Kabanata 8
Bitter Notes
Nasa herbal lab kami ngayon, for tea. Unlike last time na pahid lang, ngayon iinumin.
Steam rising from small clay pots, herbs soaking in hot water, the air thick with that familiar earthy scent.. bitter.
“Today’s activity,” sabi ng instructor, hawak ang clipboard, “you’ll be preparing a calming decoction for insomnia and stress.”
“Pairs will remain the same.” As usual, ewan ko ba sa prof namin at ayaw palitan. Napakaarte pa naman ng Kaelis na yun.
Hindi ko na pinilit mag-react. Lagi siyang nauuna saakin.
Nakatayo, naka-lean nang konti sa table, arms crossed, expression already judging the entire setup nanaman.
“Please tell me we’re not drinking that,” sabi niya agad, nakatingin sa herbs na parang may kasalanan sa kanya.
“Drinking ’yan,” sagot ko, simple. He looked at me, then at the herbs, then back to me.
“Absolutely not, pulse, pahid and then this iinumin”
“You can't say no”
“Then I’ll fail,” sagot niya agad. “Sit,” sabi ko, hindi na playful yung tone ko this time.
Hindi ko alam pero sumusunod naman siya kahit napakaarte niya, dahan-dahan siyang umupo.
No choice siya dahil kailangan.
Kinuha ko yung herbs, red dates, dried roots, calming leaves, maingat kong hinugasan, then inilagay sa maliit na pot.
“Ang dami mong alam,” sabi niya bigla.
“Class ’to,” sagot ko. “Hindi lahat ganyan,” dagdag niya, ang dami niyang hanash sa buhay niya
“Same goes for you,” sagot ko. “Obviously.”
Habang umiinit yung decoction tahimik lang sjya.
“Kung hindi ka lang kakambal ni Aviel…” Napatingin ako agad. Tinaasan ko sya ng isang kilay ko.
“…you wouldn’t even be in this conversation,” dagdag niya, tone light pero may halong diin.
“Ah,” sabi ko, medyo nakahilig sa table, “type mo kakambal ko.”
“So what.” Maikli. “Sure?” tanong ko.
He leaned back slightly.
“I decide,” sabi niya, voice lower now, mas firm. “Not you.”
“Good for you,” sagot ko. Then I turned back to the pot. Honestly wala akong pakialam.
“Done,” sabi ko after a few minutes, pinatay ko yung heat.
Kinuha ko yung maliit na cup, sinalin yung tea. Dark and warm. Smells like something he will definitely hate. Perfect, inabot ko sa kanya.
“Inumin mo, para di ka maistress sa akin” Napatingin siya sa cup.
“This looks like punishment.” Napatawa ako.
“Treatment ’yan.”
“Same thing.”
Pero hindi niya kinuha. Kinuha ko yung cup at ininom ko ng diretso at walang reaction.
Then binalik ko sa harap niya. “Your turn.”
Tinitigan niya yung cup then kinuha niya. No choice siya pero ininom niya.
“…this is disgusting.” pag iinarte niya. “Expected.”
“People drink this voluntarily?” tanong niya, halatang offended. “Patients do.”
“Unbelievable.” Napangiti ako. “Para sa stress mo ’yan.” He looked at me.
“…I’m not stressed.”
“Sure sabi mo eh”
After ng masalimuot na pangyayari sa herbal lab kanina, dahil nga napakaarte ng kapartner ko, sa wakas may free time ako surprisingly buti naman. Mamaya pa yung sunod na activity.
Tahimik yung hallway, mas kaunti ang tao, parang huminga yung buong building saglit.
Finally. Naglalakad lang ako, hawak yung notebook ko, iniisip kung matutulog pa ba ako o mag-lilibrary.
“Avy.” Napatigil ako, napalingon.
“…Aviel?” Nakatayo siya sa dulo ng hallway, nakasandal sa wall, parang matagal na akong hinihintay.
“Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ko agad, lumapit sa kanya.
Ngumiti siya. “Hindi na ba ako pwedeng pumunta sa school ng kakambal ko?”
Napairap ako. “Hindi yun yung point.”
“Coffee,” sabi niya agad, parang wala lang. “Saglit lang" sabi niya “Saglit?”
“Libre ko.” okay libre ulit. “…saan?” tanong ko, napangiti siya. “Ikaw na bahala.”
“Fine.” Napatingin ako sa kanya ulit. “Pati sched ko inalam mo?” tanong ko.
“Kambal mo ako,” sagot niya. “Basic.”
“Ang creepy mo.”
“Accurate,” sagot niya.
“Aviel!” Napalingon kami pareho.
Kaelis.
Nakatayo sa kabilang side ng hallway, hawak yung bag niya, expression casual pero yung mata niya nakatingin diretso kay Aviel.
“Hi,” sagot ni Aviel, parang wala lang. “You’re here.” Napairap ako.
Of course he’s here.
“This is my school,” sagot ni Kaelis, medyo amused. “Anong ginagawa mo dito?” dagdag niya.
“Visiting Avy,” sagot ni Aviel, tumango papunta sa’kin. “Coffee.” Napatingin si Kaelis sa’kin.
Saglit lang at inirapan ako ng baklang to!
“Enjoy your coffee,” sabi niya, tone light pero may something.
“Let’s go,” sabi ko kay Aviel, hinili ko na siya dahil naiinis ako sa presensya ng baklang yan.
Nakarating kame sa tahimik na coffee shop.
Warm lights, soft music, minimal design.
Exactly what I needed.
Umupo kami, umorder simple lang. Iced latte for him, hot tea for me.
“Okay,” sabi ni Aviel, nakasandal sa upuan niya, nakangiti na naman. “may kwento ka ba?”
“Wala.”
“Meron,” sagot niya agad. “Wala nga.”
“Baka naman ma-fall ka doon,” sabi niya, diretsong-diretso.
Napahinto ako. “…excuse me?”
“Kaelis.” Napairap ako. “Never, never,” sagot ko agad. Napatawa siya.
“Grabe ka mag-deny.”
“Hindi ako nagde-deny,” sagot ko. “Wala lang talaga.”
“Wala?” ulit niya. “Wala,” ulit ko.
“nakakainis lang talaga siya, yun lang” Napangiti siya. “Ah.” That tone.
“Anong ‘ah’?” tanong ko. “Nothing,” sagot niya, pero halatang meron.
“Don’t start.” Pagbabanta ko.
Nag usap lang kami ng kung ano ano ni Aviel.Pagbalik ko sa school, ibang energy na ulit, may second activity kami for today.
Back to him.
The clinic was already set up when I arrived.
White beds lined neatly, trays prepared, sterile tools arranged with precision. Mas seryoso yung atmosphere ngayon.
“Today, we’ll proceed with basic acupuncture application,” sabi ng instructor, steady ang boses, walang room for distraction.
Napatingin ako sa tray, needles, manipis and precise. Hindi na bago, marunong na kami.
Pumunta na ako sa assigned area, nandoon si Kaelis. Nauuna kasi mag announce sakanila.
Nakatayo siya, tahimik, nakaayos na yung sleeves niya, parang ready. At least… yun yung itsura.
“I have no problem being needled,” sabi niya agad, hindi pa nagsisimula ang activity.
“Good,” sagot ko, simple.
“I just don’t wanna do it with you.” Napakunot noo ko. “What?”
He didn’t even hesitate. “I can’t focus if I’m working with my enemy,” dagdag niya, tone calm pero malinaw ang diin sa bawat salita. “I’d rather be paired with someone else.”
May mga nakarinig, may mga nagkunwaring hindi. Napangiti nanaman ako sarcastically. Hindi ako natutuwa. At seryoso siya sa sinabi niya.
“Then don’t,” sagot ko. Hindi ako nagpatalo, hindi ako nag-raise ng voice, hindi ko rin siya pinatulan sa level niya.
Tumalikod ako, diretso sa professor.
“Ma’am,” sabi ko, maayos ang tono, walang emosyon na halata, “I think Kaelis is too scared to work with me.”
Narinig ko yung mahinang react sa paligid.
Hindi ko pinansin.
“So can I ask to exchange partners?” dagdag ko, calm pa rin. “Don’t worry, I’ll still do my best.” Tahimik saglit ang professor.
Napatingin siya kay Kaelis, then sa’kin. Assessing. “Fine,” sabi niya. “Switch.”
Narinig ko yung bulungan, mas malakas na ngayon. Pero sa wakas hindi na maarte kapartner ko.
“Group with him,” sabi ng professor, tinuro yung isang lalaki mula Section A.
Familiar face. Yung tipong laging nakatingin pero hindi lumalapit. Ngayon nakatingin pa rin.
Pero mas… ready. “Hi,” sabi niya agad, medyo kinakabahan pero halatang excited.
“Hi,” sagot ko. “Ready?” tanong niya.
“Yeah.”
Mas madali, mas tahimik ang kapartner ko.
Habang sa kabilang side napansin ko.
Pinartner siya sa isang babae mula Section A, magaling din. Calm.
Opposite ko, mas bagay sa kanya, siguro. Mas… comfortable.
Sinimulan namin yung procedure,marking the points, cleaning the area.
Steady hands, controlled breathing. Hindi ko na iniisip yung nangyari kanina.
Pero kahit anong pilit kong i-ignore naiinis ako sa kaartehan niya.
Mabilis lang ako tumingin, just once, at nahuli ko siya, hindi sa partner niya, kundi sa’min, saglit lang. Kasalanan niya yan, alam ko isa to sa babaeng nag sabing gusto niya si Kaelis, bahala siya at least ako medyo maldita sakanya.
“Okay ka lang?” tanong ng partner ko. “Yeah,” sagot ko agad.
“Steady ka,” sabi niya. “Practice,” sagot ko.
“Done,” sabi ko matapos ang last point, maayos at malinis kong nagawa.
“Ang galing mo,” sabi ng partner ko, hindi na niya tinago. “Okay lang, you too” sagot ko, yung ngiti niya parang ngiting panalo.
Evaluation na.
“Finish your applications and step back,” sabi ng professor, umiikot sa bawat station.
Sumunod ako.
Maayos kong inayos yung tray, tinanggal yung gloves, at umatras ng konti para makita niya nang maayos yung ginawa ko.
Kasi alam ko malinis.
Narinig ko yung mahinang buntong-hininga ng partner ko.
“Grabe,” bulong niya. “Ang smooth mo talaga gumawa.”
Dumating ang professor sa station namin.
Tahimik siya habang tinitingnan yung points, yung placement, yung spacing.
Hindi siya agad nagsalita. Sinundan lang ng mata niya yung bawat detail parang hinahanap kung may mali.
“Good,” sabi niya finally.
“Very clean application,” dagdag niya, mas malinaw na ngayon ang tono. “Accurate points. Steady hands.”
Narinig ko yung bulungan sa paligid.
“Section B yan diba?”
“Grabe”
“Ang galing”
Pero kahit hindi ko tingnan alam ko kung saan nanggagaling yung pinaka-mabigat na tingin. Hindi ko kailangan hanapin.
“Keep it up,” sabi ng professor, tumingin sa’kin ng diretso bago lumipat sa susunod na group.
Napangiti ako ng konti. “Thank you, ma’am.”
Pag-alis niya mas lumakas yung usapan.
“Grabe ka,” sabi ng partner ko, this time mas relaxed na. “Hindi ako kabado kasi ikaw yung gumawa.” Napatawa ako ng mahina.
“Team effort,” sagot ko.
Habang nag-aayos ako ng gamit ko napatingin ako sa kabilang side.
Nakatayo siya sa pwesto niya, tapos na rin, maayos din ang gawa, hindi siya basta-basta.
Pero hindi sa gawa niya napunta yung atensyon ko.
Kundi sa kanya, hndi siya nakatingin sa professor, hindi rin sa partner niya. Kundi sa’kin. Naiinis nanaman tong bruhang to saakin.