CHAPTER 32 Kampon Ni Elsa.
Seraphine's POV
Apat na araw na kami dito sa probinsya nila Hana.
At sa loob ng apat na araw na 'yon...
may isang bagay na tahimik lang, pero sobrang laki ng pagbabago.
Ang kami ni Emery.
Officially.
Pero... secret.
Hindi dahil ikinahihiya namin,
kundi dahil ngayon, hindi tungkol sa'min ang mga ganap, kundi sa bakasyon at sa mga iba pang bagay.
Birthday na ni Tita ngayon, at mula pa kahapon, busy na ang lahat.
May mga nag-aayos ng decorations, may nagluluto sa kusina, may nagbubuhat ng tables sa labas-parang mini fiesta ulit.
At kami?
"Amor, pakiabot nga yung tape," Sabi ni Hana.
"Here," Sabi ko, sabay iniabot.
"Yung scissors-"
"I already put it there," Sabi ni Emery, kasunod ko.
Nagkatinginan kami saglit.
At napangiti ako-yung ngiting alam namin pareho.
"Wow ah," Singit ni Lara sa gilid, nakatingin sa'min. "Sabay pa kayo kumilos."
"Coincidence," Sabay naming sagot.
Nagkatinginan ulit kami.
Tapos-
Napangiti.
"Suspicious," Bulong ni Jasmine.
Hindi ko na pinansin sinilip ko na lang ang mga ginagawa nila manong Ben sa gilid si Emery naman pumasok sa loob.
AFTER FEW MINUTES
Naglakad na ako papunta sa loob.
Well sa loob ng mansion, as usual, mas tahimik, medyo malamig, at mula sa kusina, rinig ko yung mga Tita na nagkukwentuhan habang nagluluto.
Naglakad ako papunta sa hallway, at nakita ko si Emery papunta sa restroom.
Napangisi ako, sabay sinundan siya.
Naghintay ako ng kunti, at paglabas niya.
Nandito na ako, naka-lean sa pader, naka-cross arms.
Napahinto siya at nagtaas ng isang kilay.
"...What are you doing?" Tanong niya, mahina.
Ngumiti ako.
"Waiting."
"For?"
Lumapit ako ng konti.
"Reward."
Napairap siya, pero kita ko yung ngiti sa gilid ng labi niya.
"Amor-"
"Isa lang," Sabi ko, mahina. "Quick."
Napatingin siya sa paligid-walang tao.
Bumalik yung tingin niya sa'kin.
"Later, baby."
Baby.
Napangiti ako.
"Ang tagal ng later mo, kahapon pa 'yan," Bulong ko.
"Patience," Sagot niya.
Lumapit pa ako.
"Wala naman tao-" Hindi ko na natuloy ang kalandian ko.
"Mommy-!"
Napatalon ako ng konti.
Pareho kaming napalingon ni Emery.
Si Collie.
Nakatayo sa dulo ng hallway, nakapameywang.
"Bakit po kayo nakatayo diyan?" Tanong niya, suspicious.
Nagkatinginan kami ni Emery.
Split second. Then-
"Ah-" Ako. "May hinahanap lang ako."
"Same," Dagdag ni Emery, kalmado.
Tumango si Collie, pero nakakunot noo pa rin.
"Okay po."
Pause. Then-
"Mommy, CR po ako."
Agad umurong si Emery.
"Go."
Dumiretso si Collie papasok, pero bago pa tuluyang magsara yung pinto, napalingon siya sa'min.
"Wag po kayo lalayo ha," Sabi niya.
Pano na naman napagtripan kasi siya kahapon nung dalawang gaga si Jasmine at Lara tinakot ba naman nila na may multo.
"No," Sagot ni Emery.
"Promise?" Tanong niya.
"Promise," Sagot ko.
Tinitigan niya kami, then tumango, sabay sara ng pinto.
CLICK.
Tahimik ulit mga ilang segundo.
Nagkatinginan kami ni Emery.
Then-
"Close call," Bulong ko.
"Very," Sagot niya.
Lumapit ako ulit.
"Now... about the kiss-"
Napairap siya.
"Amor-"
"Please?"
Napatawa siya ng mahina.
"Ang kulit mo."
Pero lumapit pa rin siya ng konti at hinawakan niya ang shirt ko-hinila ako palapit at binigyan ako ng isang mabilis na halik.
"Okay na?" Bulong niya.
Napangiti ako.
"Hindi pa."
Napailing siya.
"Greedy."
"Sa'yo lang," Sagot ko.
Napatingin siya sa'kin, sabay ngumiti siya. Yung ngiting hindi niya pinapakita sa iba, yung pang-akin lang.
"Mommy, tapos na po!"
Napabitaw agad kami.
Napaatras ako at umayos ng tayo.
Pagbukas ng pinto, lumabas si Collie, parang walang nangyari.
"Ang bilis niyo bumalik sa pwesto ah," Sabi niya, nakatingin sa'min.
"Ha?" Tanong ko.
"Ikaw ang mabilis," Dagdag ko.
"I just pee po," Sabi niya.
Sabay pinagmasdan kami. Then-
"Hmm."
Naglakad siya palayo. Paglampas sa'min-
"Suspicious."
Napatingin ako kay Emery. Napatawa ng mahina.
"She got that from you," Bulong ko.
"Excuse me?" Sagot niya.
Ngumiti ako.
Lumapit ng konti. Hindi na ako humalik, pero dumikit lang ako sa gilid niya.
"Later ulit," Bulong ko.
Napailing siya.
"Mamaya ka talaga sa'kin," Dagdag ko.
Ngumiti lang siya.
Kasi alam kong alam niya na hindi na 'yon threat-promise na 'yon.
Pagkalabas namin, tuloy pa rin ang ingay, tuloy ang saya.
Nasa likod kami ng bahay. May long table, puno ng mga kung ano-ano na pang design ng cupcakes.
Si Hana-busy, nag-aarrange ng flowers.
Si Jasmine-naka-checklist, feeling event planner.
Si Lara-walang ginagawa... pero ang daming sinasabi.
At si Collie? nasa gitna.
Meaning-delikado.
"Okay, listen," Sabi ni Jasmine, seryoso. "We need order."
"Tama," Sabi ko, kunwari serious. "Discipline."
"Tahimik lang dapat kayo," Singit ni Lara. "Ako ang leader dito."
Napalingon kaming lahat sa kanya.
"Saan?" Si Hana.
"Sa chaos," Sagot ni Jasmine, proud.
"Ah, makes sense," Bulong ko.
"Hoy!" Si Lara ulit.
"Collie," Sabi ni Hana, mahinahon. "Can you help me? Can you pass the cupcakes?"
"Copy po," Sagot ni Collie.
Maayos niyang kinuha yung tray. Maliit lang naman, kaya kaya niya.
Naglakad siya...
Dahan-dahan...
Maingat...
Napangiti ako.
"Wow, responsible-"
At biglang-
"AY!"
Nadulas siya. Pero-
NA-SAVE NIYA YUNG CUPCAKES.
Nakabalance sa hangin for one second.
Then-
SALO.
Perfect.
Tahimik kaming lahat, nakatingin.
"Hindi nahulog?" Si Jasmine.
Tumingin si Collie sa tray.
"Hindi po."
Then tumingin siya sa'min.
"Professional po ako."
"HAHAHAHA!" Sabay-sabay kaming natawa.
"Okay, ako naman," Sabi ni Lara, biglang sumingit. "Chef mode."
"Wag," Sabay naming sabi.
"Huy, kaya ko!" Depensa niya.
Lumapit siya sa table, kumuha ng icing, at nag-design ng cupcake.
Tahimik kaming lahat, nanonood.
Five seconds...
Ten seconds...
One minute...
Lumayo siya.
"Done."
Tinignan namin.
"...Ano 'yan?" Si Hana.
"Abstract," Sagot ni Lara.
"Parang nasagasaan," Dagdag ni Jasmine.
"Modern art," Depensa niya.
"Modern trauma," Bulong ko.
"HOY!"
Lumapit si Collie, tiningnan yung cupcake.
Tapos tumingin kay Lara.
"Tita," Sabi niya, seryoso. "Okay lang po mag-fail."
"EXCUSE ME-"
"Part po ng growth 'yan."
"AMOR-"
"Wala akong kinalaman d'yan," Sabi ko, natatawa.
"Doon kanga Collie, nagugulo ako," Sabi ni Lara.
Napairap naman si Collie at lumayo ng konti.
After few minutes ulit.
Biglang-
"Wait," Sabi ni Hana.
Napatingin kami sa kanya.
"Bakit kulang yung cupcakes?"
Napatingin kami sa tray agad naman nagbilang si Jasmine.
"Oo nga."
Tahimik.
Then-
Sabay-sabay kaming napalingon kay Collie nakatayo siya sa gilid at may hawak na dalawang cupcake. Yung isa-kalahati na.
"You want po?" Sabi niya.
"COLLIE-!" Si Hana.
"Quality check po!" Depensa niya.
"Dalawa?" Si Jasmine, di makapaniwala.
"Comparison po," Sagot niya agad.
Napatawa ako.
"Mga inakay mo Amor, parang hindi anak mayaman," Sabi ni Lara.
Napakunot noo naman ako.
"Ano ako, manok?!" Sigaw na tanong ko.
"Okay, enough," Sabi ni Hana, pero natatawa rin. "Focus na tayo."
Tumango kami.
Pero syempre, for five seconds lang ang katahimikan.
"Guys..." Bulong ni Lara.
"Ano?" Sabi ko.
"Tignan niyo si Jasmine."
Napalingon kami. Aba, ang lola mo, seryoso pa rin. Pero-
May icing sa pisngi niya.
"Hindi ko sasabihin," Bulong ni Hana.
"Same," Sabi ni Lara.
Nagkatinginan kami. Then-
Ngumisi.
Lumapit ako kay Jasmine. Di naman pwedeng siya lang.
"Jas," Sabi ko.
"Hm?" Sagot niya, busy pa rin.
Dahan-dahan kong tinuro yung pisngi niya.
Napahinto siya.
Hinawakan niya, sabay tinignan niya yung daliri niya na may icing.
Tahimik.
Dahan-dahan siyang napalingon kay Lara.
"Ikaw?" Tanong niya.
"Bakit ako?!" Depensa ni Lara.
"May history ka," Sagot ni Jasmine.
"Unfair-"
At doon biglang-
SMEAR.
Pinahiran siya ni Jasmine ng icing sa pisngi.
"WAR!" Sigaw ni Lara.
Biglang nagkagulo. Nagbatuhan at pahiran sila ng icing.
Agad kong binuhat si Collie, pangtakip sa mukha ko.
"Hoy-hoy-HOY-!" Sigaw ni Hana, pero sumasali na rin.
Si Collie, napapasigaw kada may dadapo sa mukha niya.
"FREE FOR ALL NA!" Sigaw ni Lara.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagkalat ang mga icing.
Napatingin ako kay Collie. Napatawa ako kasi di ko na siya makilala.
May icing sa mukha, sa buhok, at sa damit, pero ang malupit-may hawak pang cupcake.
Napatingin ako sa iba.
Si Hana-tumatawa.
Si Jasmine-wala na yung seriousness.
Si Lara-parang proud pa.
"...Worth it," Sabi ko.
"Ang daya mo, Amor," Reklamo ni Lara.
"Hindi worth it. Madaya ka," Sabi ni Jasmine, pero tumatawa.
Napatingin ako kay Hana napailing siya. Akala ko magagalit.
"Salamat," Sabi niya, mahina.
Napatingin kami sa kanya.
"Sa pagiging... ganito."
Ngumiti ako.
"Magulo?" Sabi ko.
"Masaya," Sagot niya.
Tahimik sandali. Then-
"Group hug po!" Sigaw ni Collie.
Agad akong umiwas, samantalang sila naglapit-lapit.
"Maglinis na tayo at baka walang matapos," Sabi ni Jasmine.
"Okay na 'yan. Mag-oorder na lang ako. Magpalit na lang kayo, at gagawa na lang ako ng five for mama, especially for her," Sabi ni Hana.
"Dapat po three lang para po 'I love you,' tapos sa'kin po sobra," Pahabol ni Collie.
Agad naman siya binuhat ni Lara.
"Puro ka kain," Sabi ni Lara habang buhat si Collie, sabay pasa kay Jasmine. Agad naman itong binuhat ni Jasmine.
After nung icing war...
Naglakad ako papunta sa kabilang table.
Sa table ng "Kampon ni Elsa," As Lara would call it.
Nandoon sila.
Si Emery, busy nagcha-chop ng something, seryoso ang mukha.
Si Calista, naka-ayos lahat ng nasa harap, parang may sariling system.
Si Cassandra, calm pero alert.
Si Margaret, naka-observe lang pero halatang may control sa lahat.
At si Callie tahimik, pero tumutulong.
Napaka-organized talaga nila, kaya lumapit ako.
"You guys okay?" Tanong ko.
Hindi tumingin si Emery.
"Mm," Sagot niya, habang tuloy sa paghiwa.
Pero ramdam ko, aware siya na nandito ako.
Kala ko tahimik na mundo ko, pero syempre hindi-alam niyo na kung bakit.
"Amor!"
Napapikit ako saglit.
SI Nicole, kasama ang mga pinsan niya, lumapit siya sa amin, samantalang yung dalawa, naupo sa gilid. Sobrang casual ng approach niya, parang... matagal na kaming close.
"Kanina pa kita hinahanap," Sabi niya, sabay hawak sa braso ko.
Napatingin ako sa kamay niya. Then dahan-dahan akong napatingin kay Emery, at isa lang masasabi ko-OWGAG.
Yung tingin niya-
Hindi siya galit, but if looks could kill?
Patay na kaming lahat dito.
Tahimik siya. Tuloy sa paghiwa.
Pero yung kutsilyo?
Medyo mas malakas ang bagsak.
Tok. Tok. Tok.
"Ah-Nicole," Sabi ko, pilit kinakalma ang sarili. "Wait lang ha-"
Dahan-dahan kong inalis yung kamay niya. Smooth, para hindi halata.
"Tutulong lang ako dito," Dagdag ko.
At agad akong lumapit kay Emery. Umupo sa tabi niya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko, kunwari normal.
"Chopping," Sagot niya. Very flat.
"Wow," Sabi ko. "Ang galing."
"Mm."
Tahimik lang siya, pero yung aura niya-territorial.
Tinignan ko naman kung ano hinahati niya. Hindi naman food pero nilalagay nila sa loob ng balloons. Actually, pwede naman gupitin, pero mas madali siguro 'yan. Ahh, basta, bahala sila-diskarte nila 'yan.
"Amor." Tawag ulit ni Nicole.
Napatingin ako sa kanya at ready na sana akong sumagot. Pero-
"Nicole," Biglang singit ni Calista, walang tingin. "Can you please get the extra knife inside?"
Napalingon si Nicole.
"Ah, okay, sure," Sabi ni Nicole, sabay umalis.
Tahimik ulit. Patuloy ako sa pagtingin kay lamig.
Makalipas ang ilang segundo, bumalik na si Nicole, hingal, halatang nagmadali-inaabot niya ang knife.
"Thanks," Sabi ni Calista, naka-ngisi, di man lang tumingin kay Nicole.
"No problem, ATE," Parang may diin ang pagkakasabi niya ng "ate." Napansin kong napataas ang kilay ni Calista.
"Amor-" Lingon sa akin ni Nicole.
"Ahh, Nicole," Singit naman ni Cassandra this time, very calm. "Pwede paki-check yung candles sa kabilang table? Baka kulang. Also, get the other candles inside too."
"...Ah-sige po," Hindi makatangging sabi ni Nicole, pero halata sa mukha niyang naiirita na siya.
Umalis ulit siya.
Napakagat ako sa labi ko para hindi matawa.
Napatingin ako kay Emery, pero hindi pa rin siya tumitingin sa 'kin. Pero napansin kong medyo tumaas yung sulok ng labi niya..
Pagbalik ulit ni Nicole, hingal na talaga. Napainom pa ng juice sa gilid.
"Amor-" Tawag n'ya ulit sa akin.
"Nicole," Si Margaret naman ngayon, gentle pero deadly. "Can you do me a favor? Pakiayos yung ribbons sa may entrance?"
"Also, kindly count the chairs," Dagdag niya.
Napalingon naman ako sa kanya, mapakunot-noo. Napatingin rin si
Nicole, at nahuli kong umirap siya,
pero tumango rin.
"Sige po."
Umalis ulit.
Tahimik mga ilang segundo. Then napatingin ako sa mga upuan sa harap ng entrance ang dami nun.
"Ate Margaret, tawag ko 'di ba? 'Di naman kailangan bilangin yung mga upuan?" Tanong ko, pero agad ring natigilan. Paano ba naman ang mga tingin nila, papatayin ako.
Hindi ko na napigilan.
"Wow," Bulong ko.
Walang sumagot. Pero si Callie-
"Efficient."
Napatingin ako sa kanya.
She's serious.
Isang oras ang lumipas. Nakatulala akong nakatingin kay lamig, napapangiti dahil iniisip ko na-
"Dym, sa akin lahat 'to," Bulong ko sa sarili.
Pagbalik ulit ni Nicole this time, halata na talagang pagod na.
"Pwede bang minsanan na lang po utos niyo?" Sabi niya, hingal.
Walang lumingon sa kanya.
"523 po, kasama yung isang sira," Sabi niya.
Akala ko magpapasalamat si Margaret, pero nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.
"I know," Sabi niya, parang walang pake sa mundo. Natulala naman si Nicole.
"Ahh..." Gigil na sabi ni Nicole.
Napatingin ang buong kampon ni Elsa sa kanya. Sabay-sabay, slowly, yung tingin na hindi galit, at mas lalong hindi rin friendly.
Just... a stare. Yung tipong sinasabing-
'May angal ka?'
Napakagat ako sa labi ko, pinipigilang matawa, dahil alam ko na kung anong trip nila.
"Ahh, okay na, Nicole." Sabi ko agad. "Tapos na, thanks."
Ngumiti ako sa kanya, medyo naawa na rin kasi ako.
"Ah, okay," Sabi niya.
Pero mukhang gusto pa rin niyang magsalita.
"Amor-"
At doon, ang akala ko na hindi sasali sumali.
"Love," Biglang sabi ni Callie.
Napatingin ako sa kanya.
"Yes, baby," Lingon ko sa kanya.
"Can you help me with this one?"
Napalingon ako kay Emery, at kita kong ngumiti siya.
"Sure," Sabi ko, at lumapit sa kanya.
Pero sa isip ko-grabe yung teamwork nila.
Habang tumutulong ako kay Callie, napalingon ako kay Nicole hindi pa rin siya umaalis.
"Anong sasabihin mo?" Tanong ko.
Ngumiti siya ng konti at napatingin siya sa ginagawa namin.
"Love, here po," Sabi ni Callie.
"Ahh... mamaya na lang," Sabi ni Nicole.
Then umalis na.
Pagkatalikod niya-
Napabuntong-hininga ako.
Then napatingin ako sa mga kasama ko.
Si Calista-busy ulit.
Si Cassandra-calm.
Si Margaret-parang walang nangyari.
Si Callie-focus.
At kay Emery-
And finally, tumingin na siya sa 'kin.
Tumaas yung kilay niya.
"Enjoying the view?" Tanong niya, mahina.
Napangiti ako.
"Very."
Lumapit ako ng konti, hindi naman gaanong halata.
" Jealous ka po?" Bulong ko.
Hindi siya sumagot. Napasimangot ako kasi di man lang siya naasar.
Lumapit siya at dahan-dahan, sabay sabing-
"It's easy to cut the finger of your victim when she sleeps in the same bed as you," Sabi niya.
Tok. Tok. Tok.
Diin niya sa kutsilyo, kaya napalunok ako.
"Focus on finishing that, baby," Dagdag niya. Tumango na lang ako at nanahimik.
Ilang minuto lang ang lumipas biglang dumagsa yung ingay.
"Done na kami!" Sigaw ni Lara habang papalapit.
Kasunod si Hana, at ang mga pinsan niya, pati si Jasmine, at si Collie na parang may sariling energy source.
"Ay, nandito ka pala," Sabi ni Hana, napatingin sa 'kin. "Tara, sama ka
sa'min. Tapos na kami sa tasks."
Automatic akong napatingin kay Emery. Hindi siya tumingin. Busy siya kunwari nag-aayos ng kung ano sa harap niya.
Pero halata, iniiwasan niya. Napakagat labi ako.
"Ah-" Hindi ko alam ang sasabihin.
"O, Amor?" Ulit ni Hana. "Sama ka?"
Magsasalita na sana ako, pero biglang nanlaki ang mata ko.
Sa ilalim kasi ng table, may kamay sa legs ko, at hindi lang basta nakahawak kundi sobrang mahigpit.
Napatingin ako kay Emery. Patuloy lang ang isang kamay niya sa kung anong ginagawa niya tas yung isa nasa ibaba.
"Amor?" Si Hana ulit.
"...Ha?" Sagot ko, medyo napataas yung boses ko.
Napalingon silang lahat sa 'kin.
"Okay ka lang?" Tanong ni Hana.
"Y-yes," Sabi ko agad. Pero sa ilalim ng table, mas humigpit.
"Ah-"
Napapikit ako saglit.
Control.
Control.
Control.
"Sure ka?" Tanong ni Hana, medyo nag-aalala na.
Tumango ako.
"Hindi ako sasama."
Tahimik.
"Ha? Bakit?" Si Nicole, nakakunot-noo. "Ang cute pa naman-group gala-"
"Ara-"
Napahinto ako, almost talaga.
"Ah-" Ulit ko, pilit inaayos yung mukha ko. "Ahh... basta."
Sa ilalim, pinisil ulit.
Mas mahigpit.
Mas masakit.
Mas ramdam ko.
"AH-"
Napakagat ako sa labi ko.
"...Ayaw ko sumama," Mabilis kong dugtong. "Umalis na kayo. Enjoy. God bless. Ingatan niyo 'yang bunso ko-bye-bye."
Diretso kong sabi, hindi na humihinga.
Parang nag-rereport lang.
"...Okay?" Si Lara, nakatingin sa'kin, medyo naweirduhan. "Chill... di ka na namin pipilitin."
"Parang papatayin ka naman pag sumama ka," Dagdag ni Jasmine.
Napalingon siya sa katabi ko-kay Emery.
Freeze.
Kita ko kung paano lumunok si Jasmine.
Dahan-dahan yung mukha niya-
From confident to survival mode.
"Ah-ge," Sabi ni Jasmine, biglang kabado. "Una na kami."
Bigla niyang binuhat si Collie.
"Wait po-ha?" Si Collie.
"Let's go," Bulong niya, hindi na lumilingon at naglakad na.
Si Lara, napakurap.
"Ay wow."
Si Hana, nakatingin pa rin sa'kin.
Then napalingon kay Emery.
Then pabalik sa 'kin.
Then napansin niya ata.
"Okay," Sabi niya. "Sure ka?"
"Very," Sagot ko agad.
Sa ilalim, hindi pa rin bumibitaw.
Ngumiti si Hana ng konti.
"Callie?" Sabi niya, lumingon sa kabilang gilid ko. "Sama ka?"
Tumango si Callie.
"Yes po."
Tumayo siya agad, hinawakan niya ang kamay ni Hana, at umalis na sila.
At sa loob ng ilang segundo, tahimik ulit ang table. Hindi pa rin inaalis ni Emery yung kamay niya.
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
"Any problem?" Tanong niya, mahina. Nakatingin sa'kin nang diretso.
Umiling agad ako.
"No," Sagot ko.
Tumaas konti ang kilay niya.
"Masakit na."
"Good."
"Emery-"
"Stay."
Grabeng possessiveness.
Napailing ako at, at the same time, napangiti.
Mas lumapit ako ng konti.
"Selosa ka pala," Bulong ko.
Hindi siya sumagot agad.
"Only when it comes to you," Sagot niya.
Napabuntong-hininga ako.
"Delikado ka na."
"You like it."
Napangiti ako.
"Oo."
Tuloy ang katahimikan, pero sa ilalim ng mesa, may sarili akong laban-at mukhang natatalo na ako.
Hana's POV
"Grabe... ang layo pa pala nito," Reklamo ni Lara habang naglalakad kami sa dirt road.
"Thirty minutes pa lang 'to," Sagot ko.
"THIRTY MINUTES?!" Si Jasmine, parang na-betray. "Hindi 'lang' 'yon."
"Tumahimik kayo," Sabi ko, tumatawa. "Bonding natin 'to."
"Sus, tumatakas ka lang ehh. Ayaw mo tumulong," Sabi ni Lara. Napairap ako.
"Why, so tipid ba kasi ni tito, ehh marami namang pwedeng utusan at bayaran na lang na ibang tao from another sitio?" Sabi nitong pinsan ko.
"Yes, you're right, but it's about the love of the people. Alam n'yo naman ang mga tao sa lugar natin, diba?" Sabi ko, na parang di nila alam,
Pero laking ibang bansa naman kasi tong si Kathy kaya wala siya siguro gaanong idea.
Sa harap-si Nicole at isa ko pang pinsan, nagkukwentuhan.
Sa likod-si Lara at Jasmine, nag-aaway kung sino ang mas pagod.
At sa gitna...
Yung twins.
Si Collie at Callie.
Tahimik.
Which is, alam niyo na, ang lagi naming sinasabi-suspicious.
Napansin ko pabulong sila mag-usap, hindi yung normal na usapan, yung tipong parang... secret meeting.
Napakunot-noo ako.
Unti-unti kong binagalan ang lakad ko para masabayan at marinig na rin sila.
"I don't like her," Mahina pero malinaw na sabi ni Callie.
Napahinto ako saglit.
Ha?
Napatingin ako sa kanila. Buti na lang hindi nila ako pinapansin-tuluy-tuloy lang sila.
"She's annoying," Dagdag ni Callie, pabulong. Tumatango naman ang kambal niya.
Napakunot-noo ako lalo.
Sino?
Si Nicole?
Napabuntong-hininga ako nang mahina.
Hindi ko muna pinansin, at baka assumption ko lang.
Ilang minuto pa ang lumipas. Nagpapahinga muna kami sa gilid ng sapa nang biglang-
"HANAAAAA!"
Napalingon kaming lahat.
Si Nicole, sumisigaw.
"TULUNGAN NIYO AKO-MAMAMATAY NA AKO!"
"Ha?!" Si Lara.
"ANONG-" Si Jasmine.
Napalingon ako agad sa pinanggagalingan ng sigaw, at nakita ko si Collie-may hawak na palaka, at hindi lang basta hawak, taas-noo pa niya itong pinapakita.
"Ate Nicole, oohh," Sabi niya, acting sweet. "Meet my friend."
"ILAYO MO 'YAN-ILAYO MO 'YAN-!" Sigaw ni Nicole, paatras habang halos madulas na sa kaba.
"Hindi naman po siya nangangagat," Dagdag ni Collie, habang... papalapit.
"COLLIE-!"
"Hello po, sabi niya, ohh," Dagdag pa niya.
"BAKIT AKO-?!"
At doon, biglang tumakbo si Nicole.
As in full sprint.
"WAG MO AKONG HAHABULIN-!"
"Wait lang po-!" Si Collie, tumatakbo rin. "Gusto ka niya!"
"AYOKO-!"
"HAHAHAHAHAHA!" Halos matumba si Jasmine sa kakatawa.
"OWGAG-" Si Lara, hawak ang tiyan.
Yung dalawang pinsan ko-tawa rin nang tawa.
Ako?
Nakatayo lang at pinipilit hindi tumawa.
Pero... ang hirap. Putik, ang kulit ni Collie.
Siya pa lang ang nakita kong mukhang anghel na cute, pero medyo may ugaling demonyo minsan. Di ko alam kung manggigigil ako sa inis o matutuwa pag gumagawa siya ng kalokohan.
Biglang tumakbo papunta sa direction namin si Nicole, diretso kay Callie.
"HELP-!"
At doon, si Callie calm na tinignan si Nicole. Then, dahan-dahan niyang iniangat yung paa niya at pinatid si Nicole.
Nakita ko yun kitang kita ko.
"AY-!"
PLAK!
Diretso sa putik.
Tahimik mga isang segundo... dalawa.
Then-
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Sumabog yung tawa.
Si Lara literal na nakahawak na sa puno.
Si Jasmine nakayuko na, nagpipigil ng kung anong gusto lumabas sa ibaba.
Yung dalawang pinsan ko, tawa rin nang tawa.
Ako, hindi ko na kinaya napatawa na rin ako.
Tumayo naman si Nicole mula sa putik.
Basang-basa at sobrang dumi. Mukha niya? Galit na galit.
Dahan-dahan siyang lumapit.
"I'm going to kill-"
Bago pa siya mas lumapit, tumakbo si Collie at Callie, diretso sa likod ko.
At parang ginawa akong human shield.
"Ate, lapit ka pa sa safe zone!" Sigaw ni Collie.
"We need strategic positioning," Dagdag ni Callie.
Napapikit ako saglit.
"Guys..." Sabi ko.
"Hey!" Singit ng isa kong pinsan, pinipigilan si Nicole. "Kids lang 'yan."
"AHH, I HATE KIDS!" Sigaw ni Nicole.
Lumingon siya sa'min, then nag-walk out. Diretso ang lakad, at inis na inis.
Huminga ako nang malalim. Then-
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Sa dalawang batang nagtatago, magkatabi at mukhang inosente.
Napayuko sila nang magkatinginan
kami. Nakakainis, di ko alam kung
paano magalit sa kanila; baka di kasi
ako maka-score sa tita nila.
"Mag-uusap tayo mamaya," Sabi ko na lang, kalmado.
Tumingin sila sa akin. Pareho silang napalunok at tumango.
"Yes po."
Naglakad na ulit ako, sumunod kay Nicole. Kasunod ko yung dalawang pinsan ko.
Jasmine's POV
Naiwan kami ni Lara.
Tahimik sandali, at napatingin ako sa kambal.
Lumapit kami sa kanila, nakikita ko sa mga mata nila na ready na sila mapagalitan o mapagsabihan namin.
Pero syempre, hindi namin sila pagsasabihan.
"Pfft-" Pareho naming di napigilan ni Lara.
Napatingin sila sa'min ni Lara.
"HAHAHAHAHAHA!" Tawa namin, malakas.
"GRABE KAYO-" Si Lara, natatawa rin. "Teamwork ah!"
Napatingin ang twins sa amin.
"Hindi po kayo galit?" Tanong ni Collie.
"Galit?" Sabi ko. "Girl, that was cinematic-idol na kita."
"Perfect execution," Dagdag ni Lara. "Timing, coordination, impact-9.5/10 mas magaling parin ako."
Unti-unting napangiti si Collie.
"Thank you po."
Si Callie, konting ngiti lang, at mukhang proud na proud.
"Wait," Sabi ko.
Linabas ko ulit ang phone ko.
"Guys."
Ipinakita ko sa kanila ang video-
buong pangyayari.
From frog... to habulan... to plakak sa putikan-slow motion pa, with high-resolution 4K ultra megapixel HD, gamit ang aking iPhone 30 Ultra Pro Max, fully paid, with built-in aircon and solar panel, paid by my walking black card sugar mommy, Calista Tyson.
"OGAG-" Si Lara. "ULITIN MO!"
"Already saved," Sagot ko.
Napatawa kaming apat, sabay-sabay.
Sa gitna ng daan.
Pagbalik namin, sobrang hirap-tag-iisang bata na naman kami ni Lara sa likod.
Pero grabe, parang ibang mundo ulit.
May music, may ilaw, may mga taong nag-aayos pa rin ng kung anu-ano.
At sa gitna ng lahat, nandoon si Amor, kasama ang kampon ni Elsa. Paglapit namin, napatingin agad sila.
"Anong nangyari?" Tanong ni Amor, halatang curious.
Hindi ko na napigilan ngumisi ako.
"Wait-wait-may ipapakita ako," Sabi ko. Sabay kinuha ko yung phone ko sa bulsa at pinakita ang video.
Una, si Collie may hawak na palaka, hanggang sa pag-swimming ni Nicole.
"HAHAHAHAHAHA!" Tawanan.
Si Amor, napayuko pa halatang may pinagmanahan ang mga tiyanak.
"Grabe kayo-" Sabi niya, nakangiti pa rin.
Napalingon ako kay Ate Emery.
At doon ko napansin hindi siya tumatawa nang malakas, pero
may ngiti. Kitang-kita ko.
"Kids..." Sabi ni Amor, tumingin sa twins.
Medyo naging serious yung tono niya.
"Hindi maganda 'yon."
Tumahimik si Collie. Si Callie, diretso lang ang tingin.
"Pwede kayong makasakit, which is nangyari na," Dagdag pa ni Amor. "Hindi lang physically-"
Napahinto siya saglit.
Napalingon kay Ate Emery.
"Ahh, basta pag-uusapan natin mamaya sa kwarto," Sabi niya.
"Emery," Baling niya kay Ate Emery, at naglakad palayo iniwan kami. Tinawag kasi siya ni Aling Magda na di na nag asawa kasi gusto raw tumandang dalaga.
Tahimik ulit, at napatingin ako kay Ate Emery. Naging seryoso ang mukha.
Ayan na-panigurado lecture time.
Parang school principal mode ba
naman makatingin sa kambal.
Medyo excited na ako mapagsabihan sila.
Pero-
Hindi.
Hindi siya nagsalita agad. Instead, yumuko siya nang konti, tumingin kay Collie.
"What kind of frog is that?" Tanong niya.
Ha?
Napakurap ako dahil hindi siya galit.
Si Collie, biglang nag-light up.
"Hindi ko po sure, Mommy," Sabi niya. "Pero green siya, tapos maliit-"
"Hmm," Tumango si Ate Emery. "Next time, scan it on your watch so you will know, okay?"
"Okay po."
Walang sermon.
Walang drama.
Walang galit.
Si Callie, napatingin sa kanya.
"You're not mad, Mom?" Tanong niya.
Curious kahit sino naman siguro, no.
Tahimik sandali. Then umiling si Ate Emery.
"Why would I be?" Sabi niya. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"I mean... you guys just had fun, right?" Dagdag niya.
Napakurap ako.
Fun? Halos atakihin na si Nicole kanina. I mean, oo, nakakatawa, pero nakakaawa rin kaya yung pagka bagsak niya.
"Just... be more careful next time. I don't want my babies to get hurt," Sabi pa niya.
Hurt? Ito kayang dalawang tiyanak ang mapanakit.
"Okay po," Sabay sagot ng twins.
Parang walang nangyaring almost murder via frog.
"Okay, back to work," Sabi ni Ate Emery, tumayo.
Sumunod yung twins.
Parang nothing happened.
Ako?
Nakatayo lang hawak pa rin yung phone ko. Napailing ako.
"Ang weird niyo," Bulong ko.
Pero-napangiti rin ako.
Kasi, honestly?
Ang saya.
30 MINUTES HAD PASSED
Nakatayo lang ako, iniisip pa rin yung frog incident-
"JASMINE!"
Napalingon ako.
Si Lara.
Nasa gilid, may hawak na phone, mukhang may bagong kalokohan na naman.
"Ano na naman 'yan?" Tanong ko, naglalakad papunta sa kanya.
"TikTok," Sagot niya, proud.
"Nanaman," Bulong ko.
"Of course," Sabi niya.
Paglapit ko-
Nandoon na sila ni Collie naka-ready na.
"Game," Sabi ni Lara. "Maiba Taya-but twist."
"Anong twist?" Tanong ko.
"Instead of 'taya'... kakain," Sagot niya.
"Huh?"
"Yung matitira-kakain. Yung iba-tatakbo, iikot, tapos balik. Repeat hanggang maubos."
Napatingin ako sa pagkain.
"Madami 'to."
"Exactly," Ngisi niya.
"Sali po ako ate Jasmine," Singit ni Collie.
Napatingin kami sa kanya.
"Kasali ka talaga, tiyanak," Sabi ni Lara.
"...Ano, tara," Sabi niya.
"G," Sabi namin ni Collie.
Inumpisahan niya ang video.
Round 1
"Maiba... maiba... maiba-" Wala.
"Maiba... maiba... maiba-" Wala pa rin.
"Maiba... maiba... maiba... IKAW!"
Iba yung kay Collie, pero siya ang naunang tumakbo.
"Hoy, tiyanak, ikaw!" Sigaw ni Lara.
Agad naman bumalik si Collie.
"Ay," Sabi niya.
Kumuha siya ng pagkain at umupo pa.
Kumain, dahan-dahan, relax, habang kami-
"HOY, MAGTIRA KA!" Sigaw ni Lara.
Takbo lang kami at umikot, medyo hingal.
Pagbalik, si Collie still eating, kaya hinila ni Lara yung pagkain mula sa bunganga niya sabay lapag.
"Grabe," Hingal ko.
"Ang saya po," Sabi ni Collie, nakangiti nang malawak.
Round 2
"Maiba... maiba... maiba-" Wala.
"Maiba... maiba... maiba-" Wala pa rin.
"Maiba... maiba... maiba... IKAW!"
Turo namin kay Collie ulit.
"Wow," Sabi ni Lara.
Napatawa si Collie.
"Lucky po ako."
Umupo ulit at kumain mas relaxed, mas malawak ang ngiti.
Kami?
Takbo ulit.
Round 3
"Maiba... maiba..."
"Maiba... maiba... maiba..."
"Maiba... maiba-IKAW!"
Silence.
Napatingin kami ni Lara kay Collie.
Siya ulit-
"HAHAHAHA!" Tawa siya nang tawa.
"Grabe ka!" Reklamo ni Lara.
This time, hindi na umupo si Collie-kumain ulit, habang kami halos mamatay na sa takbo.
Lumapit ako kay Lara, hingal na hingal.
"Ba't kasi ang layo ng iikutan?" Tanong ko.
"Kala ko kasi ako mananalo," Kamot-ulo niyang sabi. Naglalakad na lang kami dahil hindi na talaga kaya.
"Hindi na 'to tama."
Tumango siya.
"Hindi na."
"We need strategy."
Napatingin siya sa kamay namin.
"Back of the hand ka," Sabi ko.
"Para hindi pareho."
Ngumisi siya.
"Game."
Round 4
"Maiba... maiba... maiba-IKAW!"
Ako.
"YES!" Sigaw ko.
Hindi na ako umupo kain na lang nang kain. Hindi na pa-slow motion.
Hindi na pa-cute. Kundi aggressive.
"BILIS!" Sigaw ni Lara habang tumatakbo sila.
"ANG SARAP!" Sagot ko.
Pagbalik nila hingal, pagod.
At doon, kinindatan ako ni Lara.
Napangisi ako.
Round 5
"Maiba... maiba... maiba-IKAW!"
Si Lara.
"YES!" Sigaw niya.
Hindi na rin umupo.
Round 6
Si Lara ulit.
Round 7
Ako.
Round 8
Ako.
Round 9
Si Lara ulit.
At sa ilang minuto na 'yun, hindi na nanalo si Collie kahit isang beses.
Napansin ko na natahimik na siya.
Hindi na tumatawa.
Hindi na nagsasalita.
Hindi na nang-aasar.
Nakatayo lang siya sa gilid.
Nakatingin sa'min. Then-
Unti-unti, nangilid yung luha.
"Mommy..." Sigaw niya.
Oh no.
Nag-freeze ako. Napatingin ako kay Lara.
"SHH!" Sabay naming sabi.
Agad kaming lumapit. Tinakpan namin yung bibig niya.
"WAG!" Bulong ni Lara.
"PLEASE!" Dagdag ko.
"Mommy-!" Muffled na boses niya.
"Collie-listen-listen-" Sabi ko, kinakabahan.
"Secret lang 'to-" Dagdag ni Lara.
"Hindi ka natalo," Sabi ko agad.
"...Hindi po?" Tanong niya, umiiyak pa rin.
"Hindi," Sabi ko. "Actually-"
Napatingin ako sa pagkain. Napalunok ako. Di ko pa natitikman yung tinapay-alam kong last na 'yun ehh, kasi kaninang launch inihanda 'yun.
Bumalik ang tingin ko kay Collie.
"Ikaw panalo."
Napakurap siya.
"Huh?"
"OO!" Sabay naming sabi ni Lara.
"Grand winner," Dagdag ko.
"All the food-sa'yo," Sabi ni Lara.
Tumahimik siya.
Tinignan yung pagkain.
Then sa'min ulit.
"Talaga po?"
"Promise," Sabi ko.
"Certified," Dagdag ni Lara.
Unti-unting nawala yung luha niya.
Napangiti siya.
"Okay po."
Tumalikod kami ni Lara, sabay buntong-hininga.
"Gaga ka," Bulong ko.
"Mas gaga ko," Sagot niya.
Paglingon namin si Collie, naka-upo na, kumakain.
Happy ulit.
Parang walang nangyari.
Napailing ako.
"Hindi na mauulit," Sabi ko.
Tumango si Lara.
"Hindi na talaga. Baka pag ikaw natalo, kay Miss Calista ka magsumbong," Sabi niya. Hinampas ko naman ang braso niya.
Tumahimik kami sandali. Then-
"Pero ang saya," Sabi niya.
Napatawa ako.
"Oo," Sagot ko.
Kahit muntik na kaming mapahamak kay ate Emery.
Worth it parin.