Kabanata 36

Hindi ko alam paano ako napapayag ni Kaelis sa mga bagay.

Like ngayon literal na nasa kotse niya ako habang nanginginig sa kaba.

"Kaelis..."

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

Kalma lang siyang nagdadrive habang naka-sunglasses pa. "Lunch."

"Sinungaling." Napangisi siya nang bahagya.

"Family lunch."

HALOS MAWALA KALULUWA KO.

"ANO?!" Napatawa siya nang malakas habang ako halos himatayin sa passenger seat.

"Relax."

"BAKIT HINDI MO SINABE AGAD?!"

"Para hindi ka tumakas."

"KAELIS!" Tawang-tawa lang siya habang inaabot kamay ko para halikan.

"Cute mo pag panic."

"Hindi ako prepared!" Tinignan niya outfit ko.

Simple lang suot ko, light blue dress, white cardigan, natural makeup at loose hair.

"You look perfect."Very casual niyang sinabi.

MAS LALO AKONG KINABAHAN.

Pagdating namin sa mansion nila literal na gusto ko nang umatras.

"Kaelis," bulong ko habang nakakapit sakanya. "Ang yaman niyo talaga no."

"Now mo lang narealize?" Pinalo ko agad braso niya.

At bago pa ako mawalan ng lakas hinila na niya ako papasok.

Pagbukas palang pinto may elegant woman agad na lumapit.

Maputi, maganda at sobrang classy. At halatang younger version ni Kaelis.

"Kaelis!" sabi nito bago biglang napunta tingin sakin.

At doon literal na nagliwanag mukha niya.

"Oh..." Nanlaki mata ko. "You're Aveline."

Napakurap ako. "...po?"

"My God," sabi niya habang hawak dibdib niya. "She's prettier in person."

"Mom," reklamo agad ni Kaelis.

"Tumahimik ka," sagot agad nito habang lumalapit sakin.

Hinawakan niya dalawang kamay ko. At doon niya napansin mata ko. Literal na napatakip bibig niya.

"BLUE EYES?!" Napatalon ako sa gulat.

"KAELIS!" sigaw agad ng mom niya habang hinahampas braso nito. "Ang gaganda ng magiging apo ko!" HALOS MABULUNAN AKO SA HANGIN.

"poo-?!" Napatawa si Kaelis habang ako namumula na sobra.

"At least honest siya," sabi pa ng demonyo.

"Mom," dagdag niya habang relaxed lang, "soon."

NAPAUBO AKO NANG MALAKAS.

"SOON?!" sigaw ko habang halos mamatay kakahiya.

Samantalang mama niya literal na kinikilig.

"As expected from my son," sabi nito habang proud na proud. "Ang ganda ng taste."

"THANK YOU MOM."

"KAELIS TUMAHIMIK KA!"

Tawang-tawa silang dalawa habang ako gusto nang tumalon sa fountain sa labas.

Biglang hinawakan ako ng mom niya sa shoulders. "Aveline," sabi niya nang seryoso kunwari.

Nanlaki mata ko. "...po?"

"Please wag mo iwan anak ko."bNapakurap ako.

"Mom-"

"Kasi first time kong makita siyang ganito ka-obsessed."

"Mom!"

"Eh totoo naman!" Mas lalo tuloy akong nahiya habang si Kaelis naka-facepalm na.

Pero honestly nakakagulat kasi sobrang warm ng mom niya.

Hindi intimidating, parang excited pa talaga.

At mas lalo pang lumala nung habang lunch hindi tumitigil mom niya.

"Aveline gusto mo ba twins?"

"mom!"

"What?" sagot agad nito habang kumakain salad. "Malay mo lang."

"Well I want twins." singit ni Kaelis

"KAELIS!"

"At least dalawa agad."

Literal na tumatawa na buong dining room habang ako halos matunaw na sa hiya, at hindi impossible kasi may kakambal ako.

Si Kaelis hawak lang kamay ko under the table habang nakangisi na parang sobrang saya niyang nakikita akong nahihiya.

Natapos din ang araw. At honestly pagod na pagod ako. Emotionally, physically, mentally.

Grabe energy ng mom ni Kaelis. Hanggang pag-uwi namin dala ko pa rin trauma ng

"twins" at "future grandchildren."

"Bakit ka tahimik?" tanong ni Kaelis habang nagdadrive. Napabuntong-hininga ako.

"Traumatized ako sa mom mo." natawa siya.

"She likes you."

"She already planned our babies!"

"Blue-eyed babies specifically."

"KAELIS!" Napatawa nanaman siya habang inaabot kamay ko para halikan.

And nakakainis kasi sobrang natural niya sakin ngayon. Parang ilang taon na kami.

Pagdating sa condo ko, bumaba muna siya para ihatid ako hanggang labas ng lobby.

"Kakain ka later?" tanong niya habang hawak bewang ko. "Hindi na."

"Text me."

"Opo." Ngumisi siya nang bahagya.

"Good girl." Hindi ko alam pero kinilig ako.

Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan likod non.

"Uuwi muna ako," sabi niya habang diretso tingin sakin. "My mom's leaving again tomorrow." Lumambot expression ko nang konti.

"Ah..."

"She wants me to stay over " Tumango ako.

"Go."

At bago pa ako tuluyang makapasok lobby hinawakan niya baba ko at hinalikan ako.

Mabagal, at soft, pero nakakakaba pa rin.

Paglayo niya nakangiti siya.

"Miss me."

"Uwi kana." nakangiti siyang umatras bago tuluyang umalis.

Automatic akong napangiti mag-isa.

Pagpasok ko lobby biglang nawala ngiti ko.

Si Rhysand, nakatayo malapit elevators.

Nanlaki mata ko. "Rhysand?"

Mukha siyang pagod. Pagtingin niya sakin halatang may gusto siyang sabihin simula pa kanina.

"Timing," bulong ko. "Wala talaga si Kaelis."

Hindi siya ngumiti. "Aveline..." Kumunot noo ko."Paano mo nalaman condo ko?"

Saglit siyang natahimik bago umiwas tingin.

"...sorry." Nanlaki mata ko. "Sinundan kita."

"What?"

"Can we talk?" tanong niya habang mahina boses. "Outside, please."

Hindi ko alam bakit pero may mabigat sa pakiramdam ko.

Still... tumango ako.

Tahimik kaming naglakad papunta park malapit condo, malamig ang hangin.

At habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan. Kasi sobrang iba ng aura ni Rhysand ngayon.

Pagdating namin sa may bench area bigla siyang huminto.

Humarap siya saakin. "Aveline..."

Kumunot noo ko. "...why?"

At bago ko pa maintindihan bigla siyang lumuhod. Nanlaki mata ko.

"RHYSAND?!" Hindi ko alam gagawin ko.

Lalo na nang makita kong nanginginig kamay niya.

"Aveline..." bulong niya habang namumula mata. "Can you give back Kaelis?"

Parang may bumagsak sa dibdib ko.

"What?"

"I can't lose him." Unti-unting pumatak luha niya. At doon ako tuluyang natulala.

"Rhysand..."

"I can't watch him become obsessed with someone else," dagdag niya habang umiiyak na. "Please." Hindi ko alam ano sasabihin.

Kasi kitang-kita ko mahal niya talaga si Kaelis.

"Rhysand..." mahina kong sabi habang lumuluhod din konti para patayuin siya. "Nahulog na ako kay Kaelis."

Napapikit siya nang madiin. "At... sasagutin ko na rin siya soon."

"No." Napaatras siya agad. "No, Aveline please..." Mas lalo siyang umiyak.

"Baka naguguluhan lang siya," sabi niya habang mabilis paghinga. "Bakla si Kaelis. You know that."

"Rhysand-"

"Please wag mo siyang ibahin."

Biglang kumunot noo ko. "I'm not changing him."

"Yes you are!" biglang sigaw niya.

Napatigil ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Galit, desperate.

"He was fine before you," sabi niya habang nanginginig boses. "He liked men. He knew himself." Nasaktan ako sa sinabi niya.

"Rhysand," sabi ko habang pilit kalmado, "hindi ko siya pinilit."

"Then why is he changing?!"

"Because people change!"

"Not like this!" Napahinga ako nang malalim habang bumibigat dibdib ko.

"He likes me," mahina kong sabi. "And I like him too." Parang mas lalo siyang nadurog.

Napatawa siya sarcastically. Pero masakit pakinggan. "So ako?" tanong niya habang luhaan. "Ano nalang ako?"

Natulala ako, kasi wala akong maisagot.

Mas lalong bumigat atmosphere nung tumingin siya sakin nang diretso.

"This isn't fair," bulong niya. "You came out of nowhere... then suddenly ikaw na buong mundo niya." Napakagat ako labi.

Tumayo na din siya sa pagkakaluhod niya.

At this time wala nang softness sa mukha niya. Masakit na matalim.

"If you really like him," sabi niya habang pinupunasan luha niya, "then prove you can handle him."

Kumunot noo ko. "...what?"

Ngumisi siya nang mapait.

"Because once Kaelis gets obsessed..."

Diretso siyang tumingin sakin. "He destroys himself for people."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.