Kabanata 6
Measured Heat
Mas mainit sa herbal clinic. Hindi yung init na galing sa panahon kundi yung galing sa loob.
Steam.
Herbal decoctions slowly boiling sa maliit na stoves, amoy ng pinaghalong halaman na hindi mo agad ma-describe, mapait, earthy, may konting tamis.
“Today,” sabi ng instructor, nakatayo sa gitna ng room, “you’ll be applying basic herbal treatment methods.”
Napatingin ako.
“Topical herbal paste and guided point application,” dagdag niya. “You will prepare, then apply.”
Apply.
Narinig ko agad yung mahinang bulong sa paligid.
“Same pairs,” dagdag niya, kapartner ko nanaman ang baklang Kaelis.
“Aveline” I already know. “Kaelis.”
Mukhang ayaw pa rin kami paghiwalayin ng universe. Paglapit ko sa assigned station nandoon na siya.
Nakatayo sa harap ng table, hawak yung mortar and pestle, pero hindi ginagamit.
Of course hindi. “Hi,” sabi ko.
Hindi siya sumagot agad, tiningnan niya lang ako.
“Don’t touch me.” Straight to the point.
“Hindi pa nga nagsisimula,” sagot ko.
“I’m serious,” dagdag niya, switching tone calm pero may halong arte, “I don’t like people putting things on my skin.”
Napataas yung kilay ko. “People?” ulit ko.
“Especially you.” Personal na.
“Wow,” sabi ko. “May special mention pa.” He didn’t smile.
Of course. “Prepare the paste,” utos ng instructor.
Kinuha ko yung herbs, dried leaves, roots, pinaghalo sa mortar, dahan-dahang dinurog.
Steady rhythm, crush,turn and press.
Habang ginagawa ko yun nararamdaman ko pa rin yung tingin niya. Hindi hostile. Pero hindi rin relaxed.
“Ang bagal mo,” sabi niya bigla, napangiti ako. “Quality control,” sagot ko. “Or nagpapapansin,” dagdag niya.
“Hindi lahat tungkol sa’yo,” sabi ko.
“Apply,” sabi ng instructor.
Kinuha ko yung prepared paste, nilagay sa maliit na container. At lumapit ako sa kanya, hindi siya gumalaw. Pero halatang ayaw niya.
“Give me your arm,” sabi ko, professional tone na, hindi siya sumunod.
“I said” dagdag ko.
“I heard you,” sagot niya agad. “I’m choosing to ignore you.”
Napatawa ako. “Hindi ka pwedeng mag-‘ignore’ sa graded activity,” sabi ko.
“Watch me.” Napahinga ako ng mahina.
Lumapit ako ng konti. “Kaelis,” sabi ko, mas mababa ang boses ngayon, hindi na playful, “this is not about you.”
Kinuha ko ng sapilitan ang braso niya, hinigpitan ko talaga.
“Wag kang maarte.” Narinig ko yung mahinang react ng ibang students.
“You’re really unbelievable huh,” bulong niya. “Thank you,” sagot ko agad.
“Happy?” tanong niya. “Very,” sagot ko.
Then I applied the paste. Light pressure, specific point, inner forearm, warm, slightly sticky.
“Don’t move,” sabi ko. “I’m not,” sagot niya.
Pero ramdam ko yung tension. Hindi siya relaxed.
“Too much,” sabi niya bigla, napatingin ako sa kanya. “Anong too much?”
“The smell,” sagot niya. “It’s… aggressive.”
Napatawa ako. “Herbs ’yan,” sabi ko. “Hindi perfume.”
“Obviously,” sagot niya. “Your turn,” sabi ko, umatras ng konti.
Lumapit siya, maingat baklang bakla ang kilos. Kinuha niya yung paste, hinawakan niya yung wrist ko, mas firm kaysa inaasahan ko.
“You’re not even flinching,” sabi niya.
“Why would I?”
“Interesting,” bulong niya, hindi na pang-aasar.
Then he applied the paste, mas precise, mas calculated, magaling.
Hindi pa tuluyang nawawala yung amoy ng herbs sa paligid, yung earthy na scent na kumakapit sa hangin kahit tapos na yung application.
Part ng proseso pero obviously hindi para sa lahat.
Napansin ko agad, hindi pa ako nakakatalikod nang tuluyan kinuha na niya yung tissue sa gilid ng table.
Dahan-dahan niyang pinunasan yung part ng braso niya kung saan ko nilagay yung herbal paste parang may kung anong kailangang tanggalin agad.
Napatingin ako sa kanya, hindi nagsasalita.
Just watching.
“Alcohol.” Napataas yung kilay ko.
“Ano?” He didn’t even look at me.
“Do you have alcohol?” tanong niya ulit, this time mas diretso, parang normal lang na request.
“Why?” tanong ko, kahit alam ko na yung sagot. Finally, napatingin siya.
“Because,” sabi niya, medyo mabagal, medyo maarte ang tono, “you just put something on my skin.”
“And I don’t know what that’s been in contact with.”
There it is, germs, pero ako lang talaga sinasabihan nito.
Hindi ko na pinigilan. “Herbs ’yan,” sabi ko. “Hindi unknown substance.”
“Still,” sagot niya, slight tilt ng ulo, “I don’t take risks.”
Kinuha ko yung maliit na bottle ng alcohol sa tray. Imbes na iabot nang maayos, ibinagsak ko sa dibdib niya.
“Here,” sabi ko, flat na yung tono ko.
Narinig ko yung mahinang react ng ibang students.
Napatingin siya sa akin ng dahan dahan.
“You’re aggressive.” Napangiti ako.
He stared at me for a second longer, kinuha niya yung bottle.
Binuksan niya at dahan-dahang nilagyan yung braso niya ng alcohol parang ritual, sobrang careful.
Parang kailangan niyang burahin yung kahit anong contact na nangyari kanina.
“Relax,” sabi ko. “Hindi ka naman matutunaw.”
“I’m not trying to,” sagot niya agad. “I’m just making sure.”
“Of what?” tanong ko. “That I stay clean.”
Interesting choice of words.
“Good for you,” sabi ko.
Parang hindi siya satisfied sa simpleng pagpunas, parang may gusto pa siyang i-prove.
“Done?” tanong ng instructor mula sa kabilang side.
“Yes, ma’am,” sagot ko agad.
“Good, clean your stations.” Finally.
Kinuha ko yung mga gamit ko, sinimulan linisin yung area pero bago pa ako tuluyang matapos, narinig ko ulit.
“You really don’t care, do you?” Hindi ako agad lumingon.
“About what?”
“About what people think,” sagot niya.
“Not really,” sagot ko,he just nodded.
After namin sa herbal clinic , dumeretso kami sa canteen dahil lunch break na.
Ito yung klase ng ingay na hindi mo mapipigilan tawanan, usapan, trays na tumatama sa tables, chairs na hinihila lahat sabay-sabay.
Bumili muna kami ni Naila ng pagkain namin.
“Dito tayo,” sabi ni Naila, hinila ako papunta sa isang table sa gilid.
Umupo ako, nilapag yung tray ko, at nagsimulang kumain na parang normal lang ang araw, which, technically it is.
“Okay,” sabi ni Naila, nakatingin sa’kin habang hawak yung fork niya, “kwento.”
Napatingin ako sa kanya. “Anong kwento?”
“Don’t act like wala,” sagot niya agad. “Clinic? Library? Hallway? Lahat yun?”
“Busy siya,” sabi ko, casual lang. “Maraming time.” Napatawa siya.
“Grabe talaga kayo, kung saan saan na kayo nakikita” sabi niya.
Napaisip ako saglit then I shrugged.
“Hindi naman, nagkataon lang” sagot ko.
Pero bago pa makadagdag ng sasabihin si Naila, biglang nag-iba yung ingay ng canteen. Nag-shift, mas mataas ang energy, sabay sabay, may sumigaw at tumili.
Napahinto si Naila. “Wait” sabi niya, napatingin sa entrance.
Hindi ko agad sinundan kasi alam ko nanaman na sino tinitilian nila.
Yung pagpasok niya, parang may sarili siyang gravity.
Ang masaklap hindi siya nag-effort, just walking in like the entire room adjusted for him.
May mga napatingin, may mga napangiti, may mga halatang kinikilig.
Expected naman talaga. Kaya nga ang dami niyang nirereject eh.
“Grabe…” bulong ni Naila sa tabi ko.
Napatingin ako just once. And there he was.
Same posture, same presence.
Pero this time he smiled, hindi yung full, yung subtle lang. Yung alam mong sapat na para mag-react ang lahat.
At nag-react nga sila, more whispers, more giggles. Consistent talaga mga fans niya kahit lagi siyang narereject.
Pero bago pa ako tuluyang makabalik sa pagkain ko nagtagpo yung mata namin, sagli lang.
Hindi siya umiwas. Napangiti siya ng konti, hindi playful pero sarcastic.
Automatic ko siyang inirapan, napaka sarcastic talaga nitong lalaking to.
Walang effort, then I looked away, back to my food. As if nothing happened.
“Did you just” bulong ni Naila, hindi makapaniwala.
“Hmm?” sagot ko, hindi tumitingin. “Inirapan mo siya,” dagdag niya. “Deserve niya yun.” sagot ko.
“Grabe ka talaga, Ave. Ang tapang mo kaya ka lagi inaabangan niyan eh”
“Normal lang,” sabi ko at itinuloy ko nalang ang pagkain ko, not minding him.