Kabanata 34

Dahan-dahan akong nagising dahil may mainit na dumadampi sa tiyan ko. Napakurap ako nang mabagal habang inaantok pa.

Warm yung room dahil sa sikat ng araw na tumatama sa curtains.

At pagtingin ko pababa si Kaelis.

Nakahiga sa pagitan ng hita ko habang nakayakap sa bewang ko. Walang suot na pangtaas. Gulo-gulo buhok niya. At halatang bagong gising pa dahil medyo namumungay mata niya.

Pero grabe, mas lalo siyang gwapo pagkagising. Yung buhok niyang magulo parang lalo lang bumagay sa mukha niya.

Sharp jawline, mapupulang labi,pale skin.

At yung sleepy niyang smile sobrang unfair.

"Aveline," bulong niya bago humalik ulit sa tiyan ko. Napasinghap ako agad.

"Kaelis" Napatawa siya nang mahina bago tumingala sakin.

"Good morning." Namula agad mukha ko habang pilit kong hinihila kumot pataas..

As if hindi niya ako muntik patayin kagabi sa kaba.

"Tinitignan mo ko," sabi niya habang nakangisi.

"Hindi." Napairap ako pero umiinit nanaman mukha ko.

Kasi honestly sobrang pogi niya, yung tipong nakakairitang tingnan sa umaga. Parang model shoot kahit bagong gising.

Dahan-dahan siyang sumiksik ulit palapit sakin habang yakap bewang ko.

At doon niya biglang sinabi "It feels so good pala doing it with a girl." Nanlaki mata ko.

Ngumisi siya. "I might get addicted to it."

Tinulak ko agad noo niya. "Baliw ka talaga."

"No," bulong niya habang humahalakhak nang mahina. "Addicted lang sayo."

Biglang bumilis tibok ng puso ko. At mas lalo pang lumala nung tumingala siya ulit sakin.

Diretso tingin.

"Aveline," mahina niyang sabi habang hinahaplos gilid ng hita ko sa ilalim ng kumot. "I slept really well."

Napakurap ako. "Good for you."

"It's because of you."

Hindi ko alam bakit sobrang dali niya magsabi ng mga bagay na nagpapabilis tibok ng puso ko.

Maya-maya, umangat siya nang bahagya saka sumandal sa headboard.

At doon ko lang napansin ang daming light marks sa collarbone niya.

Nanlaki mata ko.

"OH MY GOD." Napangisi agad siya.

"What?"

"Ako gumawa niyan?!"

"Most of it." tawang-tawa siya.

Namumula akong bumaba sana sa kama para kunin phone ko pero bago pa ako makalayo, bigla niya akong hinila pabalik.

Napasinghap ako nang mapaupo diretso sa kandungan niya.

"Kaelis!"

"Asan punta mo?" bulong niya habang nakayakap sa bewang ko. "Kukunin ko phone ko."

"No."

"Bakit ba?"

"Cuddle first." nakabaon mukha sa leeg ko habang mahigpit akong yakap, parang ayaw na niya akong pakawalan.

Tumayo na ako bago pa may mangyari nanaman.

"Get dressed." Napalingon ako kay Kaelis habang nagsusuklay buhok sa harap ng salamin.

"Hm?"

"We'll have breakfast." Napakurap ako.

"Now?" Tumango siya habang busy magsuot relo niya.

Grabe, fresh na fresh. Mukha siyang model na may sariling kumpanya. Samantalang ako lutang pa.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Fine." Honestly gutom na rin naman ako.

Kaya dumiretso nalang ako bathroom para maghilamos at toothbrush.

Pagkatapos non nagsuot nalang ako oversized cream shirt at shorts.

As in pang quick breakfast lang.

Paglabas ko napatingin agad sakin si Kaelis.

Then dahan-dahan siyang ngumisi.

"You look cute."

"Shut up."

"Very girlfriend."

Hinila niya ako palabas condo.

Habang nasa byahe kami, nag iisip ako kung san kami café or brunch place.

Pero nang huminto kotse niyasa isang five-star hotel, sobrang sosyal.

May valet, may fountain, may chandeliers pa kitang-kita sa loob.

Bumaba kami agad dahil may nagbukas ng pintuan namin.

"KAELIS."

"What?"

"Bakit tayo nandito?!"

"Breakfast." Pinalo ko agad braso niya.

"Anong breakfast dito?! Tingnan mo suot ko!" Tawang-tawa siya habang hinahawakan wrist ko.

"You look good."

"Kaelis nakakahiya!"

"Impossible."

At bago pa ako makareklamo ulit hinawakan na niya bewang ko habang pinapasok ako sa loob.

Super clingy. At nakakainis kasi wala siyang pake kahit ang daming tao.

Pagpasok namin sa restaurant area literal na parang movie.

Floor-to-ceiling windows, golden morning light, soft piano music, fresh flowers bawat table.

At yung buffet... grabe.

May:

- fresh pastries

- smoked salmon

- luxury cheeses

- steak carving station

- eggs benedict

- truffle omelette

- croissants

- fruit platters

- korean breakfast section

- tea bar

- dessert station

Halos mawalan ako ng kaluluwa kakatingin.

"Oh my god."Napangisi si Kaelis habang hawak pa rin bewang ko.

"Cute."

"Parang isang buwan grocery namin tong breakfast na to." Napatawa siya nang mahina.

Then dinala niya ako sa table malapit sa window view.

Hinila niya ang silya ko para umupo ako, at tumabi siya sakin, hindi sa harap, sa tabi.

"Kaelis."

"Hm?"

"Bakit dikit na dikit ka."

"Because I can now." NAMULA AGAD AKO.

At mas lalo pang lumala kasi habang kumakain kami sobrang clingy niya.

Examples? Inaayos niya buhok ko, pinupunasan sulok ng lips ko, inaabot lahat pagkain, hawak hita ko under the table

at nakasandal sakin minsan

At yung mga staff? Halatang kinikilig na.

"Try this," sabi niya habang sinusubo sakin truffle scrambled eggs.

Napakurap ako. "...ang sarap."

"I know."

Tapos maya-maya dumating steak and fluffy pancakes with berries. Nanlaki mata ko.

"Breakfast ba talaga to o wedding reception?" Napatawa siya.

"I told you."

Dahan-dahan niyang hinawakan kamay ko sa table.

"Iba ako magmahal, Aveline." Biglang bumilis tibok ng puso ko.Diretso lang siyang nakatingin sakin habang nilalaro fingers ko.

"Lahat ng mahal," bulong niya habang nakangiti nang mahina, "gusto ko maranasan mo." natulala ako.

At mas nakakabaliw kasi sobrang natural niya sabihin. Parang sure na sure siya sakin.

Maya-maya yumuko siya palapit sa tenga ko.

"So get used to it," bulong niya. "Spoiling you is my new favorite hobby."

Pagkatapos namin mag-breakfast akala ko uuwi na kami. Busog na busog na ako. As in hindi na ako makalakad nang maayos.

Samantalang si Kaelis fresh pa rin, unfair.

"Kaelis," reklamo ko habang naglalakad kami palabas hotel. "Parang tatlong pamilya pinakain mo sakin."

"You ate beautifully."

"ANO YON." Napatawa lang siya habang hawak bewang ko.

Oo. Wala siyang pake.

Paglabas namin akala ko didiretso na kami parking.

Pero iba dinaanan niya, kumunot noo ko.

"...saan tayo pupunta?"

"Shopping." Natigilan ako. "Ha?"

"You need clothes." Napahinto ako agad.

"Excuse me?!" Tinignan niya oversized shirt ko.

"Cute ka."

"Then?"

"But you deserve prettier things too."

Bigla ko siyang pinalo ulit.

"Kaelis! Hindi ako sugar baby!"

Tawang-tawa siya sa sinabi ko habang hinahawakan kamay ko. "Too late."

"BALIW KA." At bago pa ako makatanggi hinila na niya ako papasok sa luxury mall connected sa hotel.

Literal na nanlaki mata ko, designer stores, marble floors, sparkling lights lahat ng tao mukhang may generational wealth

"Kaelis," bulong ko habang nakakapit sakanya. "Mukha akong nawawalang estudyante dito."

"No." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You look expensive."

Una niyang pinasok designer clothing boutique. Pagpasok palang namin halatang kilala siya ng staff.

"Mr. Rhune, welcome back." Tumango lang siya saka tumingin sakin.

"Pick."Nanlaki mata ko. "Isa lang ha?"

"As many as you want."

"Kaelis naman." Pero wala siyang pake.

Literal na siya pa pumipili ng damit para sakin.

Cream dresses, soft knit tops, oversized hoodies, elegant skirts, white sneakers, delicate jewelry.

At kada may magugustuhan siya basta nalang ibibigay sa staff.

"This too."

"And this."

"Oh this color suits her."

"KAELIS TAMA NA." Napangisi lang siya.

"Never."

Maya-maya habang tinitingnan ko price tag ng isang cardigan literal na muntik ako mawalan hininga.

"OH MY GOD." Lumapit agad si Kaelis.

"What?"

"Pang tuition na to!"

Napatawa siya nang mahina bago yumuko palapit sakin.

"You're cute when you panic."

"Kaelis hindi normal to!"

Dahan-dahan niyang hinawakan baba ko.

"Aveline," bulong niya habang diretso tingin sakin, "I told you."

Then hinaplos thumb niya lower lip ko nang mahina.

"Iba ako magmahal."

PUTANGINA.

MUNTIK NA AKO MAG-COMBUST.

At mas lumala pa kasi habang nasa counter kami biglang may familiar voices.

"Wait... si Kaelis ba yon?" Nanlaki mata ko agad.

Students from our school.

Tatlong babae.

At kitang-kita nila, hawak ni Kaelis bewang ko, shopping bags, sobrang clingy niya

at yung tingin niya sakin

"OH MY GOD."

"SI AVELINE?!"

"ARE THEY DATING?!" Napahawak agad ako mukha ko.

"Kaelis!"

Bagkus mas lalo pa niya akong hinila palapit, dahan-dahan siyang ngumisi.

"Good," bulong niya sa tenga ko.

Nanlaki mata ko."Ha?"

"I want people to know you're with me."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.