Kabanata 35

Mukhang aaraw-arawin talaga ako ni Kaelis.

After nung breakfast date namin literal na halos buong weekend nasa condo siya.

At dahil walang Aviel mas lalo siyang naging kampante. As in sobrang kampante.

Nagdadala pa ng skincare, perfumes, extra clothes,pati silk pillowcase

"Kaelis," sabi ko habang nakahiga sa sofa at pinapanood siyang nagaayos gamit niya sa CR ko, "parang lilipat kana dito."

Lumabas siya habang naka-headband pa.

"Tempting." Napairap nalang ako.

At honestly hindi ko alam paano nangyari pero... sobrang dali naming masanay sa isa't isa. Too comfortable., too natural.

At oo may nangyari ulit. Both days. Parehong ako yung lutang pagkatapos.

Samantalang si Kaelis? Mas lalo lang lumalandi.

"Aveline," sabi niya isang gabi habang nakahiga sa dibdib ko. "Mukhang maaadik talaga ako sayo."Pinalo ko agad noo niya.

"Baliw."

"I'm serious."

"Manahimik ka." Natawa lang siya bago ako hinalikan ulit sa noo.

Grabe tong baklang to.

At dahil nga halos buong weekend siya nasa condo bumili pa talaga siya bagong clothes.

As in iniwan niya sa condo ko.

"Para hindi na ako paulit-ulit umuwi," sabi niya habang nagaayos cabinet.

"Excuse me?"

"What?"

"May sarili kang bahay!"

"Pero mas maganda tulog ko dito." Namula nalang ako habang inaagaw hanger sakanya.

Then ayun na nga dumating ang Monday.

Pasukan ulit. At dahil demonyo si Kaelis sabay talaga kaming pumasok.

Pagbaba palang namin sa school ramdam ko na agad tingin ng mga tao.

Kasi si Kaelis? Nakahawak agad sa kamay ko.

Comfortably. Like it's the most normal thing ever.

"Kaelis," bulong ko agad. "Ang daming nakatingin."

"So?"

"So nakakahiya!"Tumaas kilay niya.

"You kissed me first."

"BALIW." Napatawa lang siya habang mas lalo pa akong hinila palapit nagsimula na ang bulungan.

"OMG."

"Si Kaelis?"

"Magkasama sila?!"

"Akala ko bakla si Kaelis?"

"Wait... nagkagusto siya sa babae?"

Normally iiignore ni Kaelis mga tao.

Pero this time? Bigla siyang tumigil sa gitna ng hallway. Then very calmly tumingin siya doon sa mga nagbubulungan.

"Yeah," sabi niya habang nakaangat kilay. "You're right."

At bago pa sila makarecover hinila niya ulit ako paakyat building na parang wala lang siyang ginawang life-changing announcement.

"KAELIS!"

"What?"

"Ano yon?!"

"Truth." Napahawak nalang ako noo ko.

Pagpasok namin classroom mas malala. Literal na napatayo sila PJ at Carmela.

"OH MY GOD."

"OH MY GOD TALAGA." Nanlaki mata ni Carmela habang nakaturo samin.

"KAYO NA?!"

"Hindi-" sagot ko agad. "Yes," singit ni Kaelis.

"KAELIS!" Tawang-tawa si PJ habang hinahampas table.

"I KNEW IT." Samantalang si Carmela literal na nanginginig sa kilig.

"TEKA LANG."

At sa kabilang side ng room si Rhysand.

Tahimik lang siyang nakaupo habang pinapanood kami.

Pero unlike before wala nang bitterness sa mukha niya. Parang tanggap na niya?

Then very casually, ibinagsak ni Kaelis ang bag niya sa desk namin saka humarap sa buong classroom.

At dahil attention seeker siya talagang nagsalita pa.

"Pinapaalam ko lang sainyo," sabi niya habang isang kamay nasa bewang ko, "nililigawan ko si Aveline."

Biglang sumabog ang room.

"WHAT?!"

"OH MY GOD."

"KAELIS RHUNE IN LOVE?!"

"At ang tagal nga akong sagutin," dagdag pa niya habang nakatingin sakin na parang ako pa may kasalanan.

Namula agad mukha ko.

"KAELIS TUMAHIMIK KA!"

Pero imbes mahiya mas lalo lang siyang ngumisi, yumuko siya palapit sa tenga ko.

"Answer me soon," bulong niya nang mahina. "Before I lose my sanity."

Kinabukasan literal na parang celebrity scandal nangyari sa school.

Pagpasok palang campus, may nakatingin na, may nagbubulungan, may nagpipicture pa patago

Ano pa Kaelis Rhune publicly admitted na nililigawan niya ako.

"Patay," bulong ko habang naglalakad sa hallway.

Sa tabi ko sobrang fresh na Kaelis na parang walang ginawang kaguluhan kahapon.

Naka-black polo, silver accessories, at may dala pang iced coffee para sakin.

"Your favorite," sabi niya habang inaabot drink. Tinignan ko siya nang masama.

"Kasalanan mo 'to."

"What?"

"Buong school nakatingin." Ngumisi lang siya.

"Good."

At mas lalo pa akong nainis kasi hinawakan nanaman niya bewang ko habang naglalakad.

"Bitaw."

"No."

"Public place to!"

"Exactly."

Baliw talaga. Pagpasok namin classroom mas malala. Pagbukas palang ng pinto biglang may sumigaw.

"ANDYAN NA ANG POWER COUPLE!"

Halos mawalan ako ng kaluluwa.

"PJ!" Tawang-tawa sila Carmela habang si Rhysand nasa gilid lang, tahimik na umiinom coffee.

At syempre si Kaelis walang kahihiyan.

Bigla pa siyang nagsalita. "Good morning everyone. Hindi pa rin niya ako sinasagot."

"KAELIS TUMIGIL KA." Mas lalo tuloy nag-ingay room.

At akala ko doon lang matatapos.

Wrong, sobrang wrong.Mga ten minutes bago magsimula lecture may kumatok sa classroom.

Nanlaki mata ko nang may pumasok na hotel-looking staff. May dalang sobrang laking bouquet.

Pink and white roses, with peonies. At sobrang laki na halos hindi makita mukha nung staff.

"Delivery for Miss Aveline." Literal na natahimik buong room. "OH MY GOD."

"NO WAY." Dahan-dahan kong tinuro sarili ko.

"...ako?" Tumango yung staff.

"At may card din po."

Namumula akong tinanggap bouquet habang gusto ko nang tumalon palabas bintana.

At sa likod?

Si Kaelis naka-sandal lang sa chair habang nakangisi.

"Kaelis..." bulong ko.

"In fairness," sabi ni PJ habang nakatayo na kakakilig, "pang K-drama."

Dahan-dahan kong binuksan card. At agad akong napapikit.

For the future girlfriend who keeps ignoring me.

- Kaelis

"OH MY GOD!" sigaw ni Carmela. Pati professor namin napaangat salamin.

"Mr. Rhune..."Tumayo si Kaelis nang kalmado.

"Yes?"

"Are you seriously sending flowers during class?"

"Yes."

"Why?" Tumingin siya sakin.

Then very casually "Because she's pretty."

MUNTIK NA AKO MAMATAY. Buong classroom literal na nagsisigawan.

Samantalang ako halos matunaw na sa hiya.

Pero hindi pa tapos demonyong yon.

During lunch break bigla nanaman siyang may surprise.

Paglabas ko classroom may waiting tray ng desserts, strawberry shortcake, macarons, pink milk tea at imported chocolates

At may note nanaman.

Eat well.

You look cuter when happy.

"KAELIS!" Nakangiti siya habang nakasandal sa hallway wall.

Then dahan-dahan siyang lumapit sakin.

"Too much?" tanong niya habang inaayos buhok ko. Napabuntong-hininga ako.

"Very." Saglit siyang natahimik.

At first time mula nung nagsimula siyang manligaw nawala yung playful smirk niya.

"If you want," sabi niya nang mahina habang hinahaplos thumb niya wrist ko.

"I can do this quietly." Natigilan ako.

Kasi first time kong marinig siyang mag-adjust agad para sakin.

"No more flowers, no more public stuff."

Diretso lang siyang nakatingin sakin.

"I just want you comfortable." Biglang bumilis tibok ng puso ko. At mas lalo pa nung ngumiti siya nang mahina.

"But honestly?" bulong niya habang yumuyuko palapit sakin, "I just really like spoiling you."

"Kaelis..."

"Hm?"

"Bakit mo ba ako gusto nang ganito?"

Saglit siyang natahimik, hindi playful,hindi smug. Diretso lang siyang nakatingin sakin.

Parang iniisip talaga sagot niya, dahan-dahan siyang ngumiti.

"Because you make me feel calm."

Natigilan ako. "You make me sleep better," dagdag niya habang hinihimas thumb niya kamay ko. "Eat better."

Bumilis tibok ng puso ko.

"And honestly?" mahina niyang sabi habang mas yumuyuko palapit.

Napapikit ako nang bahagya. "...what?"

"You make me want to become better at loving someone."

At bago pa ako makapagsalita bigla niya akong hinila palapit sa chest niya.

Mahigpit, warm and safe, naramdaman kong humalik siya sa ibabaw ng ulo ko.

"My baby girl" bulong niya.

Napahawak ako sa damit niya.

"Hihimatayin ako nang dahil sayo."

Tawang-tawa siya.

Dahan-dahan siyang umatras nang konti para makita mukha ko.

At tangina sobrang gwapo niya ngumiti. Yung tipong parang ako lang nakikita niya.

"Aveline," bulong niya habang inaayos buhok ko.

"Hm?"

"I'll court you properly." Biglang bumilis tibok ng puso ko ulit. "No games."

Hinawakan niya baba ko nang sobrang gentle. "No confusion."

Then mahina siyang ngumisi.

"Just me obsessing over you everyday until you finally become mine."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.