CHAPTER 31 CEO vs KAMBING
Seraphine's POV
Umaga pa lang... iba na yung vibe ng buong lugar.
May galaw na agad sa labas-mga taong naglalakad, may mga nag-aayos, may nagbubuhat ng kung anu-ano. Parang may malaking mangyayari.
Well... meron nga.
Birthday na ni Hana.
Pero ang problema?
Ayaw siyang payagang tumulong.
"Tay naman-" Reklamo ni Hana, nakasunod sa likod ni Tito habang pababa kami ng hagdan. "Birthday ko 'to, gusto ko tumulong!"
Napatingin naman ako sa harap at nakaabang na ang mga kampon ni Elsa.
"Exactly," kalmado lang na sagot ni Tito, hindi man lang lumilingon. "Birthday mo. Ikaw ang ipaghahanda."
"Pero-"
"No." Putol agad ni Tito-diretso, final.
Napailing ako habang nakasunod. Si Lara sa tabi ko, naka-ngisi na parang nanonood ng teleserye.
"Grabe, first time ko makakita ng may ayaw maging VIP," Bulong niya.
"Rare species," Sagot ko.
Nang makababa kami, reklamo pa rin nang reklamo si Hana nang bigla-
"What seems to be the issue?" Sabi ng isang boses. Malambing... pero may authority.
Napalingon kaming lahat sa may hagdan.
At doon ko siya nakita.
Matangkad. Elegant. Yung aura niya... hindi mo kailangang ipakilala. Alam mong siya na 'yon.
"Mama," Sabi agad ni Hana.
"Goddess," Bulong ni Lara.
"Parang kapatid niya lang," Sabi ko, napapailing.
"Gorgeous."
Napalingon ako kay Collie at napangiti.
Si Hana? Napatingin sa'min. "Naririnig ko kayo."
Ngumiti si Tita habang pababa.
Lumapit naman agad si Tito, akmang hahalikan siya-pero tinapat ni Tita ang kamay niya para pigilan. Agad naman 'tong sumimangot.
"Hmm?" Taas-kilay niya.
Lumapit naman si Hana at niyakap siya.
"What's the problem, princess?" Tanong ni Tita.
Agad namang nawala ang ngiti ni Hana.
Isang segundo. Dalawa. Then-
"PRINCESS?!" Sabay-sabay sina Lara, Jasmine, at Collie.
"HAHAHAHA!"
Napakagat-labi ako, pinipigilan yung tawa ko.
Si Hana?
Namula.
"Mama naman eh..." Reklamo niya, mahina. "Narinig ka tuloy nila..."
"Too late," Bulong ni Lara.
"Why? Anong problem doon?" Sabi ni Tita, may halong Englisher ang tono.
"Come on, you used to love roleplaying princess stuff before, right?" Dagdag pa niya.
Napalingon ako kay Hana-naka-cross arms, halatang nahihiya na.
"Yes, but I'm grown up na," Sagot niya, medyo nagpipigil ng ngiti.
"O baka naman hindi talaga princess," Singit ni Tito, walang preno.
"Shut up, Antonio," Agad na sagot ng mama niya, hindi man lang tumingin.
"Huwag mong pangunahan si Hana."
Si Hana? Ngumisi lang, pero halatang kinikilig na naiirita.
"Mama, pinapalayas ako ni Tatay," Sabi niya, parang bata.
Napatingin agad si Tita kay Tito.
At grabe yung tingin niya-parang sinasabing ayusin mo desisyon mo sa buhay, Antonio.
"Talaga?" Tanong niya, sabay taas ng isang kilay. Napatingin kaming lahat kay Tito.
Si Tito?
Nakangiti... nag-peace sign pa ulit.
"Ahh... eh, mahal," Panimula niya, kabado. "Kailangan niya umalis saglit para ma-prepare natin ang mga dapat ihanda."
"Pero gusto ko tumulong, Tay," Singit ni Hana.
Tumingin si Tita kay Hana, then ngumiti.
"Your papa is right," Sabi niya, malambing. "Come on, baby... it's your day. Why don't you bring your friends somewhere?"
Napabuntong-hininga si Hana.
Parang alam na niyang hindi siya makakatanggi.
"...Okay po."
Ngumisi si Lara sabay bulong-"Takot."
"Okay, but wait-let my friends introduce themselves, Ma." Sabi ni Hana, biglang formal.
Isa-isa kaming nagpakilala.
"Amor po."
"Lara po."
"Jasmine po."
"Callie, Ma'am."
Napatingin ako kay Collie, pero hindi siya nagsalita. Agad namang nagsalita si Calista.
"Calista, Ma'am." Then handshake.
"Cassandra, Ma'am." Then handshake.
"Celestine Ma'am," Pakilala ni Emery.
"Margaret Norwood, Ma'am." Then handshake.
"Margaret Norwood... hmm, sounds familiar," Sabi ni Tita habang tinititigan si Margaret.
Napalingon naman ako kay Hana-kita ko kung paano siya lumunok.
"Ano ka ba, mahal-siya yung laging binabanggit ni Hana sa'tin n-" Hindi na natuloy ni Tito ang sasabihin niya.
"Tay-" Singit ni Hana.
"Oh, I see... mana nga ang anak mo sa'yo," Sabi ni Tita sabay ngisi.
"You look gorgeous Iha," Sabi ni tita. Sabay ngiti ng malawak.
"You to Ma'am," Sabi ni Margaret.
"Just call me Tita or much better call me mom" Sabi ni Tita. ngumiti naman ng malawak si Margaret.
Then may tumikhim sa gilid.
"Buongiorno, signora. Sono lieto di conoscere una donna splendida come lei. A proposito, mi chiamo Collie Elery Walls." Sabi ni Collie, sabay lapit at halik sa kamay ni Tita.
(Good morning, ma'am. I'm delighted to meet such a wonderful woman as you. By the way, my name is Collie Elery Walls.)
"Ano daw?" Bulong ni Jasmine nagkibit balikat lang ako.
"Hana, balak pa ata ni Collie maging stepmother mo," Natatawang bulong ni Lara.
Lumingon si Collie sa kanya, sabay inirapan siya, then bumalik ang tingin niya kay Tita at parang nagpapa-cute.
"The pleasure is mine, darling," Sagot ni Tita.
Mas lumawak ang ngiti ni Collie.
"Good morning po," Sabay-sabay naman naming sabi.
Ngumiti si Tita sa amin-warm... pero may class.
"You guys should go now," Sabi ni Tito.
"Please take care of my daughter. Alam n'yo naman ang paniniwala," Sabi niya.
"Of course po," Sagot agad ni Lara.
Napatingin ako sa kanya.
"...Wow," Bulong ko.
Lumabas na kami, at hindi pa kami nakakaalis nang-
"HANA!"
Napalingon kami.
Tatlong babae ang papalapit sa amin-halatang kapamilya niya, at magaganda rin. Mukhang taga-ibang bansa pa ang isa.
"Nicole! Kathy! Jenny!" Sigaw ni Hana, sabay yakap agad sa kanila.
"Mga pinsan ko nga pala, guys," Sabi ni Hana.
"Wow."
Napalingon agad ako-at alam kong kilala n'yo na kung sino.
"Hi, girls," Dagdag niya.
"Hoy, tiyanak mag palaki ka muna," Banat ni Lara sa kanya, walang takot kahit malapit siya sa kampo ni Elsa.
"Hi, baby girl," Sabi naman ng isang babae.
Napangiti naman si Collie, sabay dila kay Lara.
"Sama kayo sa'min," Sabi ni Hana.
"Mas marami, mas masaya," Sabi ni Lara.
"Approved," Sagot ni Collie.
Sumakay ulit kami. Pero this time... hindi sa van. Mas relaxed at mas open narin yung daan.
Hanggang sa-
“Dito,” Sabi ni Hana.
Pagbaba namin, napahinto ako. Waterfalls. Hindi sobrang taas… pero ang ganda, at malamig ang hangin sa paligid—napaka-presko.
At sa gilid, may malaking puno.
At sa ilalim nun, may mesa.
Simple, pero ang ganda.
“Dito ako madalas dati,” Sabi ni Hana, mahina. Napangiti ako kasi gantong lugar rin ang gusto kong makita.
“Good choice,” Sabi ko.
Si Nicole, medyo nahihiya pa kanina… pero unti-unti nang sumasabay.
“Ang ganda pala dito,” Sabi niya.
“Now I know why you don't allow us here,” Singit nung Kathy.
“Secret spot ko ‘to dati,” Sagot ni Hana.
“Shared na ngayon,” Sabi ni Lara.
Pumunta na kami sa table at naghiwalay ang grupo, kasi ayaw sumama ng mga kampon ni Elsa sa amin sa bandang gilid.
Nasa ilalim ng puno naiwan sila: Kathy, Jenny, Emery, Margaret, Cassandra, Calista, and Callie. Tahimik sila… nag-aayos ng gamit.
Very calm.
Very organized.
Very them.
Sa kabilang side… kami.
Ako, si Hana, Lara, Jasmine, Nicole, at Collie.
Which means?
Chaos.
“Last na wala sa tubig, talo!” Sigaw ni Lara.
“HOY—!” Pero huli na.
Nagtakbuhan agad sila.
Si Collie, halos madulas pa.
“WAIT FOR ME PO!” Sabi niya habang inaayos ang goggles niya.
“Teka, Hana, hindi ka marunong lumangoy!” Sigaw ko.
“Alam ko na!” Sigaw niya.
Napahawak ako sa ulo ko.
Si Jasmine… tumatawa na lang habang naglalakad.
“Ganito ba talaga kayo?” Biglang tanong ni Nicole.
“Oo,” Sabay naming sagot ni Hana.
“Walang pahinga,” Dagdag ko.
Biglang—
“Payag ka—” Si Collie na naman habang nagfo-floating.
“HUWAG!” Digaw ko. Pero huli na.
“Payag ka, nasa falls ka—”
“Okay ‘to,” Sabi ni Lara, interested.
“—Pero yung tubig iced coffee!”
Tahimik. Then—
“Pwede,” Sabi ni Jasmine.
“BAKIT?!” Sigaw ni Lara.
Nagtanong pa talaga siya eh, parang wala namang bawal kay Jasmine.
“Masarap,” Sagot niya.
“Malagkit ‘yon!” Si Lara.
“Worth it,” Sagot ni Jasmine.
“HAHAHAHA!”
Si Nicole, napatawa na rin nang malakas.
Unti-unti… nagiging comfortable na siya.
At napansin ko ‘yon.
Sa ilalim ng puno…
Parang may business meeting. Parang may sarili silang mundo. Kita ko naman na nag-uusap sila, pero parang limitado lang.
“Hoy, Collie, bitawan mo ‘yan!” Sigaw ni Lara, kaya agad akong napatingin.
At nakita ko si Collie—may hawak na ahas.
At parang tuwang-tuwa pa.
“Collie, put that down,” Sabi ko, sabay lingon kay Emery. Nagkibit-balikat lang siya.
“Callie, look! It’s cool!” Sigaw ni Collie.
“What is it?” Tanong ni Callie.
Napatingin kami sa kanila, hindi makapaniwala.
“It’s a Luzon keelback,” Sabi ni Collie.
“Are you sure?” Tanong niya, then tumayo at lumapit sa amin. Tumango naman si Collie.
Habang kami, nakatingin—natatakot silang magkapatid tuwang-tuwa.
“Dude, come. Don’t worry, it’s non-venomous,” Sabi ni Collie. Agad naman akong umiling.
“Mommy, can we keep it?” Sabay nilang tanong sa mommy nila.
“Let me see,” Sabi niya. Agad namang tumakbo ang dalawa at pinakita sa kanya.
“Still young. Let this creature have a good life in the wild,” Sabi niya. Agad namang sumimangot ang dalawa at pinakawalan ang ahas.
Bumalik naman ang lahat sa dati—kalokohan dito, at sa may puno, parang meeting ng mga CEO.
Ilang oras pa, lunch time na.
“Food is ready,” Sivaw ni Margaret.
Pagaka kita ko maayos na ang mesa.
May mga pagkain na simple, pero ang sarap tingnan.
“Uy!” Sigaw ni Lara. “FOOD!”
Automatic takbuhan ulit.
“Mga patay-gutom,” Bulong ko.
“Naparabang,” Sagot ni Hana.
Napailing na lang ako.
Umupo kami sa paligid. Tahimik sandali habang kumakain. Pero hindi yung awkward—yung… masayang katahimikan.
Si Hana, nakatingin lang sa paligid.
“Masaya ka?” Tanong ko.
Napalingon siya sa’kin, sabay ngumiti.
“Yeah,” Sagot niya.
“You deserve it,” Sabi ko.
“Thanks.”
Tumango lang ako. Sa gilid… naririnig ko na naman si Collie.
“Payag ka—”
“COLLIE!” Sabay naming sigaw.
“Last na po!”
“Pakainin mo muna kami, baby girl,” Sabi ni Jasmine habang nagpapasubo kay Calista.
“HAHAHAHA!” Tawa namin.
Pagkatapos namin kumain, nagpatuloy kami sa pagligo.
HOURS HAD PASSED.
Dumating na ang hapon, pero wala pa rin kaming tawag na natatanggap na pinababalik na kami.
Nasa mesa ulit kami para sa meryenda, ang bilis ng oras.
“WAIT!” Napahinto kaming lahat.
Si Collie, nakatingin sa paa niya—nag-aayos na kasi kami para ready na mamaya.
“…Nasaan slippers ko?”
Napapikit ako. Of course.
“Iniwan mo?” Tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.
“Hindi po iniwan…” Depensa niya. “Na-misplace lang, ‘po.”
“Sa kabilang area ‘yon,” Sabi ni Hana. “Doon sa may bandang bato.”
Napabuntong-hininga ako.
“Sige, ako na—”
“Ako na.”
Napalingon ako. Si Emery.
Nakatayo na siya.
“Ako—”
“Ako na,” Ulit niya.
“Hindi na, ako na nga—” Sagot ko, tumayo na rin.
Umirap siya.
“Sit.”
“…Excuse me?”
“Sit,” Ulit niya, mas diretso.
Napakurap ako.
“…Wow.”
“Mommy, I’ll go with you,” Singit ni Callie, tumayo na rin.
“Okay,” Sagot ni Emery.
Nauna nang naglakad si Emery.
Napatingin ako sa likod niya habang naglalakad palayo.
“Amor, try mo ‘to,” Sabi ni Nicole, sabay subo ng pagkain sa’kin.
“Ah—ge, teka,” Sagot ko, pero lutang na.
Sa gilid, umirap si Callie bago tuluyang sumunod sa nanay niya. Napansin ko ‘yon.
And then—
“Patay ka,” Bulong ni Lara sa tabi ko.
“Ano?” Tanong ko.
“Nagseselos mag-ina mo.”
“…Ha?”
“Obvious,” Dagdag niya. “Kita mo ‘yon?”
Napatahimik ako.
Pinanood ko ulit yung direksyon na pinuntahan nila.
Selos?
…Hindi naman siguro.
Diba?
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko namalayan… napatulala na pala ako.
“SHET—!”
Napalingon kaming lahat. Si Emery.
Sa di kalayuan.
“…Ano ginagawa niya?” Tanong ni Lara, nakakunot-noo pero pigil ngiti na.
Napabalik ang tingin ko kay Emery…
at hindi ko na rin mapigilang mapangiti—paano ba naman, nakikipag-patintero siya sa kambing.
“HAHAHAHA!” Tawa ni Jasmine. Agad siyang pinigilan ni Miss Calista.
“Mommy?!” Si Collie, tawang-tawa.
“Goat vs CEO,” Dagdag ni Lara, hawak ang tiyan.
“ANG BILIS NG KAMBING—!” Sigaw ni Jasmine.
Pero ako? Napatingin ako nang maigi.
At doon ko napansin—hindi siya natatawa. Yung mukha niya… takot.
As in legit.
“…Wait,” Bulong ko. Hindi na ako nag-isip—lumapit ako papunta sa kanya.
“Emery!”
Paglapit ko, bigla siyang tumalon diretso sa’kin.
“WOAH—!”
Halos mawalan ako ng balance, pero nasalo ko siya. Mahigpit siyang yumakap na parang bata.
“Get it away from me,” Bulong niya, halos hindi marinig.
Napakurap ako.
“…Takot ka sa kambing?” Tanong ko. Juice colored—takot siya sa kambing, pero sa ahas G na G siya?
Hindi siya sumagot. Pero mas humigpit kapit niya. Sa likod ko naman—
“Mommy!” Si Callie. At bago pa ako makareact, umakyat na rin siya sa likod ko.
“CALLIE—!”
“HAHAHAHA!” Halos gumulong na si Lara sa kakatawa.
“Double kill!” Dagdag ni Jasmine.
Si Collie? Sumisigaw na rin.
“TEAM BACKPACK!”
Napapikit ako.
“Guys—hindi ako puno!”
“Temporary, dude,” Sagot ni Collie.
“Ano bang nangyayari diyan?” Sigaw ni Hana habang papalapit, kasi busy siya kanina titigan si Margaret at ngayon lang kami napansin.
Napatingin siya sa amin at sa kambing.
“…Paano napunta ‘yan diyan?”
"Nikz" Sigaw ng kung sino. May lalaking tumakbo papunta sa amin.
"Bata po ba hanap niyo?" Tanong ni Hana umiling siya sabay tumingin sa kambing.
“Pasensya na po, Ma’am Hana!” Hingal niyang sabi. “Naligaw lang po ‘yang si Nikz… iuuwi ko na sana—”
Huminga nang malalim si Hana.
“Okay lang po, Mang Jo,” Sabi niya, kalmado. “Next time po, pabantayan na lang.”
“Opo, opo,” Sagot niya agad, hinila yung kambing palayo.
Unti-unting kumalma yung paligid.
Tahimik sandali. Then—
"Shala ng pangalan nung kambing modern" Natatawang sabi ni Lara.
Dahan-dahang namang bumaba si Emery. Inayos ang sarili na parang walang nangyari. Si Callie, bumaba rin.
Napatingin ako kay Emery.
“Okay ka lang?”
Hindi siya sumagot. Lumakad lang siya pabalik sa mesa. Diretso. Hindi man lang ako tinignan kaya napakurap ako.
“…Okay?”
Sa mesa, umupo siya. Kumuha ng pagkain. acting normal. As if wala lang.
Sa gilid—
Si Lara, si Jasmine, at si Collie…
Pigil na pigil yung tawa. Kahit si Margaret, may maliit na ngiti.
“Huwag kayong maingay,” Bulong ni Lara. “Baka gawin tayong Olaf.”
“Mommy vs kambing,” Dagdag ni Collie.
“Legendary,” Sabi ni Jasmine.
Napailing ako.
Napatingin ulit kay Emery.
Tahimik siya. Composed.
Pero hindi pa rin siya tumitingin sa’kin.
Napabuntong-hininga ako.
Pagkatapos kumain…
Unti-unting bumalik ang ingay.
Si Lara at Jasmine, nag-uusap na naman. Si Collie, may bago na namang iniisip na kalokohan. Si Nicole, panay ang kausap sa’kin.
Normal lang ang lahat, pero may kulang.
Napatingin ako sa paligid.
Wala siya.
“Nasaan si Mommy?” Tanong ni Collie, habang ngumunguya napansin rin nya.
Napatingin si Callie sa gilid.
“There,” Sabi niya, simple lang.
Sinundan ko yung tingin niya sa may bandang gilid ng falls, medyo malayo… pero kita pa rin.
Si Emery.
Nakatayo mag-isa, nakatingin sa tubig.
Tahimik at kapansin-pansin. Iba yung aura niya. Hindi naman siya mukhang galit, pero hindi rin mukhang okay.
Napabuntong-hininga ako.
“…I’ll be back,” Sabi ko.
“Good luck,” Bulong ni Lara.
Hindi ko na siya pinansin.
Lumapit ako dahan-dahan.
Hanggang sa tumabi ako sa kanya.
“Hey,” Sabi ko. Hindi siya lumingon.
“Hmm.”
Tahimik ang naririnig lang ay ang ingay ng tubig.
“May problema ba?” Tanong ko.
Umiling siya.
“Nothing,” Sabi niya. Well, expected.
Tumango lang ako. Hindi ako agad nagsalita. Hinayaan ko lang yung katahimikan. Then—
“Alam mo…” Sabi ko, mahina. “Hindi ko alam kung anong iniisip mo ngayon.”
Wala pa rin siyang reaksyon.
“Pero—”
Huminga ako ng malalim.
“Kung ano man ’yan… gusto ko lang sabihin na…”
Saglit akong napatingin sa kanya.
“…ikaw lang.”
Napahinto siya.
“Wala nang iba,” Dagdag ko, diretso. “Kayo lang ng mga bata.”
Hindi ko na pinahaba.
Hindi ko na rin inexplain.
Alam kong sapat na ’yon.
“Go join your friends,” Sabi niya.
Mahina, pero malinaw.
“I just… want to be alone,” Sabi niya, sabay buntong-hininga.
Gusto ko pang magsalita, pero…
Hindi na.
Tumango na lang ako.
“Okay.”
Hindi na ako nagtanong.
Hindi ko na rin pinilit.
Dahan-dahan akong tumalikod at naglakad pabalik.
Pagbalik ko—
“And?” Si Lara agad.
“Wala,” Sagot ko.
“Wala?!” Si Jasmine.
“Wala,” Ulit ko. Umupo ako sa gilid.
Paminsan-minsan… napapalingon pa rin ako sa direksyon niya.
Nandun pa rin siya mag-isa.
Napabuntong-hininga ako ng mahina, pero bago pa ako tuluyang malunod sa isip ko—
“Wait lang—” Si Lara, biglang sumingit.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
Nakaturo siya… kay Kathy.
“Hindi ka mukhang Filipino.”
Tahimik. Then—
“Ha?” Si Kathy, napatawa.
“Filipino ka ba talaga, te?” Tanong rin ni Jasmine, naka-lean forward pa.
“Oo naman,” Sagot ni Kathy, natawa. “But I’m fluent in Tagalog…”
“Hmm,” Si Lara, naka-cross arms. “Suspicious.”
“Grabe ka,” Tawa ni Hana.
“Sige nga,” Si Lara ulit, ngumisi. “Para sure lang… baka spy ka sa bansa namin.”
“Lara—” Babala ni Hana, pero natatawa rin.
“I’m Filipino,” Sagot ni Kathy, nakangiti. “I just grew up abroad.”
“Weh?” Si Jasmine, nakaangat ang kilay. “Sige nga—anong pinagkaiba ng menudo, mechado, afritada, at kaldereta?”
Tahimik ng isang segundo. Then—
“HAHAHAHA!” Sabay-sabay kaming natawa.
“Hoy!” Si Kathy, napapailing pero natatawa rin. “Your question is difficult!”
Sumingit ako.
“Wait, ako rin,” Sabi ko. “Ano pinagkaiba ng lagnat, sinat, at binat?”
“AYAN PA!” Si Lara, napahawak sa mesa.
“Grabe naman!” Si Jasmine.
“Hindi ko na alam ’yan!” Si Kathy, tawa na lang.
“HAHAHAHA!”
Umiling si Hana.
“Wag niyo ngang pagtripan si Katkat namin,” Sabi niya, pero halata namang natatawa rin.
“Test lang ’to,” Sagot ni Lara.
“Cultural verification,” Dagdag ni Jasmine.
“Karaoke is the ultimate test,” Sabi ni Callie, seryoso.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
“Where’s the microphone at?” Dagdag niya, parang may hinahanap.
“I can sing a little, baby girl,” Sabi ni Kat.
“Hawak mo po ba yung beat?” Singit ni Collie.
“HAHAHAHAHAHA!”
Mas malakas na yung tawa ngayon.
“Ba’t ganon?!” Si Jasmine, halos maiyak sa kakatawa.
“Collie naman—!” Si Hana.
Si Lara, hindi pa tapos.
“Sige nga,” Sabi niya, humarap kay Kathy. “Ano yung totoong laman ng Tupperware ng ice cream?”
Napakurap si Kathy.
“…Ice cream?” Singit ni Collie.
Tahimik. Then—
“Hindi ka rin pala Filipino, eh!” Sigaw ni Lara.
“HAHAHAHA!”
“Alam ko ’yan!” Singit ni Jasmine. “Isda!”
“Yes!” Si Lara, sabay nag-high five sila.
“Correct!”
“Wait—totoo ba ’yon?!” Si Kathy, tawang-tawa.
“Core memory,” Sabi ko.
“Childhood trauma,” Dagdag ni Lara.
“HAHAHAHA!”
Si Collie, nakakunot ang noo.
“…Hindi ice cream?”
“Hindi po,” Sabay sabay naming sagot.
“Aww…”
Tumawa ulit kami.
Masaya.
Magulo.
Maingay.
Pero sa gitna ng lahat, napalingon ulit ako. Nandun pa rin siya—tahimik, malayo. At kahit pilit kong sinasabayan yung ingay sa paligid, hindi ko maiwasang mag-isip.
Ano bang nasa isip mo… Emery?
Hindi ko na namalayan kung kailan natapos ang hapon. Parang isang iglap lang—tawanan, kulitan, ingay…
Tapos biglang pagabi na ulit.
“Guys, tara na!” Tawag ni Hana mula sa may daan. “Pinapabalik na tayo ni Tatay!”
Isa-isa kaming tumayo. Yung iba, nag-uunat; yung iba, nagliligpit pa ng konti.
Ako?
Isang bagay lang ang sinigurado ko.
Pagpasok sa sasakyan… diretso akong umupo sa tabi niya.
Hindi siya tumingin sa’kin.
Tahimik pa rin, at ramdam kong may iniisip talaga siya.
Malalim.
Hindi ko na tinanong. Hindi ko na rin pinilit, dahil hindi lahat ng bagay… kailangang pilitin.
Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya.
At hinawakan—mahinhin lang.
Wala pa rin siyang reaksyon.
Hindi niya rin inalis, pero hindi rin siya gumanti napatingin ako sa kamay namin.
Mas hinigpitan ko yung hawak—hindi sobra.
Sapat lang.
Para maramdaman niya.
Na nandito ako.
Na hindi ako aalis.
Na kahit hindi niya sabihin, naiintindihan ko.
Tahimik ang buong biyahe.
At naisip ko—kung ano man ’tong meron kami… hindi ko ipagpapalit. Kahit dagdagan pa ng limang duwende ang sabit niya.
Pagpasok pa lang ng sasakyan sa gate—
Kakaiba na ang ambiance ng paligid. Buhay na buhay.
Yung ilaw—hindi na siya yung normal na warm lights lang.
Mas maganda.
Mas marami.
Mas maliwanag.
Pero hindi masakit sa mata—yung tipong parang kumikislap, parang may sariling buhay.
“Uh…” Bulong ni Lara. “Ano ’to… fairy tale?”
Dahan-dahang huminto ang sinasakyan namin, at paglabas namin—
Napahinto ako.
Hindi ko agad naintindihan yung nakikita ko.
Yung buong paligid…
Puno ng ilaw.
Mga designs, maliliit na bumbilya na nakasabit sa mga puno, sa mga daan, sa paligid ng malaking puno sa gilid ng mansion.
May mga mesa—pero mas marami.
Mas maayos.
Mas… pinaghandaan.
At may mga tao.
Hindi lang iilan.
Halos buong sitioata nandito, mga bata, matatanda, kapitbahay. Lahat nandito, nakatingin sa amin, ngumingiti.
Tahimik ng ilang segundo. Then—
“Happy birthday to you…”
Sabay-sabay.
Malumanay sa una.
Hanggang sa lumakas.
“Happy birthday to you…”
Napalingon ako kay Hana.
Hindi siya gumagalaw.
Nakatayo lang siya sa tabi namin.
Yung mata niya… unti-unting napuno.
“Happy birthday, happy birthday…”
Napahawak siya sa bibig niya.
“…Happy birthday to you.”
Natapos yung kanta pero walang nagsalita agad kasi umiiyak na siya hindi yung malakas pero halata.
“Tay…” Mahina niyang sabi.
Sa harap, nakatayo si Tito kasama si
Tita. Tahimik lang. Pero kita mo pinaghandaan niya ’to. Hindi lang para magmukhang maganda. Kundi para maramdaman na mahal nila si Hana.
Lumapit si Hana sa kanya.
Hindi na siya nagsalita.
Yumakap na lang siya.
Mahigpit.
“Tay…” Ulit niya, nanginginig yung boses.
Hinaplos ni Tito yung ulo niya.
“Happy birthday, anak,” Sabi niya, mahina pero buo.
Sa paligid—
Tahimik lang yung mga tao.
Ngumingiti. Nanonood.
Ako?
Hindi ko namalayan na napangiti na rin ako.
Sa gilid—
“Grabe…” Bulong ni Lara. “Effort.”
“Love language: Grand gesture,” Dagdag ni Jasmine.
Si Collie?
“Gusto ko rin po ng ganito,” Sabi niya.
“Sa birthday mo,” Sagot ko.
Napangiti siya.
Pero bumalik agad yung tingin ko kay Hana.
Sa eksena.
Sa pamilya niya.
Sa mga tao sa paligid.
At ewan ko…
Biglang gumaan yung pakiramdam ko.
Kasi kahit gaano kagulo ang mundo namin—
May mga ganitong sandali.
Sa tabi ko, naramdaman ko ang kamay ni Emery—mahigpit na rin ang hawak sa kamay ko.
At sa gitna ng ilaw, ng kanta, at ng mga taong nagmamahal—
Doon nagsimula yung totoong celebration.
Hindi lang birthday.
Kundi… kung sino talaga si Hana.
At kung gaano siya kamahal ng mga tao sa lugar nila.
At doon na nagsimula ang party.
Hindi na lang siya basta ilaw at pagkain.
May music, may tawanan, may mga batang tumatakbo sa paligid.
Yung mga matatanda, nagkukwentuhan sa gilid. Buhay na buhay yung buong lugar. Sa gitna, may maliit na stage.
Umakyat si Tito.
Tahimik bigla ang crowd. Kinuha niya yung mic. Napangiti siya habang nakatingin kay Hana.
“Magandang Gabi sa lahat,” Panimula niya.
“Happy birthday, anak,” Dagdag nya.
“Happy birthday po!” Sabay-sabay na sabi ng mga tao.
Ngumiti si Hana, pero halata… hindi pa siya fully nakakabawi sa emosyon.
“Alam niyo…” Sabi ni Tito, tumingin sa mga tao. “Akala niyo siguro mabait ‘tong anak ko.”
Nagkatinginan kami.
“…Hindi po!” Sigaw ni Lara, Jasmine, at Collie.
“HAHAHAHA!” Tawanan ng mga tao.
“Hoy!” Reklamo ni Hana, pero natatawa rin.
“May kwento ako,” Tuloy ni Tito.
“Ay, eto na,” Bulong ni Lara.
“May isang beses…” Sabi ni Tito, “May kaibigan siya na sasali sa contest sa kabilang bayan. Ang problema… wala daw maayos na damit.”
Tahimik ang crowd, nakikinig.
“Gabi na ‘non. Tulog na dapat ang lahat—mas lalong tulog na dapat siya.”
Napangisi siya.
“Pero paggising ko para kumuha ng tubig napasilip ako sa kwarto niya to check on her for a moment…”
Nag-pause siya.
“…pero wala siya.”
“Ha?!” Sabay-sabay kaming napareact.
“Tumakas,” Dagdag niya.
“Para lang ihatid yung damit na kailangan ng kaibigan niya,” Sabi ni Tito, may halong tawa. “Mag-isa sa dilim. Walang paalam. Actually, yan din ang rason kung bakit pinalagyan ko ng ilaw ang bawat sulok ng sitio kahit hindi pa ako ang mayor.”
Napailing siya.
“ At pagbalik niya, parang wala lang.”
“Classic,” Bulong ko.
“Hindi ako nagalit,” Dagdag ni Tito, tumingin kay Hana. “Kasi doon ko nakita… kung gaano kalaki ang puso niya.”
Tahimik sandali.
“Para isipin ang iba kaysa sa kaligtasan niya. Pero di ko maiwasang hindi magtanong kung bakit hindi na lang siya nagsabi sa mga kasama namin sa bahay. Ang sagot niya, gamit ang maliit niyang boses, ‘Tatay, they’ve been working for the whole day. They need to take a rest.’ At doon, yinakap ko siya nang mahigpit dahil sa tuwa…
at naging biggest secret namin ‘yon sa mommy niya,” Mahabang sabi ni Tito, sabay flying kiss kay Tita. Lahat naman kinilig.
“So yun nga… happy birthday, anak,” Ulit niya, mas mahina.
“Wala na kaming mahihiling pa ng mama mo kundi ang isang apo” Sabi niya sabay tawa.
“Kidding aside, I wish you all the best anak. Happy birthday, and we love you,” Dagdag ni Tito.
Nagpalakpakan ang mga tao.
Lumapit siya kay Hana at yinakap ulit.
Sumunod, umakyat si Tita.
Mas tahimik. Mas composed.
“Magandang gabi sa inyong lahat. Mukhang may matutulog sa labas ng kwarto mamaya,” Biro ni Tita. Agad naman sumimangot si Tito.
“Alam niyo…” Panimula niya. “Hindi madali maging si Hana.”
Napatingin ako. Iba yung tono niya.
“Hindi dahil sa ugali niya,” Dagdag niya, “Kundi dahil sa mundong kinalakihan niya.”
Tahimik ang crowd.
“May mga taong… hindi tumitingin sa kanya bilang siya.”
Nag-pause siya.
“…Kundi bilang anak namin ng tatay nya.”
Napalingon ako kay Hana.
Nakayuko siya.
“May mga panahon na nasaktan siya,” Tuloy ng mama niya. “Na-bully. Na-judge. Hindi dahil sa ginawa niya… kundi dahil sa kung sino siya sa mata ng iba.”
Napahigpit yung hawak ko sa kamay ni Emery. Hindi ko alam kung bakit.
“Pero imbes na magtago, magkulong, magmataas manapak ng ibang tao…” Dagdag niya, “pinili niyang umalis.”
Tumingin siya sa anak niya.
“Pinili niyang magsimula ulit sa lugar na walang nakakakilala sa kanya.”
“Para patunayan…” Dagdag niya, “…Na kaya niyang tumayo sa sarili niyang pangalan, sa sarili niyang paa.”
“Kinausap niya ang mama or I should ang lola niya para gamitin ang last name nito, at pumayag naman. Agad nagkalat ang balita na hindi raw namin siya anak,” Sabi ni Tita sabay tawa.
“Which is, I found funny, kasi nakita ng marami kung paano lumaki ang tiyan ko nung mga panahong ‘yon. But things happen for a reason, right? And we can’t control the minds of others. And that’s what Hana did—she focused on something she can control.
She go with the flow, and that makes me proud of her. ”
Tahimik. Walang tumatawa ngayon.
“Hindi dahil anak ka namin,” Sabi niya, sabay tingin kay Hana, “kundi dahil ikaw ‘yan.”
Ngumiti siya.
“Happy birthday, my beloved princess. I hope you enjoy your day. And ang regalo mo… mamaya na.”
Sa gilid—
“Wohhhh, PRINCESS—!” Sigaw ni Lara.
Siniko ko siya.
“Hahahahahahaha!” Tawanan ng lahat.
Umakyat ulit yung MC.
“May gusto pa bang bumati?” Tanong niya.
Tahimik sandali. Then—
“Me po!”
Napalingon kami—si Nicole.
Ngumiti siya, medyo kinakabahan habang umaakyat.
Kinuha niya yung mic.
“Hi…” Sabi niya, mahina.
“Hi!” Sagot ng crowd.
Napatawa siya ng konti.
“Happy birthday, Hana,” Sabi niya.
Simple. Pero sincere.
“Hindi man tayo sobrang close dati…” Gagdag niya, “…Pero ngayon, ang saya ko kasi mas nakilala kita.”
Napangiti si Hana.
“Thank you… for being someone na madaling lapitan,” Tuloy ni Nicole. “At kahit gaano ka ka-busy o kataas—”
“Uy,” Singit ni Lara, mahina.
“—hindi mo pinaramdam na mas mababa kami,” Dagdag niya.
Tahimik.
“Not because of what you have, but because of your achievements in life. You graduated with the highest score, you’re now working at a well-known company—that’s why we look up to you.
But you keep yourself in the ground with us, staying lowkey like you don’t have everything on your back,” Sabi niya.
“Proud ako sa’yo,” Dagdag niya.
Ngumiti siya ng malawak.
“Happy birthday, and we love you.”
Palakpakan ulit.
Ako?
Tahimik lang. Nakatingin kay Hana.
Sa pamilya niya. Sa mga taong nakapaligid sa kanya. At ewan ko… mas lalo kong naintindihan kung bakit ganun siya.
“May gusto pa bang bumati?” Ulit ng MC.
Akala ko tapos na. Pero—
“Me too!”
Napalingon kaming lahat.
Si Lara.
Nakataas ang kamay, confident na confident.
“Ahh—wag na po siya,” Sabi agad ni Hana, napapailing.
“HAHAHAHA!” Sabay-sabay kaming natawa.
“Uy!” Si Lara, napahawak sa dibdib. “Grabe ka naman!”
“Mukhang maraming alam ‘to ah,” Dagdag ng MC, natatawa.
Ngumisi si Lara at kumindat kay Hana.
“Patay,” Bulong ko.
Umakyat siya sa stage. Kinuha yung mic.
“Since birthday mo naman…” Panimula niya, casual lang. “Hindi ka naman siguro papagalit ni Miss Walls?”
Napalingon siya kay Emery. Tahimik lang si Emery, pero kita ko nakaangat konti yung kilay niya.
“Hmm.”
“That’s not a yes,” Bulong ko.
“Anyway,” Tuloy ni Lara, “May kwento ako sa office…”
Napahawak ako sa noo ko.
“Here we go.”
“May isang araw,” Sabi ni Lara, “Trip namin pagtripan si Sir Alfonso—”
“LARA!!” Sigaw agad ni Hana .
“Shh!” Sabi ni Lara, naka-ngisi. “Educational ‘to na wag ka gayahin ng iba.”
“HAHAHAHA!”
“At dahil bored kami…” Tuloy niya, “Pinalitan namin yung wallpaper ng laptop niya ng… picture niya rin. Pero naka-edit.”
“Ano?!” Si Jasmine.
“Yung tipong glow-up… pero exaggerated,” Dagdag ni Lara.
“HAHAHAHA!” Tawanan kami.
“Pagbukas niya—” Si Lara, ginaya yung reaction, “Napasigaw siya—‘Sino gumawa nito?!’”
Tawanan kami, kasi kung alam n’yo lang ang itsura ni Sir Alfonso matatawa rin kayo.
“Then sabi ni Hana—” Ginaya niya yung boses ni Hana, “‘Sir, baka po self-love na ‘yan.’”
“LARA!” Si Hana, nangingiti pero halatang papatayin siya later.
Tahimik niyang binigkas—
“Patay ka sa’kin.”
Nabasa ko sa labi niya.
Napangisi si Lara.
“Don’t worry,” Bulong niya pabalik. “May ipapakita ako sa’yo pambawi.”
Sabi niya, sabay kindat.
“Happy birthday, my love—Hana na di naliligo pag di ko sinabi.”
Bumaba si Lara sa stage, proud pa.
Linakasan ko na rin ang loob ko at nagtaas ako ng kamay. Napatingin sila sa’kin.
“Ahh…” Sabi ko, medyo napakamot sa batok. “Ako rin.”
“Ay wow,” Si Lara.
“Speech!” Si Jasmine.
Umakyat ako. Kinuha ko yung mic.
Napatingin ako kay Hana. Ngumiti ako.
“Magandang gabi po sa lahat,” Bati ko.
“Magandang gabi,” Bati nila.
“Hindi na ako magkwekwento ng mga kalokohan natin—sa’tin na lang ‘yon,” Sabi ko, sabay kindat sa kanya. Tumawa naman siya.
“Thank you… for coming into our lives, Hana,” Sabi ko.
Tahimik ang crowd.
“Hindi ko alam kung kakayanin ko si Lara mag-isa…” Dagdag ko. Tumawa sila.
“Hoy!” Si Lara.
“Shh,” Sabi ni Hana.
“Rude,” Sagot niya.
“Buti na lang dumating ka, at sa maikling panahon, lumaki ang pamilyang meron tayo sa city,” Dagdag ko, sabay tingin sa kanya.
“At nadagdagan pa tayo ng mas malala kay Lara…” Sabi ko, napatingin kay Jasmine. Nagkatinginan kami. Then—
Napatawa.
“HAHAHAHA!”
“Pero seriously,” Dagdag ko, “Mas masaya diba.”
Ngumiti ako.
“Happy birthday, Hana. I wish you all the best in life. Sana marating mo ang gusto mong marating. Handa kaming samahan ka sa kung saan man o ano man ‘yan.”
“Mahal na mahal ka na namin. Happy birthday. Oo nga pala—yung regalo mo sa city… ‘di kasi kasya sa bulsa ko,” Dagdag ko.
Napatawa ang mga tao, at nag palakpakan ulit. Agad akong bumaba.
Akala namin tapos na. Pero—
“I want to say something po!”
Napalingon kaming lahat.
Si Collie.
Nakataas yung kamay.
“Of course, cutie,” Sabi ng MC, natatawa.
Umakyat siya. Ang liit niya, pero mas confident siya sa’kin..
Kinuha niya yung mic.
“First po,” Sabi niya, seryoso, “I would like to say thank you to your parents po…”
Tahimik ang crowd.
“…kasi dahil sa kanila, meron ka.”
Napangiti ako.
“Second,” Tuloy niya, “Thank you po for keeping up sa mga sinasabi namin ng twin ko…”
“True,” Bulong ni Lara, sabay irap.
“Kahit minsan sinasabi mo po na nosebleed ka na…” Dagdag niya.
“Accurate,” Sabi ni Hana.
“Thank you po kasi nandyan ka,” Tuloy ni Collie.
Pause.
“Aminin na po natin…” Sabi niya, biglang nag-iba tono. Tumingin siya kay Lara.
Napatingin kaming lahat.
“…Pag si Tita Lara lang, walang maganda or knowledgeable topic ang magaganap—sa kalokohan lang po niya ako naiintindihan.”
“HOY—” Si Lara.
“Hindi niya kami kinakausap tungkol sa science, math, or whatsoever,” Dagdag ni Collie.
“Loko ‘tong batang ‘to—” Si Lara.
“Ahem,” Si Hana.
Tumahimik si Lara.
“Continue,” Sabi ni Hana.
“Anyway,” Sabi ni Collie, bumalik sa sweet tone, “Happy birthday po…”
Nag-pause siya. Then—
“Our beautiful, gorgeous, pretty, pogi, maganda, poganda… my beloved princess, Tita po!”
Isang segundo. Then—
“HAHAHAHAHAHA!”
Tawa ni Hana, mas malakas pa kaysa kanina.
“PRINCESS—HAHAHAHAH!” Si Lara.
“Okay na sana eh…” Sabi ni Hana, napapailing. “…Dinagdagan mo pa ng princess!”
Tumakbo si Collie pababa. Diretso kay Hana. Tapos niyakap agad—mahigpit. Niyakap din siya ni Hana. Napangiti ako. Then kiniss ni Collie yung cheek niya.
“I’ll give you my gift po pagbalik natin sa city.”
“Ay wow,” Si Hana. “May pahabol.”
“Special po ‘yon.”
“Looking forward,” Sagot ni Hana.
Sa paligid—mapuno ng tawanan, palakpakan, sigawan.
Makalipas ang tatlong oras, habang tuloy pa rin ang ingay at saya—
Lumapit si Emery sa amin.
“I’ll go ahead,” Sabi niya, kalmado. “I’ll bring the kids inside. They need to rest.”
Tumango ako.
“Okay.”
“Goodnight po!” Sabi ni Collie bago pa siya hilahin ni Emery.
“Goodnight,” Sagot namin.
At unti-unti silang nawala sa crowd.
---
Mga sampung minuto ang lumipas…
Hindi ko na napigilan.
“I’ll check on them,” Sabi ko.
“Sure ka?” Si Lara, naka-ngisi. “Or miss mo lang?”
“Tumahimik ka,” Sagot ko.
“Confirmed,” Bulong ni Jasmine.
Hindi ko na sila pinansin.
Naglakad na ako papasok.
Tahimik na sa loob ng mansion.
Ibang mundo kumpara sa labas.
Pagdating ko sa may pinto, nakaawang ito, at naririnig ko sila—hindi ko sinasadya. Pero malinaw.
“Mommy…” Boses ni Collie.
Napahinto ako.
“…Are you jealous with Tita Nicole?” Tanong niya. Napakurap ako.
Itong batang ’to, walang preno.
Tahimik sandali.
“…No,” Sagot ni Emery.
Diretso. Pero may konting delay.
“Sure ka po?” Pang-aasar ni Collie.
“Collie,” Babala ni Emery. “Enough. Go to sleep.”
Tahimik. Then—
“Mommy is prettier,” Si Callie, kalmado. “And love only love Mommy and us.”
Napahawak ako sa dibdib ko at napangiti.
“Hmm…” Si Collie. “We’re not sure of that.”
Napakunot-noo ako.
“Love is different from like,” Dagdag niya.
Tahimik ulit, at mas mabigat.
Hindi ko na hinintay.
KNOCK.
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto.
“How’s my ladies?” Sabi ko, casual.
Parang wala akong narinig.
Parang kakadating ko lang.
Parang walang alam.
Napatingin sila sa ’kin.
Si Collie—may ngiti.
Si Callie—calm as always.
Si Emery—tahimik.
Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama.
“Bedtime story na,” Sabi ko. “So Mommy can enjoy her free time too.”
Ngumiti ako nang konti. Pero—
“I’ll take care of my daughters,” Sagot ni Emery. Mahina pero firm.
Napatingin ako sa kanya.
Then—
“I’ll take care of you, guys,” Sagot ko, sabay ngumiti.
Walang kumontra.
“So…” Sabi ko, humiga nang konti sa tabi nila. “Let’s start?”
Tumango si Collie.
Si Callie rin.
Si Emery… tahimik lang.
Pero hindi siya umalis.
“Once upon a time…” Panimula ko.
“May isang tao.”
“Boy?” Si Collie.
“Or girl?” Si Callie.
“Hmm…” Ngumiti ako. “Depende sa tumitingin.”
Tahimik sila. Nakikinig.
“Ang prinsipe…” Tuloy ko—prinsipe na lang—“Na in love sa isang prinsesa.”
Napatingin ako kay Emery.
Saglit lang. Then balik sa kwento.
“Hindi siya perpekto,” Dagdag ko. “Minsan makulit… minsan magulo…”
“Sounds familiar,” Bulong ni Collie.
Siniko ko siya ng mahina.
“Tahimik.”
“Pero…” Sabi ko, mas mahina na, “Sigurado siya sa nararamdaman niya.”
“Every time na sasabihin niyang…”
Napahinga ako nang konti.
“…‘I love you.’”
Napatingin ulit ako kay Emery.
Diretso. Hindi ko iniiwas yung tingin ko.
“…Hindi siya naghihintay ng sagot.”
Tahimik.
“Basta sinasabi niya lang.”
Mas mahina na yung boses ko ngayon.
“Paulit-ulit… kahit hindi niya marinig pabalik.”
Walang nagsasalita.
“Because for him…”
Napatingin ako sa mga bata.
Unti-unti na silang napipikit.
“…Enough na yung nandiyan siya.”
“Sa tabi niya.”
Pagkatapos ng ilang minuto—
Tahimik na. Tuluyan nang nakatulog si Collie. Si Callie, nakapikit na rin. Mahimbing na ang tulog nila.
Napabuntong-hininga ako nang mahina.
Dahan-dahan akong umayos ng upo.
Napalingon ako kay Emery. Tahimik lang siya.
Pagkalabas namin ng bahay—
Ganun pa rin. May music. May tawanan. May mga taong sumasayaw, may nagkukwentuhan sa gilid.
Pero ako?
Hindi na ako makasabay.
Hindi dahil ayaw ko kundi dahil
may kailangan akong ayusin.
Napatingin ako sa kanya.
Nakatayo sa may gilid, kausap si Margaret.
Lumapit ako.
“Can I borrow you?” Tanong ko, mahina.
Napatingin siya sa ’kin.
Ilang segundo tapos tumango.
“Okay.”
Naglakad kami palayo.
Papunta sa garden. Tahimik.
Yung ilaw dito… mas dim.
Huminto kami sa ilalim ng isang puno.
Huminga ako nang malalim.
Ito na.
“So…” Sabi niya, naka-cross arms. “What’s up?”
Napatingin ako sa kanya.
“…Ikaw,” Sagot ko.
Napataas ang kilay niya.
“You’re the one who asked for my time.”
Napabuntong-hininga ako.
“Kasi naman…” Panimula ko, “Napansin ko… parang hindi ka nag-eenjoy.”
“Am,” Sagot niya agad. “Yes, I am.”
Medyo defensive.
“Emery…” Sabi ko, mas mahina. “May problema ba?”
“Nothing,” Sagot niya.
“Come on, alam kong meron.”
“Wala nga,” Dagdag niya.
“Meron,” Pilit ko.
“Fine. You know what the problem is.”
Napakunot-noo ako.
“Ano?”
“You.”
Parang may kung ano sa dibdib ko.
“You’re the problem.”
Tahimik ang paligid. Pero sa loob ko—ang lakas na ng tibok ng puso ko.
“After that night…” Tuloy niya.
“…you acted like nothing happened.”
Napayuko ako, kasi tama siya.
“You didn’t talk to me for three fucking days,” Dagdag niya.
Bawat salita, tumatama.
“Three days, Amor.”
Napapikit ako.
“I kept asking myself…” Mas mahina na ngayon, “…If I did something wrong.”
Napatingin ako sa kanya.
“Because it was my first time…” Dagdag niya, frustrated, “…Being with a woman.”
Napahigpit yung hawak ko sa laylayan ng damit ko.
“And then today…” Tuloy niya. “I saw you.”
Napahinto siya.
“Flirting.”
Napakurap ako.
“With Nicole.”
“What? No—” Agad kong sagot.
“Is it because she’s younger?” Putol niya.
“Emery—”
“Or because she’s easier?” Dagdag niya.
Masakit ’yon.
“Or is it because I have responsibilities?” Tuloy niya. “Because I have daughters?”
Napahinto ako. Doon ko nakita—
yung mata niya, namumuo na ang luha.
Hindi siya umiiyak. Pero…
konti na lang.
“…No,” Mahina kong sabi.
Lumapit ako nang konti.
“No,” Ulit ko. “That’s not it.”
Napabuntong-hininga ako.
Tinignan ko siya diretso.
“I love you.”
“Sa una…” Dagdag ko, “…Oo. It was just like—I like you. Yun lang ’yon.”
“But not anymore.”
Huminga ako nang malalim.
“This time… I’m sure.”
Napahinto siya.
“And I also love Collie and Callie,” Dagdag ko, diretso. “Hindi lang ikaw. I love them more than you think.”
Napakurap siya.
“Kayo,” Sabi ko. “Kayong tatlo.”
Hinawakan ko ang mga kamay nya.
“Yung reason kung bakit hindi ako nagsalita or ’di kita kinausap…” Tuloy ko, mas mahina na. Napayuko ako.
“…Natakot ako.”
Napatingin siya.
“Natatakot akong magkamali Emery,” Sabi ko. “Natatakot akong mawala kayo.”
Huminga ako nang malalim.
“Hindi lang ikaw, Emery,” Dagdag ko. “Pati sila.”
Napangiti ako nang konti.
“Believe it or not…”
Napatingin ako ulit sa kanya.
“…Kayong tatlo lang ang laman ng puso’t isipan ko.”
Walang ingay. Walang music.
Parang kami lang.
Then—
“Please…” Sabi niya, mahina.
Mas mahina kaysa kanina.
“Don’t break my daughters’ heart.”
Sumikip ang dibdib ko—dahil ’yon ang pakiusap niya, na parang okay lang na siya ang masaktan, huwag lang sila.
“Don’t give us false hope.”
Napakurap ako.
“Emery, I won’t promise, because promises are meant to be broken— instead I’ll show you,” Sabi ko.
Then ngumiti siya at tumango.
“Is that a yes… are you saying…” Sabi ko, dahan-dahan, “…We’re official now?”
Tahimik siya.
Then tumango ulit, at dahil doon, nabigyan ng linaw lahat.
Lumapit ako. Dahan-dahan.
Inangat ko yung kamay ko—hinawakan ang pisngi niya. Marahan.
Tumingin ako sa mata niya.
“Thank you…” Bulong ko.
Lumapit pa ako. At marahang hinagkan siya. Hindi nagmamadali. Hindi mapilit.
“…I love you,” Bulong ko.
Napatingin siya sa ’kin.
At siya naman ang mas lumapit. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan.
Mas buo.
Mas sigurado.
Mas totoo.
At sa gitna ng tahimik na garden, sa ilalim ng ilaw na hindi masyadong maliwanag—
Doon nagsimula…
Hindi yung gulo.
Hindi yung tanong.
Kundi yung sagot.
KAMI NA.