CHAPTER 36 Shoutouts!!!
Seraphine's POV
Five days after ng pinaka-chaotic family art session na parang barangay assembly na may halong daycare at mental hospital...
Ito kami ngayon.
Nasa sala.
Nagpaplano para sa outing sa Friday.
At honestly?
Feeling ko mas safe pa ata sumama sa mga taong nagha-hiking sa active volcano kaysa samin.
Yesterday was my birthday.
Simple celebration lang daw.
'Simple.'
Which apparently means:
Tatlong beses nag-away sina Jasmine at Lara tungkol sa playlist.
Si Hana muntik makasunog ng dahil sa hotdog.
Si Collie umiyak dahil nahulog yung icing ng cake.
Si Cassandra na panay ang hawak sa dede ni Calista na parang life support niya, na muntik na iyakan ni Jasmine, pero syempre wala siyang magagawa kasi buntis.
FLASHBACK
Today is my birthday. Simple lang naman ang handaan, at kami-kami lang kasi sabi ko sakanila, di ako papayag na may outing pag magarbo ang gagawin nila. At ngayon, napapaisip talaga ako kung tama ba na pumayag ako maghanda kami.
Bigla akong nakarinig ng sigaw ni Jasmine kaya mula sa kusina, pumunta ako sa sala.
"HOY ATE CASSANDRA!" Sigaw niya.
Napatingin ako kay Cassandra.
Kalmado lang siyang kausap ang minamahal ko. Nakaupo siya sa sofa habang ang mga kamay ay...
Walang kahihiyang nakahawak sa dibdib ni Calista na parang stress ball.
Habang si Calista naman, mukhang tanggap na lang ang kapalaran niya sa buhay.
"ATE CASSANDRA!" Sigaw ulit ni Jasmine habang naka-pout. "AKIN YAN!"
Napatingin si Cassandra sa kanya.
Then she smirked.
Oh no. That smirk always means war.
"She was mine first," Sabi niya nang sobrang kalmado. "Before becoming yours."
Tahimik ang buong sala.
Ako?
Lumapit kay Emery, parang gusto ko rin ng stress ball. Nakaka-stress kasi sila.
"Ano ibig mong sabihin na yours?!" Sabi ni Jasmine. "Bakit hindi si Lara hawakan mo?!"
Mula sa dining area, sumigaw si Lara habang kumakain ng cake:
"AYOKO MADAMAY DIYAN!"
"Eh kayo naman ang mag-jowa!" Sigaw ni Jasmine.
"RESPETO NAMAN SA SPAGHETTI KO!" Sabi ni Lara.
Samantalang si Cassandra?
Mas lalo pang lumapit kay Calista.
Naparang nang-aasar intentionally.
"Ouch, don't be so hard," Sabi ni Calista nang pisilin ni Cassandra.
Buti na lang talaga nasa kusina yung mga bata.
Plak.
Agad naman akong napalingon kay Emery dahil nakatanggap ako ng tampal mula sakanya. Tinignan naman niya ako nang masama.
"Aray, bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"You want Calista's boobs too," Bulong na tanong niya. Agad naman akong umiling.
"Then don't look," Sabi niya.
Agad naman ako nakaisip ng kalokohan.
"Tong iyo na lang hawakan ko. Malaki naman na si Collie at Callie, ehh, si baka pwedeng akin nalang" Sabi ko habang naka-ngiti.
"Be pregnant with our baby first and I'll let you."
Agad naman akong napasimangot.
Di na lang ako sumagot at tinitigan na lang siya. Rinig ko pa rin ang dalawa.
"Selos ka?" Tanong Cassandra.
"OO!" Sagot ni Jasmine.
"Cute," Sabi ni Calista.
"WAG MO AKONG CUTE-CUTEHIN!"
Napatingin ako kay Jasmine kasi hindi naman sinabi ni Emery na wag siya tignan. At dito na nagsimula yung pinaka-dramatic na tantrum ng taon. Humiga si Jasmine sa sofa. Nagdadabog.
Tumingin kay Calista na parang inaapi ng mundo.
"MOMMYYYY!"
Napapikit ako.
"Hayaan mo na," Mahinang sabi ni Calista habang tumatawa. "Buntis kasi siya."
Biglang tumahimik si Jasmine.
Slowly siyang napaupo, pero
naka-pout pa rin.
Tapos tumingin kay Calista na parang may naisip na napakagandang business proposal.
Then-
"EDI BUNTISIN MO RIN AKO, MOMMY!"
Kakapasok lang ni Lara at naibuga niya yung juice na iniinom niya.
Literal na tumalsik.
"PUTANGINA, JASMINE?"
Mula kusina, sumilip sina Hana, Collie, at Callie.
"Anong nangyari?" Tanong ni Hana habang may hawak pang cupcake sa magkabilang side nakita ko pang kinagat ni Collie ang isa.
Si Callie naman, mukhang genuinely curious.
"WALA!" Sigaw ko.
Agad naman silang bumalik sa ginagawa nila.
"Are you sure about that, baby? I mean, kahit one thousand times pa tayo magpa-IVF, I'm willing to spend millions," Sabi ni Calista. Agad naman napalunok si Jasmine.
"I hope the baby won't look like you, Jasmine. I mean, Calista already suffering with you. What more if she have another you, right?" Sabi ni Cassandra habang naka-smirk.
"ATE CASSANDRA, TUMAHIMIK KA!"
Si Calista naman, sobrang pula na ng mukha kakatawa habang hawak noo niya.
Tapos bigla akong sumingit kahit na hindi talaga nakakatulong sa kahit anong sitwasyon ang mga sinasabi ko.
"Calista?" Tawag ko.
"Ano yun?" Sabi niya.
"Pag nabuntis na din si Jasmine..."
Tumigil ako sabay tingin kay Cassandra.
"Saan na hahawak si Cassandra?"
At sa pangatlong pagkakataon-
Plak.
"Why is that your business?" Tanong ni Emery. Napa-peace sign na lang ako.
END OF FLASHBACK
"Okay, okay," Panimula ni Lara.
Serious planning daw for Friday.
Habang sa couch, parang mga may sariling magazine cover sina Emery, Calista, Cassandra, Margaret, at Callie.
Literal na seating pretty. Mga mukhang walang problema sa buhay.
Meanwhile, kami nila Lara, Hana, Jasmine, at Collie nasa carpet na parang mga batang pinabayaan ng guidance counselor.
Ako pa yung ginawang leader.
Bad decision.
"Sige," Sabi ko habang hawak yung notebook. "Magplano tayo nang maayos."
Tumango si Hana.
Tumango si Jasmine.
Tumango si Lara.
Si Collie ngumunguya lang ng chichirya habang nakahiga, pero yung mga paa nasa couch.
Already a bad sign.
"First," Sabi ko. "Food."
"Samgyup," Mabilis sabi ni Jasmine.
"Beach outing tayo, hindi sa restaurant lang," Sagot ni Hana.
"Portable grill."
"Portable ka dyan."
"Ano bang ambag mo?!"
"Beauty." Sagot ni Jasmine.
"Beast kamo." Sabat ni Lara.
Napahawak agad ako sa noo ko. Hindi pa kami tumatagal ng limang minuto, pero ganito na sila.
"Okay, next," Sabi ko agad bago pa sila magsabunutan. "Games."
Biglang nagsalita si Lara.
"Wag tayo magdala ng bola."
Lumingon lahat sa kanya.
"Bakit?" Tanong ni Hana mula sa couch.
Tahimik si Lara saglit bago sumagot.
"Kasi last time may batang muntik malunod."
Natahimik kaming lahat.
"...Ikaw yung bata?" Tanong ni Hana.
"HINDI."
"Sinong nalunod?"
"Yung may-ari ng resort."
"PAANO?!"
"Nauntog sa inflatable unicorn."
Tahimik ulit.
Si Ate Margaret napatingin sa kisame na parang ayaw na niyang marinig mga boses namin. Actually, kahit ako nalito.
Si Ate Cassandra dahan-dahang umiinom ng tubig habang mukhang nagre-regret sa buong friendship namin, parang nagsisisi na nagpalahi siya kay Lara.
"Okay..." Sabi ko na lang. "No balls."
"Add ko lang," Biglang sabi ni Jasmine. "Wag rin tayo mag-videoke."
"Bakit?" Tanong ko.
"Last outing namin, nag-break yung mag-jowa sa kabilang cottage dahil kay Lara."
Napalingon ulit kami kay Lara.
"ANONG GINAWA MO?!" Tanong ko kasi di kami nakasama nun.
"Kinanta ko lang 'Before He Cheats.'"
"BAKIT MAY UMIYAK?!"
"Di ko rin alam. Jan kay Lara pati yung nanay ni ate girl umiyak." Sabi ni Jasmine.
"BAKIT PATI NANAY NUNG BABAE UMIIYAK?!" Tanong ko.
"Kasi dinamdam rin niya yata. Like mother, like daughter," Sabi ni Lara.
Humiga na ako sa carpet.
Ayoko na.
Meanwhile, si Collie tahimik lang nagdo-drawing sa notebook ko.
Agad kong kinuha.
May drawing ng stickman na nasusunog.
"Collie..."
"Ako po yan kapag walang fried chicken sa outing." Sabi niya.
"Okay, kahit isang kahon pa," Sabi ko na lang.
Sa couch, si Ate Emery finally nagsalita.
"Let's have Manong Robert as our driver."
Tumango agad si Ate Calista.
"Yes. Para hindi tayo kabahan sa daan dahil sa driving skills nung isa jan."
Tahimik kaming nasa carpet.
Then sabay-sabay kaming napatingin kay Jasmine.
"Bakit kayo nakatingin sakin?" Defensive niyang tanong.
"Last time kasi," Sabi ni Hana, "Nawalan tayo ng side mirror."
"ACCIDENTE LANG YUN! Isa pa, paano ka nakakaatras SA PUNO NA NAKAPARK?!"
"PUNO YUN, JASMINE."
"Malay ko bang nandun siya?!"
"Di yun naka-park dun. Dun na talaga yun," Sabi ni Hana.
Si Margaret napa-facepalm na lang.
Si Cassandra mukhang gusto nang bumalik sa office niya.
Then biglang tumayo si Lara.
"Important question."
"Ano?" Tanong ko.
"Ano outfit theme natin?"
At doon tuluyang nasira ang meeting.
"PINK!" Sigaw ni Jasmine.
"BLACK!" Sigaw ni Hana.
"NEUTRAL!" Sabi ni Calista.
"COMFORTABLE!" Dagdag ni Cassandra.
"NO CROCS!" Sabi ni Callie.
Biglang napa-gasp si Collie.
"Ayaw mo sa Crocs?!"
"Ayaw, nakakatakot kaya," Seryosong sabi ni Jasmine.
Well, meron kasi siyang trypophobia kaya ayaw niya.
"TSINELAS NA MAY TRUST ISSUES AKO!"
"It's not tsinelas po, it's clog!" Sagot ni Collie.
"CROCS DEFENDER!" Sabat ni Lara.
"AT LEAST HINDI PO AKO NAGSUSUOT NG HEELS SA BUHANGIN!" Dagdag ni Collie.
"FASHION REQUIRES SACRIFICE!" Sabi ni Jasmine.
"EDI IKAW MAGSAKRIPISYO! WAG MO PO KAMI IDAMAY!"
Sa couch, si Emery tahimik, then dahan-dahan siyang tumayo.
"Kain na lang tayo."
At parang military command yun.
Biglang tumayo lahat.
Walang hesitation.
Walang reklamo.
Walang tanong.
Kasi sa pamilyang 'to...
Food lang talaga ang kayang magpatigil ng chaos.
HOURS HAD PASSED.
Natapos namin kumain, back to literal na parang palengke na naman yung sala namin.
May sumisigaw.
May nakahiga.
May nag-aaway.
May nagde-debate pa rin tungkol sa crocs.
"Hindi talaga siya aesthetically pleasing!" Sigaw ni Jasmine habang nakaturo kay Collie.
"EH BAKIT YUNG MUKHA MO PO, PLEASING PO BA?!" Balik ni Collie.
"EXCUSE ME?!"
"ENOUGH," Sabi ko habang nagsusulat sa notebook ng mga kailangang dalhin.
Mga damit, first aid kit dahil kasama namin si Jasmine at Collie na may pagka-lampa. Then suddenly-
RIIIING.
Tumunog ang phone ko.
Hindi ko agad pinansin dahil busy ako magsulat habang sina Hana at Lara nag-aaway kung kailangan ba talaga ng portable speaker.
"Kailangan yun para sa vibes."
"Last time, nagka-vibes nga tayo pero may barangay complaint."
Then narinig ko si Collie.
"Mama, may tumatawag po. Hermosa ang name."
Hindi ko agad tinaas ulo ko.
"Answer it na lang, baby," Sabi ko.
Which is BIG mistake.
Biglang napaangat si Jasmine.
"LOUDSPEAKER MO, BEH!"
Tiningnan ko siya nang masama. Yung tingin na dapat enough na para tumahimik siya.
Pero si Jasmine 'yan kaya mas lalo pa siyang lumapit.
"Curious lang ako."
"Chismosa ka," Sagot ko.
"Same thing," Sabi niya.
Before ko pa maagaw phone ko-
Nasagot na ni Collie kaya hinayaan ko na. At naka-loudspeaker pa talaga.
"HELLOOOOO PO," Sigaw niya agad. "This is Collie Cutie from the land of crocodiles and a billion-dollar missing fortune. Sino po 'to?"
Natahimik ang buong sala. Even Emery slowly looked up from her laptop.
Then mula sa kabilang line...
Tumawa yung caller.
Mahinahon. May halong amusement.
"Hola," Sabi ng babae sa kabilang side. "Can I speak to mi amor?"
Biglang napa-frown si Collie.
Slowly, napatingin sakin nang masama.
Very judgmental.
Parang tiny bodyguard.
"Sorry po," Seryoso niyang sabi, "But mama is not available."
Tumango pa siya habang nagsasalita kahit di naman siya nakikita.
"Also, she already have a girlfriend."
"Hey" Sabi ko. Kasi medyo masungit na ang boses niya.
Pero tuloy-tuloy lang siya.
"Or I should say po, future wife."
"COLLIE-"
"With two kids."
"Pati inakay, selosa?!" Sabi ni Jasmine. Nag-shh sign lang si Collie.
"Two dogs."
Si Hana natawa na agad.
"Two cats."
"Two birds."
Si Lara nag-cross arms. "Bakit parang may zoo ka, Amor?"
"Two rabbits."
Si Margaret, tahimik na lang, napatingin sa malayo.
"And plenty of cockroach in the warehouse in our old house po."
Tahimik.
Literal na tahimik.
Then biglang tumawa ulit yung nasa kabilang linya.
Yung tawa na tipong hindi na makahinga.
"Alright, darling," Sabi nito habang tumatawa pa rin. "I got it."
Meanwhile, si Collie proud na proud sa sarili niya.
Kala mo successful FBI negotiation ang ginawa niya.
"But can you tell your mama to call me if she's not busy?"
Huminga nang malalim si Collie, parang nawawalan na ng pasensya. At dahil dun inagaw ko na yung phone.
"Hello, Tita-"
The entire room exploded.
"SI TITA TERE PALA!" Sigaw ni Lara.
"AY TITA PALA?!" Dagdag ni Hana.
"AKALA KO KABIT ARC NA, SAYANG READY NA AKO MANOOD!" Si Jasmine.
"DISAPPOINTING," Dagdag ni Calista habang umiinom ng juice.
"Hoy!" Sigaw ko habang namumula ang mukha ko.
Meanwhilea sa phone, tumatawa pa rin si Tita.
"My God, Amor," Sabi niya. "Parang reality show 'yang bahay niyo."
"Hindi po," Sagot ko habang naka-glare pa rin kay Collie. "Mas malala po."
"Wait, I need to talk to someone," Sabi ni Tita tapos nag-mute.
Meanwhile, si Collie hindi pa rin tapos. Lumapit pa siya sakin.
"Mama."
"Yes?."
"Approved ba yung two rabbits?"
"WALA TAYONG TWO RABBITS."
"I know, but can we buy two..." Sabi niya sabay pout. Napatingin naman ako kay Emery at tumango siya.
"Okay," Sabi ko.
Nag-yes naman siya sabay kiss sa cheeks ko.
Then lumingon siya kay Jasmine.
"Ate Jasmine, pwede po ikaw na lang maging rabbit."
Halos mabulunan si Jasmine.
"BAKIT AKO?!"
"Kasi po, malik both front teeth mo po."
"Loko 'to. Wala talagang preno bunganga mo, eh no."
Then biglang sumingit si Lara.
"Wait, bakit ako walang role sa imaginary family?"
Napaisip si Collie.
"You're the problematic auntie."
"ANG SPECIFIC."
"Na mahilig mang-away."
"MAS SPECIFIC!"
"Na minsan mukhang wanted sa airport."
"HOY?!"
Dahil sa sinabi niya, even Callie natawa na. Yung actual na tawa.
"Ayan," Sabi ni Hana habang nakaturo kay Lara. "Napatawa mo na si Callie. Historical event."
"Document niyo na," Sabi ni Hana.
"Call National Geographic," Sabi ni Jasmine.
"Rare footage," Sabi ni Calista.
"Endangered smile sighting," Sabi ni Lara.
Napatingin naman ako kay Callie. Nakatingin lang siya sa kanila na parang inaaral niya sila isa-isa habang tuloy pa rin yung kaguluhan sa sala.
Few minutes had passed.
Si Jasmine at Lara nag-aaway na naman tungkol sa outfit theme.
"Pastel nga kasi, aesthetic!"
"Beach outing 'to, hindi gender reveal!"
Meanwhile, si Collie gumagawa na ng imaginary seating arrangement sa van gamit ang drawing sa notebook habang si Hana pinipigilan siyang ilagay sa bubong si Jasmine.
"Tita Hana, okay na po 'yan for fresh air," Sabi ni Collie.
"Hello, Amor. You still there?" Biglang salita ni Tita.
Kaya dahan-dahan akong tumayo dala yung phone ko.
"Sa garden muna ako."
"Sabihin mo kay Tita pa-ampon ako!" Sigaw agad ni Jasmine.
"Sabihin mo rin, Amor, uwi na siya. Di na ako galit, uwu!" Dagdag ni Lara.
"Sabihin mo size ng mga paa namin!" Si Hana.
"ALAM NIYA NA YUN," Sagot ko bago tuluyang lumabas ng sala.
Naririnig ko pa rin sigawan nila kahit nasa hallway na 'ko.
Sinandal ko sarili ko sa pader habang hawak yung phone.
"Tita, sorry about that," Sabi ko habang natatawa na nahihiya.
Tumawa ulit siya sa kabilang line.
"Okay lang. Mukhang masaya naman kayo d'yan."
"Minsan lang po."
"Sinungaling."
Napangiti na lang ako. For a few seconds, naging tahimik. Yung peaceful na tahimik.
Then nagsalita si Tita.
"How's life going, mi amor?"
Napatingin ako sa kisame saglit.
"Okay naman po," Sagot ko. "Magulo pero okay."
"Good. And happy birthday ulit."
"Thank you po."
Then naalala ko bigla.
"Ah, Tita..."
"Hm?"
"Kasi po... gumastos ako dun sa perang binigay mo." Nahihiyang sabi ko.
Tahimik saglit.
"Okay?"
"May binili po kasi ako nung birthday ni Hana..."
"Ano binili mo?"
Napakagat labi ako.
"Big bike po."
Literal na tumahimik siya kaya kinabahan ako.
Mula sala, may narinig akong sumigaw na:
"Tita Jasmine, sa gulong ka na lang po. Need ng stuff toy ko ng space!"
Then tumawa si Tita.
Yung mahinang tawa na parang expected niya na.
"Don't worry about it," Sabi niya. "Sayo yun."
"Pero-"
"Actually, I'm happy."
Napakunot noo ako.
"Po?"
"Because finally, ginagalaw mo na."
Tahimik ako saglit. Kasi totoo naman. Matagal ng nasa akin yun at halos di ko ginagalaw yung perang binibigay niya. Lagi ko lang tinatabi. As if natatakot akong gamitin.
"Hindi naman po kasi ako sanay..."
"I know."
Mahina lang boses niya pero ramdam ko yung lambing.
"You always act like you need to carry everything alone."
Napatawa ako nang mahina.
"Mana po ata ako sayo."
"Excuse me? Hindi ako ganyan."
"Tita, ikaw po pinaka-ganyan."
"Okay, fair."
Napailing na lang ako habang natatawa.
Then nagkwento siya tungkol sa work niya. Ako naman nagkwento tungkol sa buhay ko, about kay Emery at sa mga bata. Mostly about chaos.
"Hahahahahaha," Tawa ni Tita sa kabilang linya.
"Totoo po lahat 'yan, kaya pag mas may time ka po, Tita, ipapakilala kita kahit dito lang sa call. Pero mas maganda po sana kung sa personal," Mahabang sabi ko.
"You're right," Sabi ni Tita.
Mula sala, may biglang malakas na sigaw.
"HOY, WAG NIYO ILAGAY YUNG PUSA SA ECOBAG!"
Napapikit ako. Di ko na lang pinansin. After a while, nagtanong ako.
"Kailan ka po uuwi dito?"
"Hm?"
"Para mapakilala ko po si Emery."
Tahimik saglit si Tita. Then narinig ko yung mahinang hmm sa boses niya.
"Soon."
"Promise?"
"Promise."
Tumango ako kahit di naman niya nakikita.
"Okay po."
"And, Amor?"
"Yes po?"
"I'm happy for you."
Biglang naging tahimik ang paligid ko. Yung dibdib kong kanina magaan lang... Parang may kung anong kumurot nang mahina.
Hindi masakit pero may kakaibang feeling.
"Thank you po," Mahina kong sagot.
Then mula sala-
"AMORRRR!"
Napapikit ako.
"Ano na naman?!"
"SI COLLIE, IPAPAKASAL DAW YUNG MGA IPIS SA WAREHOUSE!"
"THEY DESERVE LOVE!" Sigaw ni Collie sa background.
Narinig kong tumawa ulit si Tita.
"Go save your family."
"Too late for that po."
"Fair."
Pareho kaming natawa.
"And, Tita, it's our family po," Dagdag ko.
"Yeah right. Anyways, I have to go. Say my regards to Emery and the kids, also your chaotic squad," Sabi niya.
"Sige po, Tita. Ingat."
"You too, mi amor."
"Bye po."
"Bye."
Pagkapasok ko ulit sa sala, parang wala akong iniwan.
Same chaos.
Same asaran.
Same sigawan.
Same energy na pwedeng maging dahilan para ma-ban kami sa subdivision.
Nakaupo pa rin sina Emery, Cassandra, Calista, at Margaret sa couch na parang mga CEO na pinapanod ang problema nila na kusang maayos.
Pagkaupo ko-
RIIIING.
Tumunog ang phone ni Emery, sinagot naman niya agad ito.
Tumahimik ang mga bata at isip-bata nakikinig lang, or more likely nakiki-chismis.
Then after a few seconds, tumayo siya.
"Office."
One word.
One threat.
One goodbye.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Now?" Tanong ko.
Lumapit siya, yumuko, then mabilis akong kiniss sa noo, pati ang mga bata.
"Urgent." Sabi niya.
At honestly?
Yung simpleng kiss na 'yon sapat na para patahimikin ang utak ko for three seconds.
Lumingon si Emery sa tatlo. Napa-bumuntong-hininga si Cassandra sa tabi niya.
"Fine. Sasama na rin kami."
Tumayo rin si Calista.
"Baka may kailangan."
Si Margaret tumayo rin na parang wala na siyang choice sa buhay.
"Apparently."
Five minutes later-
Wala na sila, and the moment na nagsara ang pinto parang may namatay na power generator. Literal na sobrang tahimik.
Then si Jasmine tumingin kay Lara.
"Anong gagawin natin?" Tanong niya.
Napabuntong-hininga si Lara habang nakahiga sa carpet.
"Ewan," Sabi niya sabay nag-dramatic pause.
"Nawala source of energy ko," Dagdag niya.
Napaangat agad ang mga kilay ni Hana.
"Ano si Cassandra? Araw?" Tanong ni Lara.
Tahimik saglit. Then-
"Mukhang oo po," Seryosong sabi ni Collie. "And she has two planets po."
Agad akong napalingon sa kanya.
"Collie," Banta ko.
Ngumiti lang siya. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. And I am choosing peace of mind.
Meanwhile, si Lara napatingin kay Hana.
"Yung sayo kasi..." Panimula niya.
Tumingin siya diretso sa kanya.
"Black hole."
Tahimik. Then si Hana napa-gasp.
"EXCUSE ME?!" Sabi ni Hana, offended.
Napailing nalang ako. Bigla namang sumingit si Jasmine.
"Guys..."
Tumayo siya may hawak na phone.
At may dangerous sparkle sa mata.
"Mag-live na lang tayo sa TikTok."
Oh no.
"Bad idea," Sabi ko agad.
"Exactly," Sagot niya.
Ten seconds later-
Live na kami.
Ako, si Lara, si Hana, si Collie, si Callie.
At si Jasmine na siya mismong nagtulak ng idea pero nasa gilid lang.
At first?
Zero viewers.
Literal.
"Wow," Sabi ni Lara. "Dapat sa account ko nalang."
"Di naman kasi real account 'yan," Depensa niya.
"Sabagay baka ma ban tayo pag sa real," Dagdag ni Hana.
"Valid," Sagot ko. Then-
1 viewer.
3 viewers.
Biglang napa-upo si Collie.
"Mama!" Sigaw niya sa akin.
"Ano?"
"Twenty na po!"
"Congrats?" Di ko sure na sabi kasi naman sobrang saya ng mukha niya, ang pangit naman kung okay lang sasabihin ko diba.
"Ate Jasmine, ano po yung W|W? Is it wowie-wowie po?" Inosenteng tanong niya. Pagka kita sa caption.
"It's Maui Wowie," Sabi ni Callie.
"It sounds like-" Sagot niya. Then inagaw niya halos yung phone.
"Let me do the shoutout po."
"Hi pooo I'm Collie Cutie!" Sigaw niya.
"Shoutout po kay Nikz! I don't know you po pero nagbagong-buhay ka na po!" Sabi niya. Sisitahin ko sana siya pero nakita ko ang mga 'hahaha' sa comments.
Then may nag-comment, agad naman binasa ni Lara.
Claire:
Hello Collie pwede pahawa ng saltik BWAHAHAHA
"Collie pahawa daw. Claire, itong si Jasmine ayaw mo di lang saltik hawa nito, malala pa kumbaga pag kinagat ka nito hindi sa hospital bagsak mo kundi sa mental," Mahabang sabi ni Lara.
"Hoy sabi lang ni Jasmine-" Napatingin ako sa kanya, napansin ko pagiging tahimik niya.
"Hello po kay ate Claire! Pwede naman po kaso limited edition po kasi yun, Do you have one million po ba?," Sabi ni Collie.
At sumabog ulit ang comment section.
"Continue Collie," Sabi ni Hana.
"Hello po kay ate Marie_sashi dapat po may mi!" Sabi niya.
"Ano yun sashimi?" Sabi Lara. Napailing nalang ako.
"Lara hayaan muna si Collie, lahat nalang may side comment ka," Buti nalang sinita na siya ni Hana.
Comments started flooding.
:Cute naman this kid.
:Ang hyper.
:Bahay niyo ba yan oh green screen.
: Paampon po.
:Pwede mag-apply baby girl mukhang close ka sa katulong sa gilid mo.
Agad naman kaming napatingin kay Lara.
:Hoy kung sino ka man gusto mo bang-
Then may pumasok na username.
PengMi joined.
Biglang tumigil si Collie.
"I think..."
Napapikit siya.
"I know that name, are you the one who buy me Icecream po?."
Napakunot noo ako. Bago ko pa matanong tuloy na ulit siya.
"Shoutout po kay shitaro_09! Miss mo na po siya, ikaw miss ka po ba?"
"Hoy Collie wag kang feeling close," Sabi ni Lara.
Lumingon lang si Collie at tumango.
"Hello ate AbbieAcain!"
AbbieAcain
:Pa bati Birthday ko!!!
"Birthday mo po? Asan po ang cake? Pwede po padala kayo dito?" Sabi ni Collie
"Hoy Collie, wag ka nga jan! Baka may Shanghai, send ko location namin." Sabi ni Lara habang tumatango sa screen.
"Isa ka pa, kantahan nalang natin si Ateng." Sita ni Hana.
"HAPPY NA BIRTHDAY !!! MO PA!!!
HAPPY NA BIRTHDAY!
!! MO PA!!!
HAPPY NA BIRTHDAY!! MO PA!
!!
HAPPY BIRTHDAY
ILANG TAΟΝ ΚΑ ΝΑ ?
?
ILANG TAΟΝ ΚΑ ΝΑ ?? " Kanta ni Hana at Lara habang si Collie naman ay gumigiling—pero yung pwet lang, tapos nakataas pa ang isang kamay.
If you know, you know. Hirap i-explain, pero nakakatawa talaga.
"Okay, tama na. Back to the ball game," Sabi ko.
"Hi Si_shamae!"
"Hello MigokimPuff-"
"HOY!" Sigaw ni Lara.
"Huminga ka naman!"
Huminga nang malalim si Collie.
Then tumingin sa camera.
"Okay na po."
Biglang may comment.
:Ang cute niya ??
"Alam ko!" "Alam ko po!" Sabay na sabi ni Collie at Lara kaya nagkatinginan sila.
Another one.
: Ang cute, twins ba sila?.
Tanong ng nasa comment. Napatingin naman ako kay Collie at Callie kahit nasa likod lang si Callie kita parin.
"Di po kuya, salamin po yan, kita niyo po," Sarcastic na sabi ni Lara.
Tawanan nanaman tuloy sa comment section.
:Ang kulit ng boses hahaha.
Then...
One comment appeared.
"May tinda po ba kayong yelo?" Basa ni Hana mula sa likod.
Tahimik. Then si Lara ang sumagot.
"Wala po."
Pero si Collie? Tumayo.
"Meron po."
"COLLIE-"
Too late.
Naglakad siya papuntang kitchen. Binuksan yung ref, kumuha ng yelo, sabay bumalik. At inangat sa camera.
"Cash or card po?"
Tahimik ang buong live. Then ngumiti siya.
"If card po..." Sabi niya.
"We only accept black card," Dagdag niya.
Biglang sumabog ulit ang comments.
:HAHAHAHAHA
:ANAK NG CEO YARN.
:PABILI AKO.
:Anong klaseng yelo yan 10 years bago matunaw.
Even kami tawang-tawa na.
Napahawak ako sa noo.
Then doon ko napansin si Jasmine. Tahimik lang siya nasa gilid. Halos braso lang ang nakikita....Wait. Napakunot noo ako.
"Sandali."
Napatingin siya sa akin.
"You."
"Ako?" Tanong niya.
"Ikaw nag-aya..."
Tinuro ko yung phone.
"Tapos di ka magpapakita?"
Tahimik siya. Then namula.
...Excuse me?
First time ko siyang makitang nahihiya. At honestly?
Historic event to.
Biglang ngumiti si Collie-her dangerous smile.
Oh no.
Dahan-dahan niyang tinapat ang camera kay Jasmine.
"COLLIE-"
Pagharap ng camera biglang nag-activate yung random live filter. At biglang nagkaroon ng giant bunny ears, pink cheeks, at umiikot na hearts sa ulo ni Jasmine.
One second of silence. Then-
The comments exploded.
:BUNNY GIRL ??????
:ATE ANG CUTE MO.
:PROTECT HER.
:NAHIHIYA SI ATE HAHAHA.
Pero mas natawa ako sa dalawang comments na nabasa ko.
: Hoy ikaw ba yung classmate ko?
: Ikaw nga! hoy Jasmine ginagawa mo jan nag-chachild trafficking ka na ba?
: Gage bat nandito kayo sa live Bogart at Jasmine tapos niyo na ba assignments natin?
: Di pa pakopya ako.
Napailing nalang ako sa dalawang username sa comment section. Bulgar talaga ang cheating nila.
At si Jasmine?
Literal na tinakpan niya ang mukha gamit ang unan habang sumisigaw-
"COLLIEEEEEEE!"
And honestly?
Twenty viewers?
Wala na kasi Hundreds na.
Hindi pa rin humuhupa yung
comments mas dumadami pa nga.
May mga nagtatanong kung kapatid ko raw ba si Collie. May nagsasabing ampunin na raw nila. May isang nagsabing-
Pa-order po limang kilong yelo.
Honestly?
Business opportunity yun. Then-
TING!
May pumasok na gift. Biglang napa-gasp si Collie.
"Mama!" Hampas sa akin ni Collie.
"Ano na naman?" Simpleng sabi ko.
"May gift po!" Sabi niya.
Napatingin ako sabay napangiti kasi kahit hindi malaki yung gift tuwang-tuwa siya.
At may comment na kasunod.
As_sim_fukiko
:Pa-shoutout sa family ko sa Japan ????
Biglang umayos ng upo si Collie.
Na parang business mode ulit.
"Okay po..." Sabi niya habang seryoso.
Then ngumiti.
"But if you give another gift po-" Dagdag niya.
Mula sa gilid, bumulong si Hana.
"Parang hindi anak ng CEO talaga."
Agad ko siyang tinignan.
Pero bago pa ako magsalita-
Si Callie, na kanina pa tahimik, nagsalita nang sobrang kalmado.
"Let her be po."
Natahimik kami. Si Hana napa-peace sign.
"Okay. Peace."
Biglang sumigaw si Jasmine.
"Ayan na! Nagbigay na ulit!" Sabi niya.
Nagliwanag ang mga mata ni Collie.
"Where's the names po?"
Si Lara lumapit sa phone.
"Nakita ko wait," Sabi niya sabay scroll sa comment.
Pinindot niya ang screen.
"Yan, pinned na," Dagdag niya.
"Okay po..." Sabi ni Collie sabay huminga ng malalim.
"Shoutout po sa Fukiko family from Japan."
Biglang napa-gasp si Jasmine.
"Wow!"
Tumingin siya sa camera yung hiya niya nawala na.
"Umabot na tayo sa Japan!"
Then proud siyang ngumiti.
"Sawadika... nanno... na kha?" Sabi niya. Napakunot noo naman ako.
Napa-facepalm naman si Hana.
"Gaga Thai 'yon," Sabi niya.
"Eh di sorry," Sagot ni Jasmine.
Meanwhile, si Lara tumikhim.
"Actually..."
Tumingin siya sa kisame na parang expert.
"Arigathanks gozaimuch don't itashimention it hisashi been awhile," Mahabang sabi niya.
Lumaki naman ang mga mata ko, nabibilib sa kanya kasi alam pala niya.
"Hontrue desu ka? It cannot be shouganai'd everything is daijoufine eatadakimasu gotta nigerundayo," Dagdag niya.
Napatingin si Callie sa kanya. Confused.
"What does it mean po tita?"
Napatingin si Lara sa kanya. Then nag-kibit-balikat.
"Wala lang keel ko lang," Sabi niya sabay flip hair.
Si Callie dahan-dahang tumingin sa malayo mukhang nire-rethink niya buong existence ni Lara.
Biglang sumenyas si Collie.
"Shhh po," Sabi niya nakaupo professionally.
Then si Jasmine ngumiti.
"Pwede ako mag-try mag-shoutout baby girl?" Sabi niya. Napatingin si Collie sa kanya then tumango.
"Yes po."
Tinignan ni Jasmine yung pinned comment. Tapos huminga nang malalim.
"Okay..."
"Hello po kay... Vina Saj Fukiko... Ma Ann Tot Fukiko... Mekuto Fukiko... Keena Mot Fukiko..."
Tumango pa siya habang nagbabasa.
Natigilan naman ako kasi parang may mali, or sadyang madumi lang iniisip ko.
Lumapit naman si Collie at binasa rin.
"Ate..." Mahina niyang sabi.
Then tinuro niya yung screen.
"Continue po..."
"May dalawa pa po oh..."
Tinutok niya daliri niya sa dalawang huling pangalan kaya napatingin ako.
"Mezu-" Hindi na natuloy ni Collie ang pagbabasa kasi agad kong tinakpan bibig niya.
"NOPE."
Bigla akong napatayo.
Narealize ko kasi na Fukiko family prank yung binabasa nila.
Demonyo talaga nung nag-comment.
Biglang napatayo si Hana.
"HOY!"
Nakaturo siya sa camera.
"May bata dito! Ang bastos nung nag-comment!" Sabi niya.
"Oo nga utang matanda lang to pero bata parin" Sabi ni Lara.
"Magbagong-buhay ka na!" Sabi naman ni Jasmine.
Comments exploded.
:HAHAHAHAHAHA"
:NABASA NA NILA ??
: Fukiko family hahahaha.
: Anlala mo boy may bata boy wag ganun boy grabe ka boy ang sama mo boy.
Si Jasmine, sobrang pula ng mukha.
"Owgag," Sabi niya tapos agad niyang pinatay ang live.
Click.
Tahimik. Literal. Then dahan-dahan siyang lumingon sa akin.
"Sorry..."
Mahina ang boses niya. Napabuntong-hininga ako then ngumiti.
"Okay lang, wala ka namang kasalanan."
Napabuntong-hininga ulit ako.
"Wag na lang muna tayo mag-live."
Tumango lahat. Pero si Collie di pa rin tapos.
"Mama?"
Napapikit ako.
"Yes baby?"
Seryoso siyang tumingin sa akin.
"Ano pong bad sa Family Fukiko?"
Tahimik saglit at ng di ako sumagot.
"Di pa po natin na-shoutout yung last..." Sabi niya.
"Si Namaga Fukiko ta-" Dagdag niya.
"COLLIE."
Sabay-sabay naming sabi.