Kabanata 10

A Little Too Warm

“Miss niyo ba ako?” tanong ni Aviel, nakangiti, hawak yung beer. “Hindi,” sagot ko agad. “Sinungaling.”

Hindi na ako nakipag-away. Kinuha niya yung mga bote, isa-isa niyang nilapag sa mesa.

“Game?” tanong niya.“Anong game?”

“Inom,” sagot niya, parang obvious. “Light lang,” dagdag niya.

Napatingin ako kay Kaelis. Nakaupo lang siya, tahimik, pero halatang game.

“Don’t tell me hindi ka umiinom,” sabi niya, medyo naka-tilt yung ulo, parang hinahamon.

Napairap ako. “Umiinom ako,” sagot ko. “Hindi lang ako naglalasing.”

“Same,” sabi niya agad.

Sure sabi mo eh.Hindi ko alam kung paano napunta sa ganon, pero after a few minutes bukas na yung mga bote.

At nagsimula na.

“Cheers,” sabi ni Aviel, tinaas yung bote niya. “Cheers,” sagot ni Kaelis, napatingin sila sa’kin.

“Fine.” Tinapik ko yung bote ko sa kanila.

Unang bote okay lang, second medyo mainit, third ramdam ko na.

Tahimik lang ako habang sila nag-uusap.

Mostly si Aviel at surprisingly sumasabay si Kaelis.

“Hindi ka mukhang malakas uminom,” sabi ni Aviel sa kanya. “Hindi rin ikaw,” sagot ni Kaelis.

“Wow,” sabi ni Aviel. “Underestimate mo pa ako.” Napatawa si Kaelis.

Actual na tawa, first time ko siyang nakitang tumawa ng ganon. Well kasi lagi siyang masungit sa school.

Hindi ko napansin na napatingin na pala ako. Medyo… iba, at hindi yung usual niyang tono.

“Eh ikaw?” tanong ni Aviel, tumango papunta sa’kin. “Kaya pa ba?”

“Kaya ko pa,” sagot ko.

Pero honestly hindi na, ramdam ko na yung init sa mukha ko, yung tipong kahit hindi ka tumingin sa salamin alam mong namumula ka na.

“Sure ka?” tanong ni Kaelis, this time siya yung nagsalita. “Yeah,” sagot ko.

Hindi ako nag-back down, kahit alam kong medyo tipsy na ako. Napangiti siya “Liar.”

“Mas mukha kang tipsy,” balik ko. “Impossible,” sagot niya agad.

Napatawa si Aviel. “Pareho kayong in denial,” sabi niya. “NO!,” sabay naming sagot ni Kaelis.

Napahinto kami, napatawa si Aviel ng malakas. “Grabe,” sabi niya. “Nagkakasundo na kayo.”

“Wala kaming pinagkakasunduan.”

“Sure,” sabi niya, hindi naniniwala.

At kahit hindi ako masyadong sumasali sa usapan nakikinig lang ako napapansin ko, yung paraan ng pagsagot ni Kaelis, yung tone niya, mas less harsh.

Mas less defensive. At paminsan napapatingin siya sa’kin at iniirapan ako.

Napahinga ako ng mahina. Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa kanya.

Pero mas mainit na yung pakiramdam ko.

“CR lang ako,” sabi ni Aviel, tumayo na hawak yung bote niya. “Wag kayong mag-away ha.”

“Wala kaming pake,” sagot ko.

“Sure,” sabi niya, tumatawa habang papunta na sa banyo.

“Ang weak mo, girl.” Si Kaelis.

Naka-lean sa sofa, nakatingin sa’kin, may smirk.

“Para ka nang kamatis,” dagdag niya, tinuturo pa yung mukha ko.

“Tigilan mo ’ko, bakla,” sabi ko, medyo lutang na rin. “Baka masabunutan kita.”

Napangiti siya, mas lalo. Tumayo siya at lumapit, nagulat ako, hanggang sa tumapat siya sa harap ko, nakaluhod.

“Sige,” sabi niya, yumuko pa ng konti para pumantay sa’kin. “Try mo.”

Napakurap ako, ang lapit sobrang lapit. At sa totoo lang medyo nakakatawa. Hindi ko napigilan.

“Okay,” sabi ko, hindi ko na rin alam kung anong iniisip ko. “Count.”

Napataas yung kilay niya. “Count?”

“1… 2… 3…” sabi ko, nakangiti.

Napapikit siya, as in legit. Hinintay niya na sabunutan ko siya.

At sa sobrang random ng moment may naisip ako. Hindi ko na inisip kung tama ba.

Hindi ko na rin inisip kung bakit.

Lumapit ako ng konti at....

Saglit lang, sa labi, umatras ako agad.

Tahimik,as in tahimik. Nakatitig lang siya sa’kin. Hindi gumagalaw. Hindi nagsasalita.

Parang nag-hang.

“O—oh my God—” Bigla siyang umatras.

“Omg did you just kiss me???” sabi niya, halatang nagpa-panic. “Omg tissue—tissue—alcohol—what is wrong with you?!”

Napatawa ako ng malakas.

“I never kissed a girl!” dagdag niya, hawak yung labi niya na parang nasaktan. “Ew, Aveline!” Mas lalo akong natawa.

“Arte mo!” sabi ko, halos hindi na makahinga kakatawa.

“Don’t laugh!” sabi niya, pero halata naman na wala na siyang control.

“Relax!” sagot ko. “Smack lang ’yon!”

“Still!” sagot niya agad.

Biglang bumukas yung pinto. “Anong nangyari—” Si Aviel, napatingin siya sa’min.

“…bakit ka mukhang namatay sandali?” tanong niya, napatawa ako ulit.

“Wala,” sabi ko agad. “Nag-iinarte lang ’yang bakla.”

“Excuse me—” sabi ni Kaelis, pero hindi niya tinuloy. Napailing si Aviel.

“Sure,” sabi niya, hindi naniniwala.

Tumayo ako.

“Mauna na ’ko sa kwarto,” sabi ko, inaayos yung buhok ko kahit alam kong magulo na. “Bahala na kayo kung matutulog kayo sa kabilang kwarto.”

Hindi na ako naghintay ng sagot, diretso na ako sa loob, pagpasok ko sa banyo napahinga ako ng malalim.

Mainit pa rin yung mukha ko, hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa ginawa ko.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin, napatawa ako ulit.

“Baliw,” bulong ko.

“Avy! Avy!”

“Gising na, late ka na!” Napapikit ako, mas madiin. “Avy—”

Napaupo ako bigla. “Oh shit.” Hinila ko yung kumot, tumingin sa oras. “Late na ako!”

Tumayo ako nang sabay-sabay ang galaw, hanap ng damit, hanap ng hair tie, kung ano-ano na nahuhulog.

“Buksan mo ’ko,” sabi ni Aviel sa labas. “Wait!” sagot ko, nagmamadali.

Pagkabukas ko nakasandal siya sa pinto, naka-cross arms, nakangiti.

“Good morning,” sabi niya. “Walang good sa morning na ’to,” sagot ko, diretso na sa CR.

Mabilis akong naligo, toothbrush, hugas mukha,ayos buhok.

Hindi ko na pinatagal. Paglabas ko, hinablot ko yung bag ko.

“Nasaan na si bakla?” tanong ko, hindi ko na in-sugarcoat.

Napangiti si Aviel. “Umuwi kagabi,” sagot niya. “Nag-taxi.”

“Talaga ba?”

“Yeah,” sabi niya. “Mukhang wala sa mood.

Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kagabi. Yung paghalik ko, napapikit ako as in madiin.

“Why did I do that…” bulong ko sa sarili ko.

Napatingin si Aviel “Do what?”

“Wala,” sagot ko agad.

“Late na ’ko,” sabi ko, suot na yung sapatos ko. “Bye.”

“Avy—” tawag niya, pero nakaalis na ako.

Mabilis yung lakad ko papasok ng campus.

Hindi ko na pinansin yung paligid, yung mga tao.

Hanggang sa napahinto ako. Sa loob pa lang ng campus may naglalakad din, si Kaelis. Late din si bakla? Grabe naman talagang timing to oh. Narinig ko agad yung bulungan.

“Late din siya—”

“Pareho sila—”

Hindi ko sila pinansin. Pero siya napansin ako. At bago pa ako makaiwas hinila niya ako.

“Hoy—”

“Omg, Aveline, what have you done?!” sabi niya agad, halos pabulong pero halatang gigil. “Kadiri! Why did you kiss me?!”

Napatingin ako sa kanya. “Ha?” sabi ko.

“…wala akong maalalang hinalikan kita.”

As in tumigil siya.

“Freaking..real?” sabi niya, parang hindi makapaniwala. “Ganon na lang ’yon? Yung pagkababae ko, nabastos tapos wala lang sa’yo?” Napairap ako.

“Baliw,” sagot ko, diretso “Nagha-hallucinate ka na.”

“Don’t—” sabi niya, pero hindi niya natapos.

“Late na ’ko,” dagdag ko, tinanggal ko yung hawak niya sa braso ko. “Mamaya na lang. Bye.”

Tumakbo na ako, as in diretso, hindi ko na nilingon, alam kong aabangan nanaman ako ng baklang yan mamaya.

At habang tumatakbo ako papasok napatawa ako sa reaction niya, sobrang diring diri ang bakla.

Hindi ko alam kung bakit. Pero isang bagay lang yung sigurado, hindi ko siya papayagang kontrolin yung nangyari, alam kong ipagkakalat niya yun. Ready na akong mabash or mapag usapan ulit.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.