CHAPTER 30 TSUNAMI!!!

Seraphine's POV:

Nasa sasakyan na kami.

Actually kanina pa dapat kami nakaalis, pero ayun natagalan. Hindi dahil may problema… kundi dahil parang lahat kami sabay-sabay na nawala sa sarili.

Kanya-kanyang mundo.

Kanya-kanyang iniisip.

Sa loob ng van di naman masikip medyo tama lang dahil dalawang sasakyan naman ang dala namin isa para sa mga gamit at sa loob ng van alam nyo na hindi tahimik.

Hindi pwedeng maging tahimik kapag kumpleto kami.

Sa harap, yung dalawang driver tahimik lang sanay na siguro sa ingay ng mundo. Sa gitna at likod? Ayun… parang may sariling reality show.

Ako, katabi si Emery. Sa kabilang side ko si Callie. Sa likod namin, si Collie, naka-half stand pa kahit umaandar na yung sasakyan.

“Collie, upo,” Sabi ko, hindi kona siya liningon.

“Uupo na po,” Sagot niya, pero halatang hindi pa talaga siya nakakaayos ng upo kaya siguro pinili niya ‘yung pwesto na ‘yon, para hindi siya masyadong mabantayan.

Sa tabi nya, si Hana, Lara, at yung bagong kasama namin si Jasmine ang favorite student ni Calista.

Liningon ko sila kumbaga di rin maayos ang upo ko Naka side ako at kita ko ang side view ni Callie.

Kita kong rahimik si Jasmine.

Hindi yung awkward… pero halatang ino-observe pa niya kami. Parang ini-scan niya kung anong klaseng gulo ba yung pinasok niya.

At napansin ‘yon ni Hana.

“So…” Simula niya, naka-ngiti. “Ikaw si Jasmine, ‘di ba?”

Tumango si Jasmine. “Yes po.”

“Relax ka lang,” Singit ni Lara, naka-cross arms pero may smirk. “Hindi kami nangangagat.”

“Depende,” Dagdag ko.

Napalingon si Jasmine sa’kin.

“…Joke lang,” Sabi ko, napangiti ng konti.

Napatawa si Hana. “Hala, Amor, baka matakot mo naman.”

Umiling si Jasmine, pero may maliit na ngiti na. “Hindi po… okay lang.”

Good, Hindi siya madaling ma-intimidate.

I like that.

“Game ka ba sa kalokohan?” Tanong ni Hana, medyo leaning forward.

“Depende po sa kalokohan,” Sagot ni Jasmine, kalmado.

“Ahh, matalino sumagot,” Bulong ni Lara. “Delikado ‘to.”

Napangiti ako.

“Okay, try natin,” Sabi ni Hana, biglang may sparkle sa mata. “What if—”

“Ayan na,” Bulong ko.

“Payag ka may kapangyarihan ka…” Tuloy ni Hana, dramatic pause, “Teleportation… pero one inch lang.”

Tahimik ng ilang segundo. Then—

“HA?” Si Lara agad. “Anong gagawin mo doon?!”

Napatawa ako. “Exercise?”

“Cardio pero useless,” Dagdag ni Hana.

Si Jasmine… napahawak sa bibig niya.

Then—

“Pwede,” Sabi niya.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

“Pwede?” Ulit ni Lara, confused.

“Oo,” Sabi ni Jasmine, medyo nagliwanag ang mata. “Imagine… nasa pila ka… tapos one inch, one inch… hanggang sa unahan.”

“CHEATER PO IKAW!” Sigaw ni Collie.

“Strategic po,” Sagot ni Jasmine, seryoso pa.

“Hindi ‘yon strategic, pandaraya ‘yon!” Sagot ni Lara.

“Same thing po,” Balik ni Jasmine, walang ka-effort effort.

Isang segundo. Then—

“HAHAHAHA!” Sabay-sabay kaming natawa.

“Okay, okay,” Sabi ni Lara, natatawa pa. “Next!”

Ako na yung sumingit. “Payag ka ikaw si Flash…”

“Uy,” Sabi ni Collie, interested na.

“Pero may hika ka,” Tapos ko.

Tahimik. Then—

“Grabe ka naman,” Sabi ni Hana, napapailing.

“Imagine mo,” Dagdag ko, “tatakbo ka—”

“—Then wheeze wheeze,” Singit ni Lara, acting it out.

“STOP!” Tawa ni Hana.

Pero si Jasmine?

“Pwede rin,” Sabi niya ulit.

Napalingon ulit kami.

“BAKIT?!” Sabay-sabay naming tanong.

“Short distance lang,” Sabi niya, parang nag-e-explain ng thesis. “Sprint tapos pahinga. Interval training.”

“GINAWA MONG WORKOUT?!” Sigaw ni Lara.

“Para healthy po,” Sagot ni Jasmine.

Hindi na namin kinaya.

“HAHAHAHAHA!”

“AKO NAMAN!” Sigaw ni Collie.

Napalingon kaming lahat.

Naka-stand na naman siya sa upuan, hawak yung sandalan.

“Collie—” Babala ko.

“Promise uupo po ako after,” Sabi niya mabilis.

“Sige,” Sabi ko, napapikit na lang.

“Payag ka po” Panimula niya, “Super genius ka”

Napatingin si Callie.

“Pero every time na magsasalita ka” Nag pause siya, ngumisi, “Lahat ng sinasabi mo tunog ‘meow’.”

Tahimik. Then—

Si Lara unang natawa. “ANO ‘YON?!”

“Explain mo nga theore mo—‘meow meow meow’!” Dagdag ni Hana.

Si Callie, napatingin kay Collie, offended pero amused.

“That is inefficient,” Sabi niya.

“MEOW po,” Sagot ni Collie.

“HOY—” Si Lara.

“HAHAHAHA!” Tawa namin.

Si Jasmine… hindi na rin napigilan.

Yung tawa niya? Hindi na mahiyaing tawa kundi malakas.

Napatingin ako sa kanya.

Hindi pala siya fragile.

“Okay, last na,” Sabi ni Lara, pinupunasan yung luha sa kakatawa. “Payag ka—”

“Immortal ka,” Singit ni Hana.

“—Pero every 100 years…” Dagdag niya.

“Nagiging 7 years old ka ulit,” Tapos ni Lara.

Napatingin kaming lahat kay Collie.

Si Collie, naka-cross arms.

“So basically ako po ‘yan,” Sabi niya.

Tahimik. Then—

“OO NGA NO?!” Sigaw ni Hana.

“Permanent chaos,” Dagdag ko.

“World not ready,” Sabi ni Lara.

Si Jasmine… tumatawa na naman.

Mas malakas na at mas comfortable na.

Sa harap, napasilip pa yung driver sa rearview mirror, halatang natatawa rin.

Napailing ako, napasandal sa upuan.

Liningon ko si Emery. Tahimik pa rin.

Pero napansin ko. Yung gilid ng labi niya… nakaangat.

She’s smiling.

Napalingon siya sa’kin, sakto lang.

“Your influence,” Sabi niya, mahina.

“Excuse me?” Sagot ko.

“Chaos,” Dagdag niya.

Napangiti ako. “Hindi ko kasalanan ‘yan.”

“Hmm,” Sabi niya.

Pero hindi siya tumigil sa pagtingin.

For a second… bumagal yung paligid.

Then—

“Mommy!” Sigaw ni Collie.

Naputol tuloy moment ko.

“Yes, baby?” Sagot ni Emery. Habang naka tingin sakin

“Pwede po ba ako maging immortal na may meow powers?”

Napapikit ako.

“Of course you’d want that,” Bulong ko.

Si Emery… napaisip kunwari.

“Depends,” Sabi niya.

“Sa ano po?” Tanong ni Collie.

“If the world can survive you.”

“RUDE,” Sagot ni Collie.

“Accurate,” Sabay namin ni Lara.

“HEY!”

“HAHAHAHA!”

At doon na ulit bumalik yung ingay.

Tahimik sandali.

Hindi dahil walang nangyayari—kundi dahil… napatitig ulit ako sa kanya.

Yung ilaw sa loob ng van, halo sa ilaw ng kalsada na dumadaan sa bintana, tumatama sa mukha niya. Subtle lang. Pero sapat para mapansin mo yung details yung jawline niya, yung calm niyang expression, yung mata niyang nakatutok lang sa harap pero parang ang lalim ng iniisip.

Hindi siya yung tipo na kailangan ng effort para mapansin. Siya yung tipo na kahit tahimik lang… mapapatingin ka.

At ang pinaka nakakainis?

Hindi niya alam.

Napakagat ako sa labi ko ng konti, napalingon sa bintana.

Focus, Amor.

“So bat nga nagtakbuhan mga kasama nyo sa beach, Jasmine?” Biglang tanong ni Hana.

Napalingon ulit ako sa kanila. Ayun back to chaos nanaman pala sila di ko namalayan.

“Eh kasi nga mare—” Panimula ni Jasmine, naka-forward na siya ngayon, hindi na yung tahimik kanina. “Paano ba naman, may sumigaw ng tsunami!”

“HA?!” Sabay-sabay naming reaksyon.

“Tapos?” Si Lara, nakaangat na yung kilay, interested.

“Eh di nagtakbuhan sila!” Sagot ni Jasmine, parang obvious.

“Eh ikaw?” Tanong ni Lara. “Ba’t hindi ka tumakbo?”

Napangiti si Jasmine, medyo nahihiya pero natatawa. “Naka-earbuds ako.”

Tahimik.

Then—

“ANTE NAMAN?!” Sigaw ni Hana.

“WAIT LANG!” Dagdag ni Lara, natatawa na. “So ano, naglalakad ka lang habang nagkakagulo ang mundo?”

“OO!” Tawa ni Jasmine. “Tapos bigla na lang akong hinila ng tropa ko—”

“Syempre!” Singit ko.

“Eh nalito ako kasi hindi ko alam anong nangyayari!”

“VALID PO,” Sabi ni Collie, seryoso.

“Then?” Sabik na tanong ni Hana.

Napahawak si Jasmine sa tiyan niya kakatawa habang kinukwento.

“Ayun… lumapit sa amin yung guard—”

“Oh no…” Bulong ni Lara, alam na.

“—Tapos tinanong kami kung nakita na daw si tsunami.”

Isang segundo, dalawa parang lahat kami nag loading.

“ANO?!” Sabay-sabay ulit namin.

“Hindi ko maintindihan nung una kasi medyo bulol si kuya,” Tawa ni Jasmine. “Tapos sabi ng kaibigan ko—”

Nag-pause siya, pinipigilan yung tawa.

“‘Ahh… si Chona Mae?’”

Tahimik.

Then—

“GAGO—” Si Lara.

“HAHAHAHAHAHA!” Si Hana, napasandal na sa upuan.

Ako? Napaubo sa kakatawa.

“TSUNAMI?! CHONA MAE?!” Sigaw ko.

“GRABE NAMAN PO ‘YON!” Dagdag ni Collie, tawa nang tawa.

“OWGAG!” Sabi ni Callie, tumatawa rin.

“From disaster to nakka ng!” Si Lara, halos hindi na makahinga.

“HAHAHAHA!”

As in lahat kami tumawa pero syempre yung mga kampon ni Elsa pigil parin pero b?naka ngiti na.

Napatingin ako kay Emery. Tumatawa siya. Hindi malakas. Pero kita mo yung mata niya, lumiwanag.

At ewan ko.

Parang mas lalo siyang… gumanda.

Napailing ako, pilit pinipigilan ang sarili ko.

This is very bad.

TWO HOURS HAD PASSED.

Unti-unti nang nababawasan yung

ingay. Hindi dahil tumahimik kami.

Kundi dahil…

“Malapit na tayo,” Sabi ni Hana, sumisilip sa bintana.

Napatingin ako sa labas.

Madilim na, pero may mga ilaw dito’t doon. Hindi city lights kundi yung warm na ilaw ng mga bahay. Yung tipong kahit malayo, ramdam mong may buhay.

“Don’t expect too much guys ha,” Dagdag ni Hana, medyo napapakamot sa batok.

“Ha?” Sabi ko agad. “Anong ‘don’t expect too much’? Di naman kami maarte ni Lara” Sabi ko.

“Hindi nga,” Sabi ni Hana, natawa. “Simple lang talaga sa amin.”

“Wait,” Singit ni Lara. “Ano bang business nyo, Hana? ‘Di ba sabi mo may business kayo?”

Tumango siya. “Meron naman.”

“Ano?” Si Lara ulit, curious na.

Ngumiti si Hana.

“Farmers pamilya ko.”

Tahimik sandali.

Hindi yung awkward.

Pero yung… realization.

“Ahh…” Bulong ko, napangiti.

“Cool,” Sabi ni Callie, diretso.

“Respect,” Dagdag ni Collie, kalmado.

Si Lara? “So… fresh lahat ng pagkain?”

“Lara,” Sabi ni Cassandra, warning tone.

“Anong?” Depensa ni Lara. “Valid question!”

“HAHAHA,” Tawa ni Hana. “Oo, fresh.”

“BEST TRIP EVER,” Bulong ni Collie.

Pagliko ng van sa isang mas makitid na daan at medyo madilim dahil wala ng gaanong mga bahay kalaunan unti unting lumiwanag dahil sa mga ilaw at sa dulo—

Napansin ko na may mga tao.

At… parang may inaantay.

“Uh…” Bulong ko.

Huminto yung van. Pagbukas pa lang ng pinto—

“ATE HANA!”

“NAKAUWI NA SI HANA!”

“AYAN NA SILA!”

Sunod-sunod na boses.

Napatingin ako sa paligid at ang

daming tao. Halos lahat sila… kilala si Hana. Mga bata, matatanda lahat kumakaway, ngumiti, lumalapit.

“Hi po!” Bati ni Hana, biglang ibang aura. Mas… at home.

Bumaba kami isa-isa. At doon ko nakita.

Ang isang malaking puno sa gitna.

Yung tipong luma na pero matibay

parang ilang henerasyon na ang nakakita. Sa ilalim nun—

May mahabang mga mesa na maraming pagkain. Iba’t ibang ulam, kanin, prutas—yung tipong hindi fancy… pero ramdam mong pinaghandaan.

Mga ilaw na nakasabit. Mga taong nag-uusap, nagtatawanan. Yung hangin? Presko. At may halong amoy ng lutong bahay.

Napahinto ako napatingin sa paligid.

Then—

“Wow…” Mahina kong sabi.

Napalingon sila sa’kin. Ngumiti ako.

“Parang may piyesta.”

Pagkatapos ng mahabang tawanan, syempre—kain na.

Hindi uso ang diet dito.

Sunod-sunod yung abot ng pagkain, yung mga tita ni Hana kung makasandok parang gusto kang patabain in one sitting.

“Amor, tikman mo ‘to,” Sabi ni Hana, inaabot yung ulam.

“Kumakain ako,” Sagot ko pero tinanggap ko pa rin.

Si Collie at Callie? Tahimik.

Which is… suspicious.

“Ba’t tahimik kayo?” Tanong ko.

“Kumakain po,” Sabay nilang sagot.

“Hmm,” Bulong ko. “Delikado ‘to.”

Sa kabilang side, si Lara… hindi kumakain. Nakatingin siya sa paligid.

Then—

Lumapit siya kay Hana, bahagyang yumuko.

“Psst,” Bulong niya.

“Ano?” Sagot ni Hana, ngumunguya.

“Saan tayo matutulog?”

Napatingin din ako.

Valid question.

Napatingin si Lara sa maliit na bahay sa gilid.

“Jan ba?” Dagdag niya.

Napatingin si Hana dun then—

“BALIW!” Natawa siya. “Hindi!”

Napangiti ako.

“Eh saan?” Tanong ko na rin.

“Wait lang,” Sabi ni Hana, ngumiti lang na parang may tinatago.

Hindi na namin pinilit.

AFTER ALMOST TWO HOURS.

Tapos na kami kumain.

Yung iba nagkukwentuhan pa, pero halata mo napagod na rin. Lumapit si Hana sa Tatay niya.

“Tay,” Sabi niya, maayos. “Tapos na po kami kumain. Kailangan na po namin magpahinga.”

Tumango si Tito. Calm, pero may dating.

“Sige,” Sabi niya. “Teka lang.”

Tumawag siya ng isang tao. Hindi ko alam kung sino pero parang may system.

Ilang sandali lang—

May dumating na isang… sasakyan?

Napakunot noo ko.

“Uh…”

“IS THAT—” Si Lara.

“Golf cart?” Dagdag ko. Actually hindi lang basta golf cart. Malaki.

“20-seater ‘yan ah,” Bulong ko.

Napatingin ako kay Hana. Ngumiti lang siya.

“Tara,” Sabi niya.

Naparabang normal lang sakanya?!

“Grabe,” Sabi ni Lara, nakangisi. “Lakas maka-province mafia boss ni Tito ah.”

Tahimik sandali. Then—

Tumawa si Tito malalim, amused.

“I like this girl,” Sabi niya, nakatingin kay Lara.

“See?” Si Lara, sabay taas ng kamay. “High-five!”

Iniabot niya pero walang sumagot. Hindi siya kina-high-five.

“Aray mo,” Bulong ni Lara.

“Shut up,” Bulong ni Hana, sabay siko kay Lara.

“Ay!” Reklamo ni Lara. “Friendly ako eh!”

“Sumakay ka na,” Sabi ni Hana.

Sumakay kami at agad rin namang umandar ang sasakyan.

Yung hangin malamig at napaka tahimik na ng paligid. Habang umaandar yung golf cart—

Napatingin ako sa paligid puno puno lang. Matataas at tahimik parang binabantayan yung daan. May mga ilaw naman pero hindi maliwanag, pero sapat para makita yung path.

Hindi city vibe. Hindi rin probinsya na simple lang. May… kakaiba talaga.

“Ang creepy,” Bulong ni Lara.

“It's peaceful,” Sagot ni Callie.

“ It depends on someone's perspective,” Dagdag ni Calista.

Ako?

Tahimik lang katabi si Madam. Ilang minuto pa biglang bumagal yung sasakyan. Then—

Huminto.

Napatingin ako sa harap at isang malaking gate metal at eleganteng tignan. Hindi yung pang-simple unti-unti itong bumukas.

Walang nagsasalita. Pagpasok namin—

Napahinto ako.

Hindi ko agad naproseso. Kasi—

Hindi siya bahay hindi lang basta bahay kundi mansion subrang laki I mean malaki na ang bahay ni Emery pero ito iba to, yung tipong hindi mo inaasahan sa gitna ng ganitong lugar.

“Holy—” Si Lara. Agad tinakpan ni Hana ang bibig nya.

“Shhh!” Bulong niya. “May mga bata!”

“Mmmph—” Si Lara, pinipigilan yung mura.

Napangiti ako.

Pero hindi ko narin maalis ang tingin ko sa harap.

This is not “Simple.”

Not even close.

Bumaba kami isa-isa. Paglapag pa lang may mga tao na agad sumalubong.

Uniformed at napaka maayos.

“Good evening po,” Sabay-sabay.

Napatingin ako kay Tito ngumiti lang sya

lumapit naman yung isang babae.

“Mayor, ready na po ang mga kwarto.”

Tahimik mga isang segundo, Dalawa.

Napatingin ako kay Lara.

Si Lara, napatingin din sa’kin.

Pareho kaming—

“…Mayor?” Sabay naming bulong.

Dahan-dahan kaming napalingon kay Hana.

Si Hana? Ngumiti lang tapos tumango.

“Yep.”

Napabuntong-hininga ako napailing naman si Lara.

“Hindi ka pala normal,” Sabi ni Lara.

“True the fire,” Bulong ko.

“Oo abnormal ako gaya nyo,” Sagot ni Hana, naka-smirk.

At doon ko na-realize hindi lang pala kami yung may tinatago. May sarili rin siyang mundo. At mukhang… Ngayon pa lang namin masisimulang makita.

Pagpasok namin sa loob mas lalo kong na-confirm. Hindi lang siya mansion.

It’s… a different life.

Tahimik pero elegante at malinis. Yung tipong bawat galaw mo, parang kailangan mong mag-ingat.

Lumapit si Hana Kay Tito.

“Tay, goodnight po,” Sabi niya, biglang naging soft yung boses niya. Napatingin ako iba yung aura niya dito hindi yung chaotic Hana.

Lumapit siya at niyakap si Tito hindi mahigpit, pero genuine ngumiti si Tito

at hinaplos ang ulo niya.

“Goodnight, my sweet pumpkin,” Sabi niya.

Napangiti ako ng konti.

“Tay naman ehh marinig ka ng mga kaibigan ko,” Sagot ni Hana.

"Why ayaw mo ba?" Tanong ni Tito.

“Goodnight na baba,” Sabi ni Hana.

Then umalis na si Tito tahimik lang siyang naglakad palayo, pero ramdam mo yung presence niya hanggang mawala sa paningin.

Pagkaalis niya—

“Ahh…” Si Lara, napahawak sa dibdib niya. “Ang sweet.”

Napalingon kami sa kanya.

“Sana all may Tatay,” Dagdag niya, dramatic.

“True po,” Singit ni Collie.

Napailing ako.

“Okay,” Sabi ko agad, putol ko sa dalawa at baka kung san pa mapunta

napatingin sila sa’kin napatingin

naman ako kay Hana.

“Where’s your mom?” Tanong ni Margaret

Agad akong napalingon sa kanya—kanina pa kasi siya tahimik. Sa totoo lang, ngayon lang siya nagsalita.

Napabuntong-hininga si Hana pero bago pa siya magsalita.

“Madam is on her way home,” Sabi niya, maayos.

“Ah,” Tumango si Hana.

“San po galing?” Tanong ni Lara, curious. Naparabang siya ang anak.

“Fashion show po sa Italy,” Sagot ng butler. Mag tatanong pa sana si Lara ng putulin ni Hana.

“Thank you, Kuya Tom,” Sabi ni Hana. “Ako na po bahala sa mga kasama ko. Naka-ready naman na po ang mga rooms, ‘di ba?”

“Oo,” Sagot niya. “Basta pag may kailangan kayo, alam niyo na kung sino tatawagan.”

Tumango si Hana.

“Thank you po.”

Umalis na rin si Kuya Tom.

Napalingon si Hana sa amin at ngumiti.

“So…” Sabi niya. “Marami tayong rooms dito.”

“Obviously,” Bulong ni Lara. Inirapan sya ni Hana.

“Pwede kayong solo,” Tuloy ni Hana. “Pwede rin may kasama—”

“I’ll take Lara.”

Naputol siya.

Napatingin kaming lahat kay Cassandra. Diretso yung tingin niya kay Lara.

Si Lara?

“…Ha?” Napakurap.

“You’ll stay with me,” Ulit ni Cassandra.

“Ay—uh—” Si Lara, nag-iisip na ng isasagot.

“For the baby,” Dagdag ni Cassandra, kalmado pero may finality.

“…Okay po,” Sagot ni Lara, biglang behave.

Napangiti ako si Hana naman natawa ng mahina, then inabot yung susi.

“Sa taas po, kaliwang hallway,” Sabi niya.

Tumango si Cassandra.

“Pwede ba solo?” Tanong ni Jasmine.

“I mean—”

“You will sleep with me.”

Napalingon kami kay Miss Calista.

Si Jasmine, napakurap.

“I mean…” Si Calista, medyo nag-pause. “…sleep with me—no—I mean… stay with me.”

Napatawa si Hana kahit si Lara pano ba naman parang di alam ni Calista ang

tamang word na gagamitin.

“Same rin po,” Sabi ni Hana, inaabot yung susi.

“Thank you,” Sabi ni Jasmine, napangiti.

“Miss Margaret?” Tanong ni Hana.

“I’ll go solo,” Sagot nito, diretso.

“Okay po,” Sabi ni Hana, inaabot yung susi. “Sa kanan po.”

Then, napatingin siya sa’kin.

“Ikaw, Amor?”

Bubuka na sana bibig ko pero—

“Tita Hana!”

Napalingon kaming lahat kay Collie.

Nakatingin sya kay Hana, naka-ngiti

nang sobrang sweet.

“Beautiful, gorgeous, pretty, pogi, maganda, poganda—” Sunod-sunod niyang sabi. Napapikit ako.

Here we go again.

“Can me, Callie, Mommy, and Dude sleep in one room?” Dagdag niya, angelic tone pa.

Ngumisi si Hana.

"Huh tek—" Di kona natapos sasabihin ko.

“Sure baby girl.” Sabat ni Hana. Sabay inabot niya yung susi.

“Kanan rin,” Sabi niya. Sabay kindat.

“YES,” Sabi ni Collie, parang nanalo sa lotto.

“Of course,” Bulong ko. Wala na akong magagawa kinuha narin ni Emery ang susi.

“Okay,” Sabi ni Hana, tumingin sa amin lahat. “May mga number naman bawat room.”

“Tignan niyo rin sa susi,” Dagdag niya. “May maliit na mark doon para hindi kayo malito.”

Tumango kami.

“And…” Tuloy niya, “If may kailangan kayo—water, food, anything—may telepono sa room.”

“Connected ‘yon sa maids’ area,” Dagdag niya. “Call lang kayo anytime.”

“Anytime?” Tanong ni Lara.

“Anytime,”Ulit ni Hana. “May naka-assign dun 24/7.”

“May night and morning shift ang mga angels namin.” Dagdag niya, naka-smile.

“Angels?” Bulong ni Jasmine.

“Our term for staff,” Sagot ni Hana.

Napangiti ako kasi ganun rin sa bahay nila Emery.

“So don’t worry,” Sabi niya. “You can call kahit anong oras.”

Tumango kami ngumiti naman siya ng mas malaki.

“I hope you guys enjoy…”

Saglit siyang tumingin sa amin.

“…and have a good night.”

Nagsi akyatan na kami sa taas dinala narin ng mga tauhan nila ang mga

gamit namin.

Pagkasara pa lang ng pinto—

“TALON!” Sigaw ni Collie. Diretso siyang tumakbo at tumalon sa kama na parang nasa trampoline.

“Hey—!” Sabay naming sigaw ni Callie.

BOOF.

Lumubog yung kama sa bigat niya kahit maliit lang siya.

“Soft!” Dagdag niya, naka-ngisi pa.

Napailing ako habang tinatanggal ang sapatos ko.

“Kung masira ‘yan, ikaw magbabayad.”

“Eh di si Tita Hana po,” Sagot niya agad.

“Wow ha,” Sabi ko, napataas kilay. “Hindi ka na nahiya.”

“Hindi naman po akin eh,” Sagot niya, proud pa.

Napahawak ako sa noo ko.

Si Callie naman, tahimik lang na naglakad papunta sa kama. Maingat siyang umakyat, hindi gaya ni Collie na parang wrestler.

Umupo siya sa gilid, inayos pa yung damit niya bago humiga.

Mini version talaga ni Emery.

Speaking of—

Napalingon ako. Nasa may pintuan pa si Emery, tahimik. Parang ino-observe lang kami.

Arms crossed as usual.

Pero yung mata niya may konting amusement.

“Hindi ka pa matutulog?” Tanong ko.

“Later,” Sagot niya, diretso.

Napalingon ulit ako sa isang malaking kama. Para sa aming apat.

“…Wait,” Bulong ko.

Dahan-dahan akong napalingon sa dalawang bata.

Si Collie, nakahiga na spread eagle ulit.

Si Callie, nakaayos na parang matutulog na sa hotel commercial.

“Anong arrangement?” Tanong ko.

Napatingin sila sa’kin sabay. Then—

Ngumiti si Collie.

“Simple lang po,” Sabi niya.

Ayoko yung tono ng pagkakasabi nya.

“Dito ako,” Sabi nya. sabay turosa kaliwang side ng kama.

“Dito si Callie,” Dagdag niya, sabay turo sa kabilang side napatingin ako.

Left, right, then—

“…Wait,” Sabi ko ulit, dahan-dahan.

Napangiti siya ng mas malaki.

“And ikaw po…” Sabi niya. Sabay turo sa gitna.

“…and Mommy,” Dagdag niya, sabay turo sa tabi ko.

“NOPE,” Sabi ko agad.

“Ha?” si Collie.

“Nope. Hindi pwede,” Dagdag ko, mabilis.

“Bakit po?” Tanong niya, inosente.

Napatingin ako kay Emery wrong move.

Nakatitig din siya sa’kin. Tahimik. Pero parang hinihintay yung reaction ko.

Agad akong umiwas.

“Basta,” Sabi ko. “Hindi pwede yun.”

“Bakit nga po hindi pwede?” Tanong ulit ni Collie.

“Collie,” Singit ni Callie, calm. “Obviously awkward.”

THANK YOU.

“Bakit awkward?” Tanong ni Collie, clueless.

Napabuntong-hininga ako.

“Because—”

Naputol ako. Kasi hindi ko rin ma-explain ng maayos.

“Because what po?” Tanong niya ulit, nakatitig talaga.

Napakamot ako sa ulo.

“Because… matanda na kami?” Sagot ko, alanganin.

“Eh ano naman po?” Sagot niya agad.

“Eh—”

“Let her breathe,” Sabi ni Emery, kalmado.

Napalingon ako sa kanya at ewan ko kung bakit mas lalo akong kinabahan.

“Thank you,” Bulong ko.

Pero—

“But Collie is right, why is it awkward?” Dagdag niya.

Excuse me?

“Kasi?” Sabi ko.

“Ahh basta matanda na tayo,” Tuloy ko, “and mas safe if nasa gitna sila.”

“Safe saan po?!” Tanong ni Collie agad.

“Baka mahulog kayo,” Sagot ko, simple.

Napatingin ako sa dalawang bata.

Si Collie umiikot ikot na sa kama.

Si Callie steady pa rin,

“Love has a point.,” Sabi ni Callie.

“SEE!” Sigaw ko.

“NO,” Sabi agad ni Collie.

“Please?” Dagdag niya, sabay puppy eyes.

Hindi ako tumingin.

Hindi ako tumingin.

Hindi ako—

“Dude…” Dagdag pa niya, mas malambing.

“Grabe ka,” Bulong ko.

“Please?” Ulit niya.

Napatingin ako kay Callie.

Tahimik lang siya. Pero—

“It's okay with me.,” Sabi niya.

Traitor.

Napatingin ako kay Emery.

Mali.

Kasi nakatingin lang siya sa’kin.

Hindi siya nagsasalita.

Pero parang sinasabi ng mata niya—

Your call.

Napabuntong-hininga nalang ako.

“Fine,” Sabi ko.

“YES!” Sigaw ni Collie.

“Pero—” Dagdag ko agad, sabay taas ng daliri.

Tumahimik sila.

“Walang gagalaw,” Sabi ko.

“Promise!” Sagot ni Collie.

“Sure,” Dagdag ni Callie.

“Hmm,” Si Emery.

Napatingin ako sa kanya.

“Hmm?” Tanong ko.

“Noted,” Sagot niya.

"Okay, get your pajamas and magpalit na kayo mahuhuli na ako," Sabi ko sa kanila, sabay kuha narin ng mga gamit ko sa bag.

MINUTES HAD PASSED

Nakaayos na kami.

Si Collie sa kaliwa, tulog na agad halos.

Si Callie sa kanan, nakatalikod, tahimik.

Ako sa tabi ni Collie at si Emery katabi si Callie

Hindi kami nagkikibuan kahit pareho pa kaming gising hindi rin ako gaanong gumagalaw.

Literal na parang estatwa.

Ramdam ko yung init sa katawan

ko kahit malamig ang kwarto

Ramdam ko rin yung presence niya.

Yung… proximity.

“Are you still awake??” Tanong niya, mahina.

“Hindi,” Sagot ko agad.

“Okay.” Sabi niya.

Napatawa ako ng mahina ang bilis niyang kausapin.

One second.

Five seconds.

Ten seconds.

“Amor.”

“Hmm?”

“You’re too stiff.”

“Hindi ah.”

“You are.”

“Hindi nga.”

“Relax.”

“Relax ako.”

“No you're not.”

Napapikit ako.

“Emery…”

“Hmm?”

“Kung hindi ka tatahimik, lalabas ako.”

Tahimik siya saglit. Then—

“Okay.”Sabi niya.

Aba talag naman.

Tatlong segundo.

“A little to the left.”

“HA?”

“May space pa,” Sabi niya, calm.

“Emery!”

Napatawa siya ng mahina halatang ng aasar lang.

“Goodnight,” Sabi niya.

“Goodnight,” Sagot ko.

Tahimik sandali. Pero bago ako tuluyang makatulog—

Narinig ko ang sinabi ni Collie kahit medyo tahimik.

“Yay… complete…”

Napangiti ako kahit medyo magulo.

Kahit hindi ako komportable.

May kung anong warmth ma hindi ko ma-explain at sa gitna ng katahimikan ng kwarto—

Unti-unti akong nakatulog.

HOURS HAD PASSED

May kung anong ingay na pumunit sa katahimikan ng mahimbing kong tulog.

Parang may humihikbi mahina lang kaya dahan-dahan akong dumilat.

Sa dilim, inaninag ko ang paligid.

Hanggang sa makita ko ang isang maliit na pigura.

Kinapa ko agad ang nasa gilid ko—

Wala.

Kaya napatingin ulit ako sa nakita ko at doon ko na mas naaninag nang maayos.

“Collie?”

Mahinang tawag ko.

Hindi siya gumalaw.

Nakaupo siya malapit sa pintuan, yakap ang mga tuhod niya, nakayuko at doon ko mas lalong narinig ang mahinang hikbi niya. Parang pinipigilan niya tila ayaw manggising kami. Pero rinig na

rinig ko kay agad akong bumangon.

“Collie…” Mas malambing kong tawag habang papalapit.

Paglapit ko, lumuhod ako sa harap niya.

“Hey… anong nangyari?”

Hindi siya sumagot.

Hindi man lang tumingin.

Mas lalo lang siyang umiyak.

Yung balikat niya, nanginginig.

Yung mga kamay niya, mas lalong

humigpit sa pagkakayakap sa sarili.

Parang takot na takot.

“Shh… okay lang…” Bulong ko, dahan-dahang hinahaplos ang likod niya.

pero wala pa rin hindi siya nagsasalita.

Umiiyak lang.

At doon ko na lang naisip na hindi niya kayang sabihin kaya hindi ko na pinilit.

Dahan-dahan ko siyang inangat at agad siyang kumapit sa’kin mahigpit. Yakap niya ako sa leeg, tapos yung binti niya, kumapit sa tagiliran ko, parang ayaw bumitaw. Parang natatakot na mawala ako.

“Okay lang… nandito lang ako,” Bulong ko.

Dahan-dahan akong naglakad lakad sa loob ng kwarto pa-sway at pa-ikot.

Parang sinasayaw ko siya sa katahimikan

ng gabi.

Mahina akong kumanta. Walang lyrics na buo basta himig lang. Yung tipong naririnig mo lang kapag may nagpapatahan sa’yo.

Unti-unti, naramdaman kong humihina yung hikbi niya.

Pero hindi pa nawawala yung kapit niya.

Mas humigpit panga. Parang hinahabol siya ng takot na ayaw siyang bitawan.

“Shh… safe ka… safe ka na…” Bulong ko ulit.

Hanggang sa—

“Amor?”

Napalingon ako.

Si Emery nagising na rin.

Binuksan niya yung ilaw sa gilid ng kama. At sa liwanag, nakita niya kami.

Ako na buhat si Collie. Si Collie na nakayakap sa’kin, umiiyak pa rin.

Sandaling natahimik ang kwarto. Tapos—

“Bad dream?” Tanong niya, mahina pero klaro.

Hindi sumagot si Collie. Pero tumango siya habang humihikbi. Sa kabilang side gumalaw yung kama.

Si Callie, nagising na rin.

“Are you having a bad dream, sis?” Tanong niya agad, medyo paos pa yung boses.

Tumango ulit si Collie.

“Shh… it's okay,” Sabi ni Callie, lumapit agad at hinawakan yung braso niya.

“Nandito kami.”

Napabuntong-hininga ako.

“Halika,” Sabi ko, mahinahon.

“Sa gitna na kayo matulog para di kayo matakot. Pinilit niyo pa kasi sa gilid.”

Walang reklamo.

Walang kontra.

Tahimik silang sumunod.

Dahan-dahan kong inihiga si Collie sa gitna ng kama.

Si Emery naman, inalalayan si Callie palapit din sa gitna.

Agad na yumakap si Callie kay Collie.

Mahigpit at parang pinaparating niya na di dapat mag alala si Collie.

“Don’t be scared,” Bulong niya. “I’m here.”

Unti-unti, kumalma si Collie.

Naupo ako sa tabi nila.

Hinahaplos ko ang buhok niya.

“Story…” Mahina niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya.

“Gusto mo ng story?”

Tumango siya.

Napangiti ako ng konti.

“Okay.” Sabi ko. At nagsimula akong magkwento.

Simpleng kwento lang.

Tungkol sa dalawang magkapatid na natatakot pero alam nilang kasama nila ang isa't isa kaya di na sila matatakot.

Habang nagsasalita ako, unti-unti silang natahimik.

Si Callie, nakayakap pa rin.

Si Collie, tuluyan nang kumalma.

Hanggang sa pareho na silang nakatulog.

Dahan-dahan akong tumingin sa kabilang side.

Nakita ko si Emery nakatitig lang siya sa’kin.

“Thank you,” Mahina niyang sabi.

Natigilan ako sandali.

Hindi ko na pinag-isipan.

Lumapit ako.

At bago pa ako makapagpigil hinawakan ko yung pisngi niya. At marahan kong hinalikan ang noo niya.

Sandaling katahimikan.

Napalingon ako agad sa mga bata parang nahuli. Kaya dali-dali kong hinalikan din yung noo ni Collie at Callie.

“Goodnight,” Bulong ko.

Pero pagtingin ko ulit kay Emery nakangiti na siya at mahina siyang natawa.

Kaya agad akong tumalikod.

“Amor,” Sabi niya, amused.

“Ha—wala yun!” Mabilis kong sagot.

Pero huli na.

Ramdam ko ang pag-init sa pisngi ko.

At sa gitna ng tahimik na gabi may naiwan na kakaibang kilig at kaba na hindi ko mapigilan.

KABAdingan.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.