Kabanata 38

Unti-unti ngang nagbabago si Kaelis.

Hindi instant, pero napapansin ko.

Minsan pag may class ako hanggang gabi or may inaasikaso akong requirements sa TCM clinic nauuna na siya sa condo kasi nauuna siyang matapos.

At first kinakabahan ako. Kasi iniisip ko baka naghihintay nanaman siyang gutom.

Pero pagdating ko nagulat ako isang gabi.

Pagkapasok ko condo naamoy ko agad pagkain.

Nanlaki mata ko. Nasa kitchen si Kaelis habang naka-hoodie at salamin.

Nagluluto.

"Why does this look suspicious?" sabi ko habang lumalapit.

Napalingon siya agad sakin saka ngumiti.

"Good evening." Tinignan ko stove.

"Experimental." Napatawa ako nang mahina. "At least kumain ka?"

Proud agad expression niya. "Yes."

Lumapit pa siya para ipakita empty takeout boxes sa counter.

"See? Responsible boyfriend behavior."

"Hindi pa kita boyfriend." Natigilan siya.

Then dramatic siyang napahawak dibdib.

"Cruel woman." Napailing nalang ako habang natatawa.

Pero honestly gumagaan na pakiramdam ko.

Kasi nakikita kong sinusubukan niya talaga.

One time pa nga naabutan ko siyang tulog nang maaga. As in before midnight.

Himala at may sticky note pa sa table:

Baliw talaga.

Pero kahit nag-iimprove siya...bmay moments pa rin na halatang hirap siya.

Especially pag busy ako. Like ngayon.

Halos buong araw ako nasa TCM clinic dahil sa patient evaluations at herbal inventory.

Pagdating ko condo madilim ang sala. Pero may ilaw sa balcony. Napabuntong-hininga ako.

Expected ko na agad. Paglabas ko nandoon si Kaelis. Naka-upo sa floor habang nakasandal sa wall.

Tahimik, pagod. At pagtingin niya sakin parang biglang nakahinga siya.

"Aveline." Lumapit agad ako.

"Kumain ka?" Tumango siya.

"Oo."

"At natulog?"

"...konti." Napairap ako, umupo ako sa tabi niya.

At bago pa ako makapagsalita bigla niyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit.

Parang desperate.

"Aveline," bulong niya habang nakayuko. "Hindi ako makatulog." Kumunot noo ko.

"Kaelis..."

"Hindi rin ako makakain minsan." Unti-unting bumilis tibok ng puso ko.

Kasi alam kong pinipigilan niya sarili niya sabihin to.

"I'm being crazy," dagdag niya habang humihina boses. "Ayokong mawala ka sa sight ko." kumirot dibdib ko.

Dahan-dahan siyang tumingala sakin, pagod mata niya. Pero sobrang genuine.

"Please," bulong niya. "Sagutin mo na ako."

Parang may humigpit sa puso ko. Wala nang flirting, takot nalang talaga.

Takot mawalan. Dahan-dahan kong hinawakan mukha niya.

"Okay, Kaelis." Bigla siyang napadilat.

Napangiti ako nang mahina. "Sasagutin na kita." Literal na natulala siya.

As in totally blank expression for three seconds.

"...what?" Napatawa ako nang mahina.

"But," dagdag ko habang hawak pa rin mukha niya, "aalagaan mo sarili mo."

Diretso lang siyang nakatingin sakin.

"At the same time," bulong ko, "aalagaan din kita." Parang doon lang nagsink in lahat.

Unti-unting nagliwanag mukha niya.

Yung smile niya sobrang saya, sobrang gaan.

sobrang genuine. Parang batang binigyan ng buong mundo.

"Okay," sabi niya agad habang halos matawa sa saya. "Okay I'll try." Napatawa nalang ako habang hinahaplos buhok niya.

Then bigla niya akong niyakap.

Mahigpit, warm. At this time hindi na siya parang nawawalang tao.

Parang finally...may pahinga na siya.

Then naramdaman kong humalik siya sa balikat ko bago mahina tumawa.

"So..." bulong niya.

"Hm?"

"You're officially my girlfriend now."

Napairap ako kahit namumula.

"Arte."

"No," sabi niya habang mas humihigpit yakap sakin. "I just finally got my favorite person."

Official relationship was a mistake, for my sanity specifically. Kasi akala ko once naging kami ni Kaelis kakalma siya.

Wrong, mas lumala.

"Aveline."

"Aveline."

"Aveline." Napairap ako habang nagsusulat notes sa classroom.

"Ano nanaman?" Biglang may dumampi sa noo ko. Nanlaki mata ko.

Hinahalikan nanaman ako ni Kaelis.

"KAELIS nasa classroom tayo!"

"So?"

"So?!" bulong kong sigaw habang namumula. Tawang-tawa naman sila PJ at Carmela sa likod.

"Girl," sabi ni PJ habang umiiling, "boyfriend Kaelis is actually terrifying."

"Correct," dagdag ni Carmela. "Parang araw-araw naka honeymoon phase."

"At least legal na ako," singit ni Kaelis habang inaayos buhok ko.

"Hindi ka legal. OA ka." Ngumisi lang siya bago humalik ulit sa kamay ko.

As in randomly. Wala siyang pake kung sino nakakakita.

Pero kahit lumala pagiging clingy niya.. napapansin ko rin pagbabago.

Subtle, pero importante, like ngayon.

Nagcoffee kami ni Carmela ngayon, pumayag naman si Kaelis. Gabi na ulit ako nakauwi.

Usually old Kaelis would, spam texts, hindi kakain, aantayin ako nang gutom

Pero pagdating ko condo may takeout food.

At surprisingly... nakakain na siya. Nilapitan ko siya habang nakataas kilay.

"Without me?"

"Yes."

"Wow." Ngumisi siya nang mahina.

"See?" sabi niya habang inaabot phone niya sakin.

May picture pa, literal na proof na kumain siya. Napatawa ako nang malakas.

"Nagpicture ka pa talaga?"

"I know you don't trust me."

"Correct." pagbibiro ko.

Tawang-tawa siya habang hinihila ako palapit sa pagitan ng legs niya.

Pero this time hindi desperate. Hindi clingy na parang mawawala ako, calm lang.

Parang gusto niya lang ako hawakan.

"Natulog ka din?" tanong ko habang inaayos buhok niya. Tumango siya agad.

"Two hours."

"Kaelis"

"Okay fine," dagdag niya agad. "Three."

Napangiti ako nang mahina. "Good job."

At parang simpleng words lang yon pero grabe reaction niya. Literal na lumiwanag mukha niya.

"As reward," sabi niya habang nakangisi, "kiss please." Napatawa ako habang hinahawakan cheeks niya.

"Demanding."

"Boyfriend privilege." Napailing nalang ako bago ko siya hinalikan sa noo.

At tangina parang nanalo agad siya sa lotto.

As in sobrang saya ng expression niya.

"You're so easy," natatawa kong sabi.

"No," bulong niya habang niyayakap bewang ko at sumasandal tiyan ko. "I'm just happy." Tahimik akong napangiti habang sinusuklay daliri buhok niya.

At maya-maya mahina siyang natawa.

"I like healthy love better." Napakurap ako.

Tumingala siya sakin habang relaxed na relaxed expression niya. "I get to keep you longer."

Tahimik lang kami sa kitchen habang nakayakap si Kaelis sa bewang ko.

Hindi na siya restless, hindi na overthinking.

Humihinga lang nang maayos habang nakasandal sakin.

Bigla siyang nagsalita. "Aveline my baby"

"Yes?"

"If we graduate..."

"...what?" Dahan-dahan siyang tumingala sakin.

Yung tingin niya sobrang lambot. Parang ako lang talaga nakikita niya.

"Papakasalan agad kita. natigilan nanaman ako.

"KAE-"

"I'm serious." Napatawa ako nang mahina dahil sobrang diretso niya sabihin.

"Boyfriend palang kita."

"Temporary problem."

"Baliw." Ngumisi siya nang konti saka mas humigpit yakap niya sakin.

"Imagine mo," bulong niya habang nakapikit. "Same house." Namula agad mukha ko.

"Same bed."

"KAELIS."

"Same breakfast everyday."

"At every morning," dagdag niya habang tumitingala ulit sakin, "gigising ako tapos ikaw una kong makikita." Biglang bumilis tibok ng puso ko.

Kasi nakakainis. Ang dali niya magsalita ng mga bagay na parang impossible hindi paniwalaan.

"At syempre," dagdag pa niya habang nakangisi na, "magkaka blue-eyed babies tayo."

"OH MY GOD." Tawang-tawa siya habang ako literal na namumula hanggang tenga.

"Your mom corrupted you!"

"No," sagot niya agad. "I was already obsessed before she met you." Napailing nalang ako habang hinahampas balikat niya.

Pero maya-maya naramdaman kong humalik siya sa tiyan ko sa ibabaw ng shirt ko.

Then yumakap ulit siya sakin.

Mahigpit, parang ayaw bumitaw.

"Aveline," mahina niyang bulong.

"Hm?"

"Thank you for staying." Biglang lumambot dibdib ko, dahan-dahan kong hinawakan mukha niya.

At habang nakatitig siya sakin na parang ako buong mundo niya bigla kong narealize:

Maybe Kaelis was never too much. Maybe...he just needed someone willing to love him gently enough to stay.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.