Kabanata 14

Pagkatapos ng last lecture, halos sabay-sabay nagsitayuan yung mga tao sa classroom. Maingay agad. May nag-aayos ng gamit, may nag-uusap tungkol sa quizzes, may nag-aaya gumala.

Ako naman, tahimik lang na naglalagay ng notebook sa bag ko, pagod na utak ko.

Section A was different, mas mabilis, mas competitive. At mas madaming tao ang mahilig mang-observe.

“Aveline.” Napalingon ako, si Daryl.

Kasama si PJ sa likod niya, parehong nakangiti. “Grabe ka kanina,” sabi ni Daryl habang naglalakad palapit. “Nasagot mo lahat ng questions.”

Napatawa ako ng mahina. “Hindi lahat,” sagot ko. “Lahat kaya,” singit ni PJ. “Pati yung last question ni prof.”

“Section B monster pala ’to,” dagdag pa ni Daryl. “OA niyo.”

“Hindi ah,” sabi ni Carmela na biglang sumingit rin sa gilid. “Even prof impressed.”

Napakamot ako sa ulo ko nang konti, medyo nahihiya na honestly. “Thank you,” sabi ko. “Pero first day ko pa lang dito, wag niyo muna akong i-pressure.”

Napatawa sila. Magre-reply pa sana si Daryl nang may biglang sumingit na boses.

“Tabi.” Diretso, walang emotion na sabi ni Kaelis, napalingon silang lahat.

Nakatayo sa gilid, hawak na yung bag niya, mukhang walang pasensya.

“As in literal?” tanong ni PJ, natatawa, hindi siya pinansin ni Kaelis.

Diretso siyang lumapit sa’kin, saka hinila yung kamay ko, nagulat ako.

“Ano ba?” sabi ko habang pilit binabawi yung kamay ko. “Oo na, sasabay naman tayo papunta sa condo. Hindi ka ba makapag-antay makita si Aviel?”

Hindi niya agad binitawan yung kamay ko.

“Excuse me?” sabi niya, nakataas yung kilay. “Gutom ako, Aveline. Kakain tayo sa ayaw at sa gusto mo.” Napakunot noo ko.

“Di ka ba nabusog ng lunch?”

“Hindi,” sagot niya agad. “Bakit?”

Tahimik siya saglit bago umiwas ng tingin.

“Hindi ako makakain nang maayos.”

Napataas yung kilay ko. “Weird.”

“Thank you,” sagot niya.

“San mo gusto?”

“Sushi.” Parang mayaman na CEO na sanay utusan yung mundo.

“Bakit ako pa isasama mo?” tanong ko. “Andami mong kaibigan oh. Tsaka hate na hate mo nga ako diba?”

Narinig ko pa yung mahinang “uy” ni Carmela sa likod.

Pero si Kaelis kalma lang, mas lalo pa siyang nag-lean palapit.

“Mas okay nang kasama yung kinamumuhian ko,” sabi niya, diretso sa mata ko, “para di ako mainlove.”

Napakurap ako, hindi dahil kinilig ako.

Kundi dahil ang kapal.

“At tsaka,” dagdag niya, “wag ka nang umarte. Ililibre kita.” Napatawa ako.

“Wow,” sabi ko. “Ang taas ng tingin mo sa sarili mo.”

“Correct,” sagot niya agad.

Pero honestly gutom din naman ako. At sushi sounded good.

“Fine,” sabi ko sa wakas. “Pero pag pinaarte mo ko sa restaurant, iiwan kita.”

Napangiti siya, pero halatang satisfied.

“Deal.”

“Grabe kayo,” sabi ni PJ sa likod. “Para kayong mag-jowa mag-away.”

“Hindi kami—” sabay naming sagot.

Napahinto kami. Then sabay ulit tumingin sa isa’t isa. Napatawa si Carmela. “Cute.”

“Hindi cute,” sabi ko agad. “Very,” dagdag ni Kaelis. Napalingon ako sa kanya.

“Excuse me?”

“Wala,” sagot niya, halatang nang-aasar lang.

Then finally, binitawan niya na yung kamay ko. Pero bago siya tuluyang maglakad bumalik ulit yung tingin niya sa’kin.

“Come on,” sabi niya. “Baka maubusan tayo ng sushi.”

At somehow kahit sobrang kapal niya sumunod pa rin ako.

Paglabas namin ng campus, akala ko tatawag lang siya ng driver, pero hindi.

Dere-diretso siyang naglakad papunta sa isang itim na kotse na mamahalin. May valet na agad na nag-abot ng susi sa kanya paglapit niya.

Napakurap ako. “…ikaw magda-drive?”

Napalingon siya sa’kin. “Obviously.”

Napairap ako habang sumusunod sa kanya.

Pero sa totoo lang medyo bagay, as much as ayoko aminin.

Kahit bakla si Kaelis, may dating talaga siya. Hindi yung trying hard na mayabang.

Natural lang, yung tipong pag naglakad siya, parang automatic may space para sa kanya.

Clean yung suot, maayos yung buhok, isang kamay lang gamit sa paghawak ng manibela pero parang commercial.

Nakakainis. At mas nakakainis na alam niyang pogi siya at maganda.

Pagkapasok ko sa passenger seat, nilapag ko agad yung bag ko saka sumandal.

Tahimik lang siya habang sinisindi yung engine. Ang bango pa ng kotse, parang mamahalin na ewan.

Magko-comment pa sana ako nang bigla siyang lumapit, as in lumapit talaga.

Diretso sa side ko. Nanlaki agad mata ko.

“Hoy—” Bigla akong napaatras, akala ko kung ano gagawin niya.

Pero si gago napangisi, then hinila niya yung seatbelt ko.

“Buckle up,” sabi niya, halatang pinipigilan tumawa.

Tapos napairap ako nang malala.

“Baliw ka ba?” sabi ko. Napangiti siya habang umaatras pabalik sa pwesto niya.

“Ang defensive mo.”

“Eh ang lapit mo!”

“Seatbelt lang ’yan, girl.”

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa bintana. Parang baliw talaga ’to.

Tahimik yung byahe after noon. Mas… lutang lang ako. Paminsan-minsan napapatingin ako sa kanya habang nagda-drive.

One hand sa manibela, relaxed, parang sanay na sanay. Tapos minsan sumasabay pa siya sa music na mahina lang yung volume.

Kung hindi lang talaga siya makulit.

Pagdating namin, literal na napatigil ako.

“Seryoso?” sabi ko habang nakatingala sa restaurant.

Sobrang sosyal.

Yung tipong puro glass walls, warm lighting, at mga taong mukhang may stocks at generational wealth.

Napalingon si Kaelis sa’kin.

“Ano?”

“Dito tayo kakain?”

“Hindi,” sagot niya. “Tititigan lang natin.”

Napairap ako. “Ang yabang mo talaga.”

“Thank you.”

Pagkapasok namin, yumuko agad yung staff.

“Good afternoon, Sir Kaelis. Table for two, right?” Napatingin ako sa kanya.

Table for two??? Parang sanay na sanay siya dito, tumango lang siya.

“Yeah.”

Tapos parang wala lang siyang naglakad paloob habang ako ina-absorb ko pa yung paligid.

Elegant, amoy mahal. As in lahat ng tao mukhang may trust fund.

Pagkaupo namin, inayos agad ni Kaelis yung seat ko bago siya umupo sa tapat.

Napatingin ako sa kanya. “Wow,” sabi ko. “Gentleman?” Umirap siya.

“Don’t make it weird.” Napangiti ako.

Habang inaabot nung waiter yung menu, napansin kong inayos pa ni Kaelis yung utensils ko.

Yung chopsticks, spoon, pati baso ko inayos niya palapit. Hindi niya pinapansin na ginagawa niya. Parang automatic lang.

“Order whatever you want,” sabi niya habang binubuksan yung menu niya.

Napataas yung kilay ko. “Talaga ha?” sabi ko. “Wag ka magreklamo.”

“Kahit buong restaurant pa,” sagot niya agad. Napatawa ako.

Tapos siya naman yung umirap. “Don’t test me.”

“Too late.” Napangiti ako habang tumitingin sa menu.

Pero sa totoo lang hindi ko na masyadong binabasa. Kasi sa unang pagkakataon hindi siya nakakainis.

Well… konti na lang.

Sumenyas si Kaelis sa waiter na nasa kabilang side ng restaurant.

Halatang kilala na siya doon kasi paglapit pa lang nito, ngumiti na agad.

“The usual, sir?” tanong nung waiter.

“Add otoro sashimi, aburi salmon, uni pasta, soft shell crab roll, truffle shrimp tempura…” dire-diretso niyang sabi habang hindi man lang tumitingin sa menu.

Napakurap ako “…ha?”

“And wagyu nigiri,” dagdag niya. “Plus oysters.” Napatingin ako sa kanya nang diretso.

“Ganyan ka ba kagutom?”

“Yes,” sagot niya agad. “I can eat a freaking whole tuna sa kagutuman ko.”

Napatawa ako nang malakas, hindi ko napigilan. “Ang OA mo,” sabi ko habang tumatawa pa rin.

“Hindi ako OA,” sagot niya. “Prepared lang.”

“Prepared mawalan ng pera?”

“Hindi ako ikaw.” Napairap ako. “Wow.”

“Totoo naman.” Grabe talaga ang confidence nito.

“Ano inorder mo ulit?” tanong niya pabalik.

“California roll lang,” sagot ko dahil binulong ko lang sa waiter yung order ko.

Napahinto siya. “…yun lang?”

“Oo.”

“Aveline,” sabi niya, parang disappointed. “Nasa mamahaling sushi restaurant ka.”

“Eh ano naman?”

“Mag-upgrade ka.” Napatawa ako. “Okay na ’ko don.” Umirap siya.

“Relax,” sagot niya agad. “Hindi kita pagbabayarin.”

“Alam mo,” sabi ko habang nakasandal sa upuan, “may side ka palang mabait.”

Pero honestly medyo surprising, kasi iba siya ngayon, mas less mataray, mas less defensive. Well konti lang.

Pagdating nung order literal na napatulala ako. As in hindi ko alam saan titingin.

Ang dami. May smoke effect pa yung iba, yung sashimi parang artwork. Yung sushi sobrang ayos ng plating na parang bawal kainin.

“Kaelis…” sabi ko habang nakatingin sa mesa. “Pang buong barangay ’to.”

Napangisi siya. “Told you.”

Habang nakatitig pa rin ako sa pagkain, napansin kong gumagalaw siya sa harap ko.

Kinuha niya ng plate ko, natural, then isa-isa niyang nilagyan.

Salmon, shrimp, yung wagyu, pati sauce inayos niya sa gilid.

Hindi siya nagtatanong, parang automatic lang. Hindi ko tuloy alam sasabihin ko.

“Uh…” Napatingin siya sa’kin.

“Ano?”

“…wala,” sagot ko.

Kasi honestly hindi ko ine-expect.

Yung tipong siya pa yung nag-aasikaso.

“Eat,” sabi niya habang ibinabalik yung plate ko sa harap ko. “Baka isipin ng waiter hindi kita pinapakain.”

Napatawa ako ng mahina.

“So ngayon hindi mo ko kinamumuhian”

“Depende sa araw,” sagot niya agad.

Pero kahit anong pilit kong gawing normal yung lahat, ang dali para sa kanya gawin yung maliliit na bagay.

Yung mga simpleng kilos na hindi niya siguro napapansin pero ramdam mo.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.