Kabanata 4
Hindi ko inexpect na magiging ganito katahimik.
Hindi yung usual na tahimik na awkward yung tipong walang nagsasalita dahil hindi magkakakilala
Iba, yung tahimik na may laman, focused.
Siguro dahil sa project. Siguro dahil pinaghalo ang Section A at Section B.
O siguro dahil may gustong patunayan ang lahat. Hindi ko na pinili pang alamin kung alin dun ang totoo.
Mas importante yung nasa harap ko.
“Group Three,” tawag ng professor.
Tumayo ako, kinuha yung printed case file, at bumalik sa pwesto namin.
Tatlo kami. Isang lalaki mula Section A halatang sanay sa pressure, pero medyo nag-aadjust pa.
Isang babae mula Section B mas tahimik, pero attentive.
“Hi,” bati ko, simple. “Hi,” sagot nila, may konting hesitation,expected.
Pero hindi ko hinayaan tumagal. “Let’s start,” sabi ko agad, binubuksan yung file.
Work mode, patient profile, late twenties.
Complaints: chest tightness, irritability, fatigue, irregular sleep.
Pulse description: wiry, slightly rapid.
Napahinto ako sandali. “Liver qi stagnation,” sabi ko agad. Napatingin sila pareho sa’kin.
“Wait, agad?” tanong nung lalaki, medyo hindi pa sigurado. I shrugged lightly.
“Check mo symptoms,” sagot ko, tinuturo yung paper. “Chest tightness, irritability plus wiry pulse.”
Tahimik siya saglit, nagbasa ulit. “okay,” sabi niya after a few seconds. “That actually fits.”
“Add slight heat,” dagdag ko, nagsusulat na ako. “Kasi may irritability at rapid pulse.”
“Right…” Mas naging maayos yung flow, ganito dapat.
“Anong herbs?” tanong nung babae sa group namin na kaklase ko. Napaisip ako saglit.
“Xiao Yao San base,” sagot ko. “Then adjust depending sa heat level.”
“Okay…” Sinusulat na nila, following.
Habang nagtatrabaho kami, unti-unti kong naririnig yung paligid, hindi naman malakas.
Pero enough.
“Grabe, ang bilis niya”
“Section B yan diba?”
“Bakit hindi yan nasa A”
“Same sila ni Kaelis”
Pero kahit hindi ako lumilingon alam ko. Alam ko kung saan nanggagaling yung pinaka-mabigat na presensya sa room.
Group One. Hindi ko siya kailangan tingnan para malaman kung paano siya magtrabaho.
Pareho lang, precise, walang wasted movement. Yung tipong hindi nagdadalawang-isip kasi sanay na tama siya.
Same. “Uy…” Napalingon ako saglit. Yung group sa likod namin, medyo mas maingay.
“…pareho silang mabilis”
“Ang unfair”
“Parang competition…”
Competition, hindi ko napigilang ngumiti.
“Focus,” sabi ko sa group ko, hindi ko pinansin yung usapan.
Mas lalo kaming naging mabilis.
Diagnosis, herbal formula, adjustments.
Nag-uusap kami, pero diretso, walang filler, walang unnecessary na discussion. By the time matapos namin yung first draft maayos na.
“Ang galing mo,” sabi nung kaklase ko sa group namin, this time hindi na niya tinatago. Napatingin ako sa kanya.
“Okay lang,” sagot ko, casual. Pero bago pa tuluyang matapos narinig ko ulit.
“Of course.” Napalingon ako.
Group One. Nakatingin siya sa paper nila, pero halatang may ibang iniisip.
“Bida-bida." There it is again.
Hindi ako nagsalita, hindi ko siya pinatulan.
Instead kinuha ko yung pen ko at tinuloy ko yung pagsusulat ko. Pero sa loob ko napansin ko. Bakit hindi niya ako ini-ignore.
Hindi rin niya ako tinatamaan ng direkta.
Pero pinapansin niya ako. And for someone like him that means something.
“Pass your outputs,” tawag ng professor.
Isa-isa kaming tumayo. Nagdala ng papers sa harap.
Pagdating ko nauna siya. Nakatayo sa harap, hawak yung paper niya, posture straight, expression controlled.
Hindi siya tumingin sa’kin.
Pero ramdam ko alam niya na nandun ako.
Binaba niya yung paper niya. Walang kalat.
Walang hesitation, magaling, hindi ko ikakaila.
Napatingin ako saglit. Then napangiti ako.
Because same, nilapag ko yung paper ko sa tabi ng kanya.
Pantay, walang mas mataas, walang mas mababa. At sa pagitan ng dalawang papel may tension.
Hindi visible, pero nandun, hindi na lang tungkol sa eksena sa labas. Hindi na lang tungkol sa sinabi namin. Kundi sa kakayahan.
“Interesting,” bulong ng professor, tinitingnan yung dalawang papel.
Hindi ko alam kung para kanino. Pero narinig ko. At narinig din niya. Hindi kami nagsalita, hindi rin kami nagtinginan.
Hindi pa tapos ang araw pero parang may na-prove na agad.
“Good work, group Three.” Napatingin ako, yung professor.
Nakatayo sa harap, hawak yung output namin, tinitingnan ulit parang may hinahanap na mali pero wala siyang makita.
“Accurate,” dagdag niya. “Clear reasoning. Balanced formulation.”
Narinig ko yung mahinang react ng iba sa room.
“Of course…”
“Siya yun eh…”
“Section B daw yan”
Napangiti ako ng konti.
“Group One,” dagdag ng professor, tinitingnan naman yung kabilang papel.
Tahimik ang room. “Also good.” Napatingin ako saglit kay kaelis. Same posture, same expression. Parang walang epekto.
Pero alam ko. Hindi siya yung tipo na okay lang sa “also good.” Hindi siya sanay na may kapantay.
And for some reason that made me smile a little more.
“Next,” sabi ng professor, ibinaba yung papers. “Practical.”
Finally, mas gusto ko ’to.
“Pair up,” dagdag niya, tumitingin sa listahan.
Narinig ko agad yung bulong ni Naila sa tabi ko.
“Please wag kayo…” Napalingon ako sa kanya. “Relax,” sabi ko, medyo natawa pa. Pero bago pa ako makadagdag. “Aveline.”
“Kaelis.” Narinig ko yung collective reaction ng room. Mas malakas ngayon.
“Of course—”
“Finally—”
“Grabe—”
People love this,tumayo ako, hindi nagmamadali. Naglakad papunta sa gitna ng room kung saan ginagawa yung pulse checking.
Nauna siya. Nakatayo na, arms crossed, expression unreadable, pero halatang ayaw niya.
Napahinto ako sa harap niya. “Hi ulit,” sabi ko, casual. Hindi siya sumagot agad.
Tiningnan niya lang ako
“Seriously?” sabi niya, medyo mababa ang boses, halatang hindi niya gusto yung pairing.
“Project,” sagot ko. “Hindi choice.” His lips pressed into a thin line.
“Find someone else,” sabi niya, diretso. Napataas yung kilay ko.
“Excuse me?”
“I don’t let people touch me,” dagdag niya, tone controlled pero may diin. “Especially not” Nag-pause siya, then looked at me.
“Enemies.”
“And especially not women.” Napangiti ako.
“Wow,” sabi ko. “Ang daming conditions.”
“Then follow them,” sagot niya agad. Napailing ako.
“Hindi pwede,” sabi ko, simple. “Graded ’to.”
“Not my problem.” Ang arte! Napahinga ako ng mahina.
Tinapik ko yung kamay niya, hindi malakas, just enough.
“Hey,” sabi ko, mas diretso na ngayon, “this is a project. Wag kang maarte.”
Biglang mas tahimik yung paligid. Narinig ko yung mahinang “oh..” ng iba. Wrong move? Maybe, worth it? Definitely.
Dahan-dahan niyang ibinaba yung tingin niya sa kamay niya. Then back to me.
“You really don’t know when to stop,” bulong niya. “Hindi ka rin,” sagot ko.
He exhaled softly. “Fine.” Finally, I stepped closer. Professional distance,nothing more.
Kinuha ko yung wrist niya. Light, steady, dalawang daliri.
Cun.
Guan.
Chi.
The moment I made contact napansin ko agad. Strong and clear but my tension.
“Relax,” sabi ko, hindi tumitingin sa kanya.
“I am,” sagot niya agad, hindi, I can feel it.
Pero hindi ko na sinabi. Instead, I focused.
Wiry, slightly tight, contained. Interesting.
“Done?” tanong niya, medyo impatient. “Almost,” sagot ko, still focused.
Then I let go and stepped back. “My turn,” sabi ko. He didn’t move agad.
Then slowly he reached for my wrist, mas magaan yung hawak niya, mas careful. And for the first time siya yung tahimik.
Hindi ako nagsalita. Hindi rin siya.
After niyang bitawan yung wrist ko, nandun pa rin siya nakatingin, hindi nagmamadali, parang may hinahanap na hindi niya pa ma-name.
Napataas ng konti yung kilay ko. “Done?” tanong ko, casual lang.
Hindi siya sumagot agad. Instead he tilted his head slightly, eyes still on me.
“You’re nervous.” Napakunot noo ko.
“Excuse me?” He smirked subtle, pero nandun.
“Your pulse,” sabi niya, tone calm pero may halong pang-aasar, “it’s not as steady as you think.” Napatingin ako sa kanya.
Steady. Then I almost smiled.
“Okay,” sabi ko, arms loosely crossing, “and?”
“And,” he stepped just a little closer, lowering his voice enough na kami lang halos ang makarinig, “it’s obvious.”
“Kinakabahan ka,” dagdag niya, this time softer.
“Because I’m in front of you.” napatawa ako.
Hindi ko napigilan. Mahina sa una hanggang sa napailing ako.
“In your dreams,” sagot ko, diretso.
Narinig ko yung mahinang react ng iba sa paligid. Of course, he didn’t laugh. Pero yung lips niya nag-curve ng konti.
“Denial,” sabi niya. “Confidence,” sagot ko agad.
Mas naging aware yung mga tao. Pero hindi ko na pinansin. Hindi ko siya bibigyan ng satisfaction.
“Sure,” bulong niya, eyes still scanning me, slower this time.
Napunta sa mata ko ang tingin niya. His expression shifted.
“you’re really trying,” sabi niya, napakunot noo ko ulit.
“Trying what?” He gestured lightly toward my face.
“Contact lenses,” sabi niya, tone flat pero may halong judgment. “Masyadong obvious.”
Napatawa ako ulit, this time mas malinaw.
“Excuse me?” sabi ko, medyo nakataas na yung kilay ko. He didn’t back down.
“If you’re going to pretend,” dagdag niya, “at least make it believable.”
Okay, that one slightly annoying. Pero hindi enough para magbago yung tone ko.
“Hindi ako nagpe-pretend,” sagot ko, mas diretso na ngayon, tumitingin sa kanya without breaking eye contact. “Totoong kulay ng mata ko ’to.”
Hindi siya agad nagsalita, Kita ko yung maliit na shift sa expression niya.
Hindi doubt, more like recalculating.
“Really?” tanong niya, this time mas mababa ang boses.
“Really,” sagot ko at inirapan siya.
He scoffed softly. “Of course,” bulong niya.
Pero this time hindi na ganon ka-confident.
Napangiti ako sa satisfaction.
“Anything else?” tanong ko. He looked at me for a second longer.
“No.” Maikli. Pero yung tingin niya hindi pa tapos.
“Good,” sabi ko, then I stepped back, distance.
At habang bumabalik ako sa pwesto ko ramdam ko pa rin yung tingin niya, naiinggit ba siya sa mata ko or dahil napahiya.