Kabanata 3
Public Opinion
"You will regret it."
Kinabukasan paglabas ko ng campus, iba na yung ingay. Hindi na bulungan,hindi na curiosity, usapan na talaga.
Groups of students gathered near the gates, may hawak na phones, may tumatawa, may nagbubulungan na hindi na rin masyadong tahimik
Pero nakatayo siya sa harap ng mga kaibigan niya, one hand casually resting sa bag strap niya, the other gesturing lightly habang nagsasalita and everyone was listening.
Of course they were.
"I mean, seriously," narinig ko siyang magsalita habang papalapit ako, tone light pero may halong diin, "sa ganda kong 'to?"
May tumawa ng malakas.
"Ang kapal ng feslak," dagdag niya, this time mas halata na yung sarcasm, "lalapit ka, magsasalita ka, tapos biglang 'not my type'? Excuse me?"
More laughter. So this is what we're doing now. Public commentary. Napahinto ako saglit sa gilid. Para makinig lalo.
"Hindi ko alam kung matapang siya o" he paused, slight tilt ng ulo, lips curving into something between a smile and a smirk, "delusional."
"Like, girl" dagdag niya, switching to English smoothly, voice louder now, making sure people around hear him, "if you're going to do something like that, at least make it believable."
Someone beside him whispered something.
He laughed.
"No, I'm serious," he continued, flicking imaginary dust off his sleeve, "you don't just reject me and walk away like you did something."
So that's the point, the walking away. Napangiti ako, okay. I stepped forward. Enough para mapansin ako.
And it didn't take long. Isa-isa silang tumahimik, hanggang sa napunta sa kanya.
Napatingin siya sa'kin.
That same look, measured, sharp and amused.
"Speaking of the devil," bulong ng isa sa kanila.
Cute. "Hi," sabi ko, casual lang, parang wala lang akong narinig sa mga sinabi niya.
Ramdam ko yung atensyon,lahat nakatingin.
Of course they are. Tumaas ng konti yung kilay niya.
"Wow," sabi niya, slow clap energy pero hindi niya ginawa, just the tone, "and she shows up." Napangiti ako.
"Ang ingay mo kasi," sagot ko. "Narinig ko hanggang dun." May napatawa sa likod.
His eyes shifted briefly, then back to me.
"So?" he tilted his head slightly, stepping a little closer, enough to re-center the space around him. "Nandito ka para i-explain sarili mo?"
"Should I?" sagot ko, same tone. Then he smiled.
"Please," sabi niya, hand gesturing lightly, "I would love to hear how someone like you came up with that line."
"Which one?" tanong ko, genuinely curious. "Marami akong sinabi." More laughter.
"You know exactly which one," he said, voice lower now, pero mas may diin. " 'You're not my type.' "
Napangiti ako.n"Okay," sabi ko. "Simple lang." Lumapit ako ng konti. Hindi enough para ma-intimidate, just enough para pantay kami kahit matangkad siya.
"Hindi kita type." No explanation.
Narinig ko yung mahinang "oh.." ng isa sa crowd.
He laughed softly.
"Unbelievable," sabi niya, shaking his head lightly. "Sa ganda kong 'to, hindi mo talaga ako type?"
"Hindi," sagot ko. Hindi ako nag-isip, hindi ko kailangan. His smile faded just a little.
"Or," dagdag ko, slight tilt ng ulo, "baka hindi mo lang matanggap na hindi lahat gusto ka."There, that landed kita ko.
Yung micro-expression,yung maliit na crack.
"You're very confident," sabi niya, voice smoother now, pero mas malamig. "For someone who just got here."
"I'm just honest," sagot ko. "Honest?" he echoed, stepping closer again. "Or naghahanap ka lang ng attention?"
Napatawa ako. "Trust me," sabi ko, "kung attention lang, hindi ikaw pipiliin ko." May suminghap sa gilid.
Pero yung tingin niya iba na, mas focused at intense.
"Careful," sabi niya finally, voice low enough na kami lang halos ang makarinig. "Hindi mo alam kung saan ka pumapasok."
Napatingin ako sa kanya. "Pretty sure I do," sagot ko, then I smiled, hindi mocking.
Just... sure, hindi ko na pinatagal.
Wala na akong kailangang patunayan hindi sa kanya, at lalong hindi sa mga taong nanonood lang.
"So... are we done?" sabi ko, casual lang, parang tinatanong ko lang kung tapos na yung isang lecture na matagal nang lumihis sa topic.
May sandaling katahimikan. Yung tipong hindi awkward kundi nag-aabang.
Tapos napangiti ako, inayos ko yung strap ng bag ko sa balikat ko.
"Kasi honestly," dagdag ko, medyo mas mahina na ngayon, pero malinaw pa rin, "sayang oras." May ilang napangiti sa gilid.
May napatingin sa kanya.
Hindi ko na hinintay kung ano yung susunod niyang sasabihin.
Tinalikuran ko sila.
Just walking away like I always do.
Pero iba yung pakiramdam ngayon ,mas ramdam ko yung tingin niya.
At bago pa tuluyang maputol yung distansya sa pagitan namin narinig ko.
"Bruha ka..." Napatawa ako ng malakas yung maririnig niya, hindi ko napigilan. "...humanda ka sa'kin."
Pero hindi ako huminto, hindi ako lumingon.
"Noted," bulong ko sa sarili ko, habang tuloy-tuloy ang lakad ko palabas ng gate. Interesting, very interesting.
Kinabukasan, iba na yung pakiramdam ng campus. Hindi na siya simpleng usapan.
Hindi na lang curiosity Parang may sariling buhay na yung nangyari.
Every hallway, every corner, every group of people I pass by may version sila ng kwento.
"Siya yung babae"
"Section B"
"Kay Kaelis"
"Grabe yung ginawa"
Same lines, different tones, may naiinis, may humahanga, may disbelief at may halong excitement, of course, people like watching things break. Lalo na kung sanay silang buo.
Hindi ko pinansin, wala akong pakielam.
Mas importante yung dahilan kung bakit ako nandito. At hindi yun si Kaelis.
Pagdating ko sa classroom, nauna na si Naila. Nakaupo na siya, pero halata yung energy mas alert, mas eager, parang may hawak na bagong chismis na hindi niya kayang itago.
"Good morning," bati niya agad, pero may halong ngiti na hindi niya tinatago.
"Morning," sagot ko, umupo sa tabi niya, nilapag yung bag ko nang maayos.
"May announcement daw," dagdag niya agad, medyo lumapit pa.
Nice, gusto ko yung ganon. Mas madali kesa sa... kung ano mang nangyayari sa labas.
Pumasok ang professor ilang minuto lang ang lumipas, diretso agad sa harap.
"Today, we'll begin your midterm clinical project," sabi niya, walang paligoy.
Nagbago agad yung atmosphere, from noise to focus.
"Since you're entering applied diagnostics," dagdag niya, "you'll be working with Section A."
Ramdam ko yung collective shift sa room.
Yung sabay-sabay na pag-react, kahit hindi nila tinatapatan ng salita.
Of course they care.
"Cross-section collaboration," he continued, writing on the board, "pulse reading, meridian mapping, and herbal formulation based on case profiles." Mas napangiti ako.
Finally, something worth paying attention to.
"Groupings will be assigned," dagdag niya.
Even better. Narinig ko yung bulong ni Naila sa tabi ko.
"Girl..." Napalingon ako sa kanya, calm lang.
"Relax," sagot ko, hindi rin ako nag-aalala.
Kung sino man ang makagrupo konkaya ko.
Isa-isa niyang binasa yung names.b Pinaghalo ang Section A at Section B.
Tension rising with every pairing.
Hanggang sa "Aveline" Napatingin ako.
"...Group Three." Okay.
Mental note. "Kaelis" tahimik ang room.
"...Group One."
Hindi kami magka-grupo, good.
Narinig ko yung mga bulungan.
"Sayang-"
"Akala ko sila-"
"Mas interesting sana-"
Of course, they want a show. Pero hindi nila makukuha yun at least not the way they expect.
"Projects will be evaluated based on accuracy, application, and presentation," dagdag ng professor.
After class, hindi na ako nagtagal.
Hindi ako yung tipo na tatambay para lang makinig sa usapan ng iba.
May gagawin ako. Pero habang naglalakad ako palabas ng buildingbnaramdaman ko ulit.
Yung tingin, hindi galing sa lahat. Kundi specific.
"Aveline." Of course, huminto ako.
Dahan-dahan akong lumingon.bNakatayo siya ilang hakbang lang ang layo. Hindi na siya napapalibutan ng crowd ngayon.
Tiningnan niya ako, hindi nagmamadali. From head to toe like he's measuring something.
"Bida-bida." Napangiti ako.
"Bida bida saan? And for the groupings, project lang," sagot ko, simple. "Gusto ko lang pumasa buti nalang di tayo magka grupo"
Hindi siya natawa. "You always like that?" tanong niya, medyo nakataas ang kilay, voice smooth pero may edge. "Walking in like you own the place?"
Napahilig ako ng konti. "Hindi naman," sagot ko. "Naglalakad lang ako."
"Don't act like you're above everyone," dagdag niya, this time mas mababa ang boses. "Just because you made a scene."
Napatingin ako diretso sa kanya. "I didn't make a scene," sagot ko. "I ended one.
Then he exhaled softly, parang pinipigilan yung irritation.
"You're really something," bulong niya, more to himself.
"I've heard," sagot ko, that made him pause, a small scoff.
"Keep that energy," sabi niya, eyes locking into mine again. "You'll need it." Napangiti ako.
"I plan to." Hindi na ako naghintay, lumakad ulit ako.
Pero bago pa ako tuluyang makalayob narinig ko ulit.
Pero mas malinaw ngayon.
"This isn't really over."
Hindi ako lumingon. Hindi ko rin pinabagal yung lakad ko. Of course it isn't.