CHAPTER 35 Canvas.
Seraphine's POV
One week later...
Mas magaan na lahat.
Hindi man totally perfect, pero at least... humupa na yung bigat. Nakapag-sorry na si Lara nang maayos kay Cassandra at kay Emery and same rin sa dalawa. Syempre may awkwardness pa rin paminsan-minsan, pero kinakaya naman.
At ngayon?
Family art session daw kami sabi ni Collie.
Which is honestly just a cute way of saying:
'Tara po sa garden para kumain si ate Callie habang kunwari nagda-drawing.'
As what Collie say, pero sure ako na siya rin.
Nasa garden kami ngayon sa likod ng mansion.
Mahangin, Tahimik, ang daming puno. May picnic rug sa damuhan na puro snacks dahil obviously hindi mabubuhay ang kambal pag walang pagkain every five minutes.
Nasa rug sina Collie at Callie na parehong may sketchpad at crayons kasi ayaw nila ng canvas.
'Too tall,' Sabi ni Collie kanina habang seryosong-seryoso.
Meanwhile, ako at si Emery magkaharap habang may kanya-kanyang canvas sa harap namin.
Apparently, challenge samin to ng kambal. Draw each other or Draw something that makes you happy raw.
Madali lang sana kung hindi ako distracted sa ganda ng girlfriend ko.
Paminsan-minsan, umaangat kasi ang tingin ko mula sa canvas papunta sa mukha niya kahit nasa phone kona ang reference ko.
Tahimik siya habang nagpipinta. Naka puting polo at naka tali ang buhok niya habang may reading glasses pa siya.
Lord.
Kaya ako nauubusan ng brain cells eh.
"Stop staring," Hindi man lang siya tumitingin sakin habang nagsasalita.
"Hindi ako nakatingin."
"Amor."
"Fine."
Mahina siyang natawa. Madalas talaga seryoso siya.
Meanwhile...
"Mamaaaa."
Napalingon kami ni Emery kay Collie na nakadapa na ngayon sa picnic rug habang ngumunguya ng chips.
"Hm?" Sagot ko.
"Done na po."
Agad kong nilapag ang brush ko at lumapit nang konti sabay tingin sa sketchpad niya.
Pero bago ko pa makita napatawa
agad ako.
"Bakit po?"
May cheese powder kasi sa pisngi niya.
"Hindi ka nagda-drawing," Sabi ko habang inaabot yung pisngi niya para punasan. "Kumakain ka lang."
"Collie eats every Ten minutes Mama." Sabi ni Callie.
Pero sa totoo mas malala pa siya.
"Hindi kaya," Depensa agad ni Collie habang ngumunguya pa rin.
"Baby..." Natatawa kong sabi habang pinapakita yung daliri kong puno ng cheese powder. "Explain this."
Natawa tuloy si Emery ng mahina.
"Kaya siguro mas gusto niyo sa lapag mag-drawing," Dagdag ko. "Easy access sa pagkain."
Biglang napahagikgik si Callie habang si Collie offended na offended.
"Artistic process po kasi."
"Ahhh yes," Seryoso kong tango. "Very professional."
"Also, I can multitask po," Dagdag niya.
"Ano naman ang kaya mong gawin bukod sa sumubo? Aber," Sabi ko.
"Ngumuya po," Sagot niya. Napailing na lang ako.
Pagkatapos no'n, proud na proud na tinaas ni Collie yung sketchpad niya. At doon ako tuluyang natawa.
Stick figures. Pero may buhok lahat.
"Wow..." Sabi ko kunwari emotional shock. "Masterpiece."
"This is you," Sabi niya sabay turo sakin.
"Bakit mas malaki ulo ko?"
"Main character ka po."
Natawa ako nang malakas sa sinabi niya.
Then tumayo bigla si Collie at tumakbo papunta sa canvas ko. Pagtingin niya-
bigla siyang napa-"WOOOW."
Napangiti ako. kasi yung pininta ko is kami.
Ako, si Emery, si Callie, si Collie... tapos sa gitna may maliit na batang lalaki na hawak kamay nilang dalawa.
Tahimik sandali si Collie habang nakatitig. Then bigla siyang pumalakpak.
"It really looks like us po!"
Napangiti ako.
"And you also put my kuya!"
May kung anong humaplos agad sa puso ko nang marinig ko 'yon. Hindi ko man nameet si Ciello... pero gusto kong maramdaman nila na kasama pa rin namin siya.
"Ate Callieee!" Sigaw agad ni Collie. "Look!"
Agad lumapit si Callie habang may hawak pang cookie.
Pagkakita niya, lumiwanag agad mukha niya.
"Happy family," Mahina niyang sabi habang nakangiti.
Napatingin ako kay Emery. Tahimik lang siya habang nakatingin samin. Pero kita ko yung lambot sa mga mata niya. Then suddenly-
"How about you po, mommy?"
Napalingon kaming lahat kay Collie na ngayon ay sumisilip na sa canvas ni Emery.
At doon...
doon ko nakita yung instant regret sa mukha ng girlfriend ko.
"Collie," Babala agad niya.
Too late.
Sinilip na ni Collie yung canvas niya.
Tahimik siya sandali parang iniisip mga desisyon niya sa buhay.
Tahimik din si Callie na sumilip sa kabilang side.
Then...
dahan-dahang lumaki ang mga mata niya. Napakurap siya sabay napatingin kay Emery. Then balik sa canvas, yung mukha niya parang nagpi-pigil ng kung ano.
"What?" Takang tanong ni Callie habang sumisilip rin. Then-
"What in the world is that po?" Sabi ni Collie.
Agad akong napalingon kay Emery.
"Ha?" Sabi ko.
Mabilis niyang tinakpan yung canvas.
"Nothing."
"PAKITA NGA," Sabi ko agad habang tumatayo.
"No."
"Bakit?"
"Hindi mo kailangan makita."
Mas lalo akong naging curious.
"Emery..."
"Sit down."
"Mas lalo kong gusto makita."
Meanwhile, si Collie nasa gilid na nanginginig sa pagpipigil ng tawa habang todo iling sakin.
Parang sinasabing:
Don't do it, just don't.
Pero syempre matigas ulo ko.
"Baby, move."
"No."
"Move."
"No."
"Emery."
Bigla niya akong tinignan nang diretso.
"If you laugh," Mahina niyang bulong. "You're going to sleep outside."
Napalunok ako.
Oh.
Seryoso siya guys kaya mas lalo akong kinabahan. Ano bang klase yung art work niya di naman siguro ganun kalala?
Dahan-dahan akong sumilip at dun
tumigil ang mundo ko. Kasi apparently-
ako daw yung drawing pero parang ewan. Yung buhok ko mukhang instant noodles. Yung mata hindi pantay. Yung isang braso ko parang tinubuan ng second elbow.
At yung ngiti-
Lord parang kontrabida sa lumang horror movie.
Tahimik lang ako.
Tahimik na tahimik at pigil na pigil.
Nakita kong nanginginig na sina Collie at Callie sa gilid ko kakapigil tumawa.
Si Emery naman... sobrang pula na ng tenga.
"It's a abstract," Depensa niya agad.
At doon na tuluyang sumabog si Collie.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Tumalon pa siya sa rug kakatawa.
Si Callie naman napa-upo sa damo habang takang-taka pa rin.
"Mommy..." Humihingal niyang sabi. "Why is Mama Amor built like a spoon po?"
Napaubo ako.
"COLLIE!"
"IT DOESN'T EVEN LOOK LIKE A HUMAN PO!" Sabi ni Callie.
"CALLIE WALLS."
Meanwhile, si Collie literal na nakahawak na sa tiyan niya.
"Mama Amor looks like a fighting noodle!"
Hindi ko na kinaya kaya tumalikod ako habang takip ang bibig ko. Kasi tangina-
hawig nga.
"Amor."
Ramdam ko agad yung malamig na boses ni Emery sa likod ko kaya huminga ako nang malalim.
Don't laugh.
Don't laugh.
Don't laugh.
Don't laugh self please lang sa labas ending natin nito umayos ka.
Don't-
Pagharap ko sa kanya nakapout siya habang may paint pa sa pisngi niya na parang sinasabing pinagpaguran ko tapos tatawanan niyo lang.
At doon ako tuluyang natalo.
Napa-upo ako sa damuhan kakatawa.
"BABY I'M SORRY-"
"Unbelievable."
Subrang lakas narin ng tawa ni Callie will ganyan siya pag kami lang habang si Collie gumugulong na yata sa rug. Pero after ilang segundo...
Napalingon si Emery at biglang natawa rin mahina muna then tuloy-tuloy na yung totoong tawa. Yung klase ng tawang bihira lang marinig kasi usually composed siya. At habang nakatingin ako sa kanilang tatlo-
sa magulong sketchpads, sa snacks na nagkalat, sa artwork sa canvas na di ko maintindihan pero sincere ang gumawa...
wala lang.
Bigla ko na lang naisip.
Ah.
So this is what home feels like.
Mga ilang segundo nakabawi na kami at
tahimik na sana kaming apat, pero biglang may umubo sa likod namin.
Kaya napalingon ako-
At isa sa mga angel dito sa bahay ang nakatayo doon.
Tahimik lang siya, pero kitang-kita kong nanginginig ang balikat niya namumula rin ang mukha niya. At alam kong pinipigilan rin niya ang tawa niya.
Napatingin agad si Emery sa kanya.
Yung tingin na kayang magpa-resign ng empleyado.
Agad tumuwid si Ate Lene at literal na nag-peace sign habang pikit, kinakagat ang labi niya. Parang natatae tuloy siya.
Napakurap ako.
Si Callie napa-cover ng bibig, habang si Collie mas lalo na namang tumatawa.
"Speak," Malamig na sabi ni Emery.
"Ma'am..." Pigil na pigil pa rin ang tawa ni Ate Lene. Sobrang pula na rin ng mukha niya, parang pati paghinga pinipigilan rin niya. " Nandito po friends niyo."
At parang summon lang-
"AMOOOOOR!"
Napapikit agad ako.
"Fuck," Bulong ni Emery.
Mabilis siyang tumayo habang pilit tinatakpan yung canvas niya.
Too late.
Kasi parang bagyo nang dumating si Jasmine.
"OH MY GOD, ART SESSION?!" Sigaw niya habang tumatakbo papunta sa'min.
Sunod-sunod ding dumating sina Hana, Calista, Cassandra, Lara, at Margaret.
Napahinto si Hana pagtingin sa'min.
"Aww..." Napangiti siya. "Happy family."
Si Calista naman, diretso umupo sa picnic rug at kumuha agad ng chips.
"Ano ginagawa niyo?" Tanong niya kay Collie, kahit obvious naman.
"Art po," Proud na sagot ni Collie.
"Clearly," Bulong ni Cassandra habang nakatingin sa canvas ko.
Ngumiti naman si Lara sa gilid niya.
"Ang ganda naman nung kay Amor."
Alam niya agad na akong yun kasi May name sa gilid.
Tumango pa si Margaret.
"Very warm."
Napangiti ako nang konti. Then-
"TITA MARGARET, LOOK!"
Nanlaki agad ang mga mata ko. Loko tong batang 'to, pilit niyang pinapakita canvas ng mommy niya.
"No, Collie-"
Too late again.
Pinakita na ni Collie yung canvas ni Emery.
At doon...
doon natahimik lahat. As in, tahimik na dead silence.
Pero syempre, sila na 'yan.
Si Jasmine unang nagsalita.
"...What in the holy grail, Pork BBQ, Inihaw na Liempo, Chicken Inasal, Lechon Manok, Inihaw na Bangus, Inihaw na Tilapia, Inihaw na Pusit, Isaw, Betamax, Adidas, Ulo ng manok, Tenga, Isol, Bato-bato at Atay is THAT?" Mahaba at nakakunot-noo niyang tanong.
Napayuko agad ako. Tangina talaga pag siya nag-react.
"Pakita nga," Sabi agad ni Lara habang lumalapit.
Sinilip niya yung canvas. Then bigla siyang napaatras.
"Parang suspect sketch na galing sa witness protection program, pero plot twist-siya pala talaga ang may sala. Tapos habang naghihintay sa loob, nakaidlip lang saglit... paggising niya, 100 years na ang lumipas at listed na siya bilang historical artifact."
Tumawa agad si Calista sakanilang apat siya talaga ang parang Lara or Jasmine sa grupo nila.
Even Cassandra napaubo habang pilit tinatakpan bibig niya. Si Hana naman literal na napaupo sa damo kakatawa.
"WAIT LANG," Tawa ni Jasmine. "Bakit parang si Amor pag naging multo sa Quiapo?"
"Jasmine," Babala ko habang nanginginig na rin ako kakapigil.
Pero wala na. Tuluyan nang nagkagulo.
"Hindi-" Tawa ni Lara. "Mukha siyang natunaw na kandila!"
"Parang AI-generated but low budget or I should say low graphics!" Dagdag ni Calista.
"Hindi pantay yung mata!" Sigaw ni Hana.
"Bakit mukhang may sariling desisyon yung kaliwang braso?!" Dagdag ni Lara.
Si Collie tumatawa na parang wala nang bukas, habang si Callie seryosong seryoso pa ring nakatingin sa painting.
"Mommy," Mahina niyang sabi kay Emery. "Why is Mama Amor slightly triangle-shaped?"
At doon, tuluyan nang napayuko si Margaret sa kakatawa.
Even Cassandra napapikit habang pinipisil ilong niya para di mahalatang tumatawa na rin siya.
"WHO DID THIS?!" Sigaw ni Jasmine habang tumuturo sa canvas na parang crime evidence.
"Actually-" Simula agad ni Collie.
"Don't say it,"
Rinig kong Bulong ni Emery.
"It was Mommy po."
Tumatawa pa rin si Jasmine, pero biglang nagbago ang mukha niya pagkatingin kay Emery Bigla siyang umayos.
"Ahhh..." Tango siya agad. "Okay naman pala eh."
Napakurap kaming lahat.
"Kulang lang siguro sa..." Tumingin siya sa canvas. "...human rights."
"Shut up, Jasmine," Malamig na sabi ni Emery.
Agad tumahimik si Jasmine at nagtago sa likod ni Calista. Then umupo siya sa damo dahan-dahan.
Very soft.
Very demure.
Very mindful.
Pero kita kong nanginginig balikat niya kakapigil tumawa. Ako naman halos mawalan na ng hininga kakapigil din.
Kasi pag natawa ako-
Sa labas ako mamaya matutulog.
Agad akong tumikhim.
"So..." Pilit kong pagbabago ng topic habang iwas-tingin sa canvas. "Bakit nga ba kayo nandito?"
Pero maling move yata 'yon.
Kasi sumagot agad si Lara habang nakatingin pa rin sa artwork.
"Actually, wala na akong pakay."
"Same," Sabi ni Calista habang umiiyak pa sa kakatawa.
"Pwede na kami umuwi," Dagdag ni Hana.
"Mission accomplished," Tango pa ni Jasmine.
"Worthless people," Mahinang bulong ni Emery habang pulang-pula na ang mga tenga niya. At ewan ko ba-
mas lalo akong natatawa kapag nahihiya siya. Then suddenly-
"WAIT."
Napalingon kaming lahat kay Collie.
Seryoso siyang nakatingin sa canvas ni Emery.
"Mommy..."
"Hm?"
"You forgot Mama Amor's other elbow. To the other side, you put it on the same side."
At doon-
Kahit si Emery napa-cover na ng mukha niya habang lahat kami literal na tumatawa na, at halos gumulong na sa damuhan kakatawa si Collie.
Few minutes had passed na puro tawanan nag disisyon kaming
pumasok na sa loob.
Papasok pa lang kami sa loob alam ko nang wala nang katahimikan na matitira sa bahay.
"TABI KAYO, MGA MAHIHIRAP!"
Sigaw agad ni Jasmine habang dramatic na binubuksan yung sliding door kahit naka-open naman talaga.
"Hindi mo bahay 'to," Sagot ni Lara habang dumadaan.
Hindi na sumagot si Jasmine. Tuloy-tuloy na lang naglakad.
Napailing na lang ako habang pumapasok.
Sa likod namin, tahimik lang sina Callie at Collie pero halatang may binabalak dahil pareho silang nagbubulungan habang paminsan-minsang tumitingin kay Emery.
Dangerous.
Very dangerous.
Pagdating namin sa living room, automatic, nagkalat agad sila.
Si Calista, umupo agad sa couch katabi si Cassandra, Margaret. Si Hana, dumiretso sa kusina na parang siya nagbabayad ng bills. Si Lara, nakialam agad sa Audiophile System at naghanap ng music. Ako tumabi kay Emery At si Jasmine-
" Yaya Lara, can you get me a waw-tuh," Sabi niya gamit ang British accent kuno. Agad naman siya hinampas ni Lara ng unan.
"Aray ahh," Sabi niya. Inirapan lang siya ni Lara.
"Your fried," Sabi ni Jasmine.
"Diba po fired yun?" Nakakunot-noong sabi ni Collie.
"Tignan mo, mas may alam pa yung bata sayo," Sabi ni Lara habang nakangisi.
"Fried yun kasi prinito yang tita mo, pero yung kilikili lang nasunog," Sabi niya kaya tawanan na naman.
"Kahit tignan niyo pa" Sispensa ni Lara. Pero di siya pinansin ni Jasmine
"OH MY GOD, MAY BAGO KAYONG CANDLES." Gulat na sabi ni Jasmine.
"Wag mo galawin-"
Too late, Inamoy niya agad.
Then bigla siyang napaubo.
"Bakit amoy mayamang gubat?"
"Cedarwood," Walang emosyon na sagot ni Emery habang naglalakad papunta sakin.
"Hindi ko alam yun, pero parang may CEO na nagchi-cheat."
Napahawak na lang ako sa noo ko.
Inirapan naman siya ni Emery.
Meanwhile, si Collie, naka-upo sa carpet habang kinakalikot yung art supplies niya. Himala nga at 'yan ang binuhat niya, hindi yung mga pagkain.
"Mama," Tawag niya sakin.
"Hm?"
"Pwede bang i-burn natin yung painting ni Mommy?"
"COLLIE," Sita ko.
"What? For world peace po," Dagdag niya.
Napatawa agad si Lara at Jasmine habang si Emery literal na natigilan at dahan-dahan siyang lumingon.
"Violence."
"Mommy, ikaw po unang nanakit sa art."
"Collie," Mahinang sabi ko habang nagpipigil na naman ng tawa.
Then habang magulo lahat, biglang nagsalita si Hana habang umiinom ng juice.
"So..." tumingin siya sakin. "Anong plano mo sa birthday mo next week?"
Napatingin agad sakin lahat. Even Emery, bahagyang napaangat ng tingin mula sa phone niya.
"Birthday mo po, Mama?!" Biglang sigaw ni Collie na parang ngayon lang niya nalaman concept ng birthdays.
Tumango ako.
"Yes, baby."
Nanlaki agad mata niya.
"WHY DIDN'T YOU TELL US?!"
"Hindi naman ako mahilig sa celebration."
"THIS IS IMPORTANT INFORMATION."
Tumayo pa siya sa couch na parang magbibigay ng speech.
Si Jasmine, napa-clap.
"True. Dapat may press release."
"Breaking news," Dagdag ni Lara. "Tumatanda na si Amor. Kunti na lang, literal na wala na siya sa kalendaryo."
"Lara."
"Gracefully old," Singit ni Margaret.
Or I should say ATE Margaret kaso ayaw niya kaya Margaret nalang.
"Mas matanda ka kaya sakin."
"Hindi yun ang point," Dagdag niya.
Napailing na lang ako habang inaayos ang sarili.
"Wala naman akong plano talaga-"
"MOMMY."
Napalingon kami lahat kay Collie na seryosong nakatingin kay Emery.
"Mhm?" Walang emosyon na sagot ni Emery habang nagta-type sa phone.
"Can we go outing for Mama Amor's birthday po?"
Then mabilis agad akong umiling.
"No need, baby-"
"Yes po."
Napakurap ako.
Dahan-dahang napaangat ang ulo ni Emery habang kalmado siyang nakatingin kay Collie.
"Yes, we can."
Sa una, literal na tahimik pero syempre-
"AAAAAAAAAHHHH!"
Biglang tumalon si Jasmine.
"OUTING!"
"ROADTRIP!" Sigaw ni Lara habang hinahampas yung throw pillow.
"BEACH EPISODE!" Dagdag ni Calista.
Si Hana, natawa na lang habang umiinom ng juice.
Si Collie meanwhile, parang nanalo sa election.
"WE WON."
"Anong we?" Tanong ni Hana.
"Family democracy."
"Dictatorship yarn," Bulong ni Lara habang nakatingin kay Emery.
Bigla na lang akong napa-upo nang maayos.
"Wait lang...seryoso ba kayo?"
"Siyempre!" Sagot agad ni Jasmine. "Birthday mo tapos wala tayong gagawin na matino? Ano tsyo? Government?"
"Tsaka deserve mo naman," Dagdag ni Hana habang nakangiti.
Napakamot na lang ako sa batok.
"Hindi naman kailangan gumastos-"
"Too late," Sabay-sabay na sabi ni Hana, Jasmine, at Collie.
Napalingon ako kay Emery. Tahimik lang siyang nakaupo habang my pinipindot sa phone niya.
Calm.
Composed.
CEO aura. Then-
"Booked," Sabi niya.
Dead silence.
"ANO?!" Sigaw ko. Nanlaki mata ko.
"Emery-"
"Private resort," Walang emosyon niyang sabi habang tumitingin sa phone. "Three days."
"THREE DAYS?!" Sigaw ni Lara.
"May pool po?!" Sigaw ni Collie.
"Yes."
Biglang nagsalita yung pinaka tahimik sino pa kundi si Callie.
"May pagkain po?!" tanong niya.
"Obviously."
"May aircon?"
"Jasmine, bakit ka pupunta sa outing para mag-aircon?" Tanong ko.
"Comfort matters." Sagot niya.
"So pupunta talaga tayo?" Dagdag niya.
"Yes" Sabi ni Emery.
At bago pa ako makapagsalita, biglang tumalon sina Jasmine, Lara, at Collie sabay lapit sakin.
"OUR BIRTHDAY CELEbrANT!"
Tapos nagulat ako sa sumunod na ginawa nila. Literal na binuhat si Collie at tinaas-taas.
Napahawak agad ako sa noo ko.
"Hoy!"
Walang nakinig.
"LONG LIVE THE CHILD!" Sabi ni Jasmine.
"SALAMAT SA BASBAS NA VACATION LEAVE SAMIN!" Lara.
"MORE PO PLEASE!" Sabi naman ni Collie.
"HOY, IBABA NIYO 'YANG BUNSO KO!" Natatawa kong sigaw habang nakatayo na. "GINAWA NIYONG SANTO NI?O!"
Mas lalo lang silang natawa.
Medyo kinakabahan ako sa ginagawa nila pero syempre lamang yung tawa.
"VIVA PIT SENYOR!" Sigaw ni Jasmine habang binubuhat si Collie pataas.
"Taas mo pa!" Sigaw ni Lara.
"Mommy Amor, I ascended!" Dagdag ni Collie.
Meanwhile si Callie, tahimik lang nanonood.
Then seryoso siyang pumalakpak.
"Beautiful ceremony."
"THANK YOU," Sagot ni Jasmine habang umiikot pa sakin.
"ATE JASMINE, NAHIHILO PO AKO-"
"Faith will guide you."
"Ibaba niyo yan bago ka ma-excommunicate."
Si Hana, literal napaupo na lang sa sahig kakatawa habang si Calista, Emery, at Margaret mukhang nag-aalala pero 'di naman pinipigilan ang dalawa.
Even Cassandra, na kakapasok lang ulit sa sala, napahinto.
"Bakit binubuhat si Collie?"
"Religious event," Sagot agad ni Lara.
Tumango pa si Collie.
"She is the chosen one," Dagdag ni Jasmine. At doon-
"Amor!" Sigaw ni Jasmine habang buhat pa rin si Collie. "Bless us!"
"Please grant us safe travel and unlimited pagkain po!" dagdag ni Collie.
"Mga loko dapat si Emery ang ialay niyo." Singit ni Hana.
"VIVA PIT SENYOR!" Sigaw nila.
"VIVA PIT SENYOR!"
"VIVA PIT SENYOR!"
Meanwhile, si Callie, seryosong nakatingin sa nangyayari. Then mahina niyang tanong kay Calista:
"Are adults usually this unstable po?"
Tumango si Calista.
"Yes, sweetheart. Rspecially those two."
"TAMA KA DIYAN MOMMY!" Sigaw ni Jasmine habang iniikot nila si Collie.
"Mama!" Tawang-tawa si Collie habang nakataas kamay niya. "I am flying!"
"Baby, bumaba ka na bago ka maging insurance problem!" Sagot ko agad.
Napatingin ako kay Emery for backup, pero imbes na pagalitan yung dalawa, kita ko ring namumula na siya kakatawa, which is iba talaga ngayon kasi talagang pinapakita na niya sa lahat. At ang tatlo naman na may collective kabaliwan, patuloy lang.
Callie's POV:
I have come to a very important conclusion that adults are weird, not normal weird, but advanced weird.
Like scientifically concerning weird, something like that.
I think adults are very fascinating creatures. Not in a smart way. More like in a "how are you people legally allowed outside?" kind of way.
I just sat quietly in the armchair while watching Tita Lara and Ate Jasmine walk around the living room while holding Collie as if they had won the lottery, the election, and a religious war at the same time.
" AMOR, BLESS US!"
"MAMA GRANT US MORE FOOD!"
"UNLIMITED LECHON PLEASE!"
"MORE PO PLEASE!"
"UNLIMITED BUFFET CUTIE!"
Collie, was laughing while still holding both of her hands up as if she were participating in their ritual.
Honestly...
they all look mildly possessed.
I blinked slowly.
Interesting.
Very interesting.
Meanwhile, Mommy Emery was holding her stomach and laughing, while Mama Amor looked like she was about to lose her soul, holding back laughter and panicking simultaneously.
Humans are incredibly loud.
My eyes slowly moved toward Tita Lara and Ate Jasmine again.
I think...
those two really enjoy doing stupid things with Collie.
Actually, no.
Correction.
They encourage each other like raccoons finding another raccoon near a trash can.
A very dangerous combination. And somehow, every time those three are together-
something chaotic always happens.
Last week, they almost started a water fight inside mommy's office.
The week before that, they argued whether penguins have knees.
And one time-
they tried teaching Collie how to 'dramatically faint.' Which, unfortunately, worked too well.
Then suddenly-
my mind spoke:
Same brain function. Same behavior.
Will that make sense?
Then my mind spoke again:
Collie is weird too.
Don't say that.
My mind:
But she tried talking to a cat for thirty minutes.
The cat looked interested.
My mind:
She cried because the moon was 'following' her.
That's a reasonable concern for a small child.
My mind:
She asked if chairs get lonely.
Okay, that one was a little strange.
Still, she's my sister.
My mind clearly didn't care.
She tried to microwave ice cream because it was 'too cold emotionally.'
Fair point, but still rude.
She also ate paper once.
That happened only one time.
She asked if clouds have bones.
Curious children ask questions.
She tried to fight a rooster.
The rooster started it. Also, stop talking stuff behind her back.
My brain went quiet for 3 seconds. Then-
She won't know anyway.
My eyes narrowed slightly.
That sounds morally suspicious.
Before I could mentally argue again-
biglang lumingon si Collie sakin habang nakabuhat pa rin siya kay Ate Jasmine and Tita Lara.
Eksaktong diretso.
It's like there's a psychic connection.
Nanlaki pa ang mga mata niya.
"CALLIE!"
I froze. Then I slowly turned to the window.
See?
She was built different.
Normal children do not detect judgment through eye contact alone.
My mind: That is advanced evolution.
"Mama!" Sigaw ni Collie habang nakaturo sakin. "Look at Ate Callie!"
"What?" I asked, acting like I'm not talking to myself about her.
"Why do you look like that?"
"This is my face." I said
"Your face looks emotionally tired," She said.
That was offensive.
My mind: Accurate.
But offensive.
"Tingnan mo!" Sigaw ni Tita Lara. "Kahit si Callie, jinajudge na tayo!"
"She always judges us," Sagot agad ni Collie. "Tahimik lang siya."
That is not true. Sometimes, I judge loudly in my head.
Mas tahimik lang bibig ko because I respect peace.
And because every time adults become too energetic, something breaks.
Usually furniture or dignity.
Mostly dignity.
Collie suddenly jumped down and ran straight towards me.
"Ate Callie!"
I immediately held both her shoulders before momentum could destroy us both.
"What?"
"Mama said I'm insurance problem!"
I stared at her for a few seconds.
"...You kind are."
"ATE NAMAN EHH!" She said before going back to Tita Lara and Ate Jasmine.
I leaned back silently as I watched them all.
Tita Lara was still laughing like a cartoon villain. Ate Jasmine looked one scream away from collapsing. Collie, meanwhile, was already running around the sala again like she recently escaped captivity.
What can I say she's a dangerous child.
Very dangerous child.
And yet-
when my eyes landed on Mama Amor, everything became quieter.
Nakatawa lang siya habang pinapanood silang lahat.
Soft. Warm. Yung tipong kahit magulo ang paligid, parang nagiging tahimik pa rin somehow pag nandyan siya.
I stared at her for a few seconds.
Then quietly...
I smiled a little.
I'm just thankful Mama Amor is around. I love her so much. Everything feels complete when she's here.
The house feels lighter, warmer, happier.
Sa totoo lang, I don't really understand loud people or chaotic people or whatever Tita Lara and Ate Jasmine are.
But Mama Amor... she makes them easier to understand. Because when she laughs, everybody laughs harder. When she smiles, everyone looks calmer after.
Even Mommy Emery.
Especially Mommy Emery.
My eyes slowly moved toward Mommy, na tahimik lang nakatingin kay Mama Amor habang may maliit na smile sa labi niya.
There it is.
That look again.
That very specific look adults get when they love someone too much.
Interesting.
Terrifying a little.
But interesting.
I'm happy my mommy is now happy because she deserves it.
I'm just enjoying what I'm seeing. Then suddenly-
"Ate Callie!" Sigaw ni Collie habang tumatakbo ulit papunta sakin. "Do you think Mama Amor is secretly magical?!"
I stared at her.
Then tumingin ulit ako kay Mama Amor.
Tahimik siyang tumatawa habang pilit inaawat sina Ate Jasmine.
The whole room literally revolved around her without her even trying.
Honestly?
Yes, maybe a little.
"She is" I said and smiled a little.
Mama Amor suddenly looked at us.
Then she smiled.
And somehow, that small smile made something warm spread quietly inside my chest.
So I smiled too.
Bigger this time.
Not because I meant to.
It just happened naturally.
Like my heart already knew how to respond whenever she looked at me like that.