Kabanata 9
Paglabas ko ng building, malamig ang hangin yung tipong sapat para maramdaman mo na tapos na ang stressful na araw.
Huminto ako sa harap ng isang maliit na grocery.
Pumasok ako, agad akong sinalubong ng malamig na hangin at ilaw na hindi masakit sa mata.
Maayos ang ayos ang shelves, organized, madaling hanapin ang kailangan.Kinuha ko yung basket, dumiretso sa fresh section.
Chicken, hindi yung naka-cut na agad, yung buo. Pinili ko yung pinaka-okay hindi masyadong malaki, hindi rin maliit.
Then lumipat ako sa kabilang aisle.
Herbs, red dates, goji berries and dried roots. Isa-isa kong kinuha, maingat, parang may sariling rhythm.
Habang naglalakad ako sa loob ng grocery, hawak yung basket na unti-unting napupuno napangiti ako. Naalala ko yung sinabi ng instructor kanina. Yung tungkol sa balance. Hindi lang sa katawan, kundi sa buhay.
Too much stress, too much tension, kailangan ng counter.
Kaya gagawa ako ng soup ngayon. Hindi lang basta pagkain, treatment din ito para sa katawan.
Napahinto ako sa harap ng spices luya and garlic. Kinuha ko pareho.
Hindi kailangan maging complicated. Basta tama ang kombinasyon ng lulutuin mo.
Complete na, pagdating ko sa counter, mabilis lang, nagbayad ako agad.
At paglabas ko ulit mas malamig na yung hangin.
Pagdating ko sa condo nakita ko agad si Aviel, nakahiga sa sofa, hawak ang phone parang wala lang.
“Finally,” sabi niya, hindi man lang tumingin agad. “Akala ko hindi ka na uuwi”
“Ewan,” sagot ko, nilapag yung grocery bag sa counter, napalingon siya.
“Oho,” sabi niya, tumayo. “May project?”
“Hindi.”
“Then?” Tinanggal ko yung jacket ko, inayos yung buhok ko nang konti.
“Gagawa ako ng soup.” Napatingin siya sa’kin, mas interesado. “For me?” tanong niya.
“hmmmm,” sagot ko “Grabe, special treatment.” Inirapan ko siya, napatawa siya.
“Mas gusto ko ’yan.”
Sinimulan ko na ihanda ang ingredients.
Hiniwa ko yung luya, inayos ko yung mga herbs habang nagpapakulo ng sabaw.
Natapos ko na yung soup, nakapagsaing na rin ako, at honestly, amoy pa lang, alam ko nang tama yung timpla ko.
“Swerte mo,” sabi ko kay Aviel habang inaayos ko yung mangkok. “Libre ka na naman.”
“Favorite ko na yan,” sagot niya, naka-cross arms habang nakasandal sa counter, parang judge sa cooking show.
“Hindi mo pa nga natitikman.”
“Trust issues ka lang,” balik niya.
Napahinto ako, napatingin kami pareho sa pinto.
“wala naman akong inimbitahang bisita ha?” sabi ko, nakakunot noo.
Napangiti si Aviel, medyo suspicious.
“Ako na,” sabi niya, parang siya pa yung excited. “Hoy” habol ko, pero huli na.
Binuksan niya na yung pinto. “…what.”
Napahinto ako sa gitna ng kusina.
Nakatayo sa labas si... Kaelis.
Napatingin ako kay Aviel. “You invited him?” tanong ko, hindi ko na tinago.
Ngumiti siya, it means oo, proud pa.
“My twin sister cooked soup,” sabi niya kay Kaelis na parang proud na proud. “You should try. Mahilig ’yan magluto.”
Hindi agad nagsalita si Kaelis, tumaas lang yung kilay niya,tiningnan muna ako.
Then yung loob ng condo,then bumalik ulit sa’kin, ang kapal, talaga naman.
“Eh bakit mo pinapunta ’yan dito?” sabi ko kay Aviel, medyo pabulong pero halatang inis.
“We’re friends,” sagot niya agad. “Plus, you’re schoolmates.”
“And partner sa projects.”
Napairap ako. “Schoolmate, oo. Partner?” sagot ko. “Hindi na.”
Napatingin ako sa kanya. “Excuse me?”
As ako ang nag-invited.
“Alright,” sabi niya, tinanggal yung jacket niya, parang siya pa yung may-ari ng place. “Let me taste what you cooked.”
Napakunot noo ko, grabe talaga tong baklang to, wala na akong nagawa.
Gusto ko na talagang sabunutan si Aviel sa gilid. Pero bisita at inimbitahan para kumain, hindi ako pinalaking bastos.
Kaya huminga ako ng malalim, nag-adjust na lang ako.
“Ingat ka,” bulong ko kay Aviel habang dumadaan ako sa tabi niya. “Mamaya baka may biglang sumabunot sayo.” Napatawa siya.
“Worth it.”
Inayos ko yung mesa,plates spoon and bowls. Hindi ko pinapakita, pero maalaga talaga ako sa ganito.
Nilagay ko yung soup sa gitna,mainit pa, may steam pa na umaangat.
“Wow,” sabi ni Aviel, lumapit agad. “Amoy pa lang, panalo na.”
“Tikman mo muna,” sagot ko.
Umupo si Kaelis, pero halatang ino-observe lahat.
“Here,” sabi ko, inabutan siya ng bowl, hindi siya nagsalita, tinanggap lang niya.
Dahan-dahan siyang kumuha ng sabaw, tinignan muna, inamoy. Napaka arte.
Pero tinikman niya, mas matagal kaysa expected. Napatingin ako sa kanya, hindi ko sinasadya.
“…not bad.” Napairap ako.
“Wow,” sabi ko. “Coming from you, achievement na ’yan.” Hindi siya sumagot agad.
Kumuha ulit siya ng sabaw, mas marami this time.
“Medyo maayos,” dagdag niya. “Translation,” sabi ni Aviel, “masarap.”
Napairap si Kaelis. “Don’t put words in my mouth.”
“Hindi na kailangan,” sagot ni Aviel.
“Eat na lang,” sabi ko.
Weirdly… comfortable, pero hindi pa rin ako kampante.
Natapos na rin kaming kumain.
“Okay,” sabi ko, tumayo, kinuha yung mga plato. “Ako na bahala dito. Umupo na lang kayo doon, manuod kayo or kung gusto niyo dessert, may nasa ref.”
“Grabe,” narinig kong sabi ni Aviel habang papunta ako sa sink. “Maalaga talaga ’yan si Avy. Swerte ng magiging boyfriend niyan.”
Napubo ako, literal.
“Tumigil ka nga,” sabi ko, hindi ko siya nilingon, pero halatang inis na may halong hiya.
“Anong tumigil?” sagot niya, natatawa. “Totoo naman.” Napailing ako habang binubuksan yung gripo.
Inisa-isa ko yung plato.
Tahimik lang si Kaelis, hindi siya sumasabat, hindi rin siya tumatawa. Nakikiramdam lang.
“Anong dessert?” tanong ni Aviel mula sa sala. “May cheesecake,” sagot ko. “Wow,” sabi niya. “All in na.”
Habang naghuhugas ako, naririnig ko yung mahinang usapan nila. Hindi ko rin pinipilit pakinggan.
Pero may isang moment tumahimik. Yung tipong napansin ko kahit hindi ako nakatingin. Kaya napalingon ako.
Si Kaelis nakatingin sa’kin, diretso. Hindi ko agad inalis yung tingin ko. Hindi ko rin siya tinanong kung bakit.
Pero bago pa tumagal unirap siya, parang wala lang. Napairap din ako ng mahina.
“Drama,” bulong ko sa sarili ko.
“May sinabi ka?” tanong ni Aviel. “Wala,” sagot ko agad.
Tinapos ko yung huling plato, pinatuyo ko yung kamay ko, then humarap ako sa kanila.
Napatingin ako kay Kaelis kasi hindi niya ginalaw yung cake niya.
“Hindi ako mahilig sa matamis,” sabi niya.
Then tumingin siya sa’kin. “pero sige.”
“Bili lang ako ng beer,” sabi ni Aviel bigla, at biglang tumayo, kinapa yung wallet niya. “Sandali lang.”
Hindi na ako naka-react agad.
“Hoy” habol ko sana, pero nakangiti lang siya habang papunta na sa pinto.
“Bonding muna kayo,” dagdag pa niya bago tuluyang lumabas.
Tahimik, as in tahimik talaga, naiwan kaming dalawa lang, nakatutok lang kami sa TV. May tumatakbong movie, pero honestly hindi ko na sinusundan, ang awkward kaya.
Naririnig ko lang yung background music. At yung sarili kong paghinga.
At siya. Nasa kabilang side ng sofa. Sakto lang para maramdaman ko yung presence niya kahit hindi ako tumitingin.
Ilang minuto kaming ganon, walang nagsasalita.
“Girl…” Napalingon ako.
“I think you’re not bad pala,” sabi niya, kalmado lang, parang normal na observation. “Kahit pinahiya mo ako before.” Napataas yung kilay ko.
“Well,” dagdag niya, bahagyang naka-lean sa likod, “maasikaso ka naman pala.”
“Wow,” sabi ko, hindi ko napigilan. “Coming from you.” Hindi siya ngumiti.
“Don’t get used to it, Aveline,” sagot niya, diretso.
“Trust me,” sabi ko, ibinalik ko yung tingin sa TV, “hindi ko ’yan balak.
“Alam mo,” sabi ko bigla, hindi ko na rin napigilan, “naiinis ako sa’yo.” Napalingon siya hindi nagulat.
“I know” tanong niya. “Yeah,” sagot ko. “Kakareject mo ng tao, parang ewan.”
“Hindi mo ba naiisip na nakakasakit ka?” dagdag ko.
“Bakit?” tanong niya, mahina lang pero malinaw. “Ikaw ba yung nasasaktan?”
Tumingin ako sakanya ng diretso.
“Hindi,” sagot ko agad. “Then why do you care?” dagdag niya. “Hindi ko kailangan masaktan para mapansin na mali,” sagot ko.
“Girl,” sabi niya, medyo pababa yung boses, “di mo talaga ako type?”
Napatitig ako sa kanya. “Over my dead body.” Walang hesitation.
Biglang pumasok si Aviel. Napatingin kami parehas sa TV. Inilapag ni Aviel ang sandamakmak na beer.
"Aviel, napakadami naman niyan!" Singhal ko, nakangisi lang siya.
"Tatlo naman tayo, tsaka nandito si Kaelis, mukang nag iinom din. Right Kaelis?" Tinignan ni Aviel si Kaelis. Tumango lang ito at ngumiti.
Oh no.. this is not good.