CHAPTER 33 Justinnn!!!
Seraphine's POV
ONE WEEK LATER
Bumalik na ulit kami sa city.
Back to work.
Back to school.
Back to normal life.
Well...
Normal?
Kasi technically, hindi naman talaga normal yung sitwasyon namin ni Emery.
Official na kami. Pero hanggang ngayon, secret pa rin. Hindi dahil ayaw namin. Hindi dahil nahihiya kami, gaya ng sabi ko, kundi dahil pareho naming iniisip sina Collie at Callie.
Kung okay lang ba sa kanila.
Kung paano namin sasabihin.
Kung ano magiging reaksyon nila.
At sa totoo lang...
Ayaw naming madaliin. Kaya sa ngayon, kami lang muna ang nakakaalam.
Apparentlty sobrang hirap pala magpigil.
And now, naka-upo ako sa couch dito sa office niya habang nakahilata nang konti.
Tahimik, malamig, at puro tunog lang ng keyboard niya ang naririnig ko. Nasa desk siya, busy again, as always naman.
Napabuntong-hininga ako.
"One day," Sabi ko. "Aagawin na talaga kita sa trabaho mo."
Hindi siya tumingin.
"Good luck," Sabi niya habang patuloy pa rin.
Napanguso ako.
"Wow, Ang cold."
"Deadline," Sagot niya agad.
"Mas importante pa 'yan sakin?"
"Yes."
Napahawak ako sa dibdib ko, kunwari nasaktan.
"Grabe ka naman. Wait, ganito pala feeling masaktan."
"Survive it," Sabi niya, tumingin saglit sabay irap.
Napairap rin ako habang nakatingin sa kanya.
Ang unfair talaga. Kahit busy... kahit seryoso... ang ganda pa rin. Naka-glasses siya ngayon, buhok nakaipit lang nang maayos habang nakatutok sa laptop.
At ako?
Eto, naboboring.
"Emery."
"Hm?"
"Miss mo na ako?"
Tumigil siya sa ginagawa niya sandali.
"...Why would I miss you? I can see you clearly," Sabi niya habang nakataas ang dalawang kilay pero di nakatingin
sa'kin.
"Pero emotionally?"
Napabuntong-hininga siya.
"Amor."
"Baby."
Ngayon, napatingin siya sa'kin.
"...Stop weaponizing that word."
Napangisi ako.
"So effective?"
Hindi siya sumagot, Pero umiwas siya ng tingin.
Ayan.
Tinamaan siya, guys.
Tumayo ako at naglakad papunta sa desk niya. Paglapit ko, sumandal ako sa gilid habang nakatingin sa screen niya.
"Ang dami mong ginagawa."
"Mm."
"Need help?"
"You'll make it worse."
"Supportive girlfriend ka talaga."
Napailing siya.
"Go sit down."
"Ayaw."
"Amor."
"Lambingin mo muna ako."
Napapikit siya sandali na parang pinipigilan akong ibato palabas ng office. Then-
"Please sit down."
Napangiti ako.
"Ayan naman pala."
Bumalik ako sa couch pero nakapout pa rin.
Seryoso akong nakasimangot habang naka-cross arms at pinanood ko siya magtrabaho ulit.
Five minutes. Ten minutes.
Tahimik lang ulit.
Napabuntong-hininga ako.
Mukhang another busy day na naman.
Kaya napahiga na lang ako sa couch habang nakatingin sa ceiling.
"Inaabandona na ako," Bulong ko.
"You're so dramatic."
"Neglected child kasi ako."
"You're literally twenty-something."
"Age doesn't matter when it comes to pain," Sabi ko.
Narinig ko yung mahina niyang tawa.
Achievement unlocked nanaman kaya napangiti ako nang konti.
Then after ilang minuto...
Narinig ko yung paggalaw ng chair niya.
Napalingon agad ako.
Nakatayo na si Emery, hawak yung laptop niya.
"Done?" Tanong ko.
"Break." Sabi niya.
Lumapit siya sa couch. Akala ko uupo lang sa tabi ko. Pero bigla siyang umupo sa lap ko, side view, dala pa rin yung laptop niya.
Medyo nagulat ako first time niya maging ganito.
"Ma'am," Sabi ko agad. "Workplace harassment po 'to."
"Shut up."
Napatawa ako.
Inayos niya yung laptop sa hita niya habang naka-side sit sa lap ko. Automatic naman, napunta ang kamay ko sa bewang niya para suportahan siya.
"Bigat mo," Pang-aasar ko.
Napalingon siya agad.
"Bababa ako."
"Joke lang, love of my life."
"Hmm."
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya.
Mas close siya ngayon kaya mas kita ko yung pagod sa mukha niya, yung slight eyebags niya, at pagod na pilit niyang tinatago.
Napabuntong-hininga siya habang nagsasara ng ilang files sa laptop.
"Tired?" Mahina kong tanong.
Tumango siya. Then dahan-dahan siyang sumandal sa right shoulder ko.
Tahimik lang kami ng ilang minuto.
Ramdam ko kung gaano siya kapagod kaya dahan-dahan kong hinaplos ang likod niya paakyat sa shoulder, mabagal lang.
"Long week?" Bulong ko.
"Mm."
"Na-miss mo ako?"
Tahimik siya saglit. Then-
"A little."
Napatawa ako nang mahina. Tinitignan ko siya kahit hindi gaanong malinaw.
"Sinungaling."
Napapikit siya habang nakasandal pa rin sakin.
"Okay A lot."
Mas lalo akong napangiti.
Hinaplos ko ulit ang buhok niya bago bumalik sa balikat niya.
"At first," Sabi ko, "Akala ko mai-ignore na naman ako today."
"You were being annoying," Sabi niya.
"Flirting tawag doon," Depensa ko.
"Torture," Dagdag niya.
"Wow, ah."
Napatawa siya nang mahina.
"Rest ka lang," Bulong ko.
Hindi siya sumagot agad.
Pero naramdaman kong mas lalo siyang sumandal sakin. At after ilang segundo-
"Thank you."
Mahina lang, halos bulong nga lang eh.
Ngumiti naman ako.
"For?" Tanong ko.
"Being patient."
Napahawak ang isang kamay ko sa kamay niya.
"Always."
Tahimik lang kami sa couch.
Nakasandal pa rin siya sa balikat ko habang dahan-dahan kong hinihimas likod niya.
Then after ilang segundo...
Umangat siya ng tingin kaya nagtagpo ang mga mata namin.
Napangiti ako.
"Better?" Bulong ko.
"Hm."
"Miss mo ako?"
Napairap siya nang konti pero hindi umiwas.
"Paulit-ulit ka."
"Kasi gusto ko marinig."
Tahimik siya saglit.
Then marahan niyang inabot yung laptop niya at nilapag sa center table.
Napatingin ako doon tapos bumalik
ang tingin ko sa kanya.
"Oh?"
Hindi siya nagsalita lumapit lang siya nang konti. At ako naman, automatic na ngumiti.
"Finally," Bulong ko.
"Ang daldal mo kasi."
"Pero cute."
"Anong connect?" Tanong niya.
"Wala, pero tayo meron," Sabi ko sabay taas-baba ng kilay.
Napailing siya pero kita ko yung ngiti niya.
Mas lalo siyang lumapit syempre ako rin. Matatanggap ko na reward ko, tatanggi pa ba ako? Halos magdikit na ilong namin nang-
"MMMMMMOMMY-!"
Napatalon ako sa gulat kaya naitulak ko si Emery palayo-
"Ouch-" Napangiwing sabi niya nang tumama siya sa gilid ng table.
Nanlaki naman mata ko.
"SHOOT-sorry, sorry-"
Pero bago pa ako makalapit, napalingon ako sa pinto at doon nakatayo silang lahat.
Si Margaret. Si Cassandra. Si Calista. Si Hana. Si Lara. Si Jasmine. At sa harap, si Collie at Callie.
Tahimik.
Nakatitig lang silang lahat sa 'min.
Parang caught-in-the-act scene sa teleserye.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Ay."
Bigla akong lumuhod sa sahig at kunwaring may hinahanap. Wala na akong ibang maisip na dahilan, bahala na.
"Nasaan ba kasi 'yun..." Sabi ko agad, halatang pilit.
Sa gilid ko, narinig kong napabuntong
hininga si Emery bago rin siya yumuko nang konti.
"Where did you put it?" Tanong niya, sobrang calm kahit halatang caught in
4K na kami.
Napalingon ulit ako sa pinto at dahan-dahang nagkatinginan ang Kampon ni Elsa at chaos squad.
Si Lara unang nag-react. Napahawak siya sa dibdib.
"O... to the M... to the G."
"Lara," Bulong ni Jasmine pero pati siya, tulala rin.
"Wait-wait-WAIT-" Si Lara ulit. "Kayo na?!"
Si Hana naman, nakangisi.
Yung nakakainis na smirk.
"You guys need help?" Tanong niya. "Mukhang nahihirapan kayo maghanap."
Napapikit ako, patay na.
"Let them, kaya na nila 'yan," Sabi rin ni Calista.
"Teka lang," Sabi ni Jasmine, nakatingin samin ni Emery. "Ano ibig sabihin nito?"
Walang sumagot.
Kasi honestly?
Ano sasabihin namin??
Napatingin si Collie sa'kin tapos sa mommy niya, naka-squint pa ang mga mata niya na parang detective.
"Mommy..." Sabi niya dahan-dahan.
Napalingon ako kay Emery.
"Kayo to... to..." Sabi ni Collie.
Napatingin siya kay Callie.
"T-to...?"
Tahimik lang si Callie saglit.
Then nanlaki ang mata ni Collie.
"...Together?"
At parang synchronized performance-
"KAYO NA?!" Sabay-sabay nilang sigaw.
Napapikit ako sa secondhand panic-o first, ah basta. Sa gilid, narinig kong natawa si Jasmine nang malakas.
"I KNEW IT!"
"Hindi mo alam," Sabi agad ni Hana.
"FEEL KO LANG!"
"Teka lang-" Si Cassandra, halatang nagpo-process pa rin. "When is this?!"
"When? Where? Why? How?" si Calista.
"What do you mean why? Basically, they love each other," Dagdag ni Margaret.
"Ako po medyo alam ko," Sabi ni Collie proudly.
Napalingon kaming lahat sa kanya.
"What."
Nagkibit-balikat siya.
"May teleserye tinginan po kasi kayo lagi. Also, sa restroom," Sabi niya parang wala lang.
Owgag, Napahawak ako sa noo ko.
Dahan-dahan akong tumayo then agad akong lumapit kay Emery para tulungan siya.
"Okay ka lang?" Bulong ko.
Inirapan niya ako at may konting pain face pa rin siya.
"You pushed me, stupid."
"Nagulat ako!"
"You abused me."
"Arte," Sabi ko. Pero nag-aalala rin.
Biglang sumigaw si Jasmine.
"AKALA KO JOKE LANG YUNG CHEMISTRY N'YO!"
Tahimik pa rin silang lahat habang nakatayo kami ni Emery.
Well...
Hindi totally tahimik.
Kasi si Jasmine, halos mangisay na sa kilig sa gilid.
"I knew it talaga!" Sigaw niya ulit. "Ramdam ko ang tension since province days!"
"Please stop saying tension," Sabi agad ni Calista.
"Asus, gusto mo lang ng attention ko eh," Sabi niya. Inirapan naman siya ni Calista.
"Isa pa, may evidence ako!" Dagdag niya.
"WHY WOULD YOU COLLECT EVIDENCE?!" Gulat kong tanong.
"Research purposes. Para kay reference si Hana pag lalandiin niya crush niya."
"Professional stalker," Bulong ni Lara.
Napahawak na lang ako sa noo ko habang si Emery naman, tahimik lang sa tabi ko.
Kalmado.
Nakakainis, masyado siyang kalmado. Parang hindi kami nahuling muntik
nang maghalikan 10 minutes ago.
Then nag-clear throat si Margaret.
"So..." Sabi niya habang naka-cross arms. "Care to explain?"
Nagkatinginan kami ni Emery.
Then napabuntong-hininga ako.
"Nagsimula nung birthday ni Hana."
Biglang napalingon lahat kay Hana.
Nanlaki ang mata niya.
"Excuse me?!" Turo niya samin. "Birthday ko 'yun tapos ginawa niyong motmot I mean anniversary?!"
Napakunot-noo si Cassandra.
"What's motmot?"
Tahimik saglit, then sabay-sabay sila-
"Monthsary," Sagot nina Lara, Jasmine, at Collie.
Napalingon kaming lahat kay Collie.
"What po?" Depensa niya agad. "Naririnig ko po kay Tita Lara."
"WHY ARE YOU TEACHING THE CHILD SLANG?!" Sigaw ni Cassandra kay Lara.
"Culture," Proud na sagot ni Lara.
Napabuntong-hininga ako.
"May balak naman talaga kami sabihin after ng province trip," Paliwanag ko. "Kaso... iniisip namin sina Collie at Callie."
Napatingin si Collie samin ni Emery.
Then tinaas niya kamay niya na parang may important announcement.
"So..." Sabi niya. "Hindi na po kita my dude?"
Napakunot-noo ako.
"Ha?"
Ngumisi siya.
"You're my mama now?"
Bigla akong natahimik dahil parang may humaplos agad sa dibdib ko. Dahan dahan akong napalingon kay Emery. Tahimik lang siya habang nakatingin samin. Then marahan siyang nagsalita.
"It's up to you, baby."
Narinig ko agad yung collective reaction sa harap.
"OHHHHHHHH-"
"Shut up kayong lahat," Sabi ko agad, namumula.
Napatawa si Lara. Si Jasmine, halos mamatay na kakatawa. Pero si Collie, seryoso pa rin, naghihintay. Dahan dahan akong ngumiti sa kanya.
"Yes."
Biglang lumiwanag mukha niya.
"YES!" Sigaw niya sabay yakap sakin. "Upgraded na ako, may mama na ako!"
Napatawa ako habang niyayakap siya pabalik, pero habang natatawa sila, napansin ko si Callie. Tahimik lang siya.
Hindi nagsasalita.
Nakatayo lang sa tabi ni Margaret habang nakatingin samin, at biglang kinabahan ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Callie?" Mahina kong tawag.
Tumingin siya sakin.
"Okay lang ba?"
Biglang namuo ang luha sa mga mata niya. Kaya nanlaki agad ang mata ko.
Agad akong kinabahan.
"Hey-" Lumuhod ako sa harap niya. "You don't have to force yourself if-"
Hindi ko na natuloy kasi bigla niya akong binigyan ng mahigpit na yakap kaya napahinto ako.
"Callie?"
"Happy lang po ako..." Mahina niyang sabi habang yakap ako. "Kasi... complete na."
Mahigpit ko siyang niyakap pabalik habang hinihimas buhok niya.
"What's wrong?" Bulong ko kahit alam kong wala naman talagang mali.
Umiling siya.
"Masaya lang po talaga."
Sa likod ko-
"Happy family!" Sigaw ni Collie.
"GROUP HUG!" Sabi ni Jasmine na parang anak ko na rin siya.
"WAIT AKO DIN-" Si Hana.
"HOY COLLIE, WAG KANG TUMALON-" Si Lara.
"LARA, BITAWAN MO AKO-" Sabi ulit ni Jasmine.
"Hana, umiwas ka baka matumba tayo-"
Too late.
Bigla na lang kaming nagkagulo sa gitna ng office tawanan, sigawan, at syempre, yakapan.
At honestly...
Ang gaan sa pakiramdam parang finally, wala na kaming tinatago. pero syempre, hindi mawawala ang kalokohan ni Jasmine.
Bigla siyang napalingon kay Hana.
"So..." Ngumisi siya. "Eh kayo? Anong progress niyo ng crush mo?"
Napalingon si Hana kay Margaret. Saglit lang. Then mabilis siyang umiwas ng tingin pabalik kay Jasmine.
"Wala," Sagot niya agad. "Hindi ako gusto nun."
Biglang napa-"OOOH" si Lara.
Samantalang si Jasmine, dramatic agad humawak sa dibdib.
"Aray mo, pakak. Kawawa ka naman."
Agad siyang siniko ni Calista.
"Hoy, masakit!" Sabi niya. Binigyan naman siya ng nagbabantang tingin ni Calista.
"Aking pasensya, iyong tanggapin aking minamahal na asukal de mama," Dagdag ni Jasmine sabay peace sign.
Biglang nagtawanan ulit lahat.
Except Hana at si Ate Margaret pati Calista .
Napansin ko agad yung awkward silence nila. Yung pag-iwas ng tingin.
Interesting. Pero bago pa lumala-
"Okay," Singit ko agad. "Gusto niyo na ba mag-lunch?"
Sabay-sabay silang napalingon sakin.
Then-
"YES!" Sabay-sabay nilang sigaw.
"Libre mo!" Dagdag ni Lara.
"Bakit ako?!"
"May jowa ka na eh!" Sagot niya agad.
"Ano connect?!"
"Masaya ka kaya manlibre ka."
AFTER TWO HOURS
Pagkatapos kumain...
Bumalik ulit kami sa building.
Pero instead na sa office lang, biglang nagtaas kamay si Collie.
"Request po!"
Napalingon kaming lahat sa kanya.
"Gusto namin sa taas!"
Napataas kilay si Jasmine.
"Anong taas?"
Ngumisi si Collie.
"Sa bahay po namin sa taas. We stay there pag pagod na si Mommy at di na kayang umuwi sa mansion."
Napatawa ako.
"Sa penthouse?" Tanong ko.
Tumango siya agad.
"PLEASE!"
Napatingin ako kay Emery. Tahimik lang siya saglit bago napailing.
"Fine."
"YEY!"
At ayun na nga, sumakay kami ng private elevator paakyat.
26th floor... 27th... 28th...
Habang tumataas, palaki nang palaki mata nina Lara at Jasmine.
"Wait lang," Sabi ni Lara. "Entire floor ba 'to?"
"26 to 30," Sagot ni Emery.
Tahimik. Then-
"PUTA-" Lara.
"Language," Sabi agad ni Emery.
"AY SORRY, MAY TIYANAK NGA PALA DITO."
Napatawa si Jasmine habang nakadikit sa glass wall ng elevator.
"Girl, pang-K-drama na 'to."
Pagbukas ng elevator, tahimik kaming lahat saglit, kasi honestly?
Maganda talaga kahit ilang beses na ako nakapunta dito, iba pa rin talaga.
Malawak, modern, glass walls everywhere. May mini cinema room, indoor lounge, gaming area, at-
"WAIT, MAY MUSIC ROOM PO BA DITO?!" Sigaw ni Jasmine.
Napapikit si Emery.
"God," Bulong niya sabay tango.
Agad tumakbo paloob sina Lara at Jasmine pagpasok namin, tumalon agad si Jasmine pahiga sa sofa.
"Your favorite student is so childish. She's acting like she's younger than
Collie and Callie," Sabi ni Cassandra kay Calista.
Napataas naman ang kilay ni Calista.
"That's why she's my baby. And besides, yours too. Look," Banat niya pabalik.
Agad naman akong napatingin kay Lara. Mas malala pa siya kay Jasmine
gumugulong-gulong sa carpet.
"That's why we're friends," Sabi ni Cassandra kay Calista at pareho
silang napangiti.
"San po ang music room?" Tanong ni Jasmine. Agad naman itinuro ni Callie ang gilid na part tapos subo ulit ng kinakain niya.
"Let's go-" Di na natuloy ni Emery nang putulin siya ni Margaret.
"We need to go back downstairs. We need to talk about something," Sabi niya.
"Bye," Sabi naman ni Calista sa kanila.
"You two will come with us," Sabi niya sabay talikod agad.
Napabuntong-hininga naman si Cassandra at sumunod.
Yung mga gaga naman kasama ang mga bata, nauna na sa music room. Ang naiwan, kami ni Emery.
"Mukhang importante 'yun ah," Sabi ko sabay lapit sa kanya.
Napabuntong-hininga naman siya.
"Take care of the kids. Also, tell your friends to be careful on their words," Sabi niya.
Agad naman akong tumango at niyakap siya.
"Yes, mahal," Sabi ko sabay ngiti nang malawak.
Pinitik naman niya ang noo ko.
"Aray," Reklamo ko.
"Don't look at me like that," Sabi niya habang namumula ang mukha.
"Look what?" Tanong ko, kunwari inosente, pero sa isip ko: cherry on top.
"Baby, stop," Sabi niya habang nahihiyang umiwas.
"Kiss nga."
Agad siyang umiling.
"Go already. Baka hinahanap ka na nila," sabi niya.
"Please, isa lang," Sabi ko sabay pout.
"Yak."
Napatingin naman ako sa gilid at nakita ko si Collie, parang nandidiri.
"You look like a duck, Mama Amor," Sabi niya. Agad naman kaming napabitaw ni Emery.
"Ba't nandito ka?" Tanong ko.
"I was looking for you po. I heard Tita Lara said baka gumagawa daw po ulit kayo ng another Collie," Sabi niya.
Agad naman nanlaki mata ko.
"That girl," Bulong ni Emery parang mauubusan na ng pasensya.
"What are you going to use po? Do we have machine po ba to make baby?" Tanong niya.
"Ahh, hindi. Baliw lang 'yun, wag ka maniwala," Sabi ko sabay iwas ng tingin. Paano ba naman kasi yung mga mata niya-ah basta, hirap i-explain.
Lumingon ako kay Emery.
"Ahh sige, una na kami," Sabi ko sabay buhat kay Collie at naglakad papunta sa music room.
Pagdating namin, nasa labas lang sila ng room.
"Ohh, ba't di pa kayo pumapasok?" Tanong ko.
"Si Collie, ayaw kami papasukin. Wait ka raw namin," Sabi ni Jasmine.
Napailing na lang ako at binuksan na ang pinto.
Pagpasok namin-
May instruments everywhere.
Piano. Drums. Guitars. Microphones.
Parang mini studio. Meron pang mini stage.
"OH MY GOD." Lara grabbed the mic agad. "This is my moment."
"This is our moment," Kinorek ni Jasmine habang kinukuha yung guitar.
"Wag niyo-" Sabi ni Hana.
Too late ulit.
Biglang nag-strum si Jasmine.
"Ouuohhh-" Panimula ni Lara.
"Ahha-" Backup ni Jasmine.
"Ouuohhh-" Lara ulit.
"Ahha-" Backup ulit Jasmine.
"Ouuohhh hooho-"
"Hooo-" Si Lara.
Tahimik kaming lahat.
Nagkatinginan kami ni Callie.
Parang gusto na niyang ipabenta
tong music room.
Then-
"You know you love me-" Lara.
"Love me-" Jasmine.
"I know you care-" Lara.
"You care-" Jasmine.
Honestly, okay yung paggamit ni Jasmine ng guitar. Yung boses lang talaga nila, sobrang sablay. Pero feel na feel niya mag-second voice na parang echo siya ni Lara, at hindi ako sure pero kanta ata ni Justin Bieber yung kinakanta nila.
"I shall never, I'll be there-" Wala talaga sa tono si Lara.
"I will be there-" Isa pa siya.
"You are my love, you are my heart-"
"Yeah-"
"And now I will never ever ever ask for it-"
"STOP!"
Biglang sumingit si Hana at inagaw yung mic.
"Nasasaktan ako physically, emotionally, mentally, spiritually, occupationally, environmentally, and financially, so stop," Madrama niyang sabi.
"Tama ka, tama kana," Sabi ni Jasmine parang masama ang loob na nasira ang concert nila.
Biglang nag-pout si Callie habang naka-cross arms.
"I love Justin..."
Napalingon kami sa kanya.
"And that's kinda disrespecting."
Then biglang natawa si Lara.
"Love ko rin naman si Justin!"
"Justin Bieber?" Curious na tanong ni Collie.
"Justin Brownlee."
Napakunot-noo si Collie. Yung genuine confusion talaga.
"Teka, sino po 'yon?"
"Basketball player," Sagot agad ni Hana.
"Ahhhh."
Hindi convinced.
Biglang napangisi si Jasmine.
"Sige nga, Collie. Ikaw kumanta."
Nanlaki mata ni Collie, parang sinasabing it's time to shine.
"Talaga po?"
"Yes," Sabi ni Lara. "Show us your talent."
"Ate Callie!" Sigaw agad ni Collie. "Piano!"
Agad namang tumakbo si Callie sa piano at umupo nang sobrang seryoso na parang concert recital.
Nagkatinginan kami ni Hana. Napangiti ako kasi kahit 5 minutes lang ang gap ng kapanganakan nila ate parin tawag niya minsan.
Tumugtog si Callie.
Or at least... tinubukan niyang mag-align.
Pero parang may sariling buhay yung piano. Di ako sure kung yung piano talaga ang may problema o yung boses ni Collie.
Minsan mabilis. Minsan delayed. Minsan dramatic. Bigla na lang napapakunot ang kilay ni Callie.
At si Collie, sobrang emosyonal.
"Lulubog, lilitaw~"
Tahimik kami.
"Ang buwan at araw~"
Napatingin ako sa gilid at kita kong napakagat-labi si Jasmine, pigil na pigil sa pagtawa niya.
"Patuloy pang lalakad ang panahon~"
Napalingon ako kay Lara. Namumula na rin mukha niya kakapigil.
"Ako'y magmamahal sa'yoooo~"
Biglang bumulong si Lara sakin-
" Ay shala ang emotions te parang natatae siya."
Agad akong napayuko, nagpipigil na rin ng tawa. Si Hana, literal na nakatalikod na. Si Jasmine, nanginginig na ang mga balikat.
Pero tuloy lang si Collie.
"Minamahal~ minamahal kitaaaa~"
Pagkatapos, tahimik.
Proud na proud si Collie. Agad naman akong pumalakpak.
"Ang galing naman ng bunso ko."
Napalingon sakin si Hana.
"Pag nakikita kita, Amor, na sinasabi 'yan" Napailing siya. "Para kang anime sa low-quality app."
Napakunot-noo ako.
"Ha?"
"Iba yung subtitle at dub sa facial expression."
Biglang natawa sina Lara at Jasmine.
"OO NGA!" Singit ni Lara. "Parang sinasabi niya 'ang galing mo' pero yung mata niya 'Lord, kunin mo na lang ako.'"
"Supportive pero suffering," Dagdag ni Jasmine.
"Mga traydor."
"Oo nga pala, nagpapalakas si gaga," Sabi ni Lara.
Biglang tinaas ni Jasmine kamay niya.
"Okay, enough." Sabi niya yung mic. "May pasok pa ako mamayang 6, Collie. Wag muna ituloy, baka umulan isa pa kung hidden talent mo yun itago mo nalang."
Napapout agad si Collie.
"Bad..."
Then nahihiyang nagsalita si Callie.
"Can I sing?"
Napalingon kaming lahat sa kanya.
Ngumisi si Lara.
"Baka kagaya ka ni Collie ah-"
Hindi sumagot si Callie. Tumayo lang siya, kinuha yung mic, tapos may pinindot na karaoke something sa screen tapos nag-search.
Tahimik.
Then-
"Justinnnnnn~" Sigaw ni Callie.
Napalingon agad kaming lahat.
"Oh?" Si Jasmine.
"Wow~" Callie.
Biglang lumiwanag mukha ni Lara.
"WAIT, ANG CUTE-" Si Jasmine habang lumalabas yung phone niya.
"Show you off~"
"Tonight I wanna show you off~ ayy ayy ayy~"
Nanlaki mata ni Jasmine.
"HOY, MARUNONG!" SI Hana.
"What you got, a billion could've never bought~"
At biglang napaindak si Lara.
"Ayyy!"
"We gonna party like it's 3012 tonight~"
Si Hana, tumatawa na habang pumapalakpak.
Ako naman, napa-smile na lang habang pinapanood si Callie dahil ang cute ng boses niya at ang confident niya ngayon.
"I wanna show you all the finer things in life~"
Then si Collie, biglang backup dancer.
Walang rhythm. Pero full energy.
"So just forget about the world, we young tonight~"
Biglang sumali si Lara. Then Jasmine. Then Hana. Ako rin, nadamay na.
"I'm coming for ya~ I'm coming for yaaaa~"
Biglang bumukas yung pinto.
At parang nag-freeze ang buong room.
Nasa pinto yung Elsa group.
Margaret. Cassandra. Calista. At si Emery.
Tahimik silang nakatingin samin.
Si Collie, naka-mid dance move pa.
Si Lara, nakahawak sa guitar kahit di tumutugtog, at ang mukha niya parang caught in a crime scene.
Then si Calista, dahan-dahang nagsalita-
"What in the High School Musical is happening here?"
"Let's go back to the living room," Sabi ni Cassandra kaya agad naman kaming sumunod.
"Mommy, gutom ako," Sabi ni Jasmine habang nakasunod kami.
"You just ate," Di makapaniwalang sabi ni Miss Calista.
Nang makarating na kami sa living room-
"Ang bilis nito naman," Hindi ko maiwasang sabihin habang umuupo.
"We just-" Di na niya natuloy ang sasabihin niya. Lagi na lang ganito.
Knock knock.
Biglang bumukas yung pinto at pumasok ang assistant ni Emery. Tahimik. Professional. Halatang sanay na sa ginagawa niya. Himala, naka-tagal siya kay Emery siya kasi yung pumalit sa akin.
"Excuse me, ma'am," Sabi niya. "You have a visitor."
Napalingon si Emery.
"Who?"
"Sir Jacob."
Tahimik saglit. Then tumango si Emery.
"Tell him to come here."
"Right away, ma'am."
Pagkaalis ng assistant, biglang napaupo si Calista sa couch.
"Ah. Jacob."
"Who's Jacob po?" Curious na tanong ni Lara.
Hindi agad sumagot si Emery. Then-
Bumukas ulit yung pinto at pumasok yung lalaki. Tall. Clean. Pero not so pogi kasi for me more likely maganda. Ahh basta, parang ang lambot niya tignan pero makisig. Well-dressed. Mukhang galing magazine cover.
May hawak siyang bouquet ng red roses.
Agad siyang ngumiti kay Emery.
"I know it's your favorite."
Then lumapit siya at hinalikan si Emery sa pisngi.
Literal na tahimik ang buong living room.
"TITO JACOB!" Sigaw agad nina Collie at Callie.
Tumakbo agad yung dalawa papunta sa kanya.
"We miss you!"
Napatawa si Jacob habang niyayakap sila.
"I missed you two more."
"May pasalubong ka?!" Tanong agad ni Collie.
"Straight to the important question?"
"Opo."
Napatawa si Jacob.
Meanwhile, dahan-dahan akong lumapit kay Margaret. Mahina akong bumulong-
"Kamag-anak niyo po?"
Hindi inalis ni Margaret tingin niya sa apat.
"No."
Natahimik ako. Napatingin ulit ako kay Jacob.
Then kay Emery.
Then sa flowers.
Then sa kids.
Then sa kiss sa cheek.
Biglang bumulong si Jasmine sakin.
"Kinabahan ako. Akala ko tatay nila."
Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong nakatingin, naka-cross arms at naka-frown.
At apparently, napansin nila.
"Kumukulimlim," Bulong ni Lara kay Hana.
"Category 5," Sagot ni Hana.
Meanwhile, umupo si Jacob sa couch katabi ni Emery habang nasa kandungan niya si Collie.
Napansin ni Calista yung bouquet.
"Still red roses?"
Ngumisi si Jacob.
"She likes classic things."
Biglang may demonyong bumulong na naman sa gilid ko.
"Ikaw, alam mo ba 'yun?" Sabi ni Lara.
Mas lalo naman akong napakunot-noo.
"Naku, parang may kakaiba," Sabi ni Jasmine.
Di ko maiwasang hindi maasar, buti na lang may isang anghel sa tabi ko.
"Tumahimik nga kayo. Pinag-o-overthink niyo naman si Amor," Bulong ni Hana.
"Hindi no. Tignan mo kasi, parang nawalan sila ng pake kay Amor," Sabi ulit ni Jasmine.
"Isa pa, di sana pinakilala na siya," Sabi pa ni Lara.
Lalong bumibigat ang damdamin ko.
Kala ko papagaanin nung anghel nararamdaman ko. Mali pala. May sala demonyo rin si gaga.
"Sabagay, red. Parang pinsan niya. Color blind naman si Amor, kaya okay lang" Sabi pa niya.
Biglang nagsalita si Calista.
"How's London?"
Bago pa makasagot si Jacob, di ko namalayang sumagot ako.
"Still London."
Napalingon lahat sila sakin. Si Emery, dahan-dahang napatingin sakin.
Naka-frown.
Ako naman? Nag-roll lang ng eyes sa kanya.
Then Jacob laughed softly.
"Interesting."
"Very," Bulong ni Jasmine.
Tinignan ako ni Lara.
"Selos ka."
"Hello? No."
"Sure."
"Hindi nga."
Meanwhile, nagkwento si Jacob tungkol sa business trip niya. Tahimik lang si Emery habang nakikinig.
"You look good, Em."
Em?
Tahimik si Emery saglit bago umiling.
"You're exaggerating."
"I'm serious. You've been doing well lately."
Then Emery looked at him.
"So have you."
Napakunot-noo lalo ako.
Biglang nagsalita si Cassandra habang umiinom ng wine.
"So..."
Napalingon lahat sa kanya.
"Why aren't you married yet?"
Napatawa si Jacob. Then tumingin siya kay Emery.
"I'm waiting for Emery."
Tahimik.
Then nagtawanan sina Margaret at Cassandra kasama si Calista.
Si Collie, walang kaalam-alam, nag-uusap silang magkambal.
"Kasalan na?!" Excited niyang tanong.
"NOT YET," Sabi agad ni Emery.
Pero si Jacob, tumatawa lang.
Agad akong tumayo at naglakad. Napalingon sila sakin.
"San ka pupunta?" Tanong ni Lara.
Kinuha ko naman ang bag ko.
"Mexico."
Napakurap siya.
"City?" Tanong ni Jasmine.
Tumingin ako sa kanya.
"Mexico, Pampanga."
Then dire-diretso akong lumabas ng room.
Umakyat ako sa rooftop.
Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng paa ko parang automatic lang. Parang dito lang tahimik kahit maingay yung isip ko.
Hindi sobrang sunny, pero may kulay pa rin yung ulap. Yung tipong hindi masaya, pero hindi rin malungkot.
Parang ako.
After 10 minutes not sure nag-vibrate yung phone ko.
Emery.
Honeymylovesosweet: Where are you?
Tinitigan ko lang yung message.
Hindi ako nag-reply.
At sa isip ko:
Bakit ngayon ka nagtatanong? Kanina pa ako nandito, hindi mo napansin. Kasi nga busy siya kay Jacob self.
Napairap ako sa iniisip ko.
Isa pang message.
Honeymylovesosweet: Baby, answer me.
Huminga ako nang dahan. Bakit parang biglang urgent? Kanina di niya ako pinapansin.
Isa pa.
Honeymylovesosweet: Come back.
Nilingon ko yung langit. Biglang humangin mas malamig.
Sa isip ko:
Bahala ka jan. Magpakasal ka kay Jacob mo.
Hindi pa rin ako nag-reply. Buti na lang tumigil yung notifications. Tahimik ulit. Akala ko okay na.
After 15 minutes, nag-vibrate ulit yung phone ko.
Group chat.
Mga poop ni Collie ??
Napatingin ako sa pangalan at sure ako kung sinong nag-change niyan.
Agad ko namang binuksan.
HANAbishi: AMOR NASAN KA
LARAdipinili: buhay ka pa ba dyan??
JASMINEyney: GIRL bumalik ka na ??
COLLIEcutie: mama!!!
CALLIE: Love, where you at?
LARAdipinili: Balik ka na, pinapagalitan ako ni Cassandra.
Tinitigan ko yung screen.
Napangiti ako nang konti kasi kahit sa chat lang naririnig ko mga boses nila.
Nag-type ako.
AMORJealouskapo?: wait lang, ang ganda ng view dito
Napakunot-noo ako nang makita ang nickname ko sa GC at alam ko na kung sino.
Sure ako, alam n'yo na rin.
Walang iba kundi ang paborito niyo.
Tumingin ulit ako sa langit.
Parang mas malambot yung kulay. Parang pinapakalma ako kahit papaano.
Biglang nag-vibrate ulit.
Kala ko sa GC ulit, pero hindi. Si Emery pala.
Honeymylovesosweet: Amor.
Honeymylovesosweet: Stop ignoring me.
Napatingin ako sa edge ng rooftop.
Hindi ako nag-reply.
5 minutes.
Isa pang message.
Honeymylovesosweet: If you don't reply or come over, I will make sure you'll regret it.
Natigilan ako.
Hindi dahil sa takot.
Hindi talaga.
Hindi nga ba?
Hoy self, tumahimik ka jan.
Tinitigan ko yung phone.
EMERY POV:
I stared at my phone again.
Still nothing.
No reply.
Not even a single dot.
My jaw tightened slightly as I reread the last message I sent to Amor.
If you don't reply or come over, I will make sure you'll regret it.
...Maybe that sounded too aggressive but that's the only way I can think about.
Jacob noticed the way I kept checking my screen.
"Did I go too far?" He asked quietly.
I looked up from my phone.
"No," I answered calmly. "She just doesn't know you yet."
Jacob leaned back against the couch, thoughtful.
"I think she hates me already."
"She doesn't."
"Really she look like she's ready to throw me off the penthouse."
"That's just her face when she's jealous."
At the side, Jasmine suddenly spoke while dramatically lying face-down on the carpet.
"Ayaw pa rin pong bumalik."
I rolled my eyes.
Calista sighed while sipping her wine.
"Inasar n'yo pa kasi."
" Hindi po teasing yun," Lara defended herself immediately. "That was observation."
"Emotional damage yun," Hana corrected.
Meanwhile, I kept staring at my phone.
Still nothing.
I sent another message. No reply again.
My patience was slowly disappearing.
Then suddenly-
The door opened. Everyone looked up.
It was Amor.
She walked inside calmly, phone in hand, eyes focused on the screen as if she didn't care about the people around her.
My brows furrowed immediately she was smiling at her damn phone.
She finally looked up at us.
"...Oh?"
Then she looked at Hana.
"Bakit, Hana?"
Hana blinked.
"San ka galing?"
Amor didn't answer immediately.
She glanced to the side first like she was carefully thinking about her response.
"Sa langit."
Silence. Then-
"Di kami nagbibiro," Lara said with a raised eyebrow.
Amor looked at her lazily.
"Di din naman ako nagbibiro."
Another silence.
Then she casually walked toward the couch and sat beside Lara.
Not once did she look at me.
That annoyed me more than it should.
"Amor."
No response she continued scrolling through her phone.
"Amor," I repeated, colder this time.
"Hmm?" She answered casually without looking up.
I stood up from my seat and walked toward her.
The room immediately became quieter.
Even Jacob looked uncomfortable now.
I stopped in front of her.
"Can we talk?"
She finally stopped scrolling for one second, I thought she would look at me. Instead-
"Mamaya na lang."
Then she continued using her phone.
I stared at her for a few seconds.
Seraphine's POV:
Binuksan ko yung chat namin ni Jasmine.
Nag-type ako bigla sa kanya kahit nandito siya mismo sa gilid ko.
Amor: anong ulam nyo kahapon
Sabay pindot ng send.
Si Jasmine napatingin sa phone niya.
"...Ha?"
Narinig ko si Lara bumulong.
"Girl-"
Hindi ko siya tinignan.
Nag-reply si Jasmine.
Jasmine: ano ba yan nandito ka na nga nagcha-chat ka pa baka mag-overnight sugar mommy ko
Amor: anong overnight baka overthink
Jasmine: buti nga kung ganun ehh kaso umaabot ng gabi pag ooverthink nito kung di pa ikikiss ng ikikiss lamok ang makakatabi ko kaya overnight kasi malalapa sa overthink
Amor: okay sorry na
Narinig ko ulit si Emery.
Mas malapit na.
"Amor, look at me."
Tumigil ako saglit. Pero imbis na lumingon tinawag ko si Collie.
"Collie."
Nanlaki mata niya.
"Po?"
"Anong ginagawa mo?"
"Um... nakaupo po?"
"Good."
Tumango ako.
"Stay like that."
Sa paligid, ramdam ko na yung energy nagbabago.
Hindi na sila nag-iingay.
Si Lara, napatingin kay Emery.
Si Hana, tahimik.
Si Jacob, naka-lean lang pero observant.
Si Callie, nakatingin lang samin, curious.
Si Emery naman, hindi na siya gumalaw.
Pero ramdam ko. Nakatitig siya.
"Amor," Ulit niya.
Mas mababa yung boses niya ngayon.
Mas personal na. Kaya napalunok ako.
Sasagot na sana pero sgad namang bumukas ang pinto at pumasok ang assistant ni Emery.
"Miss, nandyan na po ang sundo ni Sir Jacob," Sabi niya.
"Let him in," Sabi ni Emery.
Pagkabukas ng pinto-
"Hi, ladies"
Sabi ng isang lalaki.
Actually hindi lalaki. Medyo may pa-kinding.
"Brent!" Sabi ni Cassandra sabay takbo at yakap sa kanya.
Then yumakap siya sa kanilang lahat bago lumapit kay Jacob.
At nagulat ako sa ginawa nila.
Naghalikan lang naman sila. Lips to lips.
Agad tinakpan nina Lara at Jasmine ang mga mata nina Collie at Callie.
"I miss you, baby," Sabi ni Jacob.
"Ano ba 'yan, 2 hours lang akong nawala," Sagot ni Brent.
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Kasi yung akala ko-
mali pala.
Maling-mali. At yung first impression ko?
Tama. May galaw nga siya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o mahihiya kasi sa mga actions ko kanina.
Napatingin ako kay Emery.
Seryoso lang siya.
Kaya napalunok ulit ako. Lumapit ako sa kanya pero agad siyang bumaling sa dalawa.
"So when is the wedding?" Tanong niya.
"Girl, I just told you I'm waiting for you and-"
Tumingin siya sakin sabay smirk.
"So when? Para sumunod na kami. I have my own tradition, you know."
Mas lalo naman akong nahiya kasi naalala ko yung mga pinagsasabi ko kanina.
"Anyways, we have to go. Susunduin pa namin si little Jacob," Sabi niya.
"Tito, bring him with you next time," Sabi ni Collie.
Tumango naman siya.
Di na rin sila nagtagal at umalis na.
Agad akong lumapit kay Emery.
"Follow me." Sabi niya.
At nauna na siyang maglakad palabas ng living room. Hindi mabilis. Hindi rin galit na galit yung pace niya. Pero enough para maramdaman kong
seryoso siya.
Napalingon ako sa mga kasama namin.
Si Lara nakaawang bibig.
Si Jasmine nakahawak sa dibdib na parang may live drama siyang pinapanood. Si Hana naman, nakatingin lang sakin na parang sinasabing good luck, soldier.
Even Collie and Callie looked curious.
Napailing na lang ako bago sumunod kay Emery.
Tahimik kaming naglakad papunta sa kabilang room.
Pagkapasok namin, sinara niya agad yung pinto.
Then she turned around to face me.
Tahimik muna. At mas lalo akong kinabahan doon.
Kasi mas nakakatakot si Emery kapag tahimik kaysa kapag galit. Naka-cross arms siya habang nakatingin sakin. Diretso. Walang iwasan.
"What's your problem?"
Hindi malamig yung tono niya.
Pero direct.
Napayuko agad ako kasi hindi ko alam paano sisimulan. ang immature pakinggan nung dahilan ko.
"Sorry," Mahina kong sabi.
"You think I would leave you over -?" Tanong niya agad.
Hindi ko na siya pinatapos.
"Sorry."
Lumapit ako agad at niyakap siya sa bewang.
Parang automatic.
Parang kailangan ko lang maramdaman na nandiyan pa rin siya.
Sa una, hindi siya gumalaw.
Then naramdaman ko yung katawan niyang unti-unting nagrelax. Huminga siya nang mahina bago niya marahang hinawakan likod ko.
"Baby," Mas malambot na boses niya ngayon. "Look at me."
Dahan-dahan akong tumingala.
Hindi siya mukhang galit. Mukhang Concerned lang talaga. At somehow,
mas lalo akong nahiya doon.
"Are you scared?" Tanong niya.
Tahimik akong tumango.
Hindi ko na tinago.
"Akala ko kasi..." Napahinto ako sandali. "Akala ko dati mo siyang boyfriend tapos naging magkaibigan kayo after. Tapos sobrang close niya sa kids... close din siya sa friends mo..."
Huminga ako nang malalim.
"And then nung sinabi niyang hinihintay ka niya..." Napakagat ako sa labi. "I know joke lang siguro 'yun pero natakot ako."
Tahimik lang siyang nakikinig.
Walang interruption.
Walang irap.
Walang "ang OA mo.'
Kaya mas lumabas lahat ng iniisip ko.
"Bago pa lang tayo," Mahina kong sabi. "And honestly... minsan naiisip ko pa rin na baka one day magising ka tapos marealize mong mas bagay ka sa ibang tao. Someone more elegant. More mature. Someone na matagal mo nang kilala."
Napabuntong-hininga ako.
"Marami pang pwedeng mangyari."
Tahimik ulit.
Then dahan-dahan niyang tinaas kamay niya at inayos yung buhok ko sa gilid ng mukha ko.
"Done?" Mahina niyang tanong.
Napakurap ako.
"Ha?"
"Done overthinking?"
Napahiya ako konti.
Pero natawa rin ako nang mahina.
Then she sighed softly before resting her forehead against my shoulder.
"Listen to me carefully," Sabi niya.
Automatic akong natahimik.
"Jacob is a family to me. Brent is family to me." Mahina pero siguradong sabi niya. "They've been around for years. The kids grew up around them."
Hinaplos niya nang dahan-dahan yung likod ko habang nagsasalita.
"But they are not you."
Napalunok ako.
"I flirt with you."
"I look for you."
"I lose my patience because of you."
"I worry when you disappear."
"And you're the one I want beside me."
Mas lalo akong natahimik.
Kasi sobrang simple nung pagkakasabi niya pero ramdam na ramdam ko.
"Baby," Bulong niya. "If something bothers you, tell me. Don't run away and convince yourself you already know the answer."
Napayuko ako nang konti.
"Sorry."
"Hey." Marahan niyang tinaas ulit baba ko. "I'm not mad."
"Pero na-stress ka."
"A little." Sabi niya.
Napangiwi ako.
Natawa naman siya nang mahina.
"You ignored me for almost an hour."
"Kasi nagseselos ako."
"And you think that makes it better?"
"No."
"Exactly."
Napatawa ako nang mahina kahit nahihiya.
Then she pinched my cheek lightly.
"You know what your problem is?"
"Ano?"
"You think too much."
Napanguso ako.
"Kasalanan mo rin."
"How?"
"You're too pretty. Nakaka-overthink."
Napairap siya agad pero kita kong pinipigilan niya ngumiti.
"Unbelievable."
"Eh true naman."
Tahimik ulit sandali pero this time...
comfortable na wala na yung bigat kanina. Hinimas niya ulit likod ko bago nagsalita.
"Next time, talk to me first."
Tumango ako.
"Okay."
"Promise?"
"Promise."
Tinitigan niya ako na parang chine-check kung nagsasabi ako ng totoo. Then-
"Good."
Sasagot sana ako nang biglang bumukas yung pinto.
Sumilip si Calista habang may hawak pang wine glass.
"Kung alam mo lang pano mag-selos 'yan," Sabi niya casually.
Napatingin agad ako kay Emery.
"Talaga?"
"Get out," Malamig na sabi ni Emery.
Tumawa si Calista.
"Nilagnat 'yan dati dahil di nagreply yung crush niya for 2 hours."
"CALISTA."
"Okay, okay. I'm leaving."
Pero bago niya isara ulit yung pinto-
"Bagay kayo. Parehong praning."
Then tuluyan na siyang umalis.
Dahan-dahan akong napatingin kay Emery.
"...Nilagnat?"
"Infection."
Napatawa ako nang malakas.
Napairap siya pero this time hindi na niya tinago yung maliit na ngiti niya.
At honestly?
Doon ko mas lalo narealize.
Nakakatakot magmahal minsan. Pero mas madaling huminga kapag yung taong mahal mo marunong kang i-reassure at intindihin imbes na iparamdam na mali kang ma-feel kung ano man ang mga nararamdaman mo.