Kabanata 5
Quiet Spaces
Kailangan ko ng reference. Hindi yung basic.
Hindi yung nasa lecture slides. Something more detailed.
Herbal formulations. After ng project kanina, may isang part na gusto kong i-double check, yung balance ng heat at stagnation sa case namin.
Hindi siya mali, pero pwede pang mas precise. Kaya dumiretso ako sa library.
Naglakad ako sa pagitan ng shelves, eyes scanning the labels.
Herbal Medicine.
Traditional Formulas.
Advanced Prescriptions.
Kinuha ko yung isang libro, mabilis na tinignan yung index. Xiao Yao San.
Modified formulas.
Pero gusto ko pa ng isa, mas detailed.
Lumipat ako sa kabilang shelf.
“Excuse me…” Napahinto ako.
Hindi dahil tinawag ako kundi dahil sa boses. Familiar. Hindi ko na kailangan hulaan.
Mahina lang yung tono niya library voice but there’s still something in it.
Lumipat ako ng konti sa gilid, hindi obvious, just enough para makita ko.
And there he was.
Nakatayo sa kabilang aisle, bahagyang nakasandal sa bookshelf, kausap ang isang lalaki mula Section A.
Too close for casual,t he guy was smiling, obviously entertained. Of course he is.
Kaelis leaned slightly toward him, head tilted just enough, lips curved in that subtle way na hindi mo ma-classify kung friendly o something else.
Always intentional.
“I don’t usually entertain distractions,” narinig kong sabi niya, voice low, smooth.
Of course you don’t.
“Pero exception ako?” tanong nung lalaki.
Kaelis chuckled softly. “Maybe.”
Napailing ako ng mahina. Hindi ko na pinatagal. Lumipat ako sa kabilang shelf, hinanap yung kailangan ko.
Advanced herbal reference. Kinuha ko yung libro, binuksan saglit.
“Talagang sinusundan mo ako.” Napahinto ako. Dahan-dahan akong napalingon. Nakatayo siya sa likod ko ngayon.
Wala na yung lalaki.
Napataas yung kilay ko. “Excuse me?”
“Bakit ba lagi kitang nakikita?” dagdag niya, mas mababa ang boses ngayon.
Napangiti ako.
“You walk into every space I’m in,” sabi niya, “and you expect me to believe coincidence lang?”
I closed the book, dahan-dahan. Then tinignan ko siya.
“May kinukuha ako,” sagot ko. “Library ’to.”
“Hindi ako nag-iikot para hanapin ka.” Mas naging mabigat yung space. He looked at me longer this time.
“Right.” Hindi convinced.
Then I stepped slightly closer. “And Mr. Kae” sabi ko, matching his tone, his eyes flickered.
“hindi ito park para makipag-landian.” Narinig ko yung mahinang paghinga niya.
“Keep it down,” dagdag ko, tumingin saglit sa paligid. “Some of us are actually here to study.”
Kinuha ko yung libro ko. At dumaan sa tabi niya. Hindi ako lumingon. Just walking away.
Again. Pero bago pa ako tuluyang makalayo narinig ko yung mahinang tawa niya.
At sa kung anong dahilan mas lalo akong napangiti. Interesting, very interesting.
Hindi ko na pinatagal yung stay ko sa library.
Nakuha ko na yung kailangan ko isang mas detailed na reference for herbal formulations at honestly, mas gusto ko nang umalis bago pa ako maabutan ulit ng… kung ano man ang trip ni Kaelis for today.
Paglabas ko sa hallway, mas maingay na ulit.
Iba talaga yung transition. From silence to noise.
Naglakad ako nang diretso, hawak yung libro sa isang kamay, iniisip ko pa rin yung nabasa ko kanina—yung slight variation sa formula pero hindi ko rin maiwasan na mapailing.
Grabe talaga. Napangiti ako ng konti habang naglalakad. Ang taas ng confidence. Parang automatic lahat na lang magkakagusto sa kanya.
“Baklang ’yon,” bulong ko sa sarili ko, medyo natatawa.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.
Siguro both.
Hindi pa ako nakakalayo nang tuluyan nang marinig ko yung mabilis na hakbang sa likod ko.
“Aveline.” Dahan-dahan akong lumingon.
Nakatayo siya ilang hakbang lang ang layo.
“Babae.” Ganun na lang? Napataas yung kilay ko.
“Ano nanaman ba?” sagot ko, hindi ko na tinago yung tone. May konting react sa paligid. Of course meron.
Hindi naman kami discreet. He took a step closer. Hindi nagmamadali.
“All the girls,” sabi niya, medyo nakataas ang chin, parang statement lang, “and boys gusto ako.”
He looked at me. “Lahat,” diin niya ulit.
“And you” dagdag niya, slight tilt ng ulo, “lagi mo akong tinatarayan.”
Napatawa ako.
“Akalā mo okay ’yan?” tanong niya, voice softer now pero mas may edge.
Napahilig ako ng konti, parang iniisip ko pa.
“Anong okay?” sagot ko. “Yung hindi kita gusto?”
Narinig ko yung mahinang “nag aaway nanaman sila” ng isang dumaan.
His eyes narrowed just slightly.
“You think you’re different,” sabi niya. “Hindi,” sagot ko agad. “Hindi ko lang kailangan sumabay.”
“Please,” bulong niya, rolling his eyes just a little, “huwag ka ngang pa-special.”
Napatawa ako. “Pa-special?” ulit ko, medyo amused na ngayon.
“Yeah,” sabi niya, crossing his arms. “Yung tipong ‘I’m not like everyone else’ it’s giving effort.”
“Mas effort yung kailangan mo ng approval ng lahat,” sagot ko, hindi na ako umiwas sa tingin niya.
“I don’t need approval,” sabi niya agad.
“Right,” sagot ko, one word. Pero sapat.
He stepped closer. Mas malapit na ngayon.
“You’re annoying,” sabi niya, medyo mas diretso na.
“Mutual,” sagot ko. That almost made him smile.
Almost, pero pinigilan niya.
“Careful,” dagdag niya, this time mas mababa ang boses, halos kami lang ang makarinig. “Hindi mo alam kung kailan mauubos ’yang confidence mo.”
Napatingin ako sa kanya. “Hindi siya nauubos,” sagot ko.
Then I adjusted the book in my hand.
“At ikaw,” dagdag ko, medyo mas tahimik na ngayon, “again hindi porket gusto ka ng lahat, kailangan ko din.”
Hindi siya agad nagsalita.
Pero yung tingin niya hindi na lang irritation, hindi na lang ego, may halo na.
Something else. Then he exhaled softly.
“Unbelievable,” bulong niya. “I know right”
Hindi na ako naghintay, lumakad ulit ako.
Hindi ko pinakinggan kung may sasabihin pa siya.
Pagdating ko sa classroom,nothing new.
Umupo ako sa pwesto ko, nilapag yung libro ko sa desk, at binuksan agad kahit hindi pa nagsisimula ang class.
Habit lang.
Mas madaling mag-focus sa ganito kesa sa kung anong iniisip ng ibang tao.
“Ave.” Si Nalia, napalingon ako.
May halong excitement at concern yung mukha niya parang hindi niya alam kung matatawa ba siya o mag-aalala.
“Ano nanaman ginagawa niyo ni Kaelis?” tanong niya agad, halos hindi na nagpaligoy.
Napangiti ako. “Ang bilis ng balita, ha,” sagot ko, casual lang habang iniikot yung ballpen ko sa daliri ko.
“Girl,” sabi niya, lumapit pa ng konti, “hindi na balita ’yan, broadcast na ’yan.” Napatawa ako. Makes sense.
“Ewan ko dun,” sagot ko, nagkibit-balikat. “Hindi niya matanggap na ayaw ko sa kanya.”
“Na hindi ko siya type.”
Napapikit si Naila saglit, parang pinoprocess niya. “Grabe ka talaga,” bulong niya.
“Bakit?” tanong ko.
“Kasi…” napahinga siya ng mahina, “hindi nga kumakausap ng babae ’yon.”
Napataas yung kilay ko. “Unless,” dagdag niya agad, “circle niya. Yung mga… you know.” I know.
Yung mga kaibigan niyang same energy maalaga sa sarili, curated, controlled.
“Maaarte?” tanong ko, medyo nakangiti.
Napatawa siya. “Medyo.”
Napahilig ako sa upuan ko, iniisip saglit.
“Then that explains it,” sabi ko. “Huh?” napalingon siya. “Naapakan ko ego niya,” sagot ko, simple lang.
Tahimik si Naila saglit. “oo nga no,” sabi niya, realization slowly settling.
“Hindi siya sanay,” dagdag ko, tumitingin na ulit sa libro ko. “Sanay siya na siya yung pinipili.”
“And now” dagdag ni Naila.
“And now,” tinuloy ko, flipping a page, “hindi siya.”
“Delikado ka,” bulong ni Naila. Napangiti ako. “Bakit?”
“Because guys like him” she hesitated, then lowered her voice, “hindi sila basta bumibitaw.”
Napaisip ako. Hindi dahil natatakot ako—
kundi dahil… may point siya.
Naalala ko yung tono ni Kaelis kanina.
Yung tingin niya. Yung paraan ng pagsasalita niya hindi siya yung tipo na magmo-move on lang.
Hindi siya yung tipo na hahayaan lang.
“Good,” sabi ko. Napalingon si Naila. “Ha?”
“Mas interesting.” Napailing siya.
“Girl…”
“Relax,” sabi ko, tumatawa na ulit. “Hindi naman ako tatakbo.”
“I know,” sagot niya, pero halata pa rin yung concern.
Bumalik ako sa libro ko. Herbal formulas. Adjustments.
Mas madaling pagtuunan ng pansin. Pero kahit anong pilit kong mag-focus may isang bagay na hindi nawawala sa isip ko.
Hindi yung sinabi niya,hindi yung ginawa niya. Kundi yung paraan niya tumingin.
Mas mataga, mas diretso. Mas…aware.
“Uy,” bulong ni Naila ulit, naputol yung train of thought ko.
“Hmm?”
“Tingin mo ba…” she hesitated, then leaned closer, “type ka niya?” Napatawa ako.
“Impossible,” sagot ko. “Bakit?” Napatingin ako sa kanya.
“Hindi niya ako type at baklang bakla yun” sabi ko. “Hindi niya lang matanggap na hindi ko siya type.”
“may difference,” dagdag ko. Napatahimik si Naila. Hindi na siya sumagot.