CHAPTER 23
Rassia
Pabalik-balik ako sa paglalakad dito sa loob ng estate. Hindi ako mapakali sa sobrang kaba at taranta habang pilit na nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin.
?Nandito ako ngayon sa pinakaligtas na bahagi, kung saan kitang-kita ko rin ang nangyayari sa labas. Huminto ako at muling sumilip sa bintana.
?Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang papalapit na ang halimaw. Ang lahat ng knights dito, pati na ang mga galing sa House Quentin, ay handa nang sumabak sa utos ni Vincenzo. Nakapalibot sila sa buong estate, nakaabang sa paparating na halimaw.
?Napatingin ako kay Vincenzo. Suot niya ang kanyang full armor at ang pulang kapa na sumasabay sa hangin. Itinaas niya ang kanyang kamay na may itim na magic circle, at maya-maya lang, lumabas doon ang isang mahabang espada na nababalot ng itim na mana.
Hawak lang ng mga knights ang kanilang mga espada. Fuck! Natataranta pa rin ako. Lalabanan nila ang halimaw gamit lang ang sarili nilang lakas at talim ng armas! Ayon sa mga naririnig ko, hindi tatalab ang kahit anong mahika sa halimaw na iyon!
?Nag-aalala pa rin ako kay Vincenzo. Kahit gaano pa siya kalakas, kayang kopyahin ng halimaw ang abilidad niya! Baka mapatay lang siya ng sarili niyang kapangyarihan!
Napapikit na lamang ako. I have to trust Vincenzo. My father is his master, so I know he's been trained well. After all, my father is the Great Swordmaster, and I know Vincenzo is just as skilled in battle.
Muli akong tumingin sa direksyon nila. Nang itaas ni Vincenzo ang kanyang kamay bilang senyales, agad na lumipad ang mga knight mages na may hawak ng air element. May dala silang mga pana at agad na pinasabugan ang halimaw.
?Dapat sana ay sasabog ang mga palaso pagtama sa target, pero hindi man lang ito bumaon sa balat ng halimaw. Umungal lang nang malakas ang nilalang at mas lalong binilisan ang paglakad papunta rito.
?Muling itinaas ni Vincenzo ang kanyang kamay, ang hudyat para sumugod na sila. Naghiyawan ang mga knights at sabay-sabay na nilusob ang halimaw, habang si Vincenzo ang nangunguna sa kanila.
Ang mga natirang knight mages naman ay biglang lumuhod at hinawakan ang lupa. Maya-maya pa, yumanig ang paligid at nagkaroon ng matatayog na pader na gawa sa lupa para harangan ang buong estate. Sila naman ang mga earth holders.
?Mabuti na lang at mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko pa rin ang nangyayari sa labas kahit napapalibutan na ng mga pader ang estate.
?Naniniwala akong kaya ni Vincenzo na patayin ang halimaw na iyon. He is a powerful dark mage!
?Sa ere, walang tigil ang pag-atake ng mga air holder gamit ang kanilang mga espada. Ang mga knights naman sa ibaba ay pinapaulanan ang halimaw ng mga pana at bomba, pero tila wala lang ito sa kanya at patuloy pa rin sa paglusob.
?Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang tumakbo ang halimaw. Fuck! Malapit na ito sa estate! May mga knights na hindi nakailag at natapakan ng halimaw! mukhang wala na silang buhay!
Tangina! paano nila ito mapapatay?!
Biglang naglaho si Vincenzo sa kanyang pwesto. Mabilis siyang lumitaw sa kaliwang balikat ng halimaw at buong lakas na itinanim ang espada sa isang mata nito. Napatigil ang halimaw at napasigaw sa matinding sakit.
?Mukhang ginamit ni Vincenzo ang kakayahan niyang mag-teleport gamit ang mga anino.
?Muling naglaho si Vincenzo at lumitaw naman sa kanang balikat nito at tinusok ang isa pang mata ng halimaw.
Habang umaalingawngaw ang sigaw ng halimaw, nanlaki ang mga mata ko nang makitang nag-iipon ito ng isang napakalaking power blast sa kanyang bunganga.
Isang pabilog na enerhiya na handa nang ibuga sa mga knights!
?Nang magpakawala ng blast ang halimaw, agad na gumawa ng water shield ang mga water mage para protektahan ang lahat. Pero sa tindi ng pwersa, hindi nagtagal ay nawasak din ang pananggalang at tinamaan pa rin sila ng malakas na enerhiya.
Marami na sa mga knights ang sugatan, pero patuloy pa rin silang lumalaban kahit hirap na.
?Muli akong tumingin sa halimaw. Duguan na ang dalawang mata nito sa gilid dahil sa saksak ni Vincenzo, pero may dalawa pa itong natitirang mata sa gitna!
?Muling sumugod si Vincenzo para ituloy ang pag-atake, pero tila naramdaman ng halimaw kung saan siya susulpot. Dahil sa dami ng mga kamay nito, mabilis na nahablot si Vincenzo sa gitna ng hangin. Nanlaki ang mga mata ko nang buong pwersa siyang itinapon ng halimaw.
?"No! Vincenzo!" sigaw ko.
?Hindi ako mapakali. Pabalik-balik ako sa paglalakad at napasabunot na lang sa buhok bago muling tumingin sa bintana. Nakakainis! Nakakainis dahil wala man lang akong maitulong sa kanya!
?Sa malayo, nakita kong dahan-dahang napaluhod si Vincenzo. Ang espada na lang niya ang nagsisilbing tukod sa lupa para hindi siya tuluyang bumagsak.
Nang tumayo si Vincenzo, nakita kong unti-unting nababalot ng itim na mana ang kanyang buong katawan. Ang kanyang espada ay mas lalong umitim at tila humaba at punong-puno ito ng napakalakas na enerhiya.
?Tila ibinuhos niya ang lahat ng kanyang mana at kakayahan sa mismong espada! Fuck! Sobrang talino ng prinsipe! Siguradong galing sa ama ko ang technique na iyon. Ang ama ko lang ang nakakagawa ng ganoon! Mabuti na lang talaga at tinuruan niya si Vincenzo!
Itinaas ni Vincenzo ang kanyang espada at buong lakas na itinanim iyon sa lupa.
Agad na nagliwanag ang isang dambuhalang itim na magic circle ang lupa.
Tila isang summoning spirit ang gagawin niya.
Ginamit niya ang espada bilang alternate sa pag-summon para hindi siya magaya o makopya ng halimaw na iyon!
Maya-maya pa, bumalot ang matinding kadiliman sa magic circle. Kahit ako ay hindi na makita si Vincenzo sa gitna ng itim na liwanag na iyon. Ngunit nang mawala ang dilim, halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita.
?Ang kanyang animal spirit! Katabi na niya ito!
?But wait, iba ito sa mga spirit na nakita ko noong banquet. Ang sa kanya ay masyadong malaki, halos kasing-laki na ni Dragoroth!
?His spirit is a giant black panther with glowing gold eyes!
Biglang nagdilim ang buong paligid at kumulog nang malakas. Kanina lang ay tirik ang araw, pero ngayon ay tila biglang naging gabi.
?Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang nag-anyong tao ang black panther! Mahaba ang itim na buhok nito at mayroong itim na kasuotan. Bakas ang pagiging matipunong lalaki sa tindig nito, pero hindi ko maaninag ang mukha dahil sa layo nila.
?Don't tell me... hindi ito ordinaryong animal spirit?
"Oh God!" napahawak ako sa aking bibig nang may marealize.
Isang Eternal Sovereign Spirit! Isa sa siyam na crowned rulers ng lahat ng spirit kind!
Ayon sa mga librong nabasa ko, ang mga Eternal Sovereign Spirits lamang ang may sapat na antas ng kapangyarihan para magpalit ng anyo! Tanging sila lang ang may kakayahang mag-anyong tao.
Ganoon ba talaga kalakas si Vincenzo? Hindi na ako nagtataka kung bakit siya ang pinili ng Sovereign of Darkness. Dahil isa siyang makapangyarihang dark mage, sadyang tugma sila ng panther na iyon.
?Kaya naman pala biglang nagdilim ang paligid tila kinikilala ng kalikasan ang presensya ng isang Eternal Sovereign Spirit!
Hindi na nag-aksaya ng oras si Vincenzo. Sa isang iglap, sabay silang sumugod ng Sovereign Spirit.
?Halos hindi na masundan ng mata ang bilis nila. Ang panther na nasa anyong tao ay biglang naglaho at lumitaw sa likuran ng halimaw. Sa isang kumpas lang ng kanyang kamay, naglabas ito ng mga higanteng anino na parang mga kadena na gumapos sa lahat ng braso ng halimaw.
?Umungal ang halimaw at nagpumiglas, pero tila lalong humihigpit ang mga anino sa bawat galaw nito.
Mula sa itaas ng halimaw, biglang sumulpot si Vincenzo na tila isang aninong bumagsak mula sa langit. Ang kanyang espada na balot ng itim na mana ay nag-iwan ng isang mahabang guhit ng dilim sa hangin, bago ito direktang ibinaon sa leeg ng halimaw.
Napasinghap ako. Bakas sa kilos ni Vincenzo ang bagsik at determinasyon.
Walang bahid ng pag-aalinlangan ang bawat kilos niya.
Ang dambuhalang halimaw ay wala nang nagawa kundi maglabas ng gumaralgal na tunog, habang unti-unting nawawala ang lakas nito sa ilalim ng bigat at talim ni Vincenzo.
Habang nakadiin ang espada ni Vincenzo sa leeg ng halimaw, tumingin siya sa kanyang gilid at tumango. Maya maya pa biglang naglaho si Vincenzo.
?Agad na kumilos ang Sovereign Spirit. Ang lalaking may mahabang buhok at matipunong katawan ay dahan-dahang itinaas ang kanyang kamay.
Sa isang kurap lang, ang dilim sa paligid ay tila nag-ipon sa kanyang palad, na bumubuo ng isang itim na bolang puno ng kidlat at purong itim na enerhiya.
Sa isang iglap, naglaho ang Sovereign Spirit at lumitaw sa tapat mismo ng mukha ng halimaw.
Walang emosyon ang kanyang mga gintong mata habang idinidikit ang palad sa noo ng nilalang.
?Isang nakakabinging pagsabog ang narinig ko. Napapikit ako at napahawak sa tenga. Tila ang dambuhalang bilog na enerhiya na nasa palad ng Sovereign Spirit ay sumabog na!
Nilamon nito ang buong katawan ng halimaw! Wala man lang akong narinig na huling sigaw ng halimaw. Naging abo ang dambuhalang kalaban na tila ba gawa lamang ito sa papel!
Ang Sovereign Spirit ay kalmadong naglakad pabalik sa tabi ni Vincenzo, habang ang paligid ay unti-unti nang bumabalik sa normal na liwanag.
?Napahawak ako sa dibdib ko. Isang kumpas lang ng kamay... ganoon lang kadali para sa isang Eternal Sovereign Spirit na burahin sa mundo ang isang halimaw na kinatakutan ng lahat.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkakita ko na wala nang malay ang halimaw, mabilis akong tumakbo palabas ng estate. Wala akong pakialam kung maputikan ang suot ko o kung bawal akong lumabas. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Vincenzo.
?"Your Highness! Vincenzo!" ngumiti siya at sinalubong ang mga yakap ko.
Ramdam ko pa ang init ng mana sa paligid niya at ang kakaibang presensya ng Sovereign Spirit sa tabi namin. Ramdam kong nakatingin ito sa akin.
"It's done, baby… you don't have anything to worry about anymore." bulong niya tila pinapakalma ako.
?Ngunit hindi pa kami nakakahinga nang maluwag nang biglang yumanig muli ang lupa. Mula sa malayo, tatlong dambuhalang halimaw ang mabilis na tumatakbo papunta sa amin. Kauri nila ang halimaw na naging abo pero ang mga ito, ay tila galit at gutom sa paghiganti sa kanilang kauri.
?"Fuck! Bakit may tatlo pa?!" bulalas ni Vincenzo. Bakas ang pag-aalala at takot sa kanyang mga mata, halatang hindi para sa sarili niya, kundi para sa akin.
"Rassia, bumalik ka sa loob! Now!"
?Bago pa man ako makatakbo muli napahawak ako sa aking sintido.
Sa bawat yabag ng mga higanteng halimaw, may naririnig akong boses sa loob ko. Isang maarte at mapang-asar na boses.
"Use your power... Hahayaan mo ba silang saktan ang pinakamamahal mo? Gamitin mo ako, Rassia..."
?"Masyado mo na silang pinahihirapan, you can take them down easily, Rassia..." mapanukso ito, tila nag-e-enjoy sa mga halimaw na nasa harap namin.
?"But how..." mahinang kong sambit habang hawak pa rin ang aking sintido.
"Rassia, sa likod ko!" sigaw ni Vincenzo habang itinabi ako sakanyang likod.
Naramdaman kong may mabigat na enerhiyang pilit kumakawala sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang bawat ugat ko, pero kasabay nito ang isang kakaibang lamig na dumadaloy sa aking mga mata.
Napahawak ako sa aking mata dahil doon. Maya maya pa ay naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Vincenzo sa aking braso. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya na naguguluhan.
Nagtaka ako nang makita ang gulat sa mga mata ni Vincenzo habang nakatingin sa akin. Ang ibang mga knights ay napatingin din sa akin, halatang nagulat at may takot.
Huh? Why?
?"Rassia..." mahinang sambit ni Vincenzo. Bakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na emosyon, tila may halong gulat, kaba, at pagkabahala.
"Your eyes... ang mga mata mo..."
?"Anong meron sa mga mata ko?" tanong ko, pero imbes na boses ko ang lumabas, tila may kasama pa itong isang boses, parang naging dalawa ang boses ko.
Sa gulat ay napahawak ako muli sa aking sintindo, ngunit nakita ko ang aking repleksyon sa tubig ng nasa lupa.
Ang aking mga mata... tila naging purong itim ito. Wala nang puti sa aking mga mata. Purong kadiliman na lamang ang makikita rito.
Imbes na matakot, taas noo akong lumingon sa tatlong halimaw. Papalapit na sila sa amin. Itinanggal ko ang hawak sa akin ni Vincenzo at bahagyang lumapit sa mga halimaw. Na sa likod ko si Vincenzo at ang iba pa.
?"Rassia, lumayo ka sa kanila!" muling sigaw ni Vincenzo nang masyadong malapit na ang tatlong higanteng halimaw.
Mukhang ?galit na galit ang mga halimaw. Sabay-sabay silang nagpakawala ng iba't ibang elementong mahika. Ngunit bago pa man makagawa ng depensa si Vincenzo o ang kanyang Sovereign Spirit, itinaas ko ang aking kamay.
?Wala akong binigkas na kahit ano. Wala akong ginawang magic circle.
?Sa isang kumpas lang ng kamay ko, ang lahat ng paparating na atake ay biglang naglaho. Parang mga kandilang hinipan sa gitna ng bagyo.
Ang mga mahika ng halimaw ay tila naging hangin bago pa man dumapo sa amin.
Ang lahat ng mahika sa paligid ko ay tila namatay at naging hangin. Kahit ang Sovereign Spirit ay nakakunot ang noo dahil sa bigat ng demonic mana na lumalabas sa katawan ko.
?"Don't you dare hurt my prince." malamig kong sambit habang ang boses ng babaeng demonyo sa loob ko ay sumasabay sa bawat salitang binibitawan ko.
?"See?" bulong muli ng demonyo, tumatawa sa kailaliman ng isip ko. "They are nothing against us."
Hindi ko na naririnig ang sigaw ni Vincenzo. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na pintig ng sarili kong puso at ang mapanuring tawa ng demonyo sa isip ko.
?"Tingnan mo sila, Rassia. Ang lalakas nilang sumugod, pero sa harap mo... para lang silang mga insekto."
Humakbang ako papalapit sa mga halimaw. Ang bawat yapak ko ay nag-iiwan ng pulang lamat sa lupa, na tila nalalanta ang damo.
Ang tatlong higante ay sabay-sabay pa ring sumugod at tila walang pakealam na ang kanilang kapangyarihan ay nawala ng parang hangin, at ang kanilang mga dambuhalang kamao ay handa na para kami ay durugin.
?"Rassia, no!" pigil ni Vincenzo,
"Let her, Master." rinig kong malalim na boses galing sa Sovereign Spirit.
One of my demon powers is anti-magic, huh? That's interesting.
Mukhang ako na ang naging target ng tatlong halimaw na ito. Itinaas ko ang aking kamay at agad na nabuo ang mga pulang enerhiya na hugis matatalim na punyal. Nilagyan ko ng anti-magic ang bawat talim bago ito buong lakas na inihagis sa unang halimaw na sumusugod.
?Nang tumama ang punyal, binalot ng nagniningas na pulang enerhiya ang dambuhala. Sa isang pikit-mata, nagkapira-piraso ang katawan nito na parang basag na salamin. Ni hindi man lang ito nakasigaw bago tuluyang naglaho.
?Napatigil ang dalawang natira, bakas ang purong takot sa kanilang mga mata.
Sinubukan nilang magbuga ng kani-kanilang power blasts, pero bago pa man makawala ang enerhiya sa kanilang mga bunganga, bigla itong naglaho at sumabog sa loob ng sarili nilang katawan, dahil lang sa nakataas kong kamay na naglalabas ng anti-magic.
?"Luhod," tiningnan ko sila nang matalim.
?Tila sumunod ang tadhana sa aking boses. Isang dambuhalang kulay pula na enerhiya ang bumagsak mula sa langit, direkta sa kanilang mga balikat. Napaluhod sila nang sapilitan. Ang kanilang mga tuhod ay bumaon sa lupa hanggang sa mabali ang kanilang mga buto.
?Hindi sila makalaban. Hindi sila makagamit ng mahika. Sa kakayahan kong anti-magic, naging literal na basura na lamang sila.
?Hmm... come to think of it. Ang buong katawan ng mga halimaw na ito ay puro mahika.
Dahil doon, hindi na ako nag-atubili pa. Muli akong lumikha ng dalawang punyal na punong-puno ng anti-magic at mabilis na inihagis sa kanila. Gaya ng nauna, tila mga kristal silang nagkadurog-durog at naging pira-piraso.
?Walang ingay. Walang laban. Namatay silang lahat nang hindi man lang nakakagawa ng tunog.
Ang mga knights na kanina lang ay duguan at hirap na hirap sa pakikipaglaban ay tila naging mga rebulto sa kanilang kinatatayuan. Laglag-panga silang nakatingin sa akin.
Tila hindi sila makapaniwala na ang mga nilalang na pumatay sa kanilang mga kasamahan ay nagmukhang mga laruan lamang sa harap ko.
?Dahan-dahan akong lumingon kay Vincenzo. Nakatayo pa rin siya sa pwesto niya, ang kanyang espada ay nakababa na, habang ang kanyang mukha ay bakas ng matinding gulat na hinaluan ng kaba.
"Rassia..." malambing ang kaniyang boses ngunit may halong pag-alala sa kaniyang tono.
?Bago ako makapagsalita muling umalingawngaw ang boses sa loob ng utak ko. Malakas itong tumatawa, isang halakhak na puno ng tagumpay at panunuya.
?"See? I told you, napakadali lang," bulong ng demonyo. "Sila ang dapat matakot sa'yo, Rassia..."
?Naramdaman ko ang pag-akyat ng isang kakaibang saya sa dibdib ko, isang pakiramdam na hindi ko maintindihan pero tila nilalasing ang buong pagkatao ko. Ang takot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng isang mapanganib na kumpyansa.
?Nagsimulang kumawala sa aking mga labi ang isang mahinang tawa. Noong una ay mahina, hanggang sa naging isang malalim at nakakangilabot na tawa. Sumasabay ang boses ko sa malakas na halakhak ng demonyong naririnig ko sa aking isip.
?"Ang dali lang nilang patayin, Vincenzo," sambit ko habang nakatitig sa kanya gamit ang aking mga matang hindi ko alam kung may purong kadiliman pa rin.
?Ang tunog ng tawa ko ay umalingawngaw sa buong paligid, sapat para pangilabutan maging ang pinakamatapang na knights sa hanay nila.
Sa sandaling iyon, alam kong hindi na nila ako nakikita bilang mahinang si Rassia, kundi bilang isang nilalang na mas nakakatakot pa kaysa sa mga halimaw