may hawak na worksheet.
Kailangan namin:
- mag-identify herbs
- bumili ingredients
- alamin uses nito
- gumawa future formulation
Naturally dumikit nanaman si Kaelis sakin.
As in literal na shadow.
"Ano bang hinahanap natin?" tanong niya habang sumasabay maglakad sakin.
"Calming herbs," sagot ko habang nagbabasa worksheet. "And herbs for circulation."
Tahimik lang siyang tumango.
Pero maya-maya bigla niya akong hinila nang konti palapit sa kanya.
Nanlaki mata ko. "Kaelis-"
"Motor." Dumaan agad yung maliit na delivery scooter sa likod ko.
Napakurap ako. "Oh."
"Awareness please," sabi niya habang nakakunot noo. "Overprotective."
"Alive ka pa naman."
Nagpatuloy kami maglakad hanggang makarating sa isang maliit na herbal stall na puro flowers at tea blends.
Mabango agad.
Lavender.
Rose.
Jasmine.
"Pretty," sabi ko habang tinitingnan yung dried flowers.
"Not prettier than me," singit ni Kaelis.
Napatawa ako nang malakas. "Grabe confidence."
"Truth." at nag hair flip pa siya.
Habang busy ako namimili ng herbs, may lumapit na lalaki mula sa stall. Mukhang college-age din.
"Need help?" tanong nito sakin habang nakangiti.
"Ay-"
"We're okay." Napalingon ako agad..Diretso siyang sumingit sa tabi ko habang inaabot yung tray ng herbs.
Tahimik saglit yung guy. Then tumango nalang. "Okay..." At umalis.
Napatingin ako kay Kaelis. "Ang sungit mo."
"Flirty siya." Napatawa ako. "Nag-aassist lang."
"Sure." Umirap siya habang kumukuha ng dried chamomile.
Maya-maya napansin niyang may maliit na dried leaf sa buhok ko. Hindi siya nagsalita.
Lumapit lang siya, mas malapit, then dahan-dahan niya tinanggal yung leaf sa buhok ko gamit daliri niya.
Parang natigilan din saglit. "May dahon," sabi niya nang mahina.
Hindi ako agad nakasagot. Kasi sobrang lapit niya. Naamoy ko pa perfume niya mixed with herbs, hindi siya umiwas agad.
Then bigla siyang umatras na parang may narealize.
"Ahem," sabi niya habang umiiwas tingin. "Continue shopping." Napairap ako para kunwari unaffected.
Pero habang naglalakad kami ulit sa gitna ng herbal market hindi ko mapigilan mapangiti nang konti.
Nagpatuloy kami sa pag-iikot sa herbal district kasama yung buong class.
Habang tumatagal, mas dumadami tao sa paligid. May tourists, may matatandang bumibili herbs, may traditional tea shops.
May stalls pa nga na gumagawa mismo ng herbal candies at incense.
"Ang bango," sabi ni Carmela habang dumadaan kami sa isang tea shop.
"Amoy mayamang lola," dagdag ni PJ.
"Respect your elders," sabi ni Kaelis habang umiinom ng iced tea niya. Napatingin si PJ sa kanya.
"Bakit parang ikaw yung mayamang lola dito?" Umirap siya agad. "Elegant rich heir."
"Same thing."
Nagpatuloy kami maglakad hanggang sa makarating sa isang mas lumang street na puro handcrafted TCM items.
May jade accessories, herbal charms, silk ribbons,tea sets, pati handmade pouches.
Nanlaki mata ko nang konti habang umiikot tingin ko.
Ang ganda, napansin agad ni Kaelis.
"You really like this place," sabi niya habang nakasunod lang sakin. "Mhm."
Tahimik lang siyang tumango habang pinapanood ako tumingin-tingin sa stalls. Then bigla siyang nawala sa tabi ko.
"Kaelis?" Wala, napalingon ako sa paligid.
"Iniwan ka?" sabi ni PJ habang natatawa.
"Mas tahimik tuloy paligid," dagdag ni Carmela, napairap ako. "Baka may nakita lang."
Weird. nasasanay na kasi akong nakadikit siya sakin buong araw.
Nagpatuloy nalang kami maglakad hanggang makarating sa isang stall ng traditional desserts at herbal jelly drinks.
Biglang natuwa si PJ. "OMG food."
"As if hindi ka pa kumakain buong araw," sabi ni Carmela.
Mag-oorder na sana kami nang may biglang humawak sa wrist ko. Nanlaki mata ko.
Si Kaelis, bumalik, at may hawak siyang maliit na paper bag.
"Where did you go?" tanong ko.
"Secret." Napairap ako.
Bigla niyang nilagay yung paper bag sa kamay ko. "...ano 'to?"
"Open it later."
"Kaelis."
"Later." Napatingin ako sa kanya, then sa paper bag.
At halatang inaantay niya reaction ko kahit kunwari calm lang siya. Kaya hindi ko na napigilan.
Binuksan ko agad. At pagtingin ko sa loob natulala ako nang bahagya.
Isang handmade herbal charm, soft pastel pink, may maliit na jade bead att silver bell detail.
Sobrang cute. Sobrang... ako.
"Kaelis..." sabi ko habang nakatingin sa charm. Umirap siya agad.
"Bagay sa bag mo."
"You bought this?"
"Obviously hindi libre." Napatawa ako nang mahina.
Hindi ko alam bakit pero sobrang warm nung pakiramdam ko bigla. Kasi pinag-isipan niya. As in halatang pinag-isipan.
"At bakit pink?" tanong ko habang tinitingnan yung maliit na ribbon detail.
Tumaas kilay niya. "You look better in soft colors."
Biglang nagsigawan sila PJ sa likod.
"AY WOW."
"Color analysis na!"
"Tumahimik kayo," sabi ni Kaelis.
Napatawa ako nang mahina habang hawak pa rin yung charm. At habang naglalakad ulit kami sa gitna ng herbal district hindi ko na napansin na nakangiti na pala ako.
After almost two hours ng pag-iikot sa herbal district, binigyan muna kami ng short break.
Yung iba umupo agad, yung iba bumili pagkain. Si PJ at Carmela dumiretso sa isang dessert stall na puro mochi at herbal jelly.
"Aveline!" sigaw ni Carmela. "Try mo 'to!"
"Coming!"
Pero bago pa ako makahakbang napatingin ako sa hawak kong paper bag. Yung gift ni Kaelis, napabuntong-hininga ako nang mahina.
Unfair naman, lagi nalang siya nagbibigay sakin ng kung ano-ano. At kahit lagi siyang mayabang at maingay halatang thoughtful talaga minsan.
Napalingon ako kay Kaelis na nakatayo lang sa gilid habang umiinom ng iced drink niya.
Busy pa siya kausapin yung professor tungkol sa herbs. Tahimik ako siyang pinagmasdan saglit.
Then may naalala ako. Insomnia. Halos hindi nga pala natutulog 'yon.
Kaya habang busy siya dahan-dahan akong umalis sa pwesto namin saka dumiretso sa isang maliit na stall na puro sleep blends at calming products.
Mabango agad, lavender at sandalwood.
"Looking for gifts?" tanong nung matandang babae sa stall.
"Ay... hindi po." Ngumiti lang ito.
Napatawa ako nang mahina habang tumitingin sa products. Hanggang sa may nakita ako.
Isang elegant sleep set. Dark navy silk herbal eye mask. Maliit na glass bottle ng lavender pillow mist. At handmade herbal sleep sachets na may chamomile at mugwort.
Simple lang, pero bagay kay Kaelis, maarte kasi siya. At feeling ko magugustuhan niya yung aesthetic.
"Kukunin ko po 'to," sabi ko.
Pagkatapos ko magbayad, dali-dali kong tinago yung maliit na paper bag sa tote bag ko bago bumalik sa group.
Pagbalik ko nakaupo na si Kaelis sa bench malapit sa kanila PJ. At paglapit ko, agad siyang napatingin sakin.
"Where did you go?" Napairap ako.
"Secret." Tumaas agad kilay niya. "Excuse me? Ako lang allowed mag-secret."
Napatawa si PJ. "Aba possessive." Hindi ko na pinansin. Umupo nalang ako sa tabi ni Kaelis.
Then dahan-dahan kong nilabas yung maliit na paper bag saka nilapag sa kandungan niya.
Napatingin siya agad doon. "...ano 'to?"
"Wala," sabi ko habang umiiwas tingin. "Basta." Tahimik siya habang dahan-dahang binubuksan yung bag.
At pagtingin niya sa loob literal na natigilan siya. As in first time yata siyang mawalan ng sasabihin.
Kinuha niya yung dark silk eye mask saka tinitigan, then yung lavender mist, then yung sleep sachets.
Napakunot noo ako. "Bakit?" tanong ko. "Pangit?" Hindi siya agad sumagot.
Tapos dahan-dahan siyang napalingon sakin.
"...you bought me insomnia products?"
"Well," sabi ko habang naka-cross arms, "hirap ka matulog diba." As in weirdly tahimik niya.
Pati sila PJ at Carmela napatingin na rin samin. Then biglang napangisi si PJ.
"Omg." Napailing si Carmela habang nakangiti. "Acts of service couple."
"Hindi kami couple," sabi ko agad.
Napatingin ulit siya sa hawak niyang gift.
At this time mas tahimik na expression niya.
Mas soft. "...thank you," sabi niya nang mahina. Kasi bihira siya magsabi nun nang seryoso.
Kaya napangiti nalang ako nang konti.
"You're welcome, bakla." Bigla siyang umirap. "There she goes again."