Kabanata 12
Something Worth Staying For
Hindi ko agad napansin kung kailan siya tumigil sa pag-arte. Kanina lang, halos ayaw niyang humawak ng bawang, parang may kasalanan sa kanya yung balat nito.
Ngayon, nandito siya sa gilid, hindi na umaangal, tahimik na nakamasid sa ginagawa ko. Hindi yung usual niyang tingin na parang nanghuhusga. Mas... attentive.
Parang sinusundan niya bawat galaw ko kung paano ko hawakan yung kutsilyo, kung paano ko i-adjust yung apoy, kung kailan ko ilalagay yung herbs.Hindi ako tumingin sa kanya.
"Hindi ka ba napapagod?" bigla niyang tanong. Napataas yung kilay ko.
"Sa pagluluto?" sagot ko habang hinahalo yung sauce. "Sa pagiging ganyan," dagdag niya.
Napatingin ako sa kanya this time. "Anong ganyan?" "Parang alam mo na lahat," sabi niya, diretso.b"Kung anong gagawin, kung anong ilalagay."
"Practice," sagot ko. "Hindi lang practice 'yan," sabi niya agad.
Binalik ko na lang yung focus ko sa luto, pero sa gilid ng mata ko, nakita ko pa rin siyang nakatingin.
"Ready na ba 'yan?" sigaw ni Aviel mula sa sala."Konti na lang!" sagot ko.
"Gutooooom na ako!" dagdag niya, halatang OA, napairap ako."Drama."
"Starving artist ako," sagot niya."Wala kang art," balik ko agad.
Napatawa siya., tinanggal ko yung pan sa apoy, inayos ko yung plating hindi sobrang fancy, pero malinis, maayos, may effort. Hindi ko namalayan, lumapit na ulit si Kaelis.Mas malapit ngayon.
"Here," sabi ko, inabot ko sa kanya yung isang plato.
"Dalhin mo 'yan."Napatingin siya sa'kin,then sa plato then ulit sa'kin."Trust me," sabi ko. "Hindi ka mahahawa." Napatawa siya ng very light.
"Very funny," sagot niya.Kinuha niya yung plato.
Paglapag namin sa mesa, halos tumalon si Aviel sa tuwa."Finally!" sabi niya. "Chef Aveline strikes again."
"Umupo ka na," sabi ko."Ready na ako ever since," sagot niya.
Umupo kaming tatlo.Ako sa gitna.Si Aviel sa isang side.Si Kaelis sa kabila.
Go," sabi ko.Hindi na ako naghintay.
Kumuha na sila. Unang tikim walang nagsalita. Napatingin ako kay Aviel, normal na masaya. Then kay Kaelis, kumuha ulit siya, mas marami this time.
"Okay," sabi ni Aviel. "Ibig sabihin masarap."
Napairap si Kaelis."Hindi ko sinabi 'yan."
"Pero halata" sagot ni Aviel agad.
"Medyo maayos," sabi ni Kaelis, parang napilitan pa, napatawa nalang ako.
"Don't twist it," sagot niya. "Hindi na kailangan," sagot ko ulit, inirapan niya ako.
Pero hindi siya tumigil kumain. At paminsan-minsan napapatingin siya sa'kin.Hindi obvious. Pero hindi rin maitatago, hindi ko naman siya ijujudge kung matakaw siya.
"Grabe," sabi ni Aviel, nakatingin sa'min dalawa. "Ang cute niyo."
"What" sabi ni Kaelis. "Shut up."sabi ko kay Aviel. Napatawa si Aviel ng malakas. "Confirmed."
"Walang confirmed," sabi ko. "Wala nga hello di ako papatol sa babae" dagdag ni Kaelis.
Pagkatapos kumain, hindi na ako nagpatagal. Ako na rin yung nagligpit ng mesa, kinuha ko yung mga plato, isa-isa, parang automatic na lang yung galaw ko.
“Avy, kami na” sabi ni Aviel, pero umiling lang ako. “Okay lang,” sagot ko. “Ako na.”
Hindi na siya nakipagtalo. Kilalang-kilala niya na ako pag ganito.
Tahimik lang si Kaelis sa gilid, hindi na nag-comment.
After ko maghugas, pinunasan ko yung kamay ko, saka ako humarap sa kanila.
“Mauna na ako,” sabi ko. “Pagod na ako.”
Napatingin si Aviel, then tumango.
“Sige,” sabi niya. “Rest ka.” Hindi na ako naghintay ng iba pang sasabihin. Dumeretso na ako sa kwarto.
Pagkasara ko ng pinto napahinga ako ng malalim.
Pagkatapos kong maligo, napahiga na ako sa kama, nakatitig sa kisame.
“Type na type talaga niya si Aviel,” bulong ko sa sarili ko.
Kasi biruin mo napunta pa siya sa condo ko, kahit ayaw na ayaw niya saakin
At ako pa yung ginawa niyang tagaluto.
“baklang yun,” dagdag ko.
Sa labas naiwan sina Aviel at Kaelis naririnig ko yung konting usap nila.
“Masarap,” sabi ni Aviel. “Hindi ko pinaplastik.”
“Yeah,” sagot niya. “She’s… good.”
“She’s more than that,” sabi niya. “Hindi lang sa luto.”
“Obvious naman,” sagot niya. “Sa’yo hindi,” balik ni Aviel.
Hindi ko na sila pinakinggan pa pagod na ako.
Kinabukasan maaga akong pumasok. Pagdating ko sa TCM clinic ibang setup na agad.
Mas organized, parang OJT.
“Today, you’ll assist patients,” sabi ng instructor. “Observe, apply what you learned.”
Actual, hindi lang theory. “Next,” tawag ng nurse, lumapit ako.
May pasyente na nakaupo middle-aged woman, mukhang pagod, hawak yung batok niya.
“Good morning po,” sabi ko, maayos ang tono ko. “Saan po masakit?”
Ngumiti siya ng konti. “Dito,” sabi niya, tinuro yung leeg.
Lumapit ako,hinawakan ko yung pulse niya.
Checked the tension, observed.
“Medyo tight po yung muscles niyo,” sabi ko. “May konting stress din po.” Tumango siya.
“Oo, sobra.”
Nag-set up ako ng light treatment simple pressure points, konting herbal application.
Steady lang, hindi ko iniisip kung may nanonood, hindi ko iniisip kung may judge.
Focus lang. After ilang minuto “Ah…” sabi ng pasyente, napangiti. “Mas gumaan.”
Napangiti rin ako.
“Continue niyo lang po yung rest,” sabi ko.
“Ang galing mo,” sabi niya bigla. “Student ka pa lang?” Tumango ako. “Opo.”
“Sabihin ko sa professor mo,” dagdag niya.
Napatawa ako ng mahina. “Salamat po.”
Hindi ko na pinansin masyado, pero makalipas ang 30 minutes tinawag ako ng instructor.
“Aveline,” sabi niya, may hawak na clipboard. “The patient you handled she gave good feedback.”
Napatingin ako. “Clean work, good assessment.” Tumango ako.
“Thank you po.”
Pero sa gilid naramdaman ko, yung mga tingin, mas marami, mas aware.
At maya-maya may narinig akong bulong.
“Siya ’yon diba”
“Ang galing”
Hindi pa ako nakakabalik sa pwesto ko tinawag na ako.
“Aveline.” Yung head na ng school, hindi na instructor.
Mas seryoso. “Come with me.” Napakunot noo ko. “Po?”
“Office,” dagdag niya, diretso. Hindi na ako nagtanong, sumunod na lang ako.
Tahimik yung hallway papunta doon, mas malamig. Pagpasok namin sa loob, pinaupo niya ako.
“Kumusta ka so far?” tanong niya. “Okay lang po,” sagot ko, tumango siya.
“We’ve been observing your performance,” sabi niya, hawak yung mga papers. “Not just today.”
“Your previous activities clean, consistent and accurate.” Hindi ako agad nagsalita.
“Which is why,” dagdag niya, “we’re moving you to Section A.” Napakurap ako.
“…po?”
“Effective tomorrow,” sabi niy, napahinga ako ng malalim.
“Ah naku, hindi na po need,” sagot ko agad, medyo napangiti pa. “Gusto ko lang naman po mapakasa, okay na ako sa Section B.”
Hindi siya ngumiti. “Decision na ’to,” sabi niya, calm pero final. “We want you in Section A.”
Wala na akong nasabi. “Prepare yourself,” dagdag niya. “Mas competitive doon.”
Napangiti ako ng pilit. “Noted po.”
Tapos na, wala na akong laban.
Paglabas ko ng office napahinto ako sa hallway.
“As in… Section A?” bulong ko sa sarili ko.
Napakamot ako sa ulo ko.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan. Kasi oo maganda ’yon.
Pero “Patay.” Napapikit ako.
“Magiging kaklase ko na si baklang Kaelis.”
“Great.” As in great.
Hindi pa nga siya tumitigil sa kakasunod dahil sa ginawa ko, tapos araw-araw ko na siyang makikita.
Napabuntong-hininga ako. “Wala na,” sabi ko sa sarili ko. “Tinadhana na yata ’to.”