CHAPTER 34 Fertility Goddess

Seraphine's POV

Three months.

Tatlong buwan pa lang naman kaming official ni Emery, pero parang ang dami na naming napagdaanan.

May mga tampuhan. May selosan. May misunderstandings. May mga gabing pareho kaming tahimik dahil pareho kaming pagod.

Pero mas marami pa rin yung masasayang araw.

Yung tipong kahit magkatabi lang kami habang nagtatrabaho siya, okay na ako. Kahit minsan suplada siya. Kahit minsan ang hirap niyang basahin.

At kahit minsan... nakakatakot pa ring mahalin siya.

Masaya pa rin ako.

Ngayon, nandito kami sa office niya.

Nasa couch ako habang nakahiga yung ulo ko sa hita niya, at isa lang masasabi ko: I like this view. I can see the beautiful mountains-este, her beautiful face.

Paminsan-minsan, sinusuklay niya yung buhok ko gamit daliri niya habang kausap si ate Margaret tungkol sa kung ano mang business problem na hindi ko maintindihan. Dati alam ko yun, pero ngayon ang alam ko na lang magpaka-baby niya.

Si Calista naman nasa kabilang couch habang umiinom ng wine. Lasinggera ang lola niyo. Unti na lang, aayain ko na 'to uminom sa kanto sa bahay namin ni Lara. Speaking of, plano na namin ibenta yung bahay. Baka want niyo malay niyo swertehin rin kayo makahanap kayo ng sugar mommy.

Si Cassandra, tahimik lang sa gilid. Mas noticeable na yung tiyan niya ngayon. Almost four months pregnant na. At hanggang ngayon... complicated pa rin sila ni Lara.

Hindi sila official. Hindi rin sila strangers. Parang dalawang taong parehong takot masaktan, pero

parehong sugatan na.

Isipin niyo yun, magiging ninang na ako. Buti na lang talaga di bumigay si Lara sakin nun, baka meron na kaming tatlong Collie.

"Baby."

Napatingin ako kay Emery.

"Hm?"

"Sino na namang babae iniisip mo?" Tanong niya agad.

Napangiwi ako.

"Ikaw lang, madam," Pagsisinungaling ko.

"Are you bored?" Pag-iiba niya ng topic.

"Very."

Mahina siyang natawa bago niya pinisil ang pisngi ko. Te, ang sakit. Pisilin ko kaya 'tong-ahh, basta.

"Ten more minutes," Sabi niya.

"Five," Tawad ko.

"Eight," Sabi niya ulit.

"Deal."

Napailing si ate Margaret.

"Disgusting."

"We are used to it.," Sabi ni Calista habang nakatingin sa phone niya.

Sasagot sana ako nang biglang bumukas yung pinto ng office.

Malakas na parang binangga.

Napalingon kaming lahat

at agad kong nakita si Lara

sunod si Hana sa likod niya.

Pero yung aura ni Lara subrang bigat

Namumula ang mga mata niya. And kita kong mabilis yung paghinga niya. At yung tingin niya diretso kay Emery.

Agad akong napabangon mula sa hita ni Emery.

"Lara?" Tawag ko.

Hindi niya ako tinignan nakatingin lang siya kay Emery na parang gusto niyang saktan.

Tahimik si Emery. Pero naramdaman kong tumigas yung katawan niya sa tabi ko.

"Wow, ang galing mong mang

manipulate eh, no," Natatawang

sabi ni Lara, pero halatang galit.

Walang sumagot.

"Ang galing mo talaga, Emery."

"Lara-" Cassandra started softly.

"Tumahimik ka. Isa ka pa."

Natahimik agad si Cassandra.

"So totoo pala talaga."

Napakunot-noo ako habang palipat-lipat na tingin sa kanila.

"Ano'ng nangyayari?"

Tumingin si Lara sakin. Masakit yung tingin niya. Matalim, pero kita mong di normal yung pain na nararamdaman niya.

"Tanungin mo yang girlfriend mo!"

Agad akong napatingin kay Emery.

Tahimik lang siya at doon ako kinabahan.

"Emery?" Mahinang tawag ko.

Huminga siya nang malalim.

"Let me explain."

Pero bago pa siya makapagsalita ulit-

"Explain what?" Biglang putol ni Lara. "Yung fact na kinontsaba mo yang babaeng 'yan?"

Tinuro niya si Cassandra.

Nanlaki ang mata ko.

"What?"

"Akala mo hindi ko malalaman?" Nanginginig na sabi ni Lara. "Akala mo hindi ko malalaman na humingi ka ng tulong kay Cassandra para mahulog ako sa kanya para tigilan ko si Amor?"

Biglang bumigat yung paligid.

Napatingin ako agad kay Emery.

"You did what?"

"Amor-"

"No." Napaatras ako nang konti. "Totoo ba?"

Tahimik siya sandali.

At doon ko nakuha sagot ko.

Parang may malamig na tubig na binuhos sakin.

"Oh my God, Emery..."

"See?" Natatawang sabi ni Lara, pero umiiyak na siya. "Even ikaw, nagulat."

"Lara, calm down first-" Margaret tried.

"Paano ako kakalma?" Sigaw niya. "Alam mo bang nasira ang mga pangarap ko para kanila Mama?"

Tahimik lahat.

Huminga siya nang malalim, pero hindi pa rin tumigil ang luha niya.

"Tanggap ko naman eh," Nanginginig niyang sabi. "Tinanggap kong hindi ako pipiliin ni Amor. Kaya nga aalis ako, diba? Kaya nga lalayo ako."

Napatingin siya kay Emery.

"Pero anong ginawa mo?"

Tahimik si Emery. Nakatingin lang sa kanya.

"At ikaw-" Napatingin si Lara kay Cassandra. "Pumayag ka naman."

"Lara," Mahinang sabi ni Cassandra. "Hindi ganon-"

"HINDI GANON?" Napatawa siya habang umiiyak. "Nabuntis kita! Oo nga pala, sigurado bang akin 'yan?"

Instinctively, napahawak si Cassandra sa tiyan niya. At doon ko nakita yung sakit sa mukha niya.

"Don't question this child," Mahina pero madiing sabi ni Cassandra.

Pero si Lara parang tuluyan nang nawalan ng control.

"Itatanung ko lahat!" Sigaw niya. "So ano pang plano niya, ahh? Totoong bata ba laman niya o kasing peke niyo?"

"Lara," Sabi ni Calista, parang tunog warning na.

Bumaling naman si Lara kay Emery.

"Sabihin na nating malaki pinapasahod mo sakin Emery, pero hindi 'to yung gusto ko!"

"Lara, enough-" Sabi ko agad.

Dahil nakikita kong hindi na maganda ang pakiramdam ni Cassandra, iniisip ko ang bata sa tiyan niya. Oo, galit rin ako, but things happened for a reason, at hindi ito maaayos kung hindi mag-uusap nang maayos.

"Hindi mo gets, Amor eh!" Napatingin siya sakin. "Hindi mo alam ang pakiramdam ng buong buhay mo kailangan mong i-push ang sarili mo to do better para ipagmalaki ka ng pamilya mo, dahil sa mata ng iba naiiba ka, kahihiyan ka, at ako yun, Amor, hindi ikaw."

"Hindi dahilan 'yan para manakit ka-"

"So anong dahilan nila para saktan ako? Amor, minahal lang kita, pero bakit parang kasalanan ang mahalin ka?"

Nasaktan ako sa sinabi niya.

At doon nagsalita si Emery

mababa yung boses niya.

"I was trying to help you move on."

Napatawa si Lara.

"Move on?" Tumango siya habang umiiyak. "So anong tingin mo sakin? Obsessed?"

Hindi sumagot si Emery.

"At ano?" Tuloy ni Lara. "Parte rin ba ng plano mo yang batang pinagbubuntis niya? Planado rin ba 'yan?"

"Lara." This time, mas malamig na ang boses ni Emery. "Stop."

Pero parang wala nang naririnig si Lara.

"Tingnan mo nga sarili mo." Natatawa siyang umiling. "Ang galing mong mag-control ng tao, kala mo Diyos ka."

"Enough," Mariing sabi ni Margaret.

Pero mas lalo lang natawa si Lara.

"Bakit?" Tumingin siya kay Emery. "Masakit? No wonder iniwan ka ng tatay ng mga anak mo."

"Lara, enough," Banta na rin ni Calista, pero wala talaga.

Tahimik pa rin si Emery.

At doon lumabas yung linyang nagpatahimik sa lahat.

"Kaya ka namatayan ng anak eh."

Parang may pumintig sa tenga ko.

Biglang tumayo si Emery pero bago

pa siya makagalaw-

PLAK!

Umalingawngaw sa buong office yung sampal ni Margaret kay Lara.

Nanigas ako pati si Hana mukhang nagulat rin.

Nanlaki mata ni Lara habang hawak pisngi niya.

"You know NOTHING," Galit na galit na sabi ni Margaret. "Wala kang alam sa pinagdaanan niya."

Huminga nang mabilis si Lara habang umiiyak.

"Pareho lang kayong magpinsan!" Sigaw niya.

"LARA, TAMA NA!" Sigaw rin ni hana.

Napatingin siya kay Hana.

At doon ko nakita hindi lang galit kundi pagod

"Kakampihan mo pa sila?" nanginginig niyang tanong.

"Hindi yan ang point-" Singit ko.

Tumingin siya sakin.

"Hindi?" Napatawa siya habang tuloy-tuloy ang mga luha niya. "Tinanggap ko naman eh, Amor! Tinanggap kong hindi mo ako kayang mahalin pabalik sa paraang gusto ko. That's why I made my own way to

move on!"

Napakagat siya sa ibabang labi, at ang masakit ay ang makita siya pilit pinupunasan ang mga luha niyang kusang bumabagsak.

"Tinanggap ko na hindi ako enough!"

Tahimik lang ako kasi wala akong masabi.

"Alam mo kung gaano kasakit?" Mahinang sabi niya. "Yung gusto mo lang naman mahalin ka rin, pero palagi hindi pwede."

"I made way to move on from you, and for the past months masasabi kong nagawa ko. But knowing what they did, bumalik lahat ng sakit. Lahat, Amor," Sabi niya.

At dun kusang tumulo ang mga luha ko, cause this lovely person in front of me is hurting because of me.

Napayuko si Cassandra. Tahimik na umiiyak.

Si Emery naman... hindi gumagalaw. Pero kita ko yung panginginig ng kamay niya.

"Pagod na akong maging ganito... maging ako," Mahinang sabi ni Lara.

At doon tuluyan bumagsak ang mga balikat niya.

Hindi na siya mukhang galit kundi wasak.

Tahimik yung buong office habang umiiyak siya.

Then she looked at Cassandra one last time punong-puno ng sakit.

Before turning around.

"Lara-" Hana called softly.

Pero hindi na siya huminto diretso siyang lumabas ng office.

At pagkalabas niya...

Hindi pa rin ako nakakagalaw para ayaw ko kasi sure akong pag gumalaw ako tatakbo ako para habulin siya.

Parang may naiwan na mabigat na hangin sa paligid. Walang nagsasalita.

Si Cassandra, tahimik na umiiyak habang nakahawak sa tiyan niya. Si Margaret, galit pa rin yung mukha pero halatang nagsisisi sa ginawa niya. Si Hana, nakatulala lang sa pintuan na nilabasan ni Lara.

At si Emery...

Nakatingin lang sa sahig.

Walang emosyon pero mas nakakatakot kapag gano'n siya.

Biglang mas napahawak nang mahigpit si Cassandra sa tiyan niya. Napayuko siya.

"Cass?" Tawag ni Calista.

Hindi siya sumagot. Napangiwi siya sa sakit.

"Wait-" Biglang napatayo si Margaret. "Cass?"

Napahawak si Cassandra sa couch.

"M-Margaret..."

Nanlaki ang mga mata ni Margaret.

"Ano'ng masakit?"

"Ahh..."

Agad akong nataranta.

"Emery!"

Mabilis na napalingon si Emery kay Cassandra. At doon niya nakita yung dugo.

"Fuck."

Parang biglang nagulo lahat.

Lumapit agad kami kay Cassandra.

"Hana, call the driver NOW."

"Teka lang-"

"NOW!" Dagdag ni Margaret

Nanginginig na si Cassandra habang umiiyak.

"Yung baby ko..."

"Hey, hey..." Agad kong sabi habang hawak kamay niya. "Walang mangyayari sa baby mo, okay? Relax ka lang."

Pero kahit ako, hindi mapakali.

Agad kong binuhat si Cassandra.

After a few minutes, nakarating na kami sa hospital.

Mabaho yung amoy ng gamot. Lahat puti. At sobrang tahimik kahit maraming tao something na ayaw ko.

Nakaupo ako habang paulit-ulit kong tinatawagan si Lara.

No answer.

Again.

Again.

Again.

Wala.

Napabuntong-hininga ako habang tinititigan ang screen ng phone ko.

"Hindi pa rin sumasagot?" Tanong ni Hana, na mugto rin ang mata.

Umiling ako.

"She probably turned off her phone."

Lumipas ang isang oras.

Then another.

Wala pa ring lumalabas na doctor

mas lalo akong kinakabahan.

Napatingin ako kay Emery nakatayo siya sa malayo, malapit sa bintana.

Tahimik pero parang hindi makahinga.

Yung isang kamay niya, nakahawak sa dibdib niya habang mabilis yung paghinga niya.

Agad akong napatayo.

"Emery?"

Hindi siya sumagot.

"Fuck..." Mahinang sabi niya.

Nanlaki mata ko.

"Baby?"

Bigla siyang umalis.

"Emery!" Tawag ko agad habang sinusundan siya, pero hinawakan ako ni Margaret.

"Let her go."

Napalingon ako sa kanya.

"What? Margaret-"

"I know san siya pupunta. Just let her," Dagdag niya.

"Pero-"

"Amot, please. If you truly care for her..."

Huminto ako.

"Don't worry. She goes there every time na hindi niya na kaya," Dagdag niya.

Napakunot-noo ako.

"Where?"

Parang nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya.

"Please, she needs someone" Dagdag ko.

Bumuntong-hininga siya bago may inabot na address sakin.

"Private memorial ng pamilyang Walls."

"Memorial?"

"She buried him there."

Parang may mabigat sa dibdib ko.

Hindi na ako nagsalita pa at agad na tumakbo palabas.

Ilang minutong drive rin ang layo.

Pagdating ko...

Hindi siya ordinaryong memorial tahimik yung lugar. Maraming puno. Mahangin. At sobrang lungkot ng atmosphere.

Dahan-dahan akong naglakad paloob hanggang sa makita ko siya.

Nakaupo siya sa harap ng isang memorial plaque.

Nakatalikod sakin at umiiyak.

Hindi malakas. Hindi dramatic.

Pero doon ako pinaka nasasaktan kasi ngayon ko lang siya nakitang ganto kahina.

Dahan-dahan akong lumapit at doon ko nakita yung pangalan.

Ciello Elthon Walls

Our beloved boy

And almost 3 years ago na rin nung nawala siya. Nakita ko yung date, bigla namang bumalik sa alaala ko yung panahong binigyan ko siya ng cupcake-the day na walang pwedeng pumasok sa office niya kundi si Mrs. Celine.

Tahimik akong lumapit kay Emery hindi siya gumalaw kahit alam kong alam niyang nandito ako.

"It's my fault." Basag boses nyang sabi.

Agad akong lumuhod at niyakap siya mula sa likod.

"Don't say that," Sabi ko, at lumipat ako ng pwesto sa gilid niya para makaharap siya.

"It is."

Mas lalo siyang napaiyak.

"If something happens to the baby..." Napapikit siya. "It's because of me."

Umiling agad ako.

"No."

"Yes." Napatawa siya nang mahina pero puno ng sakit. "I started this."

Tahimik akong nakinig.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita ulit.

"Nung pumunta si Lara sa office ko to resign..." Mahinang sabi niya. "She confessed."

Napakunot-noo ako.

"She admitted she was in love with you."

Natahimik ako.

"At that time..." Napapikit siya. "I felt threatened."

"I was scared." Dagdag niya.

Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha niya.

"So I talked to Cassandra." Tumawa siya nang mapait. "I asked her to keep Lara busy."

May parte sakin na naiinis sa ginawa nila, pero kailangan kong intindihin ang sitwasyon.

"She was also looking for someone at that time. Akala ko... magiging okay sila. Cassandra promised me that if she felt something great with Lara, seseryosohin niya siya. That she's going to marry her."

Huminga siya nang malalim.

"But things didn't go according to plan. Mistakes happened. They both got drunk."

Napayuko siya.

"Cassandra got pregnant."

"And now the child's life is in danger because of me."

Tahimik ako sandali bago ko marahang hinawakan ang mukha niya.

"Yes," Mahinang sabi ko. "You were wrong."

Napapikit siya.

"But we can't bring back time."

Tumingin siya sakin.

"And that child is not a mistake," Mahinang dagdag ko. "Blessing pa rin siya."

Tahimik lang siya.

"And knowing Lara..." Napabuntong-hininga ako. "Eventually, maiintindihan rin niya. Mainit lang talaga ulo niya ngayon kasi kahit sino naman, diba?"

Tumango siya.

"Aren't you mad?" Tanong niya.

Napangiti ako nang konti.

"I am, but I'm trying to understand the situation. Besides, just like what I said, di na natin ma-co-control pa dahil nangyari na. Also, if nagalit ako, may mangyayari ba? Maaayos ba? Diba hindi? Baka may mas masira lang."

"I'm sorry," Sabi niya.

"Hindi mo dapat sakin sabihin 'yan. Dapat kay Lara, kasi sa ating lahat siya ang pinaka nasaktan," Sabi ko.

Agad naman siyang tumango.

"But I don't know how to approach her," Sabi niya sabay pout na parang bata.

Napangiti naman ako.

"Don't worry. I'll talk to her. Malambot ang puso nun," Paninigurado ko sa kanya.

Tahimik ulit. Then napatingin ako sa memorial.

"He's your son..."

Mahina siyang tumango.

"He's my middle child."

Napakurap ako.

"Middle?"

Dahan-dahan siyang tumingin sakin.

"Yes."

Tahimik siya sandali bago nagsalita.

"They're triplets."

Parang tumigil ang mundo ko saglit.

"What...?"

Mahina siyang tumawa.

"Ciello was my beloved boy."

Napayuko siya.

"But God took him away from me."

Agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Don't say that."

"Maybe Lara was right," Mahinang sabi niya. "Maybe I'm just a bad mother."

"No." Mabilis na sagot ko.

"No, Emery," Pag-uulit ko.

Napapikit siya.

"The accident happened when they were only five." Kwento niya.

Tahimik akong nakikinig.

"He was the closest to Collie."

Napatingin siya sa memorial.

"When he died... Collie changed."

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya.

"She stopped talking properly. She stopped laughing. She stopped being a child."

Mas lalo akong nasaktan.

"And Callie..." Napangiti siya nang mahina. "She became too quiet to the point that no words could come out of her mouth. But you came. You brought them back to me."

May humaplos sa puso ko.

Tahimik ulit ng mga ilang segundo.

"Ciello was different."

Natawa siya nang mahina habang may luha pa rin.

"He was the mix of both of them."

Napangiti rin ako nang konti habang nakikinig, kasi iniisip ko palang ang mix, naiisip ko si Collie at Callie in person.

"He was stubborn like Collie, but at the same time quiet like Callie."

Natawa siya ulit nang kaunti.

"He was the one making those two follow him around everywhere."

"Too bad he wasn't able to meet you," Sabi niya. Sabay haplos sa memorial plaque.

"Pwede pa rin naman ah," Sabi ko agad.

Napakunot-noo siya.

"You have plans to follow him in heaven?" Tanong niya.

Napatawa naman ako.

Dahan-dahan kong hinawakan ang memorial plaque.

"Nice to meet you, Ciello," Mahinang sabi ko. "I'm Amor."

Narinig kong natawa si Emery sa gilid ko.

Mahina pero genuine.

Tahimik kami sandali habang nakatingin sa memorial hanggang sa biglang tumunog ang phone ko.

Agad kong tiningnan.

Message from Hana.

Hana: Okay na si Cassandra. Stable na silang dalawa ng baby.

Napabuntong-hininga agad ako sa sobrang relief.

Agad kong pinakita kay Emery at doon ko nakita kung paano nawala ang takot sa mga mata niya.

Tahimik siyang napapikit bago yumakap sakin.

Mahigpit.

Parang doon lang ulit siya nakaramdam ng lakas.

Tahimik kaming bumalik ni Emery sa hospital.

Pero this time...

mas magaan na kahit papaano yung atmosphere. Hindi na kasing bigat nung umalis kami.

Nasa elevator kami ngayon, magkahawak-kamay habang paakyat. Paminsan-minsan, napapatingin ako sa kanya.

Mukha pa rin siyang pagod. Namumugto pa rin ang mga mata niya. Pero hindi na siya mukhang mawawasak anumang oras.

Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Parang ayaw bumitaw.

Pagdating namin sa floor, agad akong napahinto kasi bukas yung pinto ng room. At nandoon si Lara. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng hospital bed habang hawak ang kamay ni Cassandra.

Si Cassandra, nakahiga lang habang nakakabit yung dextrose sa kamay niya.

Pagkapasok namin, agad napalingon si Hana samin.

Then Jasmine said something dramatically.

"Finally. Akala ko may second season pa bago ang comeback ng main characters."

"Tumahimik ka," Sabay-sabay na sabi nina Hana at Calista.

Napailing ako nang mahina bago napatingin kay Lara. Tahimik lang siya. Hindi na mukhang galit.

Si Emery naman... biglang parang hindi alam saan titingin. Parang hesitant lumapit.

At siguro napansin 'yon ni Cassandra kasi agad siyang napanguso.

"You left me."

Tahimik ang buong room. Napatingin agad si Emery kay Cassandra. At doon ko nakita yung guilt sa mukha niya.

"I'm sorry."

Mahina lang. Halos bulong.

Dahan-dahan siyang yumuko, parang batang napagalitan.

Natahimik naman si Cassandra bago umirap.

"Drama mo."

Napatawa si Calista.

Even Margaret, napailing na lang.

Then Cassandra extended her hand toward Emery.

"Halika dito."

Agad naman lumapit si Emery sa tabi niya tahimik lang silang dalawa sandali.

Then tumingin ako kay Lara.

"Can we talk?"

Napatingin siya sakin bago marahang tumango. Tahimik kaming lumabas ng room.

Pagkasara ng pinto, doon ako napabuntong-hininga.

Bumaba kami sa garden ng hospital.

Pagkababa, tahimik lang si Lara, sumandal sa poste. Ako naman, hindi alam paano sisimulan. Hanggang sa-

"Sorry." Sabi ko kusang lumabas sa bunganga ko.

Napatingin siya sakin.

"Ako dapat nagsosorry," Sabi niya.

Umiling agad ako.

"No. Hindi dapat umabot sa ganon."

Napatawa siya nang mahina pero walang humor, basta alam niyo na yun.

"Mali ko rin naman." Huminga siya nang malalim. "Nagpadala ako sa emosyon ko at hindi ko naisip si baby."

Tahimik akong nakinig.

"I know I said things below the belt."

Napalunok siya.

"And honestly..." Napatawa siya nang mahina. "Pag naaalala ko yung sinabi ko... gusto ko na lang tumalon sa building."

"Wag. Mahal hospital bills," Sabi ko agad. Pampagaan ng sitwasyon.

"'Di ka talaga marunong magseryoso, no?" Sabi niya.

Napatawa rin siya this time. Totoong tawa at doon medyo gumaan pakiramdam ko.

Kaya ngumiti ako nang konti bago nagsalita.

"Sometimes, may mga nasasabi talaga tayo na hindi natin napag-iisipan, lalo na kung galit tayo. Nadala ka lang sa emosyon mo. Nasaktan ka kaya nasabi mo ang mga bagay na yun, but that doesn't mean na masama kang tao," Sabi ko, this time mas seryoso na ako.

"I love her."

Napalingon agad ako sa kanya kasi finally, inamin na rin niya.

"Kailan pa?" Tanong ko.

"One month ago, nung nagselos ako sa assistant niya," Sabi niya. Napailing naman ako.

"Good for you, pero sigurado ka ba sa nararamdaman mo?" Tanong ko.

Tumawa naman siya.

"'Di naman siguro ako masasaktan nang ganito kung hindi siya napamahal sakin, 'di ba?" Sabi niya.

"So anong plano mo?" Tanong ko.

"'Di ko pa alam kasi 'di rin ako sigurado sa nararamdaman niya tungkol sakin. Lalo pa't sa mga nalaman ko. Isa pa, natatakot ako, Amor. Baka pag gising ko, iwan niya ako kasama ang ng baby namin," Dagdag niya.

Napabuntong-hininga ako.

"May kinakatakot rin ako."

Napakunot-noo siya.

"Ano?"

Tumingin ako sa itaas ng hospital.

Then bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Baka maging kamukha mo yung bata."

Tahimik siya saglit. Then-

"Gaga."

Pareho kaming natawa.

"Imagine mo," Dagdag ko pa. "Paglabas pa lang, naka-ngisi na agad."

"Mas nakakatakot pa pag namana pagiging chaotic at dramatic mo." Dagdag ko.

"Excuse me? Emotionally expressive ako." Sabay niya.

"Emotionally unstable."

Napatawa ako nang malakas.

Then habang tumatawa kami,

may nagsalita sa likod namin.

"Lara."

Pareho kaming napalingon.

Nakatayo si Emery ilang hakbang mula samin. Tahimik lang siya.

Pero this time... wala nang tension.

"Can we talk?"

Tahimik si Lara sandali. Tumingin sakin, tapos bumalik kay Emery bago tumango.

"Yes."

Napatingin naman ako sa kanilang dalawa bago ako umatras. Pero bago ako umalis-

"Girls," Sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay. "Ako lang 'to ha? Wag kayo magsabunutan."

Mapairap sila. Medyo maliwanag pa kaya kita ko ang mga reaksyon nila.

"Go," May pagbabanta sa boses ni Emery.

Napangiti ako bago nag-flying kiss sa kanya. Agad naman akong tinignan ni Lara ng disgusted look.

"Yak."

Natawa ako.

"Love you, T.W.O.," Sabi ko sa kanilang dalawa.

Then umakyat na ako, iniwan sila.

Pagbalik ko ulit sa room, mas kalmado na ang atmosphere.

Nasa couch si Hana habang tahimik na kumakain ng chips. Si Margaret nasa gilid, kausap ang doctor. Si Cassandra, nakapikit pero gising at pa minsan minsan nag sasalita. At si Jasmine na parang bulate sa upuan.

"Sayang," Sabi niya agad habang papalapit ako. "Hindi ko naabutan drama niyo."

Biglang may lumipad na pillow papunta sa mukha niya.

"Aray!" Sigaw niya.

"Ang ingay mo," Sabi ni Calista habang naka-cross arms.

Napairap si Jasmine.

"Mas loud ka nga minsan kahit gabi na. 'Di ka na nahiya sa mga natutulog na kapitbahay."

Biglang natawa si Hana. Malakas.

Pero agad ding tumigil nung dahan-dahang napalingon si

Calista sa kanya.

Yung tipong slow motion pero deadly.

Unti-unting napalunok si Hana sabay peace sign. Napailing naman ako habang nakangiti.

For the first time this afternoon, gumaan ulit yung paligid.

Hindi totally okay. Hindi pa healed lahat.

Pero at least... wala nang sumisigaw. Wala nang nasasaktan. At kahit papaano

bumalik ulit yung pakiramdam na iisang pamilya kami.

Jasmine's POV

Tahimik na ulit yung room. Tahimik in a family way.

Yung tipong may kanya-kanyang ginagawa pero ramdam mong comfortable lahat sa presence ng isa't isa.

Si Ate Margaret katapat kami ni Hana. Paminsan-minsan, napapatingin siya samin or, more likely, kay Hana.

Si Ate Cassandra, nagpapahinga na habang si Ate Emery tahimik na nakaupo sa tabi niya.

Sa kabilang side si Lara. Si Amor naman nasa may couch habang nagce-cellphone pero paminsan-minsan sumusulyap kay Ate Emery.

Si Mommy, naka-cross arms sa kabilang side habang tahimik. Mataray pa rin aura kahit wala namang ginagawa.

At si Hana...

Tahimik na kumakain ng chips sa tabi ko.

Napangisi ako nang dahan-dahan.

Perfect timing.

"Oy, Hana."

Napalingon siya sakin habang may chips pa sa bibig.

"Hm?"

"Sino yung magandang babaeng kasama mo kanina?" Tanong ko.

Agad napalingon lahat samin.

Tahimik muna si Hana halatang confused.

"Kailan?"

Kunwari, nag-isip ako.

"Kanina lang umaga. Yung long hair tapos ang ganda ng mata?"

Actually, wala naman talaga akong nakita nang-aasar lang ako.

Specifically...

si Ate Margaret.

At base sa paraan ng bahagyang pag-angat ng kilay niya effective.

Napatingin si Hana sa kisame na parang nag-iisip. Then suddenly-

"Ahhh."

Nanlaki mata ko.

Meron?!

Or sadyang she understood the assistant assignment? Ano na kasi yun-

Si brain: assessment yun, gaga.

Ahh, yun.

"Sobrang ganda, no?" Dagdag pa niya.

HALA SI ATE GIRL.

Agad akong napaupo nang maayos.

"YES! Sino yun?"

Sa harap, nakita kong bahagyang tumigas ang panga ni Ate Margaret.

Interesting.

Napangiti si Hana bago kumain ulit ng chips.

"Secret."

Narinig ko yung mahina pero malamig na bulong ni Ate Margaret.

"Womanizer."

Agad akong napakagat-labi para hindi tumawa. Narinig din yata ni Amor kasi bigla siyang napalingon kay Ate Margaret.

"What?"

Tanong agad ni Ate Margaret na parang walang sinabi. Umiling si Amor habang pinipigilan ngumiti.

"Nothing."

Mas lalo akong natuwa.

"Ay wow," Sabi ko habang nakatingin kay Hana. "May tinatago."

"Wala, noh."

"Meron."

"Wala nga."

"Bakit namumula ka?"

"Mainit."

"Naka-aircon tayo."

"Genes."

Hindi ko na napigilan. Tumawa ako nang malakas.

Then biglang may lumipad ulit.

This time... tissue box.

"Aray!" Sigaw ko habang hawak ang noo ko. "Violence!"

"Tumahimik ka," Malamig na sabi ni Mommy.

Agad akong napairap.

"Alam mo, Mommy..." Tumayo ako habang naka-cross arms din. "Kung wala ako dito, sobrang boring niyo."

"Mas peaceful."

"Rude."

"Truth hurts," Sabi ni Lara.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Kaya pala nag-walkout ka daw kanina," Sabi ko.

Binato niya ako ng orange pero nasalo ko. Matutuwa na sana ako kaso meron na namang lumipad kaya napalingon ako kay Mommy.

"Grabe ka sakin. Ganito ba trato mo sa taong nagbibigay saya sa buhay mo?"

"Happiness?" Walang emosyon niyang tanong. "You mean headache."

Napasinghap ako.

"Ay wow. Fine."

Umupo ako sa kabilang couch nang exaggerated. OA ako, wag kayo jan.

"Hindi na kita papansinin."

"Thank God," Sabi niya.

Tahimik.

Five seconds. Then-

"Mommy."

Wala siyang response.

"Calista."

Tahimik pa rin.

"Love mo 'ko?"

Biglang may lumipad na maliit na towel ulit sa mukha ko.

Natawa agad si Hana.

"Ayan kasi."

Tinanggal ko yung towel sa mukha ko habang naka-nguso.

"Violence again."

Then biglang tumayo si Mommy tahimik lang siyang lumapit sakin napatingin tuloy lahat.

"Ano?" Medyo natatakot kong tanong.

Wala siyang sinabi. Bigla niya lang inayos ang buhok ko na nagulo dahil sa towel.

Nanlaki mata ko nang bahagya.

Then she sighed.

"Ang gulo mo."

Mahina lang. Pero iba yung tono mas malambot agad akong napangiti.

"Ay concern."

"Delusion."

"Sweet mo talaga."

"Jasmine."

"Yes, mahal?"

"Tumahimik ka."

Natawa agad si Hana habang napapailing. Tama yan, maging masaya na lang siya sa relasyon ng iba kaysa masaktan siya sa taong 'di siya sure kung gusto rin siya.

"Hindi ko alam paano ka natitiis niyan." Sabi ni hana

Agad akong yumakap sa braso ni Mommy.

"Kasi favorite niya 'ko."

"Yak," Sabi ni Lara.

"Gusto mo yakapin rin kita?" Tanong ko.

"Wag si Lara," Sabi ni Hana.

"Bakit?" Tanong ko.

"Lahat ng nalalapitan niyan nabubuntis. Naalala niyo yung aso nung first night natin sa probinsya? Yung pinitik ni Lara yung dede, ayun buntis," Dagdag pa niya.

"True ba?" Tanong ko.

"Oo. Pati yung kambing na nakipag-patintero kay Emery, yung nakita natin kinaumagahan, yung pinitik rin ni Lara yung dede, ayun buntis rin.

At ito pa ang matindi, yung baboy nung naglaro sila nung birthday ni Mama, 'di ba si Lara naka-huli?

Ayun buntis rin. Kaya kung ako sayo, wag," Mahabang sabi niya.

Lintik na 'yan. Mahirap pala magpapitik kay Lara. Instant mother ka.

Kaya pala isang gabing pag-ibig lang sila ni Ate Cassandra, nabuntis na agad nila.

"WAIT LANG-" Halos mapasigaw ako habang dahan-dahang lumalayo kay Lara kahit malayo siya. "Bakit parang national threat ka pala?!"

Natawa agad si Amor habang nakatingin sa cellphone niya. Sure ako, nanonood na naman 'yan ng Farming Simulator 25.

"Delayed reaction mo, Jasmine," Sabi ni Hana.

"Eh kasi ngayon ko lang na-process!" Sabi ko. sabay turo kay Lara. "Ano ka? Fertility goddess?!"

"Bobo," Natatawang sabi ni Lara habang kumakain ng orange.

"Hindi pa tapos 'yan," Sabi ni Hana.

"MERON PA?!" Gulat kong tanong.

Tumango siya.

"Yung manok din nila Tito."

Agad napalingon lahat.

"Anong manok?" Tanong ni Amor na mukhang alam nang kalokohan lang na naman.

"Yung galit sakin kasi kinaholan ko pabalik," Sabi ni Hana.

"Tilaok 'yun," Sabi ni Amor.

"Same energy," Sagot agad ni Hana.

Napahawak ako sa noo ko.

"Focus tayo sa buntisan issue, please."

Tahimik si Hana, kunwaring nag-iisip.

"Basta 'yung. Hinawakan ni Lara sa ulo kasi cute daw."

"And?" Tanong ko.

"Kinaumagahan..."

Huminto siya para sa dramatic effect.

"May itlog na."

"GAGA, NORMAL 'YUN SA MANOK!" Sigaw ni Lara, defensive.

Bigla akong napa-atras. OA ako, wag kayo jan.

"No. Hindi na 'ko naniniwala sa coincidence."

Natawa si Ate Cassandra kahit nakapikit.

Si Ate Margaret naman, halatang pinipigilan tumawa habang kunwaring seryoso.

"Jasmine," Malamig na sabi ni Mommy. "Wag kang tanga."

"Anong-"

"Too late," Sabi ni Lara.

"Confirmed," Dagdag ni Amor.

"Ako na lang talaga inaapi sa pamilyang 'to," Reklamo ko habang nakahawak sa dibdib.

Then biglang tumingin si Hana sakin mula ulo hanggang paa.

"Teka..."

Kinabahan ako.

"Bakit?"

"Hinawakan ka ni Lara kanina, 'di ba?"

Agad nanlaki ang mga mata ko.

"Oo?!"

Tahimik si Hana habang mabagal na tumingin sa tiyan ko.

"Pray for her."

"HOY!" Sigaw ko sabay hagis ng unan sakanya.

Tumatawa na siya ngayon habang umiiwas.

"Kasalanan mo 'to!" Sabi ko kay Lara.

"Kasalanan ko na naman?" Natatawang tanong niya.

"Yes! Lumayo ka sakin! Bata pa 'ko!"

"Matanda ka na."

"Physically? Oo. Emotionally? Baby girl pa ako ni Mommy Calista."

"Sus," Sabi ni Amor.

"Amor, grabe ka sakin. Ikaw nga-"

Tumigil ako bigla habang dahan-dahang napangisi. Napalingon siya sakin agad.

"...what?"

Ngumiti ako.

"Kanina ka pa tingin nang tingin kay Ate Emery."

Tahimik. Then-

"Okay lang naman kasi 'di naman mabubuntis 'yan kahit magdamag pa kami nagtitigan," Sabi niya. Napasimangot naman ako.

"Sabagay. Baka pag pwede, hindi lang isang uod babantayan namin," Sabi ko.

"Uod?" Tanong niya.

"Si Collie," Sabi ko. "Speaking of, ikaw ba nagturo sumayaw dun?"

"Hindi. Bakit mo natanong?" Sabi niya.

"Pano ba naman, naalala ko malala na yung sayaw niya sa music room, pero mas malala pa pala pag nasa school nila siya," Sabi ko.

"Eh bat ka naman napunta sa school nila?" Singit ni Lara.

"One time kasi, napunta kami ng mga school mates ko sa school nila kasi malapit lang sa school namin.

Lalakad ka hanggang sa dulo tapos liko ka sa kanto.

Pagliko mo, kausapin mo yung tricycle driver tapos sasabihin niya punta ka sa dulo sabay kaliwa.

Tapos may makikita kang aso. Pag nakita mo yung aso, sundan mo kasi pupunta 'yun sa tambayan niya, which is isang fast food chain.

Pero 'di pa tapos dun kasi sa tambayan niya may pusa, tapos susundan mo yung pusa tas kakaliwa ulit kasi 'yun yung daan pauwi nung pusa, tas diretso sabay kaliwa ulit then tapos na, nasa school ka na nila Collie," Mahabang paliwanag ko.

"Eh 'di ba sa tabi lang ng school niyo school nila Collie?" Nagtatakang tanong ni Amor.

"Oo."Sagot ko.

Agad naman akong nakatanggap ng mga unidentified flying object mula kina Mommy, Hana, at Lara.

"Aray naman," Reklamo ko. "Unti na lang talaga, kakasuhan ko na kayo."

"Anong kaso?" Tanong ni Hana.

"Child abuse," Sabi ko.

"24 ka na talaga, Jasmine," Sabi ni Lara.

"Kahit na. Eh ikaw 28 na, si Hana 27, si Mommy 31," Sabi ko.

Napasimangot naman ako. Matanda na talaga ang mommy ko. Panigurado kung gusto niya ng mga inakay, sakin niya ilalagay mga itlog niya. 'Di pa ako ready.

"Ohh, bat naka-simangot ka?" Tanong niya pero imbes na sagutin, liningon ko si Mommy.

"Mommy, ilang buryas want mo?" Tanong ko.

Napakunot naman ang noo niya.

"Buryas?" Tanong niya.

"Young hog po, miss," Sabi ni Lara.

"Why would I want it?" Sabi niya.

Napatampal-noo ako. Minsan talaga 'di ako sure kung sa katandaan na niya o sadyang 'di niya lang gets.

"I mean, ilang baby want mo?"

Agad siyang napangisi.

"Ilan ba kaya mo?" Tanong niya. "Yeah right, it doesn't matter. Besides, I decided I want seven."

Agad nanlaki ang mata ko.

"Bakit seven?" Tanong ko.

"Five basketball players, two cheerleaders," Sabi niya na parang wala lang.

"Need niyo na pala maghabol. 24 ka na, 'di ba?" Sabi ni Lara kaya mas napasimangot ako.

Dapat kasi nung unang beses na nakilala ko siya, linandi ko na agad. Kaso 18 lang ako nun kaya naghintay pa ako ng four years para magkaroon ng lakas ng loob lapitan siya. Sa 4 years na yun nakita ko kung pano siya na-inlove sa iba, nasaktan, bumangon, nasaktan ulit, bumangon ulit... ahh basta.

Napatingin ako sakanya at napangiti nang malawak. Ang ganda niya talaga, guys. Paldo. Pero wag kayo jan, isang taon at kalahati ko ring pinagpaguran panliligaw jan and ngayon mag-totwo years na kami.

Kaya pag gusto mo, landiin mo.

And isa lang masasabi ko. ISA este worth it.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.