Kabanata 37

Hindi ko makalimutan sinabi ni Rhysand.

"Once Kaelis gets obsessed... he destroys himself for people."

At first akala ko exaggerated lang.

Pero habang tumatagal... unti-unti kong napapansin. Totoo pala.

Tatlong araw na halos hindi umuuwi si Kaelis sa sarili niyang bahay. Nasa condo ko lang siya palagi.

Pag gising ko nasa kitchen siya.

Pag matutulog ako nakayakap nanaman sakin. Honestly sobrang sarap sa pakiramdam mag mahal ni Kaelis.

Kasi grabe siya magmahal.

As in grabe.

"Aveline." Napalingon ako mula sa couch habang nagrereview notes. Si Kaelis papalabas ng kitchen may dalang tea tray.

Again, every night nalang.

"You need rest," sabi niya habang nilalapag herbal tea ko sa table.

"Kaelis," sabi ko habang kumukunot noo, "ikaw din."

"I'm okay." Liar.

Halata sa mukha niya, mas tahimik siya lately. At napapansin kong madaling araw na gising pa rin siya minsan.

Kahit tulog na ako. One time pa nga nagising ako alas tres. Nasa balcony siya mag-isa habang umiinom coffee.

"Ano ginagawa mo?" antok kong tanong noon. Lumingon siya sakin saka ngumiti.

"Can't sleep."

"At umiinom ka coffee?"

"You were sleeping peacefully," sagot niya habang nakatingin sakin. "Ayoko gisingin ka."

Doon unang kumirot dibdib ko. Then another thing halos hindi na siya sumasama sa ibang tao.

Lunch? Kasama ako. Free time? Kasama ako.

After class? Kasama ako.

Even Rhysand noticed.

"Kae," sabi nito minsan habang nasa hallway kami. "May friends ka pa remember?"

"Busy."

"With Aveline?"

"Yes." Napairap nalang si Rhysand habang ako medyo naiilang na.

At mas lumala pa nung napansin kong...

hindi na siya nagfofocus minsan.

One time sa TCM lab muntik na siyang magkamali ng herb measurement.

Si Kaelis, na sobrang perfectionist.

"Kae," bulong ko habang inaayos hawak niya. "You okay?" Tumango lang siya agad.

Pero nang hawakan ko kamay niya sobrang lamig.

"At kumain ka ba?" Nanlaki mata ko.

"Kaelis."

"I forgot." Literal akong napabuntong-hininga.

"Kailan ka last kumain?"

"...yesterday?" wala kasi siya sa condo ko.

"KAELIS!" Pati sila PJ napalingon na. At imbes mahiya ngumiti lang siya sakin nang pagod.

"I'm fine."

"No you're not." Biglang naging tahimik siya.

Then dahan-dahan siyang yumuko palapit sakin. Mahina boses niya nang magsalita.

"I just like being around you." Parang may pumisil sa puso ko. Kasi hindi siya nagbibiro. Parang dependent na talaga.

At doon ko narealize hindi nagsisinungaling si Rhysand. Kapag nagmahal si Kaelis... nakakalimutan niya sarili niya.

Kinagabihan sa condo naabutan ko siyang tulog sa sofa. Naka-open pa laptop niya.

May untouched dinner sa table. At halatang hinihintay niya akong makauwi bago kumain.

Napapikit ako nang madiin.

"Kulit mo..." bulong ko habang nilalapitan siya. Dahan-dahan kong inayos buhok niya.

Pero pagdampi palang ng kamay ko nagising agad siya.

"Aveline?"

"Ano ba to?" sabi ko habang tinuturo pagkain. "Bakit di ka kumain?"

Ngumisi siya nang mahina. "Wanted to eat with you."

"Kahit gutom ka na?"

"Yes." Nainis ako, nasaktan, pareho.

"Kaelis..." mahina kong sabi habang nakatingin sakanya. "Ayoko ng ganto."

Kumunot noo niya. "...what?"

"You keep forgetting yourself."

Natigilan siya.

"At ayoko non," dagdag ko habang humihina boses ko. "I like you... pero ayoko mawala ka sa sarili mo dahil sakin."

First time yata nakita kong nawalan siya ng sagot. Tahimik lang siyang nakatingin sakin.

Then dahan-dahan siyang tumayo. At sobrang hina ng boses niya nung nagsalita siya.

"...I don't know how to stop." Literal na nadurog puso ko.

Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Nakatayo lang si Kaelis sa harap ko habang pagod mata niya. At ngayon ko lang yata narealize kung gaano siya ka-seryoso sakin.

Hindi siya natatakot magmahal. Ang problema sobra siyang magmahal.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya. Then hinawakan ko mukha niya. Agad siyang natahimik. Parang automatic kumakalma pag hinahawakan ko siya.

"Kaelis," mahina kong tawag. Nakatingin lang siya sakin.

Soft, pagod.

"Andyan ka naman," bulong niya habang nakapikit sandali sa hawak ko.

Napangiti ako nang mahina. "Then let me teach you." Kumunot noo niya.

"...what?"

"How to love me properly." Literal siyang natulala.

As in first time kong makitang walang comeback si Kaelis Rhune.

Then dahan-dahan siyang napatawa nang mahina. "Dangerous ka talaga."

"Hindi ako dangerous," sabi ko habang hinihimas buhok niya. "Ikaw yung hindi marunong magpahinga."

Napabuntong-hininga siya saka yumuko hanggang noo niya nakadikit sa balikat ko.

"Tried," bulong niya. "Failed." Napahawak ako sa buhok niya.

"Kaelis"

"Yes my Aveline?"

"You eat first before waiting for me."

Napaangat agad tingin niya. "...what?"

"Hindi pwede yung gutom ka tapos aantayin mo pa ko."

"But eating with you feels better."

"Kaelis."

"Fine."

"And matutulog ka sa bahay niyo tonight."

BIGLANG KUMUNOT NOO NIYA "What?!"

Napatawa ako nang mahina. "Kailangan mo ng maayos na tulog."

"No, I will sleep here"

"KAELIS."

"Cruel."

Pero kahit nagdadrama siya sumunod din siya. Which honestly shocked me.

The next few days unti-unti kong pinilit ayusin routine niya.

At sobrang hirap. "Kumain kana?"

"Later."

"Now."

"Aveline..."

"Now."

Grabe. Parang ako na nanay minsan.

Pero nakakagulat kasi nakikinig siya sakin.

Hindi agad, may drama pa.

Pero sumusunod. Minsan nga nakita ko pang nagtetext si Rhysand.

OMG.

PINAKAIN MO SIYA BEFORE 2PM?

WHO ARE YOU?

One night nagising ulit ako madaling araw.

At expected ko na wala nanaman si Kaelis sa kama. Paglabas ko condo balcony nandun nga siya.

Naka-hoodie habang nakaupo mag-isa.

Pero this time wala siyang coffee. Nakatingin lang siya sa city lights.

Tahimik akong lumapit. At nang maramdaman niyang ako automatic niyang hinila kamay ko.

"Sorry," bulong niya. Napaupo ako sa tabi niya.

"For what?"

"Waking up again." Dahan-dahan kong inayos magulong buhok niya.

"Loving me shouldn't hurt you, Kaelis" Napapikit siya nang madiin.

Parang tinamaan. At after ilang seconds mahina siyang natawa.

"You're asking impossible things from me."

"No," sabi ko habang hinihimas buhok niya. "I'm asking you to stay healthy enough to love me longer." Literal siyang natahimik.

As in tuluyan, dahan-dahan siyang lumingon sakin. At tangina parang maiiyak siya.

"I waited years," bulong niya habang mahina boses, "to feel something this strong."Parang may humigpit sa puso ko.

"And now," dagdag niya habang nakangiti nang pagod, "you're asking me to calm down?" Hinawakan ko kamay niya.

Mahigpit. "No." Lumapit ako saka dahan-dahang hinalikan noo niya.

"I'm asking you to stay." Napatitig lang siya sakin. Parang hindi siya sanay na may taong... aalagaan din siya.

Maya-maya, dahan-dahan siyang sumandal sakin. Hindi desperate, hindi clingy.

Tahimik lang. At first time simula nang inalagaan ko siya halos parang kumalma talaga siya. Naramdaman kong huminga siya nang malalim.

"Okay," bulong niya habang nakapikit. "I'll try."

At habang nakasandal siya sakin sa malamig na balcony bigla kong narealize:

Maybe love wasn't supposed to consume someone completely.

Maybe real love teaches people how to stay.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.