CHAPTER 22

Vincenzo

I wonder how Dragoroth got tamed so easily by my beloved Rassia, when I struggled so much to tame him.

I almost died when Dragoroth tried to burn me with his fireball, luckily, I managed to escape his flames.

I couldn't even manipulate his mind to make him fear me.

I only managed to tame Dragoroth when I used my ability to drain his life force.

"Dragoroth, why were you so easily tamed by my beloved Rassia? were you perhaps captivated by her beauty?"

Tanong ko kay Dragoroth sa aking isipan. Dragons and their chosen masters can form a connection link that allows them to communicate through our minds.

"Oh God! ang ganda..."

Habang kontrolado ko ang paglipad ni Dragoroth, hindi ko naiwasang amuyin ang buhok ni Rassia sa aking harap. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang marinig ang kanyang mga mahihina at namamanghang reaksyon habang pinagmamasdan ang aming nadadaanan sa ibaba.

"Master, ang iyong minamahal ay hindi isang karaniwang mortal. May kapangyarihang natutulog sa loob niya. Noong una, ninais kong magwala nang maramdaman ko ito ngunit may iba pa akong naramdaman, Master."

"Ano?"

"She will be the master of my mate. I have been waiting for the one I will love for a long time, Master."

"What do you mean, Dragoroth?"

"Our kind can sense the master of our mate. The moment she touched my skin, a vision came to me. Ang iyong pinakamamahal na Rassia ay nakasakay sa napakagandang pulang dragon, Master. She was riding my mate. Hindi na ako makapaghintay na masilayan siya, Master."

Hindi na ako nagulat dahil kaya niyang paamuhin si Dragoroth, ibig sabihin lang nito ay kaya rin niyang paamuin ang ibang mga dragon.

I have long been aware that there is a dormant darkness within Rassia, ever since we were children. That is why my ten-year-old self was so afraid of her, lagi kong siyang iniiwasan dahil sa nakikita ko sakanya.

The moment I saw the darkness inside Rassia when we were young, I immediately told everything I saw to Master Fuegoleon. Nagulat ako nang tila wala lang kay Master ang mga sinabi ko. But then, he told me I am a dark mage.

"Ngunit, napapaisip ako, Master..."

"Why, Dragoroth?"

"Habang sakay niya ang napakagandang pulang dragon, ang ekspresyon ng pinakamamahal mo ay galit na galit at may mga luha sakanyang mga mata..."

Rassia

Ilang oras na yata akong nakangiti habang sakay ni Dragoroth.

Sobrang sarap pala sumakay sa isang dragon.

Hinahampas ng hangin ang aking kasuotan, mabuti na lamang at nagpasya akong itali ang aking buhok bago kami umalis.

Kaya rin pala ganitong uri ng kasuotan ang ibinigay sa akin ni Vincenzo.

Ngayon ko lang lubos na nasilayan ang kagandahan ng Vermeleyon.

Ang mga gubat na aming dinaraanan ay halatang inaalagaan nang mabuti, malulusog at makukulay ang mga puno, at may mga bahagi pa kaming nadaanan na tila hardin ng iba't ibang uri ng bulaklak na sabay-sabay namumukadkad sa makukulay na tono.

Lumipas ang limang oras bago ko unti-unting naramdaman ang pagbabago ng temperatura, ang paglamig ng paligid ay malinaw na senyales na narating na namin ang hilaga. Makalipas pa ang tatlong oras, may natanaw akong isang napakalaking estate sa di kalayuan.

Ito ata ang estate na pinamamahalaan ni Vincenzo. At dito rin siya umuuwi kapag narito siya sa hilaga.

"Baby… malapit na tayo. Prepare yourself."

Napalunok ako at bahagyang tumigas ang aking paghinga. Malapit na nga kami at sa ilang sandali lamang, makikita na ako ng mga tao.

Hindi ko maiwasang kabahan. Alam kong kahit dito sa north, kumalat na rin ang balita tungkol sa pagkawala ko.

I heard Dragoroth roared, as if warning the people below to prepare for the arrival of the Prince of Erenhal Sartorias.

"Baby, I heard there are also knights under House Quentin stationed here, searching for you. Any moment now, your father will find out that you're here." napalunok ako muli sa sinambit ni Vincenzo.

"Don't worry baby, I will be by your side." bulong ulit ni Vincenzo. Napangiti ako dahil doon, kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

Habang papalapit kami, napansin kong ang mga knights ay dali-daling humilera sa magkabilang panig.

Ang mga maids ay nagtakbuhan at binilisan ang kanilang mga kilos, at isa-isa na rin silang pumuwesto sa maayos na hanay.

Tila ba naroon ang biglaang pagkalito at kaba sa kanilang mga mukha habang naghahanda sa pagdating ng dragon at ng prinsipe.

Nang pagkababa ni Dragoroth, marahang humangin at bahagyang yumanig ang lupa.

Sabay-sabay na yumuko ang mga knights na nakahilera, ganoon din ang mga maids na agad sumunod sa maayos na pagkakatayo.

May napansin pa akong isang matandang lalaki na tila pinamumunuan ang mga nakahilera roon, at siya rin ay nakayuko nang buong paggalang.

Marahil siya ang estate steward.

Napansin ko rin ang mga knight na nakasuot ng gold and black armor, may lion sigil sa kanilang kaliwang dibdib. Agad ko silang napansin dahil sila ay mula sa House Quentin na ipinadala ng aking ama. Pinamumunuan ang hanay na iyon ni Commander Agostin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang commander na nakayuko.

Bakit siya nandito? Sa lahat ng mga commander, siya pa talaga ang napunta rito?

! Hindi ba puwedeng si Finn na lang? Alam kong makati ang dila ni Agostin at hindi magdadalawang-isip na sabihin kung ano man ang makita o marinig niya sa aking ama!

Pinilit ko na lamang pinakalma ang aking sarili dahil 'di ko rin talaga matatakasan ito.

Ramdam ko ang kanilang kaba sa presensya ng napakalaking dragon na nasa kanilang harapan, at higit pa roon, sa presensya ng prinsipe.

"The Blood Dragon! The Crown Prince! Vincenzo Amadeus Vacardi has arrived in the north!"

Kasabay noon ay may narinig akong tunog ng trumpeta. Tila pahiwatig iyon sa mga nasa malayo na dumating ang prinsipe.

Hindi pa nila ako napapansin dahil nananatili silang nakayuko. Nang bumaba si Vincenzo, saka pa lamang nila unti-unting itinaas ang kanilang mga noo upang bumati sa prinsipe.

"W-welcome to the north, Prince Vincenzo..."

Hindi sila pinansin ni Vincenzo, sa halip, sa akin niya ibinaling ang kanyang tingin at ngumiti. Inilahad niya ang kanyang kamay upang alalayan ako sa aking pagbaba. Mas lalo pang yumuko si Dragoroth upang hindi na ako mahirapang bumaba.

Nginitian ko ang prinsipe at tinanggap ang kanyang kamay.

Nang tuluyan akong makababa, agad kong napansin ang reaksyon ng mga nakahilera sa harapan namin.

May ilan na napakurap, tila hindi makapaniwala kung totoo ba ang kanilang nakikita.

Ang iba naman ay nakakunot ang noo, paulit-ulit ang paglilipat ng tingin sa pagitan naming dalawa ni Vincenzo.

Narinig ko ang sabay-sabay na singhap ng mga knights mula sa House Quentin. Maging si Commander Agostin ay halatang natigilan, dramatic pa siyang napahawak sa kanyang bibig at kinusot ang kanyang mga mata, tila sinusuri kung hindi ba siya namamalikmata.

"Is that Lady Rassia? Ang nawawalang anak ng Duke Quentin?"

"Pula ang kanyang buhok… marahil siya nga ang hinahanap na anak ng duke."

"Tunay ngang tila isang diyosa ang taglay na kagandahan ng panganay na anak ng Duke..."

"Bakit magkasama sila ng Mahal na Prinsipe?"

"Ang panganay na anak ng duke… naririnig kong isa lamang siyang sakit sa ulo."

"Siguro'y nagrerebelde lang dahil hindi napagbigyan."

Nagsimula na ang bulungan sa paligid nang mapansin nila ako. Napansin kong sumama ang tingin ni Vincenzo sa mga nagbubulungan, tila hindi niya nagustuhan ang kanilang mga usap-usapan. Bahagyang tumikhim ang matandang nasa harapan namin upang makuha ang atensyon ng prinsipe.

Nang makaalis si Dragoroth, the elderly steward stepped forward from the line, maintaining a respectful bow before slowly lifting his head. His posture was straight despite his age, his presence commanding yet composed.

"Your Imperial Highness, Crown Prince Vincenzo Amadeus Vacardi," he began, his voice firm and dignified, "welcome back to the northern estate. Everything has been prepared in anticipation of your arrival."

He placed a hand over his chest in deep respect before turning his gaze toward me.

"And… Lady Rassia of House Quentin, Your presence honors this estate. We are relieved to see you safe after the troubling news of your.... disappearance." he continued bowing once more.

Bahagya akong napatigil sa kanyang pagbati, ngunit agad kong inayos ang aking sarili. Itinaas ko ang aking baba at pinanatili ang isang mahinahong anyo, kahit na sa loob ko ay nag-uunahan ang aking mga iniisip.

"Maraming salamat," mahinahon kong tugon, sapat lamang ang lakas upang marinig ng lahat.

"Please, allow us to escort you both inside. The estate stands ready to serve Your Highness and our honored guest..."

Nang tumalikod ang steward, bigla akong inilapit ni Vincenzo sa kanyang tabi at marahang hinawakan ang aking bewang. Napatingin ako sa kanya, ngunit nanatiling seryoso ang kanyang mukha, deretso lamang ang kanyang tingin habang naglalakad papasok ng estate.

Narinig ko ang muling pagsinghap at ang mas pinalakas na bulungan mula sa paligid nang mapansin ng iba ang ginawa ni Vincenzo.

"Lady Rassia, wait!"

Napalunok ako nang marinig ang loko-lokong boses ni Agostin sa aking likuran.

Lumingon ako at nakita ko ang pagkakunot ng kanyang noo habang nakatutok ang tingin niya sa kamay ng prinsipe na nakapwesto sa aking bewang.

Maya-maya pa, unti-unti itong napalitan ng isang pilyong ngisi, isang ngising alam kong walang magandang sasabihin.

"Kaya naman pala nawala ka, Lady Rassia! Nakipagtanan ka pala!" walang hiyang sigaw ni Agostin, halatang hindi alintana kung sino ang makakarinig.

Napahinto ako sa aking paglalakad at mariing napatingin sa kanya, ngunit bago pa ako makapagsalita ay nagpatuloy na siya, tila lalo pang ginaganahan sa reaksyon ng mga tao sa paligid.

"Sa dinami-dami ng naghahanap sa'yo, kasama mo lang pala ang ating mahal na prinsipe," dagdag pa niya, may halong panunukso at pang-aasar ang kanyang tinig.

Narinig ko ang mas malakas na pagsinghap ng mga maids sa gilid, at maging ang ilang knights ay napatingin na rin sa amin, tila nag-aabang sa susunod na mangyayari.

"Ano ba, Agostin? Hinaan mo ang iyong boses!" mariin kong saway, pilit pinipigilan ang pag-init ng aking ulo. "Dahil sa'yo, kung anu-ano na naman ang magiging usap-usapan tungkol sa akin!"

"Lady Rassia, saan ka ba kasi nanggaling? Ano bang nangyari, dinukot ka ba o ano?" sunod-sunod na tanong ni Agostin, hindi maitago ang kuryosidad sa kanyang mukha. "Yari ka sa iyong ama… galit na galit iyon nang malamang ikaw ay nawawala."

Napapikit ako sandali, napabuntong-hininga, saka siya tinignan nang diretso. "Hindi ako dinukot," malamig kong sagot. "At lalong hindi ako bata para basta-basta mawala nang walang dahilan." tinaasan ko ito ng kilay.

"Ngunit, Lady Rassia, sana man lang ay nagpaalam ka..."

I rolled my eyes. "I know my father wouldn't have allowed it anyway."

"But—"

"Commander." Vincenzo cut him off, his voice carrying an authority that immediately silenced the air. "Lady Rassia needs to rest. She has just arrived after a long journey, and I will not have her interrogated the moment she sets foot in this estate."

"Whatever questions you have can wait. Whatever concerns you carry can be addressed later, at the proper time, and in the proper manner." matalim nitong sambit kay Agostin.

Napalunok si Agostin na napatingin kay Vincenzo. "I am only concerned, Your Highness. She is the Duke’s daughter, it is only natural to—"

"I have heard enough, let's go." hinawakan ni Vincenzo ang aking kamay at iniwan na nakatulala si Agostin.

Napagdesisyunan naming kumain muna ni Vincenzo.

At sinabi ko rin sa kanya na nais kong dalhin niya ako sa training grounds ng mga knights.

Gusto kong makita ang kanilang pagsasanay at kahit papaano ay magkaroon ng kaunting kaalaman bago ako magsimulang mag-sanay sa paggamit ng espada.

"Your Highness, say ahh…" kinuha ko ang isang kutsara na may pagkain at marahang inilahad iyon sa prinsipe. Ngumiti siya sa akin bago bahagyang lumapit, at buong galak na tinanggap iyon.

"Rassia…" sinenyasan ako ni Vincenzo na bahagyang lumapit. Napahinto ako sandali, bahagyang nagulat nang marahan niyang pinunasan ang gilid ng aking mga labi. Hindi ko napigilang mapangiti, at maya-maya'y pareho kaming napatawa sa hapagkainan dahil sa simpleng sandaling iyon.

Sa paligid namin, kapansin-pansin ang naging reaksyon ng mga kasambahay.

Ang mga maid na kanina'y tahimik lamang na nagsisilbi ay napahinto sa kanilang mga ginagawa, bakas ang gulat sa kanilang mga mukha.

May ilan pang napatingin sa isa't isa, tila hindi makapaniwala sa nasasaksihan.

Ang prinsipe, na kilala sa kanyang pagiging seryoso at mahinahon, ay nagpapakita ng ganoong kalambingan sa akin.

Ang iba nama'y agad na yumuko at umiwas ng tingin, pilit tinatago ang kanilang pagkagulat at ang mga ngiting gustong kumawala.

Ngunit kahit pilit nilang pinipigilan, dama ko ang kakaibang tensyon at kilig na kumalat sa buong paligid, na para bang ang simpleng kilos na iyon ay may mas malalim na kahulugan sa kanilang paningin.

Nandito na kami sa training grounds at nakapagpalit na rin ako ng kasuotang angkop para sa pag-eensayo.

Napagdesisyunan kong magsimula agad habang hindi ko pa nakikita ang aking ama.

Noong una ay tumutol pa si Vincenzo dahil baka raw pagod ako.

Natawa nalang ako sakanya dahil kailan pa nakakapagod ang pag-upo?

Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto ko.

Napapatingin sa akin ang ibang mga kabalyero, tila nagtataka kung bakit ako narito at suot ang kasuotang pang-ensayo. Mabuti na lamang at mabilis din silang bumalik sa kanilang ginagawa at hindi na nag-abalang magtanong pa.

Mukhang malalakas at mahuhusay ang mga kabalyerong nag-eensayo rito, bakas sa bawat galaw nila ang tibay ng kanilang karanasan.

Mahaba at matindi ang bawat labanan, na tanging natatapos lamang kapag may isa nang nagapi.

Pagkatapos ng bawat sagupaan, maririnig ang kanilang tawanan bago muling maghanda at bumalik sa pagsasanay.

Mabuti na lamang healthy ang environment dito, walang nagkakapikunan.

Hawak ko ang espada sa nanginginig kong kamay, pinipilit na itama ang aking tindig habang nakatayo sa harap ni Vincenzo.

"Relax, baby," mahinahon niyang saad, hawak ang sarili niyang espada. "Hindi ka lalaban para manalo agad. Lalaban ka para matuto."

Napabuntong-hininga ako at tumango. "Madaling sabihin, Your Highness… pero bakit ang bigat nito," reklamo ko at umirap, bahagyang ko ring ibinaba ang espada.

Bahagya siyang ngumiti at lumapit sa akin. "Because you're holding it wrong."

Hindi ako nakagalaw nang maramdaman ko ang kanyang presensya sa likuran ko. Marahan niyang inayos ang pagkakahawak ko sa espada, ang isang kamay ko'y itinuwid niya, habang ang isa nama'y inilagay sa tamang posisyon.

"Firm, but not stiff," bulong niya malapit sa aking tainga. "Hayaan mong sumunod ang galaw ng katawan mo, hindi puro lakas."

Napalunok ako at pilit na nag-focus. "Ganito?"

"Better," sagot niya. "Ngayon, subukan mong umatake."

Napakunot ang noo ko. "Huh? Aatake ako sa'yo?"

"Trust me, baby..." aniya, bahagyang umatras at itinaas ang kanyang espada. "Hindi kita kayang saktan."

Huminga ako nang malalim bago sumugod, dahan-dahan ngunit may pag-aalinlangan. Itinaas ko ang espada at sinubukang hampasin siya, ngunit sa isang iglap, napigilan niya iyon gamit ang kanyang espada.

Napaatras ako sa lakas ng impact.

"Too predictable," sambit niya, tila hindi man lang naapektuhan at natatawa pa. "Don't announce your move, baby."

"Eh paano nga?!" inis kong sagot, pero may halong tawa.

"Again."

Muli akong sumugod, sa pagkakataong ito, sinubukan kong maging mas mabilis. Ngunit sa bawat galaw ko, tila isang hakbang siyang nauuna. Parang sayaw ang laban namin, ako ang nagmamadali, siya ang kalmado.

Hanggang sa isang maling hakbang ko ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon. Sa isang mabilis na galaw, naitulak niya ang espada ko palayo at napunta siya sa likuran ko, ang dulo ng kanyang espada ay bahagyang nakatutok sa aking tagiliran.

"Dead," bulong niya.

Napasinghap ako, napatingin sa kanya sa gilid ng aking mata. "Ang hirap!"

Bahagya siyang tumawa at ibinaba ang espada. "Hindi kita tinuturuan para maging mahina, baby..."

Napabuntong-hininga ako pero napangiti rin. "Then teach me properly."

Tumingin siya sa akin, seryoso ngunit may lambing ang mga mata. "I am."

Muli niyang itinaas ang espada at umatras ng ilang hakbang. "Again."

"Again..."

"Again."

"Again, baby..."

Napahinto kami nang dumating si Agostin. Seryoso ang kanyang mukha, bakas ang pag-aalala habang tumingin sa akin. Tumaas ang kilay ni Vincenzo habang nakatingin kay Agostin.

"Lady Rassia," mahinahong sambit ni Agostin, "alam mo namang hindi pumapayag ang iyong ama na ika'y magsanay ng espada..."

"Alam ko. Gusto kong matuto, Agostin." diretsa kong sagot.

"Pero Lady Rassia, babae ka at marami kaming handang protektahan ka, hindi mo na kailangang mag sanay pa..."

Sasagutin ko na sana si Agostin nang bahagyang lumapit si Vincenzo sakanya. Napansin kong mas matangkad si Vincenzo kaysa kay Agostin.

"Commander Agostin, You are mistaken."

Napayuko si Agostin. "Your Highness?"

Tumingin si Vincenzo sa kanya nang seryoso.

"She is not weak just because she is a woman who needs protection," mariin niyang sabi, "and I do not agree with that assumption."

Bahagyang lumingon sa akin ang prinsipe, at mas lumambot ang kanyang boses.

"But I also believe Lady Rassia can protect herself."

Muling binalik ni Vincenzo ang tingin kay Agostin. "Protection is not something assigned by gender. It is something earned, learned, and chosen."

Nanatiling tahimik si Agostin, halatang nag-iisip, bago siya muling yumuko. "U-understood, Your Highness."

"You may leave," he said coldly but controlled. "I don't want any disturbance during our training. And I also don't want to see your face."

Agostin's eyes widened slightly. "Y-Yes, Your Highness…" he immediately bowed and quickly left the training grounds.

"Too meddlesome of a commander." mahina kong bulong.

Nang maiwan kaming dalawa sa gitna ng training grounds. Tumingin ako kay Vincenzo at nagbuntong hininga.

"Do you really believe that?" mahina kong tanong.

Tumingin siya sa akin na namumungay ang kanyang mata, "I wouldn't be training you if I didn't."

"Let's continue."

Patuloy ang aming ensayo ni Vincenzo at ng iba pang kabalyero. Ngunit napatigil kaming lahat nang biglang yumanig ang paligid, tila may paparating na higante o nilalang. Isa-isa ring nagkagulo ang mga maids, nagtakbuhan sila palayo habang nagsisigaw.

"Isang Mimic Beast ang papunta rito!"

"Maghanda kayo!"

Napatingala ako at nakita ko ang halimaw na papalapit sa direksyon ng estate. Malayo pa ito ngunit malinaw na papunta ito rito.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang anyo ng halimaw, mukha itong gorilla sa mundo ng mga ordinaryong tao, ngunit ang isang ito ay napakalaki at may apat na mata at anim na mga paa. Ang kaniyang mga mata ay kulay pula na nakatingin sa ibat ibang direksyon.

Mabilis na nagsitakbuhan ang mga knights palabas ng estate at humilera, agad na naghanda para labanan ang halimaw na paparating. Rinig ko ang sigawan at taranta ng mga maids habang isa-isa silang lumalayo sa paligid, pilit na hinahanap ang ligtas na lugar.

"Paano nila malalabanan iyan?! Ang halimaw na iyan ay may kakayahang manggaya ng mga mahika!"

"Huwag kayong gagamit ng mahika!" sigaw ng isa pang boses. "Hindi tatalab ang kahit anong mahika sa halimaw na iyan! Mas lalo lamang itong lalakas dahil kakainin lang nito ang lahat ng mahika!"

What?! A beast that can both copy magic and devour it to grow stronger? How are they supposed to defeat something like that when all that's here are knight mages! Napalunok ako sa aking mga narinig. Ngayon lang din ako nakakita ng isang halimaw!

"Fuck. What a pain in the ass," rinig kong bulong ni Vincenzo.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking mga pisngi, mariin ang tingin niya na parang sinusigurong magiging ligtas ako kahit ilang hakbang nalang ang layo ng halimaw.

"Stay here, Rassia. Ako na ang bahala…"

Tumango ako at hinawakan ang mga kamay niya na nakapatong sa aking pisngi.

"Mag-iingat ka," mariin kong sambit,

"As the Crown Prince, The Future Emperor of Erenhal Sartorias… don’t fucking die."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.