Kabanata 11
Unsaid Things
Hindi ko siya pinansin buong umaga. As in literal sa project ng section A and B.
Kahit naramdaman ko na nandiyan siya kahit ilang beses kong nahuli yung tingin niya, wala hindi ko talaga siya pinansin.
Pagdating ng lunch, dumiretso ako sa canteen.
Umupo ako, nagsimula kumain, tahimik lang, ini-scroll yung phone ko para hindi na mag-isip.
Hanggang sa may umupo sa harap ko.
“Girl.” Napairap ako agad, ito nanaman siya.
Of course. “Hindi ka ba napapagod?” sabi ko, hindi pa rin tumitingin.
“Hindi,” sagot niya agad.
Diretso lang ang tingin sa’kin, parang wala siyang balak umalis.
“Bakit ka sumusunod?” tanong ko, napataas yung kilay niya. “I’m not following you,” sagot niya. “Sure.”
Mas malapit siya ngayon, hindi katulad dati na laging may distance.
“Hindi mo talaga naaalala?” tanong niya ulit.
Napahinga ako ng mahina.
“Kaelis,” sabi ko, this time tumingin na ako sa kanya, “ilang beses mo pa ba uulitin ’yan?”
“Until you admit it,” sagot niya agad. “Wala akong iaa-admit kasi wala akong maalala,” sagot ko.
Mas lalo pa siyang nag-lean forward.
“It’s really impossible,” sabi niya, mas mababa ang boses ngayon, “na hindi mo matandaan yung ginawa mo.”
“Bakit ba paulit-ulit ka?” sabi ko, medyo nakahilig na ako sa mesa, hindi na rin ako umiwas. “Gusto mo gawin ko dito ulit?”
Nagbago ang expression niya, tumigil siya at napatulala, hindi nakasagot at hindi gumagalaw.
“See?” sabi ko. “Bigla kang natahimik.”
Napakurap siya. “Don’t” sabi niya, pero hindi niya tinuloy. “Don’t what?” sagot ko.
“Eww,” sabi niya bigla, napailing pa. “Kadiri. Nanghahalik ka na lang ba basta-basta?”
Napatawa ako, walang pigil.
“Omg, Aveline,” dagdag niya, hawak pa rin yung ulo niya na parang na-trauma. “Ang playgirl mo.” Mas lalo akong natawa.
“Playgirl?” ulit ko, halos hindi makapaniwala. “Sino kaya sa’tin mas talandi?” Napahinto siya.
“Excuse me?” sabi niya, taas noo agad.
“Type mo nga kakambal ko,” dagdag ko, casual lang, pero diretso.
Saglit siyang natahimik. “So what?” sagot niya, parang wala lang.
“So what?” ulit ko. “So meaning, hindi ka rin ganon ka-special.” Napakunot noo siya.
“I never said I was,” sagot niya. “Pero akala mo,” balik ko agad.
“Girl, you kissed me,” sabi niya, medyo pababa yung boses, mas seryoso na konti. “You don’t get to act like nothing happened.”
“Then what?” sabi ko. “Gusto mo ulitin ko nga para maalala ko?” pag uulit ko.
“See?” sabi ko. “Ikaw ’tong affected.”
“Hindi ako affected,” sagot niya agad.
“Sure,” sabi ko. “Hindi nga,” ulit niya.
“Okay,” sabi ko, tumayo na, kinuha yung tray ko. “Convince yourself.”
Pero bago pa ako tuluyang makalayo narinig ko siya.
“Girl... don’t do that again.”
“Make me,” sagot ko, saka ako tuluyang naglakad palayo.
Hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan narinig ko na yun mga bulungan nanaman.
“Sila ba ni Kaelis”
“Kanina pa sila magkasama—”
“Diba bakla si Kaelis?”
“Eh bakit—”
Tumigil ako saglit dahil naiinis na ako, ayaw pa rin nilang tumigil. Araw-araw na lang.
Napatingin ako sa paligid. Iba’t ibang mukha. Iba’t ibang tingin.
Pero iisa lang yung tono, napaka curious, at judgmental.
Napahinga ako ng malalim. Tumalikod ako para bumalik, sa gitna ng hallway.
Hindi ko kailangan sumigaw, sapat na yung presensya.
“Excuse me,” sabi ko, malinaw, steady, walang galit pero hindi rin malambot, napatingin sila.
Lahat. “Walang kami ni Kaelis,” dagdag ko, diretso.
“And for your information,” tuloy ko, nakataas lang yung kilay ko, “friend siya ng brother ko.”
“So no malice,” sabi ko, this time mas madiin. “Okay?”
“Pakikalat please” dagdag ko.
Wala nang sumagot, wala nang nagtanong. yung iba umiwas ng tingin, yung iba nagkunwaring busy.
“Ang tapang mo talaga.” Dahan-dahan akong napalingon.
Nasa likod ko si Kaelis. Nakatayo lang, nakaayos pa rin, parang wala lang nangyari kanina.
“Thanks?” sagot ko, hindi ko rin alam kung compliment ba ’yon o ano.
“Panindigan mo ’yan,” dagdag niya, naka-cross arms na ngayon. “Yung sinabi mong friends kami ni Aviel.”
“Excuse me?”
“Sasama ako sayo mamaya,” sabi niya, parang nag-aannounce lang ng schedule. “Pag-uwi.” Napakunot noo ko. “…ha?”
“Ipagluto mo kami,” dagdag niya, diretso. “Ikaw na bahala.” napatulala ako.
“Ang kapal mo,” sabi ko finally, pero wala na siya, lumakad na siya palayo.
As if tapos na ang usapan.
“Excuse me?!” habol ko, pero hindi na siya lumingon.
Napabuntong hininga ako. “Grabe talaga ’to,” bulong ko sa sarili ko.
Gagawin pa akong third wheel at katulong.
Wow talaga.
Pagdating ko sa classroom diretso agad ako sa upuan ko. Wala na akong energy makipag-usap.
Kinuha ko yung phone ko, balak ko lang i-check yung oras pero may notif.
Tinitigan ko lang yung screen, paulit-ulit.
Baka mali lang yung basa ko pero hindi.
Napakamot ako sa ulo ko. “…may magagawa pa ba ako?” bulong ko sa sarili ko.
Grabe. Isa pa ’tong kakambal ko, napatingin ako sa harap, normal lang ang klase, may nagsusulat, may nag-uusap.
Pero ako iniisip ko kung anong lulutuin ko mamaya.
Para sa dalawang walang hiya, napabuntong-hininga ako.
“Grabe kayo,” bulong ko ulit.
Buong klase hindi ako makapag-focus, iniisip ko kung anong lulutuin ko mamaya.
“Fine,” bulong ko sa sarili ko. Kung gagawa na rin lang ako gagalingan ko na.
Hindi pwedeng basta.
Pagkatapos ng klase, nag-ayos ako ng gamit ko, dahan-dahan lang, hindi ako nagmamadali.
Ayoko siyang maabutan. Pero paglabas ko ng campus nandun na siya.
Nakaabang.
Nakasandal sa may pader, hawak yung phone niya, parang matagal nang naghihintay.
“Late ka,” sabi niya, hindi man lang tumingin agad.
“Busy ako,” sagot ko, napangiti siya ng konti.
“Let’s go,” dagdag niya, tinuro yung labas. “Sabay na tayo.”
Napakunot noo ko. “…ha?”
“Pupunta naman ako sa condo mo,” dagdag niya, parang obvious lang. “Kahit labag sa loob ko, mag-sabay na tayo.”
“Edi wag,” sagot ko agad. “Hindi ako sasabay sa’yo kung labag pala sa loob mo.” Hindi ko na siya hinintay.
Naglakad na ako palayo. Pero bago pa ako makalayo may humawak.
Hindi sa kamay ko, hindi rin sa braso, kundi sa dulo ng damit ko, parang kurot lang at parang diring diri pa.
Nakatayo pa rin si Kaelis, hawak yung tela ko na parang ayaw niyang dumikit nang todo.
“Sumakay ka na,” sabi niya, simple lang.
Napatingin ako sa harap, may kotse. Mamahaling kotse at may driver.
Binitawan niya agad yung damit ko.
“Hindi ako maarte,” sagot niya. “Ayoko lang maglakad.”
“Ang dami mong dahilan,” sagot ko.
Pero kahit ganon lumapit na rin ako sa kotse, binuksan ng driver yung pinto.
Napatingin ako kay Kaelis saglit. “Kung may bayad to, sabihin mo agad,” sabi ko.
Napangiti siya. “Relax,” sagot niya. “Libre ka ngayon.”
Pero sumakay na rin ako, wala na akong choice.
Tahimik yung byahe, as in walang nagsasalita, may pagitan pa sa gitna namin, literal. Ako sa isang side, siya sa kabila, nakatingin lang sa bintana.
Hindi ko rin siya pinansin, mas okay na ’to.
Walang bardagulan, walang drama.
Pagdating ng condo bumaba agad ako. Hindi ko na siya hinintay nakasunod lang siya.
Pagpasok ko nandun na si Aviel. Naka-upo sa sofa, hawak yung phonepagtingin niya sa’min napatawa siya agad.
“As in sabay talaga?” sabi niya, nakangiti na parang may alam.
“Wag ka ngang maingay,” sagot ko. “Grabe,” dagdag niya. “Ang bilis ng development.”
“Shut up,” sabay naming sagot ni Kaelis.
“Perfect,” sabi niya, hindi ko na pinansin.
Diretso ako sa kusina, nag hugas kamay.
“Anong gagawin mo?” tanong ni Aviel, sumunod sa’kin.
“Chicken,” sagot ko. “Pero hindi simple.”
Napatingin siya sa mga nilabas kong ingredients.
Boneless chicken, mushrooms,cream, white wine, plus herbs.
“Wow,” sabi niya. “Sosyal.”
“Obviously,” sagot ko.
Habang hinihiwa ko yung chicken, steady lang yung galaw ko, sanay namam ako.
Lumapit si Kaelis, nasa gilid tahimik lang.
Nakatingin.
“Gusto ko tumulong?” tanong niya bigla. “Sure,” sagot ko. “Hawakan mo ’to.”
Inabot ko yung garlic, parang nag-isip siya.
“Wait,” sabi niya. “Kailangan ko bang hawakan ’yan?” Napairap ako.
“Hindi, tititigan mo lang.” Napatawa si Aviel sa likod. “Go, chef Kaelis,” dagdag pa niya.
Napabuntong-hininga si Kaelis.
“Fine.” kinuha niya yung garlic, dahan-dahan, parang delicate object.
“Peel mo,” sabi ko,
Ginawa niya, pero ang bagal.
“Mas mabilis pa lolo ko,” sabi ko. “Relax,” sagot niya. “Hindi ako trained for this.”
“Good,” sabi ko. “Training mo ’to.”
Pero hindi na siya umarte. Habang nagluluto ako, siya na yung nag-aabot ng kailangan ko.
Hindi na nagrereklamo. At paminsan napapatingin siya sa ginagawa ko.
“Amoy mahal,” sabi niya bigla, napatawa ako. “Syempre,” sagot ko. “Ako ’yan eh.”
Napatawa si Aviel. “Confidence,” sabi niya.
“Facts,” sagot ko.
At habang niluluto ko yung sauce napansin ko, hindi na siya nag iinarte.