CHAPTER 29 Bedtime Story

Seraphine's POV:

Katatapos ko lang sunduin ang mga bata.

Literal na mission impossible nanaman na pauwiin si Collie kanina pano ba naman ang lakas mang trip sa mga kapwa bata nya.

"Seatbelt. SEATBELT. Hoy, Collie, hindi laruan 'yan-"

"Dude, relax ka lang po. Professional passenger ako," Sagot ni Collie habang naka-side view pa sa upuan, parang model sa pictorial.

"Professional ka sa pagiging sakit ng ulo ko." Bulong ko.

Sa tabi nya tahimik si Callie, arms crossed. Nakatingin lang sa labas, parang hindi kasama sa circus na 'to.

As always naman.

"Callie," Tawag ko.

"Yes po?"

"Pwede mo bang bantayan 'yang kapatid mo bago ako mawalan ng lisensya at pasensya?"

Hindi siya agad sumagot. Tumingin lang siya kay Collie yung tingin na parang kayang mag-freeze ng tubig.

"Sit properly."

"Okay." Biglang bait ni Collie, kumamot pa sa ulo.

Grabe. Ang lakas ng power ng batang 'to.

Umusad na ang sasakyan. Tahimik for like... five seconds.

"Alam mo ba," Biglang sabi ni Collie, "If the velocity increases tapos may sudden deceleration, technically-"

"WHAT?" Napatingin ako sa rearview mirror.

"We could experience inertia," Tuloy niya, seryoso pa.

"Anong... anong sinasabi mo?"

"Physics po," Sagot ni Callie, still calm.

Napakurap ako, ayan nanaman sila sa mga bagay-bagay na hindi ko maintindihan.

"...Ha?"

Tumawa si Collie. "Dude, parang ikaw yung nawalan ng inertia eh."

"Hindi ko nga alam kung insulto ba 'yan o hindi," Reklamo ko.

"Dude," Dagdag pa niya, "Alam mo ba yung Schr?dinger's cat?"

Napapreno ako ng slight.

"HOY! Wag ka mag-drop ng ganyang salita habang nagmamaneho ako!"

Reklamo ko ulit nakaka-distract kasi napapaisip ako.

"Just a thought experiment." Sabi ni Callie, walang emosyon. "A cat is both alive and dead until observed."

"Ah," Tumango ako.

Pause.

"...HINDI KO PARIN GETS."

Biglang humagalpak si Collie. "HAHAHAHAHAHA! Dude, ang cute mo!"

"Hindi cute 'to. Nalilito na 'ko sa buhay ko."

"Love," Seryosong sabi ni Callie, "It's about quantum superposition po."

"Quantum... ano?"

"Superposition."

"Parang... uhm... posisyon sa kama?" Tanong ko, legit confused.

"OWGAG-" Kakatawa ni Collie, halos mahulog na sya sa upuan.

Dapat pala hinayaan ko nalang siyang pagtripan yung mga kapwa bata nya.

Callie blinked slowly. "No."

"Eh di sorry na," Depensa ko. "Hindi naman ako pinalaking genius tulad niyo."

"You don't have to be a genius," Sabi ni Callie. "You just need curiosity."

"...Curiosity lang?"

"Yes."

"Curious ako kung bakit ang aga niyong maging matalino. Pwede bang delay muna 'yan hanggang college?"

"Too late Dude," Sabi ni Collie.

"Get used to it po," Sabi naman ni Callie.

Napailing ako habang nagmamaneho.

Grabe. Parang ako yung bata sa sasakyan.

"Okay, new topic!" Anunsyo ko. "Walang science. Walang physics. Walang quantum quantum. Normal na usapan lang."

"Define normal love," Sagot ni Callie.

"...Hindi ko na rin alam bahala kayo jan."

"Then technically, anything can be normal," Dagdag ni Callie.

"STOP."

Tumawa ulit si Collie. "Dude, ang dali mong i-bully."

"Ako ang driver. Kaya kitang iwan dito."

"Illegal po 'yan."

"Hindi kung mabilis akong umalis."

"Love," Singit ni Callie, "Focus on the road."

"Fine," Napasunod ako agad, pano ba naman para siyang yung nanay nya.

May mga araw talaga na ganito siya ka-seryoso, kaya napapasunod kami ng bunso. Takot lang naming dalawa, isa pa, para kasi siyang mini-me ni Emery.

After ilang minuto ng chaos, sa wakas, nakarating kami sa building.

"Finally," Bulong ko habang pinapark ang sasakyan. "Buhay pa tayong lahat."

"Barely," Bulong ni Callie. Sabay lingon sa kapatid nya.

"Labas na," Utos ko.

Pagbukas ng pinto, sinalubong kami ng malamig na hangin sa loob ng building. Tahimik kahit medyo maraming tao.

"Ang boring dito," Bulong ni Collie.

"Malamang office 'to, hindi playground," Sagot ko.

Naparabang hindi siya nag-enjoy - umikot-ikot dito at mambabae sa ibat-ibang department nung unang kilala ko sakanila.

Sumabay si Callie sa lakad ko, steady lang. Si Collie naman, kung anu-ano na tinitingnan.

"Don't do something stupid again Collie," Sabi ni Callie sa kambal nya.

Nagkatinginan kami ni Collie - napasimangot sya, ako naman mapa-smirk.

"Yan kasi," Bulong ko.

"She's predictable," Sagot ni Callie.

"Excuse me?" Sabi ni Collie. Parang na-offend.

"Nothing," Sagot ni Callie.

Umabot kami sa opisina ni Emery na nag-aasaran ang dalawa. Hindi na ako nakisali at baka ako nanaman pagkampihan nila.

Kinausap kami ng assistant niya. As expected...

"Ma'am is still in a meeting," Sabi ng assistant.

Napabuntong-hininga ako. "Of course she is."

Umupo kami sa couch.

Tahimik for three seconds.

"Dude," Tawag ni Collie sakin.

"Yes?"

"Do you think Mommy knows about multiverse theory?"

Napapikit ako.

"Lord... give me strength," Bulong ko.

"Possible, besides we wouldn't be who we are today if not for her. And it's also her field," Sabi ni Callie.

"Anong field niya?" Tanong ko. Matagal-tagal narin akong nagtratrabaho sakanila pero di ko alam.

"Advanced research po," Sagot nya.

Ngayon alam ko na kung bakit maraming alam itong mga batang 'to. Matalino ang mommy nila. I mean no doubt naman na pero knowing na yun ang pinag-aralan ng mommy nila nakaka-amaze lang isipin.

"Pwede ba niya i-research sakit ng ulo ko sainyo?"

"Dude," Natatawang sabi ni Collie, "you're so funny without trying."

"Hindi ko goal maging funny. Gusto ko lang mabuhay nang tahimik."

"Too late," Sabi nilang dalawa. Napahiga ako sa couch, tinakpan ang mukha ko ng unan.

Sa totoo lang...

Pagod na pagod na ako hindi biro ang mag-alaga ng bata. Pero habang naririnig ko yung tawa ni Collie at yung calm na boses ni Callie... Napapangiti ako.

Kahit na magulo, maingay at kung minsan nakakalito madalas ang usapan nila masaya parin.

"Okay," Umupo ulit ako. "Kapag dumating si Mommy, behave kayo ha?"

"Yes po," Sabay nilang sagot.

"Kita nyo naman marami syang work," Sabi ko sabay turo sa mga folders sa mesa ni Emery - napatango naman ang dalawa.

Nagkatinginan silang dalawa sabay ngumiti.

Uh oh.

"Why do I feel like nagsisinungaling kayo?" Tanong ko. Feeling ko may kalokohan nanaman sila mamaya.

"Observation mo lang po 'yan," Sagot ni Collie.

"Subjective perception," Dagdag ni Callie.

"...I'm doomed."

Tumahimik ang dalawa. Si Callie naglabas ng libro, samantalang si Collie naman ay humingi ng 20 minutes para gamitin ang iPad niya. Pumayag nalang ako kahit na nagamit na niya ang 2 hours screen time nya.

Tahimik... pero yung utak ko? Hindi.

Ang dami ko pang iniisip mula sa nangyari tatlong araw na rin simula nung gabing 'yon. Yung mga salitang hindi ko na kayang ulitin. Yung tingin niya... yung init... yung-

Click.

Naputol lahat ng iniisip ko nang bumukas ang pinto.

Napatingin kaming lahat sa pinto.

At ayun na siya.

Si Emery.

Still composed. Still intimidating. Still... her.

Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang dalawang babaeng ngayon ko lang nakita. Iba sa mga babaeng kasama niya sa restaurant nung nakilala ko si Elena. At isa lang ang masasabi ko sa mga kasama niya ngayon parang hindi sila nababagay sa mundong 'to sa sobrang ganda.

"Mommy!" Sabay sigaw nina Callie at Collie, sabay takbo papunta sa kanya.

Bahagyang lumambot ang mukha ni Emery yung side niya na bihira makita ng iba.

"My girls," Mahinahon niyang sabi, sabay hinaplos ang buhok nila.

Napako lang ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi.

"Amor."

Napalingon ako sa boses niya.

Diretso, walang emosyon.

Same as usual.

"...Ma'am," Sagot ko, pilit na steady.

Napataas ang kilay nya kaya pilit akong ngumiti.

Bago pa ako makapag-isip ng susunod na sasabihin napunta ang tingin ko sa babaeng nasa tabi niya.

Cassandra.

And damn, hindi ako prepared mas maganda nga siya sa personal gaya ng sabi ni Lara at Hana.

Hindi yung tipong cute lang o simple hindi. Yung tipong mapapahinto ka. Yung tipong mapapaisip ka kung totoo ba siya o gawa lang ng imagination mo.

Elegant, soft, pero may dating. At kung hindi ko alam yung kwento... Hindi ko iisiping buntis siya.

But don't get me wrong pinakamaganda parin si Emery para sakin, lang s'ya.

Kaya pala nasabi ni Hana na 'Hindi mo maiintindihan hanggang hindi mo makita.'

Now I really get it.

"Hi," Ngumiti si Cassandra sa'kin. Gentle. Warm.

"Hello," Sagot ko, medyo nahihiya na ewan.

Sa tabi niya, nandun si Miss Calista nakatingin lang, parang nag-oobserve. Tahimik pero halatang matalas. Wala ring katulad ang ganda nya.

Pero bago pa ako makapag-focus sa present biglang pumasok sa utak ko yung memory na matagal ko nang pilit inaalis sa isip ko.

FLASHBACK

"Lara?" kumatok ako sa pintuan niya.

Walang sagot.

"Hoy, gaga, papasok na 'ko ha-"

Click.

Binuksan ko yung pinto.

At doon natigilan ako.

"-OH MY GOD?!"

Napatili ako, napatakip ng mata.

"ANO 'YAN?!"

"AMOR!" Sigaw ni Lara, sabay kuha ng kumot at tinakpan ang sarili. "KNOCK NAMAN!"

"KUMATOK AKO! IKAW 'TONG WALANG SAGOT!" Sigaw ko rin, nakatalikod pa rin. "AT ANO 'YUNG NAKITA KO?!"

"WALA!"

"HUWAG MO AKONG LOKOHIN, MAY NAKITA AKO!"

Tahimik.

Then...

"...Okay fine."

Dahan-dahan akong lumingon.

Naka-upo na siya sa kama, balot ng kumot, buhok magulo, mukha niya namumula, hindi ko alam kung sa hiya o sa galit.

"Explain," Utos ko.

Huminga siya ng malalim.

"Intersex ako."

"...Inter... what?"

"I was born with... both."

Napakurap ako.

"Both as in...?"

"Yes."

Napaupo ako sa sahig.

"...Girl, hindi ko alam kung magso-sorry ako o magtatanong pa."

"Both," Ulit niya, diretso. "I have female parts... and male parts."

Mahabang silence.

"...So technically..." Tumingin ako sa kanya, seryoso.

"Yes?"

"...Pwede kang one-woman team?"

"AMOR!"

"WHAT?! Honest question 'yun!"

Tinapon niya yung unan sa'kin. "GAGO KA!"

Tumawa ako. "Sorry na! Nagulat lang ako!"

Napailing siya, pero napatawa rin sa huli.

"Basta," Sabi niya, "Normal lang 'to for me."

Tumango ako.

"Okay."

Pause.

"..Pero next time, LOCK YOUR DOOR."

"IKAW KASI-"

END OF FLASHBACK

"Amor?"

Napabalik ako sa present.

"Are you okay?" Tanong ni Cassandra, concerned.

"Ah-yes, yes," Mabilis kong sagot. "Na-distract lang."

"Same," Bulong ni Collie.

Napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"Wala," Ngiti niya.

Bigla siyang tumakbo papunta kay Cassandra.

"Tita!" Tawag niya.

"Yes?"

Hinawakan ni Collie yung tiyan niya maingat, parang may hinahawakang something fragile - which is meron nga.

"Hello baby," Sabi niya, soft yung boses. "Can't wait to see you... I'll play with you, okay?"

Natawa si Cassandra yung tipong hindi pilit hindi rin malakas.

"I'm sure the baby will love that," sabi niya.

Napangiti ako.

Si Callie naman, tahimik lang sa tabi ni Emery pareho silang naka-cross arms.

Then-

"Where do you want to eat?" Tanong ni Emery sa mga bata.

Hindi na nag-isip si Collie.

"Italian resto!"

"Same," Dagdag ni Callie.

Napatingin ako kay Emery.

For a second... Nagtagpo yung mata namin.

Three days.

Three days na walang usap.

Three days na puro ako iwas.

Pero sa simpleng tingin na 'yon ang dami kong gustong sabihin.

Hindi ko alam kung ano.

Hindi ko alam kung kailan.

Hindi ko alam kung pano.

"How about you Sandra?" Tanong nya.

"It's okay for me. Besides, my doctor gave me a diet plan so I can monitor it," Sagot nya.

"Let's go," Sabi ni Emery.

Huminga ako ng malalim at sumunod.

Nasa sasakyan na kami at nasa harap ako, ako ang driver obviously. Sa tabi ko si Emery, tahimik, straight posture, parang kahit traffic kaya niyang i-command.

Sa likod namin, si Miss Cassandra at Calista mahinahon lang, pero every now and then may mga tinginan na parang may silent conversation.

At sa pinaka-likod si Callie at Collie ang tunay na dahilan kung bakit may mental fatigue ko lagi.

"Okay," Sabi ni Collie, naka-lean forward pa sa pagitan ng seats. "So if you accelerate a toy car and then suddenly stop it-"

"It will fall forward due to inertia," Agad na sagot ni Callie.

"Yes! Exactly!" Tuwang-tuwa si Collie. "Dude, alam mo ba yun?"

Napatingin ako sa rearview mirror.

"...Anong alam ko?"

"Inertia," Sabay nilang sagot.

"...Ah."

Tumingin ako sa kalsada.

"...Oo," Sabi ko kahit hindi confident.

Sa tabi ko, narinig kong huminga ng malalim si Emery. Hindi ko alam kung amused o exhausted.

"Okay," Si Collie ulit, hindi napapagod. "Another example. If Earth suddenly stops spinning-"

"Everything will fly," Dagdag ni Callie.

"YES! BUT WHY?"

"Because of momentum."

Sa likod, si Collie tumingin sa'kin.

"Dude, do you think we can survive if Earth stops?"

"Hindi ko alam. Sana hindi ko malaman," Sabi ko.

"Technically," Sagot ni Callie, "No."

"THANK YOU FOR THE TRAUMA-FREE ANSWER," Sabi ko.

Sa harap, si Miss Cassandra biglang tumawa ng mahina.

"Your kids are very intelligent," Sabi niya.

"Oo," Sagot ko, "pero parang ako yung experiment na hindi nag-success."

"Amor," Si Emery, calm as ever, "Focus."

"Yes ma'am," Sagot ko agad.

Nanlaki naman ang mata ko ng marealize na hindi pala ako ang kausap ni Miss Cassandra pero inako ko ang mga bata.

"Callie, what if we build a machine that controls gravity?"

Callie blinked.

"That's not possible with current physics."

"Not yet," Collie insisted.

Napahawak ako sa manibela.

"Please lang," Bulong ko sa sarili ko, "Wag niyong i-invent ang apocalypse sa topic habang traffic."

"Maybe we need quantum approach," Dagdag ni Callie.

"Quantum ulit," Bulong na reklamo ko.

Sa tabi ko, si Emery nagsalita.

"That is still theoretical."

"See?" Sabi ni Callie.

"See what?" Tanong ni Collie.

"That adults always say 'theoretical' when they don't know the answer."

Napatingin ako sa kanya sa rearview.

"...Ha?"

Napabuntong-hininga si Cassandra sa likod.

"Kids," Sabi niya gently, "Science takes time."

Collie gasped. "So we can still build it!"

"No," Sabay naming lahat.

"Okay," Sabi ni Collie, slightly disappointed.

Tahimik ng ilang segundo.

Then-

"Okay new topic!" Si Collie ulit. "If you could shrink yourself, where would you go first?"

Callie answered immediately. "Inside a computer."

"Why?"

"To understand data flow."

"Ang lalim mo masyado," Sabi ko.

Si Collie tumawa. "Ako sa fridge ako!"

"Why?" Tanong ni Cassandra, amused.

"For snacks."

Bat parang baliktad sa pagkaka-alala ko si Callie ang laging gutom at si Collie ang mahilig sa electronics.

"Balanced ang priorities," Sabi ko nalang.

Sa harap, si Emery spoke again.

"We're almost there."

Thank God.

Pagdating namin sa restaurant, parang instant reset ng chaos.

Italian restaurant warm lights, soft music, fancy tables at atmosphere na parang bawal huminga ng malakas.

"Finally," Bulong ko habang pinapark.

Paglabas namin ng sasakyan, si Miss Cassandra ang unang bumaba, then Calista, then kami ni Emery sabay inayos ang upuan para maka-labas ang mga bata.

At the entrance-

Biglang tumigil si Collie.

"Wait."

"Bakit?" Tanong ko.

Nakatingin siya sa loob kaya sinundan ko at dun ko nakita si Lara at Hana naka-upo na, parang nag-aantay talaga. Lara with her usual smug expression. Hana calm as always.

"NO WAY," Bulong ni Collie.

"YES WAY," Bulong ko pabalik.

Biglang lumiwanag ang mukha ni Collie at tumakbo.

"TITA LARA!!!"

"OH NO-" Sabi ko, too late.

"YOU!" Sigaw ni Collie.

"YOU LITTLE MENACE!" Sagot ni Lara.

"Did you miss me?" Collie said smirking.

"I survived without you," Lara replied proudly.

"That's rude."

"That's truth."

Napahawak ako sa ulo ko.

"Why do I always adopt chaos," Bulong ko.

Sa tabi ko, si Emery calm lang.

"This is normal," She said.

"Emery, hindi to normal," Bulong ko.

"It is for them," Sabi nya. Napabuntong-hininga nalang ako.

Umupo na kami at habang si Lara at Collie nag-aasaran na parang aso at pusa si Hana tahimik lang, smiling softly. Cassandra was quietly observing, amused. Calista was analyzing everything like she was decoding human behavior. At si Callie tahimik lang parang mommy nya.

So the seating arrangement is Emery, then me, then Callie, then Collie, then Hana, then Lara, then Cassandra, and lastly Calista-basically, we're seated around a round table.

Sa pag-iisip ko di ko namalayang bumalik nanaman sila sa topic nila.

"Collie, you cannot just build a gravity machine," Callie said.

"I can try."

"You will fail."

"TRYING IS IMPORTANT."

"Statistically irrelevant."

"GUYS," Sabi ko, "Kumain muna tayo."

Silence.

Then-

"Okay po," Sabay nila.

Finally peace for five seconds.

Then Lara whispered loudly:

"Collie still annoying, I see."

Collie gasped. "YOU STILL UGLY, I SEE."

"EXCUSE ME?"

"EXCUSED."

Napapikit ako.

"Order na tayo," Sabi ko. Naparabang ako ang magbabayad.

Nag order na kami at ilang minuto lang dumating narin ang foods.

"Pass the water po," Sabi ni Collie, maayos pa, parang ang bait-bait.

Inabot ko naman. "Here, baby."

"Thank you po," Sabi nya. Napaka-angelic ng ngiti nya pero duda ako.

...Five seconds later, nag-iba na aura nya.

"Tita Lara," Bigla niyang tawag habang ngumunguya, "Kayo po ba yung other mommy ng baby ni Tita Cassandra po?"

Lahat napatingin kay Lara.

Si Lara, muntik mabulunan pero pinilit maging composed. "Ah... yes."

Tumango si Collie, seryosong-seryoso. "Ah, okay po."

Tahimik ulit ng dalawang segundo.

"Pero paano po yun?"

Nag-freeze ulit ang buong mesa.

"Paano po kayo naging two mothers eh pareho po kayong woman?"

"Paano nyo po ginawa si baby?" Dagdag na tanong niya.

Napatingin si Lara kay Cassandra, parang sinasabing ikaw sumagot nito.

Si Cassandra, umiinom lang ng tubig, halatang pinipigilan ang tawa.

Nakatingin na rin si Hana, obviously entertained nanaman si gaga.

Ako na ang sumingit. "Magic."

Napalingon si Collie sakin, biglang lumiwanag ang mukha niya.

"I KNEW IT."

"Knew what?" Tanong ko.

Tinuro niya si Lara, excited. "You're witch po!"

"Hoy-" Napasigaw si Lara, pero bago pa niya mapagtanggol sarili nya

"Lara," Kalmadong sabi ni Cassandra, pero may warning tone.

Napahinto si Lara, napa-cross arms nalang, halatang na-offend pero walang magawa.

Tumahimik ulit si Collie... kunwari.

Then she leaned closer kay Callie... pero hindi niya na-realize rinig ng lahat o talagang sinasadya nya.

"I hope the baby doesn't look like Tita Lara."

Isang segundo.

Dalawa.

Then-

"HAHAHAHA!" Si Hana, hindi na napigilan.

Si Cassandra, napayuko. Si Calista, namumula na. At itong mag-ina sa tabi ko, tahimik lang pero may maliit na ngiti. Ako, napaubo na lang trying so hard not to laugh.

Si Lara?

Slowly siyang napalingon sakin, eyes wide na parang sinasabing 'Amor tulungan mo ako' desperate.

Bago pa ako makasagot

Naramdaman ko na may humawak sa leegs ko sa ilalim ng mesa.

Napatingin ako sa ibaba at nakita ko ang kamay ni Emery nakahawak dun.

Pag-angat ko ng tingin kalmado lang siya nakikipag-usap kay Calista na parang walang ginagawang kababalaghan.

Pero mahigpit ang kapit sa leegs ko na parang sinasabing do not engage energy.

Napahawak ako sa kamay nya.

Ngumiti lang siya... still talking casually, "So Calista, how's school?"

Meanwhile, si Collie, tuloy lang sa pagkain na parang wala siyang ginawang emotional damage kay Lara.

"Tita Lara, kain pa po kayo. Healthy po yun."

Si Lara, nakatitig lang sa plato niya-defeated.

Ako? Napailing nalang at hindi rin maka-focus.

Naisip ko nalang na walang tahimik na kainan kapag kasama si Collie.

FEW MINUTES HAD PASSED.

Napansin ko ang biglaang pananahimik ni Hana hindi yung normal na tahimik, yung parang may iniisip na malaki. Hawak niya yung baso niya pero hindi niya iniinom.

"May sasabihin ka," Sabi ko, nakatingin sa kanya.

Nagulat siya ng konti. "Hala, halata ba?"

"Very."

Huminga siya nang malalim, tapos tumingin kay Emery. Biglang... naging seryoso yung aura niya.

Okay. This is new.

"Ma'am..." Panimula niya, medyo alanganin. "Pwede po bang... hiramín si Amor at si Lara... for four to five days?"

Lahat napatingin sa kanya.

Si Lara, muntik mabulunan. "Ha? Bakit ako kasama?"

"Shh," Sabi ko. Sabay irap.

Si Emery naman, kalmado lang. Nakatingin lang kay Hana, parang hinihintay yung explanation.

"Why?" Tanong niya, diretso.

Napakagat si Hana sa labi niya, tapos ngumiti nang konti. "Ah... birthday ko po kasi... and balak ko pong i-celebrate sa province namin. Tapos... birthday din po ng mom ko the next next day."

Sasagot na sana si Emery kaso naunahan sya ni Collie.

"MOMMY!" Sigaw ni Collie bigla, parang may sariling script.

Napatalon si Hana sa gulat. Kabado yarn.

"Yes, baby?" Sabi ni Emery, kalmado pa rin.

"Pwede din po kami sumama?" Tanong ni Collie, nakapout na agad.

Napatingin si Hana sa kanya, tapos ngumiti. "Sure."

"Mommy please," Dagdag pa ni Collie, mas dramatic ng napansin nyang parang di papayag ang mommy nya.

Emery tilted her head slightly. "Can I go too?"

Napatingin ako kay Emery medyo gulat. Si Hana... parang nag-lag ng 3 seconds.

"Ah-opo-yes po-of course po-"

"WAIT," Singit ni Lara, biglang sumandal sa upuan niya na parang may naisip na kalokohan.

Tumingin siya kay Hana, sabay smirk. "If you bring Miss Margaret, Ma'am."

Napatingin kaming lahat kay Hana.

Si Hana... ngumiti lang. Pero yung mata niya? Nanlilisik.

"Shut up," Sabi niya kay Lara, mahina pero deadly.

Napatawa ako.

Then she turned back to Emery, biglang ang bait ulit. "Yes po, Ma'am."

"Yaaay!" Sabi ni Lara, parang walang nangyari. "I'm so excited-"

Biglang natigilan si Lara ng napatingin kay Miss Cassandra. Yung tingin kasi niya kay Lara... sapat para patahimikin ang buong barangay.

Si Lara? Tumahimik.

For... two seconds.

Si Collie naman naglabas ng dila nya nang aasar kay Lara.

"Hoy!" Bulong ni Lara.

"Ano po?" Inosenteng tanong ni Collie.

"Ayusin mo"

"Po?" Dagdag pa ni Collie, mas lalong nang-aasar.

I saw it. The storm.

Mag-aaway na naman sila.

"Okay!" Singit ko agad, bago pa mag start ang World War 3. "Food. Eat. Chew. Silence."

Tumahimik sila.

.for now.

Napalingon ako kay Miss Cassandra. Tahimik lang siya, pero halatang hindi siya sold sa idea.

"You wanna come Miss?" Tanong ko baka need lang may magtanong alam niyo na buntis.

Napatingin siya sa akin at parang nag iisip.

"Fine."

"REALLY?" sabi ni Lara at sa subrang saya niya napayakap siya kay Miss Cassandra.

Agad naman nabitaw si Lara ng ma realize nya.

"YESSSS!" Sabi nya sabay high-five sana kaya Hana pero si Hana naka ngisi lang.

"Your loud," Bulong ni Miss Cassandra, pero may konting smile na pinipigilan.

Emery looked at Hana again. "When?"

"Monday next week po," Sagot ni Hana.

Tumango si Emery. "I'll cancel all my meetings."

"Ahh Miss Calista sama rin po kayo" Baling ni Hana kay Miss Calista tumango naman to.

"Okay" Simpleng sabi nya.

"Ma'am magsama ka narin po ng bebe mo" Pahabol ni Hana.

"I don't have one" Sabi nito.

"Bring your favorite student" Singit ni Emery nakita ko naman kung pano sya irapan ni Miss Calista.

"Fane" Sabi nya

"YESSSS!" Sigaw ulit ni Lara at Collie.

"BEST TRIP EVER!" Dagdag ni Lara.

"Tita Lara, wag ka pong masyadong excited," Sabi ni Collie, naka-cross arms.

"Excuse me?"

"Baka po ma-left behind ka," Dagdag ni Collie.

"Ako pa?!"

"Yes po."

"Gusto mo bang iwan kita?"

"Try mo po."

"AHEM," Sabi ko ulit.

Buti naman at tumahimik sila.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang matapos.

Paglabas namin ng restaurant, dumiretso kami sa parking lot. Medyo malamig yung hangin, tahimik na yung paligid, pero ramdam mo pa rin yung leftover chaos namin.

Biglang nagsalita si Miss Cassandra.

"I'll join Hana and Lara."

Napatingin ako sa kanya.

Si Lara, napaangat ang kilay. "Ha? Sure ka?"

"Problem?" Malamig na sagot ni Miss Cassandra.

"Wala naman" Napaatras si Lara. "Welcome po."

"Same," Dagdag ni Miss Calista, kalmado. "I'll join them too."

Napalingon ako kay Hana. yumuko sya ng konti, tapos bumulong

"Yan... para may sariling mundo ang happy family."

Napakagat labi ako para hindi mapangiti.

Si Lara, narinig ata.

"Teka-ano 'yon?!" Sabi niya.

"Wala!" Mabilis na sagot ni Hana, sabay iwas ng tingin.

"Suspicious ka-"

"Sumakay ka na lang!" Tulak ni Hana.

"Grabe ka-"

"Go!"

Habang nag-aaway sila, hinila ako ni Emery papunta sa kabilang sasakyan.

"Let them," Sabi niya, calm.

Sumunod na rin sina Collie at Callie well,

Sumunod is a strong word.

"Mommy, carry me po," Dabi ni Collie agad.

"Lakad," Sabi ko.

"Grabe ka po sakin Dude," Sabi nya sakin.

Pero naglakad rin sya at sumakay alam nilang pagod mommy nila papabuhat pa.

Inside the car...

Parehong tulog na sa likod sina Collie at Callie nakasandal pa sa isa't isa. Ako nasa passenger seat. Si Emery naman ang nagda-drive.

Walang music at walang ring usapan.

Just the sound of the engine... and the road. Napatingin ako sa bintana.

Why does this feel... off? Then-

Mahinang boses.

"I don't even know if I handled that right..."

Napalingon ako.

"Emery?" Sabi ko.

Walang sagot nakatingin lang siya sa daan.

"Maybe I should've just-"

"Emery?" Ulit ko.

She blinked, parang nagising. "Hmm?"

"May sinabi ka?"

"Nothing," sagot niya agad.

Okay

Hindi ko na pinilit. Pero ramdam ko.

May iniisip siya. At parang hindi niya masabi.

Pagdating namin sa bahay, bumaba kami agad.

Naunang nagising si Callie.

"Are we home?" Antok niyang tanong.

"Yes baby," Sabi ko.

"Okay po." Tapos bumaba na siya mag-isa.

Si Collie?

Tulog pa rin. As in dead asleep.

Napangiti ako. "Ako na."

Binuhat ko siya, maingat. Habang si Emery siya yung nagbukas ng pinto.

Tahimik pa rin kami.

Pagpasok, dinala ko si Collie sa kwarto niya. Sumunod si Emery. Tinanggal namin yung sapatos niya, inayos yung kumot.

"Sleep well, kulit," Bulong ko.

Paglabas namin ng kwarto bigla hinawakan ni Miss Walls ang wrist ko.

Napahinto ako.

"What's your problem?" Tanong niya, diretso.

Napatingin ako sa kanya. "Wala po."

"Don't lie."

Tahimik ako.

"You've been ignoring me for three days."

Ah.

"So?" Tanong niya ulit, mas mahina na.

Huminga ako ng malalim. "I thought you were busy."

She frowned.

"I didn't want to disturb you," Dagdag ko.

Tahimik ulit.

Yung hangin... parang biglang bumigat.

Then she spoke, softer this time.

"If you have a problem... just tell me."

Napatingin ako sa mata niya.

"I don't."

Pero kahit ako, hindi ako convinced sa sagot ko.

She slowly let go of my wrist.

"Okay."

"Goodnight." Sabi ko.

"Goodnight."

Nagkatitigan kami kala ko pupunta sya sa ibang direction pero hindi naglakad kami. sa parehong direction ng sabay.

Napahinto kami pareho at nagkatinginan.

"Go first," Sabi ko.

She shook her head. "No, you first."

"Eme-"

"Amor-"

Tumahimik kami.

Napatingin kami sa pintuan ni Callie.

Then sabay naming narealize.

"Callie," Sabay naming sabi.

Napailing ako siya rin, sabay kaming natawa nang mahina.

"After you," Sabi ko ulit.

This time, nauna siya sumunod ako.

Pagbukas namin ng pinto ng kwarto ni Callie Hindi pa tulog siya.

Kundi nakaupo siya sa kama, may hawak na maliit na storybook. Yung pang bata. Makulay yung cover, may drawings pa ng animals.

Napahinto ako sa may pintuan.

Wait...

She's reading... that? Muntik na akong matawa. Kasi kung kilala mo si Callie, she's the type na nagbabasa ng books na parang pang-college level. Yung tipong kahit ako, minsan kailangan ko pang i-Google yung ibang words.

Pero ngayon?

"The little bunny said goodnight to the moon..." Mahina niyang basa, medyo paos na sa antok.

Doon ako natahimik.

Kasi na realize ko she's still a kid.

Kahit gaano siya ka-mature magsalita... bata pa rin siya at kailangan niya rin 'to.

Lumapit si Emery, marahan.

"Why aren't you asleep yet?" Tanong niya, soft pero may halong concern.

Napatingin si Callie sa amin.

Nagulat siya ng konti, parang nahuli sabay tago ng libro.

"I" She hesitated, napakagat sa labi niya. "I can't sleep po... so I'm reading myself a bedtime story."

Ang hina ng boses niya. Parang ayaw makadagdag sa ingay ng mundo.

Napaupo ako sa gilid ng kama niya. "Bakit hindi mo sinabi sa mga yaya niyo?"

Napatingin siya sa book niya.

"They need to rest po," Sagot niya, mahina. "Sometimes they also call their family on the phone... I feel shy to disturb them po."

That...

That hit somewhere. Tahimik lang ako. Then Emery spoke again.

"Why didn't you ask me?"

Napatingin si Callie sa kanya. For a second... parang nagdadalawang isip siya kung sasagot ba o hindi.

Then...

"Because you're busy, Mommy..." Mahina niyang sabi.

Humigpit yung hawak ko sa kumot.

"And..." Tumigil siya sandali, tapos tumingin sa book ulit. "You said before to Tita Margaret... that Collie needed you more."

Parang may bumagsak sa dibdib ko na mabigat.

Biglang tumahimik ang buong kwarto.

Hindi gumalaw si Emery at ako.

Si Callie... tahimik na ulit, parang nagsisisi na sinabi niya 'yon.

This kid...

Napabuntong-hininga ako, pilit na ngumiti.

"Hey," Sabi ko, mas magaan ang tono ko. "Don't worry."

Napatingin siya sa akin.

"From now on," Ngumiti ako, "Ako na magbabasa ng story for you."

"Really po?" Tanong niya, medyo lumiwanag ang mata.

"Oo ba sa isang kundisyon," Sabi ko. Agad siyang napasimangot.

"Ano po?" Tanong parin nya kahit parang nalugi sya.

"Make sure na di na ako idadamay ni Collie sa mga scientific discussions nyo," Sabi ko. Ngumiti sya.

"But I can read on my own so can I add po?" Tanong nya.

Bat parang lugi ako dun napatingin ako kay Emery nakatingin lang siya samin at parang may malalim na iniisip.

"Ano?"

"Don't tell Collie that I'm reading this kind of book po she will laugh at me," Sabi nya. agad naman akong tumango.

"Can't promise but I'll try," Sabi ko napasimangot sya.

"Love naman ehh," Reklamo nya napatawa ako ng mahina.

"Joke lang. promise di ko sasabihin." Sabi ko sabay umusog palapit sa kanya, kinuha ko yung book.

"Okay... where were we?"

She pointed softly. "Here po"

Nagsimula akong magbasa mahina lang sakto lang para marinig niya.

"The little bunny said goodnight to the stars..."

Habang nagbabasa ako, napansin kong umupo si Emery sa kabilang side ng kama. Tahimik lang siya na nakikinig.

Paminsan-minsan, napapatingin ako sa kanya. Pero hindi siya nagsasalita.

Si Callie naman... Unti-unti nang bumabagal yung paghinga. Yung mata niya pabigat na. Hanggang sa-

"Goodnight, little one..." Huling basa ko.

Wala nang sumagot kaya tiningnan ko siya at yun nga tulog na mahimbing napangiti ako. Dahan-dahan kong isinara yung book, nilapag sa side table inaayos ko yung kumot niya nang marahan.

Then-

Si Emery lumapit siya ng konti.

Tiningnan niya si Callie... matagal.

Parang may gustong sabihin.

Pero hindi niya sinabi.

Instead-

Yumuko siya at marahang hinalikan ang noo ni Callie.

"Goodnight, baby," Bulong niya.

Napatingin ako sa kanila. Sa eksenang 'yon. May something.

Something soft.

Something... heavy.

Tahimik kaming dalawa habang tinitingnan si Callie. Parehong may iniisip. Parehong may hindi sinasabi.

Dahan-dahan kaming tumayo.

At sabay lumabas ng kwarto.

Pero bago tuluyang magsara ang pinto-

Napalingon ako ulit kay Callie.

Mahimbing ang tulog peaceful.

Pagkalabas namin ng kwarto ni Callie, bumalik ulit yung katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Hindi siya yung awkward na katahimikan... pero hindi rin komportable. Parang may gustong magsalita, pero walang nauuna.

Huminto kami saglit sa hallway.

Nagkatinginan.

"Goodnight," Sabi ko, mahina.

"Goodnight, Amor," Sagot niya, calm... pero may kung anong hindi ko maipaliwanag sa boses niya.

Tumango lang ako, tapos tumalikod na.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko, pero bawat hakbang ko parang mas bumibigat. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito yung pakiramdam ko-parang may kulang, parang may dapat sabihin pero hindi nasabi.

Pagpasok ko sa kwarto, sinara ko ang pinto at sumandal doon sandali akong napapikit at saka huminga nang malalim.

"Ano ba tayo?" Mahina kong bulong sa sarili ko.

Yun yung tanong na ilang araw ko nang iniiwasan.

Lumapit ako sa kama at umupo, nakatingin lang sa sahig habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung mga nangyari yung mga tingin niya, yung paraan ng pagsasalita niya, at lalo na yung mga bagay na hindi niya sinasabi.

Hindi malinaw wala kaming label at mas nakakatakot 'yon kaysa sa may malinaw na sagot.

Tatlong araw na akong umiiwas hindi dahil galit ako kundi dahil natatakot ako.

Natatakot akong mag-assume.

Natatakot akong magkamali ulit.

Natatakot akong masaktan.

Kasi alam ko kung gaano kasakit kapag umasa ka sa isang bagay na hindi pala totoo. Yung akala mo may ibig sabihin ang lahat, pero sa huli... ikaw lang pala ang nagbibigay ng meaning.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

"Maybe I'm just overthinking..." Bulong ko.

Pero kahit sabihin ko 'yon, hindi nawawala yung bigat sa dibdib ko

kasi may nararamdaman ako.

At alam ko, hindi 'to basta wala lang.

Pero hangga't hindi siya nagsasalita... hangga't hindi niya nililinaw kung ano ba talaga kami mananatili akong nandito sa gitna. Hindi makausad. Hindi rin makaatras. At kung may isang bagay akong sigurado-

Mas pipiliin kong maghintay kaysa magkamali ulit.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko, kahit magulo pa rin ang isip ko.

Hanggang sa, hindi ko na namalayan-

Nakatulog na lang ako.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.