CHAPTER 33

In the Northern Estate

Located in Wintergard, the North

"?In the name of the Great Goddess, the Gods beside her, and the Eternal Light that binds the stars.

.. Hinihiling namin ang inyong gabay upang linisin ang lupaing ito mula sa bakas ng kadiliman.

Hugasan Ninyo ang aming mga kaluluwa, alisin ang kalawang ng kasalanan at ang bigat ng pag-aalinlangan.

Hayaan ang inyong banal na usok ang tumupok sa lahat ng hindi dalisay, hanggang sa tanging ang liwanag na lamang ang matira. .."

Panimula ng Pope habang nakapikit, ang kaniyang kamay ay nakalahad paitaas sa kalangitan. Sa kaniyang palad, unti-unting kumikislap ang isang puting liwanag na tila sumasabay sa kaniyang panalangin.

Sa labas ng estado, nakahilera ang mga kawal na tahimik na nagbabantay. Sa kanilang hanay naroon din sina Vincenzo at Cesare, kapwa nakatayo nang walang imik habang matamang nakamasid sa mga miyembro ng Holy Cathedral.

Nakahanay ang mga tagapaglingkod ng Holy Cathedral para isagawa ang Purification Rite.

Sa mga kamay ng Pope Theodoro ay ang banal na insenso, habang sa likuran niya ay si Cardinal Lurtheron na may dalang liwanag na ihahagis sa bawat sulok ng estado, isang sagradong ningas na sisira sa anumang bakas ng mahikang iniwan ng mga halimaw.

Sa likod ng dalawa, nakahilera ang tatlong high priest at dalawang arsobispo. Na kapwa rin nakapikit at sumasabay sa binibigkas ng Pope.

"Now, let us begin the Purification Rite. All evil energy and hostile presences shall be cleansed, driven out, and erased from this sacred ground. May nothing impure remain, and may every shadow be forced to yield before the Eternal Light." deklara ni Cardinal Lurtheron.

Napalunok si Vincenzo, hindi maiwasang mag-alala para sa Prinsipe ng Valerouge at kay Rassia. Gayunman, pinigil niya ang kaniyang kaba at nanatiling kalmado, tahimik na nagtitiwala sa kakayahan ni Prinsipe Valerian.

I truly hope Prince Valerian will keep everything under control... he's doing a good work right now, wala akong maramdamang ni katiting na demonic mana ni Rassia. Sana lang ay kayanin niya ang tagal nito...

Maging si Cesare ay hindi maiwasang mag-alala sa kanyang anak.

If the Great Goddess is indeed good, she will not let these fools harm my precious daughter... hinihiling kong magising na ang aking anak sa lalong madaling panahon.

Nagsimulang maglakad ang Pope, kasunod si Cardinal Lurtheron, pati na rin ang kanilang mga kasamahan. Ang usok mula sa banal na insenso ay dahan-dahang kumalat, bumabalot sa paligid na tila buhay na nililinis ang bawat sulok ng espasyo.

Nagsimula ring magtapon ng liwanag si Cardinal Lurtheron, bawat bugso ay kumakalat sa paligid na tila pumapawi sa anumang bakas ng mga mahika ng halimaw at dahan-dahang nililinis ang bawat sulok ng estado.

Sa likuran ng mga high priest at arsobispo ay sumunod sina Cesare at Vincenzo. Sa pinakalikod naman ay ang limang kawal, maingat ang bawat hakbang habang sinusundan ang daloy ng prusisyon.

Nadaanan na nila ang bawat sulok ng estado, habang ang banal na usok at liwanag ay patuloy na kumakalat. Lumingon si Lurtheron sa isang hallway kung saan naroon ang silid ng natutulog na si Rassia.

"I sense... more lingering energies beyond this hall. In the name of the Great Goddess, We must proceed and ensure no trace of evil energies remains..."

Bahagyang tumingin si Lurtheron sa kaniyang kapatid na si Vincenzo na seryosong nakamasid sakanya.

My dear brother, Vincenzo kung sakaling may natuklasan ako at tama ang hinala ng aking Ina tungkol sa babaeng pinoprotektahan mo, hindi ko ito papalampasin. I swear, any darkness that hides behind lies will be brought into the light.

Brother, I am not your enemy... I am serving the Great Goddess, and I will not let any darkness or deception remain hidden.

If my suspicions about your true identity are proven true, then I myself will bring judgment upon you.

Not out of hatred... but in the name of the Great Goddess.

"Nauunawaan ko, Cardinal Lurtheron," mahinahong wika ng Pope. "Kung may natitira pang masasamang enerhiya rito, kailangan natin itong harapin... Magpatuloy pa tayo, walang anumang hindi banal ang dapat manatili sa mga bulwagang ito."

Vincenzo's jaw tightened. Nagkatinginan sila ng Duke. Tama nga ang hinala nila na si Rassia ang puntirya ng mga ito.

Muling tumingin si Vincenzo kay Lurtheron, na malapit nang makapasok sa silid.

These bastards. Ang buong estado ay nailibot na nila ng dalawang oras, halatang hindi sila tumitigil hangga't hindi natatagpuan si Rassia. You fucking lunatics.

Prince Valerian, hang in there. This will be over soon, trust me. If this succeeds, a great reward awaits you, your mate.

Rassia

Tumulo ang pawis mula sa aking noo, humahalo sa dugo sa aking pisngi. Sa isang iglap, bumaon ang dulo ng aking scythe sa sahig, milimetro lang ang layo mula sa paa ni Lucy Pearl, habang ang kurbadong talim nito ay nakapulupot na sa kaniyang leeg.

?"I have you," hinihingal kong sabi, ang boses ko ay gumaralgal sa pagod. "Don't move, unless you want to see if a demon can survive a decapitation from her own power."

?Natigilan si Lucy Pearl. Ang kaniyang aroganteng ngisi ay panandaliang naglaho, napalitan ng purong gulat. Tumingin siya sa talim, pagkatapos ay sa akin. Unti-unting bumalik ang kurbada ng kaniyang labi, hindi na ito pangungutya, kundi isang mapanganib na uri ng paghanga.

?"You actually did it," bulong niya, tila hindi makapaniwala. "You forced me to my knees. A mere human, dragging a high-ranking entity into the dirt."

Bigla siyang tumawa, isang malakas at nakatindig-balahibong tunog. "Hah! Wonderful! I haven't felt this kind of humiliation in centuries. It's... intoxicating."

Sa isang iglap, tila naglaho siya sa harap ko at muling lumitaw sa gitna ng dimensyon. Itinaas niya ang kaniyang kamay at mula sa itim na usok ay lumabas ang isang maringal na trono.

She sat there with the grace of a Queen, looking down at me.

?"Congratulations, Rassia. You passed the stage," anunsyo niya, ang boses ay umalingawngaw sa buong dimensyon.

"But now... we enter the Final Stage. This is not a test of your blade, but of your soul. Your answer to my final question will determine if I shall serve you as your weapon, or consume you as my prey..."

?I tightened my grip on the scythe, my silhouette standing tall against the swirling darkness. I met her gaze with a cold, unwavering stare.

?"Enough with the games, Lucy Pearl. Ask your question. I didn't survive this hell just to be intimidated by your words."

?Isang matalim na ngiti ang sumilay sa kaniya bago niya binigkas ang mga salitang tila humiwa sa aking kaluluwa.

?"Tell me, Rassia. When the time comes, what if when the whole world looks at you and sees only a monster... and that monster is you... what are you going to do?"

?Hindi ako nag-atubili.

"If I'm a monster... then I won't waste what that means.

I won't spend my time begging them to see something softer, something easier to accept.

Let them call me what they want, a monster, a threat, or a mistake.

However, I'll use every ounce of this power to protect Vermeleyon.

.. even if it means becoming their greatest fear. "

Wala akong pakialam sa kung ano man ang nais nilang isipin tungkol sa akin.

Batid kong itataboy nila ako oras na mabunyag ang aking lihim.

Ngunit buo ang aking pasya na protektahan ang kontinenteng ito, tulad ng naging tungkulin at paninindigan ng aking ina at ama.

Gagamitin ko rin ang aking kapangyarihan upang maisakatuparan ang mga planong matagal ko nang inihahanda para sa hinaharap.

?"Mahusay ang iyong tinuran, Rassia. Hindi ko inaasahan ang ganyang katapangan mula sa isang mahinang mortal na tulad mo, isang nakakaaliw na sorpresa. That fire you have, that eagerness to protect your continent... you will make a fine Empress."

Nagulat ako sa sinambit ni Lucy Pearl, sapagkat tila kalmado na ito sa aking presensya, hindi tulad noong una ko siyang makita. Sinabi pa niyang magiging mabuting emperatris daw ako. Am I hallucinating?

Bahagyang sumilay ang isang mapait na ngiti sa kanyang mga labi, tila may multo ng nakaraan ang dumaan sa kanyang isipan.

"Dahil ang isang tunay na pinuno ay hindi sinusukat sa tamis ng kanyang kabaitan, kundi sa tibay ng kanyang paninindigan na gawin ang lahat para sa kanyang nasasakupan.

.. kahit pa ang kapalit nito ay ang ituring siyang kaaway ng buong mundo. .."

I rolled my eyes. "Tell me, Lucy. Did I pass the last stage? I want to wake up sooner." mataray kong sambit.

?"Tss, you are indeed a brat. Binabati kita, Rassia. Nakamit mo ang yugtong ito," anunsyo niya, ang boses ay umalingawngaw sa buong dimensyon.

?"Ngunit bago tayo matapos, makinig kang mabuti.

Sa labas ng dimensyong ito, isang Purification Rite ang kasalukuyang isinasagawa.

Papunta na ang mga miyembro ng Holy Cathedral sa iyong silid.

Kailangan mong itago ang iyong demonic mana sa abot ng iyong makakaya kapag ikaw ay nagising.

Mabuti na lamang at ang iyong katawan ay nababalot ng pekeng fire mana presence habang ikaw ay tulog pa. "

Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ang sinambit ng mga Erenhal, na dapat kong layuan ang mga ito para sa aking kaligtasan.

Totoo ba talagang ang mga Erenhal ay hindi masasama gaya ng inaakala ko? maging si Lucy Pearl ay binabalaan ako sa presensya ng mga miyembro ng Holy Cathedral...

Ngunit kumunot ang aking noo sa napagtanto,

"Teka? kaya ko palang itago ang aking demonic mana?"

"Ofcourse, Idiot. Hindi ito tulad ng elemental mana na madaling maramdaman ng iba. Kaya nga walang kahit sinong nakaramdam noong natutulog pa lamang ang demonic mana mo noong bata ka pa." pagtataray ni Lucy Pearl.

"Ngunit paano?! sabihin mo sa akin, Lucy Pearl!"

"Hmm... sa madaling paraan, close your eyes and feel your demonic mana in your body. Imagine a dark hole in your mind, doon mo ibuhos lahat ng iyong demonic mana."

Ganoon lang kadali iyon?

Ngunit nang tumingin ako muli kay Lucy Pearl, may isang mabigat na realisasyong sumagi sa aking isipan, kasabay ng sunod-sunod na katanungan.

Hindi ako ang tunay na Rassia.

Isa lamang akong hamak na mambabasa ng nobelang ito.

Alam niya kaya ito?

"Lucy Pearl, I have a question for you. As your new master, this will be my first task for you. Answer this honestly."

"...Go ahead," Lucy Pearl replied. "Ask."

"Alam mo ba ang tungkol sa aking tunay na kaluluwa... at kung ang taong nasa harapan mo ngayon ay si Rassia ba talaga, o may ibang kaluluwang pumalit sa kanyang katawan?"

Kumunot ang noo ni Lucy Pearl, at ilang sandali pa'y bigla itong nagpakawala ng maarte at bahagyang mapanuyang tawa.

"Hah! What a nonsense question, Rassia," wika niya.

"Of course, nararamdaman kong ikaw ang tunay na Rassia.

At kung sakaling may ibang kaluluwang pumalit sa katawan mo, ibang-iba sana ang anyo ng kaluluwang nasa harapan ko.

Pero sa nakikita ko... ang mukha ni Rassia ay nandito sa aking harapan. "

Nanlaki ang aking mga mata.

Ano ang ibig sabihin nito?! ako lang ang nakakaalam sa mga pinaggawa niya kay Rassia sa nobela? Na nilason niya ang kanyang isipan kaya't namatay ito sa huli?!

Does that mean... I am the real Rassia?

What the fuck?

Ang gulo!

It's impossible. I am not the real Rassia.

Klarong klaro sa aking isipan bilang Rische na namatay ako sa pagkahulog sa school building sa aking unang buhay at nagising na lamang sa mundong ito.

Napailing na lamang ako at napahilot sa aking sintido. Hindi ito ang dapat kong pagtuunan ng pansin. Sa huli, wala na rin akong magagawa, ako na si Rassia ngayon. Hindi ko na matatakasan ang buhay na ito.

Kahit pa ilabas ko ang galit ko sa ginawa ni Lucy Pearl sa totoong Rassia, wala rin akong mapapala... dahil mukhang wala naman siyang alam.

Hindi ko rin masisisi si Lucy Pearl, dahil may sarili rin siyang hinanakit na matagal nang nakabaon sa kanyang pagkakilanlan. Hindi siya kumikilos nang basta-basta lamang, kundi dala ng bigat ng mga sugat na hindi na kailanman tuluyang gumaling.

Nagawa niya ang mga bagay na iyon hindi dahil sa kasamaan lamang, kundi dahil sa nag-uumapaw na galit, poot, at sakit na matagal niyang kinimkim.

They say 'villains aren't born, they're made.'

Every villain was once someone who begged to be understood. They didn't choose to be evil.

At first, I hated Rassia because she was the villain in the love story of Cayena and Caspian. But when I finally understood her, I realized she only wanted the attention and love she never received from her family.

She was shaped by the people who judged her and the environment she grew up in. In her anger and pain, she eventually let Lucy Pearl consume her.

Dahan-dahan akong lumapit kay Lucy Pearl. Ang aking scythe ay naging hangin dahil binitawan ko na ito.

Nakita kong bahagyang tumaas ang kanyang kilay sa paglapit ko.

Huminto ako sa kanyang harapan at marahang hinaplos ang kanyang kanang pisngi. Napatingala siya sa akin mula sa kanyang trono, halatang nagulat sa aking ginawa.

Bahagya akong napangiti. Hindi niya ako pinigilan.

"I know they call you a monster, Lucy Pearl.

And maybe you are. Pero sa mundong ito na punong-puno ng mapagkunwari, ikaw lang ang tanging totoo sa akin.

I am your vessel, but I am also your home.

Kahit gaano pa kaitim ang puso mo, still, it's the only thing that kept me alive.

So stay. Be the shadow in my soul, and I will be the strength that holds you. .."

Nakita ko ang pangingilid ng mga luha ni Lucy Pearl at napalunok.

"We are one soul now, right? Then let your hatred rest in me.

Kung isinusumpa ka nila sa kanilang mga dasal, hayaan mong ako ang maging tanging lugar kung saan ligtas ka.

You don't have to be a Queen or a monster here, Lucy.

If we are to be the villains of their story, then let's make it a story they will never forget.

You're not alone, Lucy. We will face them together. "

"And I also believed... mother wanted you to be alive.

Hindi lang ako ang iniligtas niya, Lucy Pearl.

Maging ikaw. She saw something in you that the world refused to see.

She did it to keep you safe from the people who could never understand your soul.

Hindi lang kita gagamitin bilang aking sandata at kapangyarihan, Lucy.

I will cherish you dahil ikaw ang tanging iniwan niya sa akin. "

"W-What? You just asked me a nonsense question and suddenly you're making a speech." mahinang saad nito at umiwas ng tingin.

"Honestly, the moment you touched my cheeks, I saw Nadea's face in yours..."

Huminga siya nang malalim, tila pilit inaayos ang sarili niyang mga salita.

"Y-You are a fool for cherishing a demon, but perhaps.

.. I am a bigger fool for wanting to stay.

.. From this moment on, your pain is mine, and my darkness is your throne.

As Nadea's last wish, I will be the guardian of the world you are about to build.

Your heart is my anchor now, Rassia."

Sabay na tumulo ang aming mga luha habang nakatingin kami sa isa't isa, at sa gitna ng bigat ng damdamin, nagpalitan kami ng tipid na ngiti.

Finally... I managed to reach Lucy Pearl's heart.

And my questions... have finally been answered.

I can control my demonic powers now. I knew it. I am a Quentin, and I am not an ordinary being.

"Now, wake up, Rassia. My new master. The world is waiting for you."

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang may purong liwanag na sumalubong sa akin. Napapikit ako nang mariin.

This is it. Magigising na ako.

Hindi pa yata umaabot ang anim na buwan ngunit ako'y magigising na.

I immediately imagined a dark hole in my mind at ibinuhos ko roon ang aking demonic mana upang itago iyon dahil sa sinambit ni Lucy Pearl.

Sa oras na paggising ko, malaki ang tyansang ang mga myembro ng holy cathedral ang bubungad sa akin.

Nang tuluyang maglaho ang liwanag, mabilis akong dumilat at umupo sa kamang hinihigaan ko.

"Ouch..." ramdam na ramdam ko ang pagod ng aking katawan.

Agad din akong napatingin sa aking kamay, totoo ngang may pekeng fire mana presence ang nakapalibot sa aking katawan...

"Rassia, they are coming." babala ni Lucy pearl.

Dahan-dahang nanuot sa aking ilong ang amoy ng insenso, mabigat at mapait sa hangin. Maya-maya pa, may mga pitong pigura ang pumasok sa aking silid. Madali silang nakapasok dahil bukas ang aking silid, marahil ay nahagip nila ang aking paggising…

Sila na nga ata ang binanggit ni Lucy Pearl.

Tanging ang Pope lamang ang agad kong nakilala, halata sa kanyang katandaan at sa bigat ng kanyang presensya ngunit hindi ko alam ang kanyang pangalan, maging ang mga kasamang pumasok sa likuran niya.

"She has... awakened." ani ng isa sakanila, tingin ko ay high priest ito.

Dumako ang tingin ko sa lalaking na sa likod ng Pope. Tahimik itong nakatingin sa akin habang sinusuri ako nang matagal, bahagya pa itong napalunok at nag iwas ng tingin, "Interesting..." mahinang niyang bulong, "So this is her."

Ngunit bigla rin itong humarap at bahagyang lumapit sa akin na may mga ngiti na sa labi.

Base sa kaniyang tindig at ang kaniyang maharlikang presensiya...

Don't tell me this is...?

?"It is a blessed day for all of us, We thanked the Great Goddess you have finally woken up. I believe our holy incense and holy light have reached your soul and awakened you from that dark slumber. I am Cardinal Prince Lurtheron, My Lady Rassia Quentin..."

Tumaas ang kilay ko nang kunin niya ang aking kamay at halikan ito. Nanatiling nakapako sa akin ang kanyang mapuputing mga mata, habang ang kanyang puting buhok ay marahang hinahampas ng hangin sa kanyang likuran.

Naalala kong inireto siya sa akin ng Empress noong banquet ng Emperor. Kung tutuusin, mas tipo ko si Vincenzo.

Dahil ang isang ito ay... may mukhang mala-anghel, at hindi ko matukoy kung ang ipinapakita niya ay totoo.

?"He is smarter than the other one," bulong ni Lucy sa isip ko. "He's not looking at your face, Rassia. He's looking at your soul. Mag-ingat ka sa lalaking iyan."

Mabilis kong kinuha ang aking palad mula kay Cardinal Lurtheron.

"I am honored to witness that the lady of House Quentin has finally woken up after months... I am Pope Theodoro IV, Lady Quentin."

Bahagya siyang yumuko, ang kaniyang tinig ay magalang.

"Patawarin mo kami sa usok ng insenso. Nagsasagawa kami ng purification rite sa estadong ito upang itaboy ang mga naiwang masasamang enerhiya ng mga halimaw." muling saad ng Pope.

"It's alright," sagot ko nang mahinahon, bakas ang sa aking boses ang pagod ng aking katawan "I also believe your rite helped me wake up."

"I am honored to wake up and be able to be in your presence, Your Holiness," I said despite the exhaustion pressing behind my ribs.

"...and you as well, Cardinal Prince."

They seemed harmless. They gave off the impression that they couldn't even bring themselves to kill an insect... especially that Lurtheron, standing there.

But I reminded myself not to be deceived by appearances. In this world, gentleness could just as easily be a mask as cruelty.

Napadako ang aking tingin ko sa bandang gilid ng silid. May lobo roon na tila nagmamasid sa amin. Ramdam ko rin na mula sa kanya nanggagaling ang pekeng fire mana presence na bumabalot sa aking katawan.

Gago, bakit may lobo rito? shapeshifter ba iyon o purong lobo lang na nagbabantay sa akin?

Ngayon lang din ako nakakita ng isang lobo... naalala ko tuloy si Natalia at ang mate niyang lobo, paniguradong sinisilayan niya iyon ngayon…

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng aking silid. Tila may nag-uunahang pumasok kung sino ang unang makakatapak sa loob.

?Hindi ko napigilang mapangiti nang mamataan ang aking ama at si Vincenzo.

Matagal-tagal ko rin silang hindi nakasama.

Tatlong taon ang ginugol ko sa loob ng dimensyon, habang limang buwan lamang ang lumipas sa panig nila.

Gayunpaman, labis-labis ang pananabik na nararamdaman ko para sa kanila.

?Ngunit bago pa man makalapit ang dalawa, isang bata ang humarurot papasok at bigla akong niyakap nang mahigpit.

?"Big sister!" pagsigaw ni Russel habang may bahid ng luha ang kaniyang mga mata.

?"Hi there, Russel... T-teka, dahan-dahan... medyo masakit ang bahaging iyan," daing ko, bagaman may kasamang mahinang tawa.

?"Russel, dahan-dahan," saway ng aking ama habang mabilis na lumalapit sa gilid ng aking kama. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod. "I'm glad you're awake, Rassia..."

Hindi ko magawang magalit sa aking ama, sa kabila ng aking mga narinig sa nakaraan...

?"Thank you, Father... But you look exhausted. You should take a rest," bakas sa aking ama ang pagod at halatang walang tulog ito. Nais ko rin itong makausap tungkol sa aking mga nalaman ngunit narito ang Pope at ang Cardinal Prince.

Seriously? Masyadong wrong timing ang pagpunta nila, lalo na't kailangan kong makausap ang aking ama. Ang huling pagkakataon na nagkita kami ay noong nasa loob ako ng aking silid at nag-i-isolate, pinipilit ayusin ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan nang mag-isa.

Ang mana aura ng lahat ay nakikita ko na, dahil siguro nakokontrol ko na ang aking kapangyarihan mula kay Lucy Pearl. Ang mana aura na nakapalibot kay Russel ay asul, sa Duke ay ginto, kay Vincenzo ay itim. Samantalang sa Pope ay berde at kay Cardinal Lurtheron ay puti...

Napatingin ako kay Vincenzo. Nakatingin din siya sa akin nang may malumanay at namumungay na mga mata, at may tipid na ngiting sumisilay sa kanyang mapupulang mga labi. Hindi maikakaila kung gaano kapansin-pansin ang kanyang kaguwapuhan, sapagkat tunay ngang napakagwapo ng prinsipe.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa aking kama,

?"Lady Rassia, I..." sandali siyang napatigil, tila kinakapos ng hininga habang pilit na hinahanap ang tamang mga salita. "... almost lost my mind thinking I'd never see those eyes open again."

Ang tunay na nakakabaliw ay ang mabuhay sa loob ng tatlong taon sa isang mundong walang kulay dahil wala ka roon. Don't be mad at me for waking up late... be glad that I fought my way back...

"Don't worry... I'm finally awake. I am back, Your Highness."

Nagkatinginan ang Pope at Cardinal Lurtheron nang may malalim na kahulugan, habang ang aking ama at si Russel naman ay simpleng tinaasan lamang ng kilay si Vincenzo at papalit palit ang tingin sa amin.

Bahagyang yumuko ang Pope bilang paggalang, Isang payapang ngiti ang sumilay sa kaniyang matandang mukha.

?"I guess this is a family moment... we should excuse ourselves.

Your Highness, Your Excellency, Lady Rassia, and Lord Russel, With the Lady's return and the light restored to her eyes.

.. I shall declare that the purification rite ends here, Peace be with you all.

" saad ng Pope na puno ng karunungan at pag-unawa.

Hindi yumuko si Cardinal Lurtheron, bagkus ngumiti lamang ito ng matamis at tumingin sa amin.

"Hahayaan muna namin kayong makapagpahinga at muling makapiling ang isa't isa. Ang langit ay tunay na naging mabuti sa araw na ito," saad niya bago dahan-dahang tumalikod upang lumabas ng silid kasunod ng Pope Theodoro.

That Lurtheron tila isa siyang anghel na bumaba sa langit.

Nakita kong marahang tumango ang aking ama sa lobong nagmamasid sa gilid ng silid. Maya-maya pa, yumuko ito at tuluyang nahiga, saka pumikit na wari'y agad na dinalaw ng antok. Halatang pagod na pagod ang lobong iyon, batay sa bigat ng kanyang galaw at sa tahimik nitong paghinga

Nang makalabas ang Pope at ang iba pang mga miyembro, kumunot ang aking noo nang may nahagip akong presensiya na dumaan sa malaking double doors ng aking silid. Ramdam ko ang isang pares ng mga mata na nagmamasid.

Isa ito sa mga natutunan ko sa loob ng dimensyon, ang bawat presensya sa aking paligid, gaano man ito kaliit o kalayo, ay malinaw ko nang nararamdaman. Ang aking Presence Awareness ay naging mas matalas pa kaysa sa talim ng isang espada.

Mabilis akong tumayo at nagmartsa palayo sa aking kama, tuluyang isinantabi ang sakit na bumabalot sa aking katawan.

"Wait! Rassia, be careful!"

"Bab—Lady Rassia, kagigising mo lang..."

"Big sister!"

Rinig ko ang magkakasunod na saway ng mga kalalakihan sa aking likuran, ngunit ni isa ay hindi ko pinansin.

Sa isang iglap, hinarap ko ang babaeng tagasilbi na nanginginig sa takot.

"M-my lady, y-you're a-awake- Ah!"

Mabilis ko siyang sinakal at kinaladkad patungo sa aking silid. Bago tuluyang isara ang pinto, sumulyap pa ako sa mga miyembro ng Holy Cathedral upang tiyaking wala sa kanila ang nakapansin. Mabuti na lamang at nakatalikod sila at medyo nakalayo na.

"M-my lady!"

"What the? Rassia! Stop this madness!”

"The hell! stop, sister!"

"Wait, Master Fuegoleon... it seems your daughter senses something..."

Ngumisi ako sa tagasilbi at mas lalo kong idiniin ang aking mga kuko sa kanyang balat. Unti-unting lumitaw ang matutulis na kuko ni Lucy Pearl mula sa aking mga daliri. Madilim ang aking titig habang buong lakas ko siyang itinapon sa sahig.

"You are a spy. How dare you?"

Lumapit ako sa kanya nang dahan-dahan.

"Sa tingin mo ba ay hindi ko mapapansin ang malansang amoy ng iyong malisya na umaalingasaw sa buong silid na ito?"

?Yumuko ako upang pantayan ang kaniyang mukha, idiniit ko ang dulo ng aking matalim na kuko sa kaniyang leeg, sapat na upang mag-iwan ng pulang marka.

"M-my l-lady!"

?"Tell me... sino ang nag-utos sa iyo na magmanman?"

Napansin kong nakangisi si Vincenzo habang tahimik niya akong pinagmamasdan sa aking ginagawa, tila ba may kakaibang aliw siyang nakukuha sa eksenang iyon.

Samantala, si Russel at ang Duke ay kapwa seryoso ang mga mukha, nakatuon ang matatalim nilang tingin sa tagasilbi na ngayon ay nakahandusay sa sahig.

"W-wala akong ideya sa s-sinasabi mo, i-isa l-lamang akong t-tagasilbi rito at g-ginagawa ko lamang ang aking t-tungkulin!"

?"Don't play the victim with me. You smell of the same stench as the monsters I slaughtered. Ngayon, bibilang ako hanggang tatlo. Sabihin mo sa akin kung sino ang nagpadala sa iyo, o papatunayan ko sa iyo na mas nakakatakot ang muling pagbabalik ko kaysa sa kamatayang naghihintay sa iyo?"

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.