Kabanata 13

Kinabukasan, mas maaga akong pumasok.

Gusto ko makita yung classroom bago pa dumami yung tao, bago pa magsimula yung bulungan, bago pa ako tuluyang ma-expose sa bagong section ko.

Section A. Napabuntong-hininga ako habang naglalakad papunta doon.

Pagdating ko sa pinto, may ilan nang estudyante sa loob. Hindi pa puno, pero sapat para mapansin ako.

At napansin nga nila. Halos sabay-sabay tumigil yung usapan. May nagbubulong.

May tumitingin mula ulo hanggang paa.

May mga nagkakatinginan pa na parang may bagong tsismis.

“Siya ’yon diba”

“Swerte sya huh”

“From section B—”

Hindi ko pinansin. Diretso lang ako maglakad papasok, hindi ko hinayaan na maapektuhan yung galaw ko.

Pero sa gitna ng classroom nakita ko si Kaelis. Naka-upo na, naka-lean sa chair niya, isang kilay nakataas habang nakatingin sa’kin.

Hindi siya ngumiti, hindi rin siya nagulat. Alam na naman nila. At for sure nasabi na ito sakanila kaya inaasahan niya.

Inirapan ko lang siya sa isip ko at binalik ko agad yung tingin ko sa harap. Mas importante kung saan ako uupo.

Napatingin ako sa professor.

“Ma’am,” sabi ko, maayos ang tono, “saan po ako?”

Tumingin siya sa seating arrangement, taposwalang kahit anong drama itinuro niya yung bakanteng upuan. Sa tabi ni Kaelis.

Napapikit ako saglit,tadhana nga naman. Kung may sense of humor man ang mundosobrang taas.

“Doon,” sabi ng prof. Tumango na lang ako, wala na akong choice.

Naglakad ako papunta doon, ramdam ko yung mga mata na sumusunod sa bawat hakbang ko.

Paglapit ko sa upuan, umupo ako nang hindi siya tinitingnan.

Pero hindi ako nakaiwas.

Kasi siya unang nagsalita.

“So,” sabi niya, medyo mababa yung boses, pero malinaw, “nailipat ka na pala, ha.”

Napatingin ako sa kanya. “Yeah,” sagot ko. “Actually ayaw ko naman.”

“Alam kong hate na hate mo ako,” dagdag ko, casual lang, parang wala lang.

Bigla siyang umirap, as in walang effort.

“Don’t assume,” sagot niya.

“Sure,” sabi ko.

Habang nagsisimula yung klase, napansin ko wala akong kilala dito.

Hindi tulad sa Section B na kahit papaano, may kausap ako, may pamilyar na mukha.

Dito iisa lang, at siya pa, napahinga ako ng mahina. “Hi,” biglang may boses sa likod.

Napalingon ako. Yung naging partner ko sa assessments, ngumiti siya.

“Congrats,” sabi niya. “Deserve mo.” Napangiti ako. “Thanks,” sagot ko.

“Tsss.” Napalingon ako sa gilid, si Kaelis.

Hindi nakatingin sa’min, pero halatang narinig niya, at halatang may reaction siya, napataas yung kilay ko. “May problema?” tanong ko.

Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo muna bago siya tumingin. “Wala,” sagot niya. Pero hindi siya convincing, crush niya ba tong lalaki?

“Sure,” sabi ko ulit.

Binalik ko na yung tingin ko sa harap. Hindi ko na siya pinansin. Pero sa gilid ng mata ko nakita ko siyang nakasandal ulit sa upuan niya.

Hindi pa nagsisimula yung next subject, kaya medyo magulo pa yung classroom.

May mga nag-uusap, may tumatawa, may naglilipatan ng upuan, typical free time.

Ako, tahimik lang.

Binuksan ko yung libro ko, kunwari nagbabasa, kahit totoo naman pero kalahati lang ng utak ko nandun.

Kasi sa kabilang side nagsisimula nang nagsilapitan yung mga tao kay Kaelis.

Hindi na ako nagulat, halata naman, siya yung center.

Laging may nakapaligid, laging may nakatingin.

“Yan yung namahiya sa’yo diba?” narinig kong sabi ng isa sa kanila, medyo pababa yung boses pero sapat para marinig ko.

Napahinto yung mata ko sa binabasa ko, hindi ko tinaas yung ulo ko.

“Nakaganti ka na ba?” May mahinang tawanan, may anticipation.

Tahimik saglit si Kaelis, hindi agad sumagot.

“Don’t mention it,” sabi niya, flat lang. “I forgot about it.” Napataas yung kilay ko, sa loob-loob ko.

Forgot? Pero hindi ako tumingin, hindi ko siya binigyan ng reaction.

“Sure?” sabi nung isa, halatang nang-aasar.

Hindi na siya sumagot, nag-shift yung usapan, mas magaan, mas normal.

Hanggang sa may kumatok sa pinto.

Napalingon halos lahat.

May babae, mukhang galing ibang department. May dala siyang paper bag at maliit na box.

Diretso siya kay Kaelis. “Hi,” sabi niya, medyo kinakabahan pero halatang prepared. “I brought you something.”

Tahimik yung paligid. As in biglang naging attentive lahat. Nilapag niya yung food at chocolate sa mesa.

“I like you,” dagdag niya, diretso, walang paligoy.

Napairap ako ng konti habang kunwari nagbabasa pa rin, same script, same ending.

“Thank you,” sabi ni Kaelis. “…but no.” ayan ulit siya. Nakikita ko sila sa gilid ng mata ko.

Walang smile, walang explanation tahimik yung babae saglit, pero bago pa siya tuluyang umatras parang napaisip si Kaelis.

Napatingin siya sa dala nung babae.

“I’m not into girls.” biglang natahimik yung paligid.

May nagulat, nay napatingin, may napanganga pa, kasi may nadagdag sa script niya.

Napangiti ako sa libro ko. Tumango yung babae, medyo awkward.

“At least tanggapin mo ’to,” sabi niya, itinulak ng konti yung dala niya.

Bago pa makasagot si Kaelis may sumingit.

Isa sa close friends niya.

“He doesn’t eat food from just anyone,” sabi nito, parang sanay na sanay. “Unless sa bahay nila or kakilala sa canteen.”

Napahinto ako,hindi ko sinasadya, hindi ko na binasa yung libro ko.

Hindi ko na rin napigilan, napatingin ako.

Si Kaelis. Napatingin siya sa kaibigan niya.

“Stop,” sabi niya agad. “Don’t mention it.”

Medyo nagulo yung moment. Hindi na nagtagal yung babae, ngumiti na lang siya ng pilit at umalis.

Nagbalikan na yung ingay, yung usapan.

Pero ako nakatitig lang saglit sa harap ko.

Hindi ko inaasahan, kasi kinain niya yung luto ko, pero baka kasi nga type niya si Aviel at tsaka malinis akong magluto no'. Di naman siya ma fofood poison saakin.

Ibinalik ko yung tingin ko sa libro ko, pilit kong binabalik yung focus ko sa binabasa ko.

Masyadong maingay, masyadong maraming nangyayari. At higit sa lahat mukhang hindi ako makakaligtas sa atensyon.

Hindi pa ako nakakatagal ng ilang minuto may lumapit na agad.

“Hi,” sabi ng isang lalaki, nakangiti, medyo confident. Napatingin ako.

“Hi,” sagot ko.

“Ang ganda ng mata mo,” dagdag niya, diretsong-diretso, napataas yung kilay ko ng konti.

“Thanks,” sagot ko. “Daryl,” sabi niya, inabot pa yung kamay niya.

Tinanggap ko. “I'm Aveline.”

“Pwede makipag-friends?” dagdag niya.

Napangiti ako ng konti. “Sure.”

Hindi pa siya nakakaalis may sumunod na.

“PJ,” sabi nung isa, nakasingit na agad sa tabi. “Same, friends?” Napatawa ako ng mahina.

“Ang bilis niyo naman.”

“Opportunity,” sagot niya.

Then may isang babae na lumapit, mas composed, mas kalmado.

“Carmela,” sabi niya. “Welcome to Section A.” Ngumiti ako. “Thanks.”

Nagkaroon ng konting usapan, light lang.

Pero halatang curious sila.

“Ang galing mo daw,” sabi ni Daryl. “Kaya ka nilipat.”

“Overhype lang,” sagot ko. “Hindi ah,” sabi ni Carmela. “Narinig ko yung sa clinic.”

Napangiti ako ng konti. Pero habang nagsasalita sila may isang tingin na paulit-ulit kong nararamdaman.

“At saka—” magsasalita pa sana si PJ—

“Is Aviel in your condo later?” Biglang naputol yung usapan, napakunot noo ko, napalingon ako sa kanya.

Si Kaelis. Nakatayo na, nakatingin diretso sa’kin, parang wala lang siyang pinutol.

“Ha?” sabi ko. “Your brother,” dagdag niya. “Nasa condo mo ba later?”

Tumango ako, medyo confused pa rin.

“Yes.” Then napataas yung kilay ko.

“If you want him, puntahan mo lang,” dagdag ko, casual lang. “Wala namang pumipigil sa’yo.”

Pero hindi ako tumingin, napangiti si Kaelis ng konti. “Good,” sabi niya. “Sasabay ako sa’yo.”

Mas malala ngayon ang katahimikan, mas ramdam.

May nagbulungan sa likod,

“Ano ’to,” sabi ko, napailing, “inaraw-araw mo na condo ko?” Napangiti siya. “Yes,” sagot niya, napatawa ako ng mahina.

“Wow.”

“Problem?” dagdag niya. “Wala,” sagot ko. “Basta wag kang demanding.”

“Never,” sagot niya, napairap ako. “Liar.”

Napatawa si Carmela sa gilid. “Ang saya niyo ha” sabi niya. “Sila lang ni Aviel,” sagot ko agad.

Pero kahit ganon hindi ko mapigilan mapansin hindi siya umaalis, hindi siya bumabalik sa pwesto niya nakatingin lang siya sa pwesto ko.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.