CHAPTER 34
Rassia
Mabilis na gumawa si Vincenzo ng dark barrier upang matiyak na walang makaririnig sa nangyayari rito sa loob.
"T-tama na p-po! p-patawad! g-ginagawa ko lamang ang ipinag-uutos sa akin! may anak ho akong may sakit! k-kailangan k-ko lamang ng malaking h-halaga!"
Dahan-dahan kong ibinababa ang aking kamay at tumalikod sakanya.
"Sino ang nag utos saiyo?" seryosong tanong ng duke.
"A-ang t-totoo ay h-hindi ko ho alam, ipinagutos lang sa a-akin iyon na k-kailangan k-kong mag manman k-kay Lady Rassia, k-kung s-sakaling may naramdaman akong kakaiba kay Lady Rassia a-ay agad ko raw itong ipaalam s-sakanila."
"Kilala mo ba ang nagbigay ng utos saiyo?" tanong ni Vincenzo.
?"H-hindi ko ho sila kilala... s-sa isang sulat lamang dumadaan ang mga utos. Isang selyadong sobre na may kulay berde na wax..."
?"Berde na wax..." pag-uulit ni Vincenzo, ang kaniyang boses ay tila galing sa ilalim ng lupa sa sobrang lamig.
Humakbang siya palapit sa tagasilbi, ang kaniyang itim na mana ay tila bahagyang kumalat sa paligid, dahilan upang mas lalong manginig ang babae.
"Marami sa imperyong ito ang gumagamit ng berde na selyo. .."
??Tumigil siya sa harap ng tagasilbi at tinitigan ito nang diretso, ang kaniyang anino ay tila lumalaki at lumalamon sa liwanag ng silid.
?"Iyon ang selyo ng mga taong nagtatago sa likod ng batas. It is a common seal, intended to make the message look unremarkable. They wanted this to look like a simple administrative order if ever it was intercepted."
?"But green is also the color of growth... and corruption," dagdag ko habang dahan-dahang naglalakad pabalik sa gitna. "They chose a color that hides in plain sight..."
Tiningnan ni Vincenzo ang aking ama, ang Duke Cesare, na ngayon ay mas lalong naging seryoso ang mukha.
?"The fact that they used a common seal means the enemy is someone who knows the system well.
Someone inside the palace or the Holy Cathedral itself," pagpapatuloy ni Vincenzo.
Bigla niyang hinawakan ang panga ng tagasilbi at pilit itong iniharap sa kaniya.
"Tell me, did the letter have a scent? A faint smell of incense, perhaps?
Or the bitter tang of medicinal herbs?"
?"M-meron ho... isang marangyang amoy ng pabango... amoy lavender na bulaklak," nanginginig na saad ng tagasilbi habang pilit na inaalala ang bawat detalye ng sobre.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.
Alam ng lahat na tanging ang mga high-ranking nobles lamang ang may pribilehiyong makakuha ng ganoong klaseng pabango sa buong imperyo.
Hindi ito mabibili sa karaniwang palengke, ito ay inaangkat pa mula sa malalayong lupain at tanging ang mga may gintong pangalan lamang ang may karapatang gumamit nito.
?"They weren't even trying to hide their status," bulong ko habang pinaglalaruan ang dulo ng aking buhok. "O baka naman... masyado silang kampante na hindi natin mapapansin ang bakas na iniwan nila."
Naglakad ako palapit sa tagasilbi at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"You've been helpful, more than you realize.
But remember this... ang lavender ay ginagamit din upang pagtakpan ang amoy ng nabubulok na bangkay.
Isipin mo na lang kung ano ang gagawin ko sa iyo kung sakaling malaman kong may itinatago ka pa.
Go now, don't show your face here ever again. "
Agad tumakbo ang maidservant palabas.
?"Vincenzo," seryosong panimula ng aking ama, "tila may mga espiyang nakapasok dito. May mga matang nagmamasid at tila nais magbalita sa labas tungkol sa aking anak."
?Tumango si Vincenzo, ang kaniyang itim na aura ay tila mas lalong naging mapanganib at malamig.
"You were right, Master. I already felt their presence while I was fighting the monster, so I immediately created a dark barrier and cast terrifying illusions upon the soldiers, and a vision of their deaths when they break their oath.
I did it so no one would know of the order I gave, that the soldiers must conceal everything they witnessed about Lady Rassia's power. "
"That is good to know, Vincenzo. In that case, my children and I will return to Quentior Palace. My daughter will be safer there. Not a single spy will reach her, because they will all come to me first."
"Sumasang-ayon ako, dahil hindi lang sila isa, Master. Marami sila. Bagaman ito ang aking estado, lagi akong wala rito dahil sa mga labanan sa hangganan. Mukhang ginamit nila ang aking pagliban upang magtanim ng mga espiya sa estadong ito."
?Sa gitna ng kanilang pag-uusap, hindi ko maiwasang manlumo. Isang mabigat na pakiramdam ang dumagan sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang labas mula sa bintana ng aking silid.
Tunay nga bang ang kapangyarihang ito na dapat ay magliligtas sa akin ay siya ring magdadala ng panganib?
"Something tells me I am right, Master. The one who ordered the maidservant is different, and the spies during my battle were also acting under separate command. I will investigate this. I will protect Rassia. No one must know about the demon within her."
Dahan-dahan kong ibinaling ang aking tingin sa duke.
?"Father... that's why you hid my power all this time, is it not?"
?Humakbang ako palapit sa kaniya, ang aking mga mata ay nakatitig nang diretso sa kaniyang mga mata na bakas ang pagod at pag-aalala.
"Itinago mo ang tunay kong kakayahan hindi dahil ikinahiya mo ako, kundi dahil alam mong ang ganitong klaseng lakas ay magdadala lamang ng panganib.
You did everything to protect me from the greed of the high society.
.. to keep me away from being a pawn in their games. "
?Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.
?"But look at us now, Father. Kahit anong tago natin, ang liwanag ay pilit pa ring sumisilip sa dilim. The more we hide, the more they hunger to uncover what's underneath."
Hinawakan ng aking ama ang aking mga palad, naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng kaniyang mga daliri.
Ang kaniyang gintong aura ay nagdilim, tila nababalutan ng bigat ng nakaraan.
?"The demon inside you, Rassia... it is not a curse of the abyss.
It is your life force," paos niyang simula.
Ang kaniyang mga mata ay napuno ng pait.
"Alam kong alam mo na ito dahil kay Lucy Pearl.
.. Ipinasa siya ng iyong ina, si Nadea, sa huling sandali ng kaniyang buhay.
Pinili niyang mamatay upang ikaw ay mabuhay. .."
Isang luhang hindi niya napigilan ang dahan-dahang gumulong sa kaniyang pisngi.
?"Every time I looked at you, I saw her sacrifice.
Every time I felt that seal, I felt the guilt of being the one who locked away the only thing left of your mother.
Itinatago kita hindi lang dahil sa takot sa imperyo.
.. kundi dahil natatakot akong muling mawala ka sa akin kapag nabasag ang selyong iyon. "
?Yumuko siya, tila ang isang makapangyarihang Duke ay nagiging isang ordinaryong lalaking sawi sa pag-ibig sa harap ng kaniyang anak.
?"Nadea loved you more than her own existence, Rassia.
And I... in my silence and my distance, I was only trying to honor her wish.
I wanted you to live a quiet life, a life where that demon would never have to wake up.
But it seems the fate your mother gave you is much greater than the walls I built to hide you. "
Nakita kong bahagyang nagulat si Vincenzo nang makita ang aking ama sa ganoong kalagayan. Ang isang Duke na kilala sa pagiging matikas at malamig ay tila gumuho sa harap ng kaniyang anak. In a moment later, his gaze softened.
Hindi ko napigilan ang aking mga luha, at sunod-sunod akong napahikbi.
Agad kong inilagay ang aking mga palad sa aking mukha, pilit na itinatago ang pag-iyak ko mula sa kanila, ngunit wala rin itong saysay.
Patuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha, tila ayaw makinig ng aking damdamin sa kahit anong pagtatago.
?"Why would you seal Lucy inside of me?!
You should've let me die! You should've never let my mother die!
" Ang boses ko ay basag, puno ng poot at matinding pangungulila.
"Did you know I was bullied when I was young because I have no mana?
Now when I have a power, kailangan ko naman itong itago?
Why, Father?! Why did you let me suffer? Why? Why? Why?!"
Lumuhod ang aking ama sa aking harapan, may mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Ang marangal na Duke ng House Quentin, isang lalaking kinatatakutan at iginagalang ng marami ay tuluyang bumagsak sa aking harapan, wasak at walang anumang bakas ng kanyang dating tikas.
"R-Rassia, forgive me, my daughter... a part of me wanted you to truly live... after all, you are my daughter. Forgive your father, who was too weak to let you be strong. Forgive me for choosing your breath over your mother's."
?"Noong una ay hindi kita magawang yakapin at tingnan dahil sa pait ng nakaraan," pagpapatuloy ng duke, ang kaniyang boses ay basag at puno ng pagsisisi habang nananatili siyang nakaluhod.
"Labis kitang iniiwasan tuwing lumalapit ka sa akin dahil sa tuwing nakikita kita, dahil nakikita ko rin ang mukha ni Nadea.
Ngunit isang araw... habang ako ay nasa misyon at malayo sa Quentior Palace, lagi akong nananaginip, Rassia. "
?Napatingin ako sa kaniya, ang aking mga hikbi ay dahan-dahang humupa ngunit ang mga luha ay patuloy pa ring dumadaloy.
?"Ang kamatayan mo. Gabi-gabi iyon, Rassia. Nakikita kitang unti-unting naglalaho at wala akong magawa. Ang takot na iyon... iyon ang nagpamukha sa akin na mas masakit pa pala ang mawala ka kaysa sa sakit ng nakaraan. Kaya dali-dali akong umuwi upang masilayan ka."
Yumuko siya nang mas malalim, ang kaniyang mga balikat ay nanginginig.
?"Inaamin kong nasaktan ako nang hindi mo ako binati kagaya nang pagbati mo sa akin noong bata ka pa. Doon ko napagtanto na tuluyan ko na palang napatay ang kislap sa iyong mga mata..."
Ang tinutukoy niya marahil ay ang unang pagkakataon na nakita ko siya mula nang magising ako sa mundong ito... kaya pala ramdam ko ang pagkagulat niya noong araw na iyon.
?"Father..." mahina kong tawag, ang aking tinig ay hindi na puno ng tampo, kundi ng pagod.
?Dahan-dahan kong inabot ang kaniyang nanginginig na kamay.
"You kept me alive, yes... but you forgot that I also needed a father's love,"
Ang kaniyang mga balikat na kanina ay nanginginig ay tila tuluyan nang bumigay.
Hindi na siya nag-atubili, mabilis siyang tumayo at hinila ang aking katawan at niyakap ako nang mahigpit, isang yakap na puno ng pangungulila, pagsisisi, at pagmamahal na itinago niya sa loob ng labing-walong taon.
?"Patawad, Rassia... patawad," paghikbi niya sa aking balikat.
?"Hush, father. Matagal na kitang pinatawad," bulong ko sa kaniyang pandinig habang mas lalo kong hinigpitan ang aking yakap. ?"You don't have to carry the weight of the past alone anymore,"
Napansin ko ang lobong natutulog sa gilid na bahagyang gumalaw, nagpalit ng puwesto, at muling natulog, tila ba naistorbo namin ang kanyang payapang pagpapahinga.
Dahan-dahan akong humiwalay sa yakap at tiningnan nang diretso ang mga mata ng aking ama. Pinunasan ko ang huling bakas ng luha sa kaniyang pisngi.
"A d-demon inside of my s-sister?"
Nanlaki ang mga mata naming lahat nang mapatingin kay Russel, halatang gulat na gulat sa kanyang mga narinig. Mayroon na ring luha sa kaniyang mga pisngi na inosenteng nakatingin sa amin. Mukhang itinago rin ng aking ama ang katotohanan kay Russel.
Tumingin ang aking ama sa kanya at bumuntong-hininga nang mabigat.
"Yes, Russel. Your sister is a powerful being. However, we must protect her. Her power is forbidden throughout all of Vermeleyon. Hindi siya magiging ligtas."
"I knew it!" sagot ni Russel, bahagyang nanginginig ang boses. "Y-you've been acting suspicious ever since sister was still asleep! Nevertheless, I will keep this as a secret. N-no one will know about this!"
Bago pa man ako makakilos, naramdaman ko na ang mahigpit na yakap ni Russel sa aking bewang, ang kaniyang maliit na mukha ay pilit na isinisiksik sa aking tiyan habang ang kaniyang mga balikat ay nanginginig sa determinasyon.
?"I heard everything! I promise... I will be a good duke and a powerful swordmaster just like you, Father! And Big Sister... I will protect you even if it costs my life!"
?Huminga siya nang malalim, tila pilit na pinapalaki ang kaniyang maliit na dibdib upang magmukhang matapang sa harap namin at ni Vincenzo.
?"If the world calls Big Sister a demon, then I will be the demon that devours them first! If they try to touch Father's pride, they will have to go through my sword!"
Ikinuyom niya ang kaniyang maliliit na kamao at humarap kay Vincenzo nang may seryosong tingin.
"Future brother in law! my skills right now is not enough!
turuan mo akong maging kasing-bagsik mo sa pakikipaglaban!
I want you to be my master in the future!
I want to be the shield of House Quentin that no one can break!
Because we are a family, right? At ang pamilya ay hindi nag-iiwanan sa gitna ng laban.
.. Big Sister, don't be sad anymore... because from now on, you have two lions and one dragon guarding you! "
"Your master, huh..."
Ngumiti si Vincenzo habang dahan-dahang lumapit sa amin at ginulo ang buhok ng bata. "If you want to be a shield, little lion, you must first learn how to survive the storm. I will hold you to that promise."
Nanlaki ang aking mga mata at bahagyang napanganga sa narinig.
Future brother-in-law? Mabilis akong tumingin kay Russel, pagkatapos ay kay Vincenzo na nananatiling kalmado sa kaniyang pwesto.
Ang salitang iyon ay tila isang kuryenteng gumuhit sa gitna ng seryosong usapin namin.
I guess marami nga yatang nangyari habang ako ay tulog.
?"Future brother-in-law?" ulit ko. Tumingin ako sa aking ama na tila humihingi ng paliwanag, ngunit ang Duke ay bahagya lamang nag-iwas ng tingin.
?Lumingon ako kay Vincenzo. "Since when did you become his 'future brother-in-law', Vincenzo? At kailan pa kayo naging ganito kalapit ng kapatid ko?"
?Bahagyang tumawa si Vincenzo, isang mahina at mapanuksong tunog na nagmula sa kaniyang lalamunan. Hindi siya mukhang nabigla, sa halip, tila nagustuhan niya ang itinawag sa kaniya ng bata.
?"Brother-in-law, huh..." muling pag-uulit ng duke, ang kaniyang boses ay tila kulog na nagpatahimik sa munting tawa ni Russel. "Masyadong mabilis ang dila mo, son."
Humarap ang duke kay Vincenzo, "I may have acknowledged your help, Crown Prince Vincenzo, but let's be clear. No one takes my daughter's hand without proving he is worthy of protecting her."
Tumaas ang isang kilay ni Vincenzo, tila mas lalong nasiyahan sa daloy ng usapan.
?"Matagal ko nang sinabi ito sa iyo. Kailangan mo muna akong talunin sa espada bago ako pumayag na pakasalan mo ang aking anak," dagdag ng aking ama nang may pinalidad.
"The House of Quentin is built on strength.
If you cannot outbest me, then you have no business claiming the title that my son just gave you. "
?"I remember it clearly, Master Fuegoleon," sagot ni Vincenzo nang may halong pilyong tono. "It would be my honor to face the Great Swordmaster and the legendary Golden Lion of the Empire."
?Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Men and their pride. Ngunit sa kabilang banda, gumaan ang loob ko.
Ang makitang nagbabangayan ang aking ama at si Vincenzo tungkol sa aking kinabukasan ay isang bagay na kailanman ay hindi ko inakalang mararanasan ko sa buhay na ito.
Tumingin ako kay Vincenzo, at sa ilalim ng malamlam na liwanag ng silid, tila mas lalong tumitindi ang atraksyon na nararamdaman ko sa kaniya. Sa puntong ito, gusto ko siyang halikan, yakapin, at higit pa. Isang bugso ng damdamin na mahirap ikubli.
Ngunit agad akong natauhan, hindi ko maaaring gawin iyon sa harap ng aking ama at lalo na ng aking nakababatang kapatid.
?Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaglit ang mga mapangahas na kaisipan.
Control yourself, Rassia. Hindi ito ang tamang oras para roon.
?"Kung gayun," pagsisimula ko, pilit na pinapatatag ang aking boses upang hindi mahalata ang panginginig nito. "Patunayan mo ang iyong galing sa aking ama ngayong araw, Vincenzo. I want those spies neutralized before the moon reaches its peak."
"What a piece of cake, Lady Rassia..." pilyong ngisi ng prinsipe.
Iniwas ko ang aking tingin sa kaniyang mapanuksong mga mata at bumaling kay Ama.
"Father," ang aking boses ay may bahid ng awtoridad.
"Please go to the members of the Holy Cathedral.
As you have said, their presence poses a danger.
Sila ang pinakamalaking banta sa aking kapangyarihan, Samahan ninyo sila at bantayan ang kanilang bawat galaw. "
?Sandaling natigilan ang aking ama. Tumingin siya kay Russel na mahigpit pa ring nakayakap sa akin, at pagkatapos ay kay Vincenzo. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalinlangan.
?"Ngunit Rassia, ang mga espiyang narito—"
?"His Highness, Vincenzo is here, Father," putol ko sa kaniya, isang mabilis na sulyap ang ibinigay ko sa Prinsipe na tila naghihintay lamang ng aking hudyat.
"And I am no longer the helpless daughter who has no powers.
Go. Gamitin niyo ang inyong impluwensya bilang Duke upang ilayo ang atensyon ng Pope at Cardinal Lurtheron sa silid na ito. "
Huminga nang malalim ang duke at dahan-dahang tumayo nang tuwid. Ang kaniyang gintong aura ay muling nagningning, "Very well. I will face them. But hear me, Vincenzo..." lumingon siya sa Prinsipe nang may matalim na tingin. "Protect her with everything you have."
?"You have my word, Master Fuegoleon," seryosong tugon ni Vincenzo.
Nang tuluyang maglaho ang anino ng aking ama at ni Russel, agad na sumilay ang isang pilyong ngisi sa mga labi ni Vincenzo.
?"Hmm... you got rid of your father and brother para lang masolo ako, baby?" kantsaw niya, ang kaniyang baritonong boses ay tila haplos sa aking pandinig.
?"Masyado ka talagang bilib sa sarili mo, Your Highness..." pabalang kong sagot, ngunit hindi ko na rin napigilan ang pagsilay ng isang mapanuksong ngisi sa aking mga labi.
Sa bawat hakbang ko palapit sa kaniya, tila mas bumibigat ang tensyon sa hangin. Hindi siya gumalaw, nanatili siyang nakatitig sa akin hanggang sa tumama ang kaniyang likod sa malamig na pader.
?"I want to have alone time with you, Your Highness," bulong ko, "Did you know that I wanted to kiss you so badly?"
Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata, bago dahan-dahang lumalim ang kaniyang titig. Inabot niya ang aking baywang at hinila ako nang mas malapit, hanggang sa wala nang puwang na namamagitan sa amin.
?"Then what's stopping you, baby?" paos niyang tugon. Dahan-dahan niyang idinikit ang kaniyang noo sa akin, "Rassia... in this cold North, only fire like yours can keep me warm."
Hindi niya hinintay ang aking sagot. Sa halip, masuyong dinala ni Vincenzo ang kaniyang mukha sa akin at binigyan ako ng isang malumanay na halik.
Kakaiba talaga ang bagsik ng prinsipeng ito, sinunggaban ako agad.
?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mga labi patungo sa aking panga, hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking leeg.
Doon, muli siyang nag-iwan ng isang marahang halik na nagpataas ng balahibo ko at nagdulot ng kakaibang panginginig sa aking buong katawan.
?"V-vincenzo..." mahina kong tawag, ang aking boses ay halos isang bulong na lamang habang ang aking mga kamay ay kusang humigpit sa pagkakahawak sa kaniyang mga balikat.
"Five months felt like an eternity, baby. Don't ever... put me through that kind of torture again."
Binalot ng matinding init ang bawat sulok ng aking silid. Sa isang mabilis ngunit maingat na galaw, binuhat ako ni Vincenzo at ipinalit ang aming pwesto. Ang aking hita ay nakapulupot sa bewang ng prinsipe.
Nararamdaman ko ang lamig ng kahoy na mesa sa aking inuupuan, ngunit agad itong napawi ng nag-aapoy na presensya ng kaniyang katawan na muling sumuko sa akin.
Muli niyang sinakop ang aking mga labi, mas masuyo, mas malalim, at puno ng pagmamay-ari. Ngunit ang tunay na nagpatigil sa aking paghinga ay ang maramdaman ang kaniyang mga daliri na mabilis na nakalusot sa ilalim ng aking puting bestida.
?"A-ah! Vincenzo!" ang aking tinig ay gumuho, isang halo ng gulat at hindi maipaliwanag na sarap ang kumawala sa aking lalamunan. Napakapit ako nang mahigpit sa kaniyang mga balikat, ang aking mga kuko ay tila ba nabaon na sa kaniyang kasuotan habang ang aking ulo ay napatingala.
Tumigil siya sandali sa aking leeg, "I told you, baby... I'm done waiting. After five months of starvation, I want every part of you."
Muli niyang ipinuluput ang kanyang dalawang kamay sa aking bewang at muli akong hinalikan ng mapusok. Itinugon ko ang halik na iyon nang buong lakas, hinahayaan ang aking sarili na malunod sa sensasyong hatid ng kaniyang dila at ang init ng kaniyang katawan.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang tela ng aking saplot, inilalantad ang aking balat sa malamig na hangin ng silid bago ito muling binalot ng init ng kaniyang mga labi. Nang maramdaman ko ang kaniyang pagdampi sa aking kanang dibdib, tila nawala ang lahat ng lakas sa aking katawan.
"Ah! f-fuck! m-may lobo, Vincenzo..."
"Don't worry, baby. That wolf is asleep," bulong niya sa pagitan ng kaniyang mga halik, ang kaniyang kamay ay masuyong humahaplos sa aking baywang habang ang isa ay nananatiling nakasuporta sa aking likod. "Just moan my name, baby. No one can hear you because of my dark barrier..."
?"Vincenzo..." ang kaniyang pangalan ay kumawala sa aking mga labi bilang isang pagsusumamo. Ang aking mga daliri ay nabaon sa kaniyang buhok habang pilit ko siyang inilalapit sa akin.
?"More, Rassia. Say it again," utos niya, ang kaniyang mga halik ay nagiging mas mapangahas at mas gutom.
"Oh my! Vincenzo!"
Maya-maya pa ay isang nakakasilaw na liwanag ang biglang bumalot sa buong silid. Ngunit sa tindi ng aming emosyon, tila hindi namin ito napansin at nagpatuloy pa rin kami sa mapusok na paghahalikan ni Vincenzo.
?"W-what the-?"
?Doon lamang ako napadilat. Habang ang aking mga kamay ay mahigpit pa ring nakahawak sa batok ni Vincenzo, at ang kaniyang mga bisig ay nakapulupot sa aking baywang, sabay kaming napalingon sa pinagmumulan ng liwanag.
?Mabilis kaming naghiwalay. Sa gitna ng pagkataranta, kaniya-kaniya kaming ayos ng aming nagusot na kasuotan, ako sa aking puting bestida at siya sa kaniyang butones.
?Sa tapat ng unti-unting naglalahong lagusan, may isang babaeng nakasuot ng itim na cloak. Nakatakip ang kaniyang kamay sa kaniyang mga labi sa gulat habang pinagmamasdan ang eksena sa ibabaw ng mesa.
Sino ito? Ang alam ko, tanging ang mga Erenhal lamang ang may kakayahang bumuo ng mga lagusan...
?Maya-maya pa ay dahan-dahan itong natawa ng mahinhin, isang tawang puno ng pilyong kahulugan, at dahan-dahang ibinaba ang hood ng kaniyang cloak.
Halos malaglag ang panga ko nang makilala kung sino ang nasa harapan namin.
?"N-natalia?" mahina kong bulong sapat upang hindi marinig ni Vincenzo.
Humalukipkip siya at tiningnan kami mula ulo hanggang paa, bago tumingin sa gulo-gulong mesa na ginamit namin kanina.
"It seems I disturbed your... making love. Paumanhin, ngunit narito lamang ako upang sunduin ang aking magiging hari," malambing niyang saad habang ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa lobong mahimbing na natutulog sa sulok ng silid.
Gago! Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Ang ibig bang sabihin nito ay ang kwinento niyang mate sa akin ay ang lobong iyon? Hindi ko akalain na ang nilalang na narito sa loob ng aking silid ang tinutukoy niyang kanyang kapareha.
Sinasabi ko na nga ba! mabibighani agad ang lobo sa unang kita palang kay Natalia! dahil sa angking kagandahan nito! Mabuti na lamang ay ipinakilala na niya ang kaniyang sarili sa kaniyang mate...
Ngunit... mahigpit na ipinagbabawal ng Haring Drakkon na magpakita ang mga Erenhal sa kanilang mga mate. Papaanong si Natalia? Bakit siya narito at bakit tila wala siyang takot na labagin ang utos ng kanilang hari?
Muli siyang tumingin sa akin, ang kaniyang mga labi ay nagkurba sa isang matamis na ngiti. "Rassia, I'm glad you're awake now. At kahit papaano... nabawasan na ang bigat na dinadala ng prinsipeng lobo," aniya, sabay sulyap kay Vincenzo na tila may alam siya na hindi ko batid.
?"Oh! My!"
?Dali-dali akong tumingkayad dahil sa katangkaran ni Vincenzo at mabilis kong tinakpan ang kaniyang mga mata. Nakita ko ang kaniyang pilyong ngisi habang nakatingin kay Natalia.
Hindi maaari! Hindi niya dapat makilala ang babaeng ito. Isang Erenhal ang nasa harap namin! Hindi niya dapat malaman na buhay na buhay pa ang bloodline na iyon!
?"N-Nat-"
"I am Natalie, Lady Rassia..." makahulugan niyang sambit sa akin at tumingin kay Vincenzo. Mukhang nagtatago ito sa pangalan na Natalie.
"W-what are you doing here?! Alam ba ito ng H-Hari?!"
"Hindi niya ito alam, Rassia..." nag-iwas ito ng tingin sa akin, at muling tiningnan ang tulog na lobo.
Kumunot ang aking noo nang dahan-dahang tinanggal ni Vincenzo ang aking mga kamay sa kaniyang mga mata. Sa halip na magalit o maguluhan, isang kalmadong titig ang ipinukol niya sa akin.
?"Relax, baby... she's a friend," panimula niya, ang kaniyang boses ay tila haplos na nagpatahimik sa aking kaba.
"I found her... on the continent of Nervales.
As you can see, when Master and I found out the members of the Holy Cathedral will come here, agad kaming kumilos upang hindi nila maramdaman ang iyong demonic mana. "
?Napatitig ako sa kaniya, pilit na iniintindi ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang mga labi.
?"Masyadong malakas ang iyong demonic mana habang ikaw ay tulog pa dahil hindi mo pa ito lubos na makontrol," pagpapatuloy ni Vincenzo, habang hinahawakan nang mahigpit ang aking kamay.
"Ngunit malaki ang ipinasasalamat ko nang magising ka kaagad at kontrolado mo na ito.
Nakatulong din ang pagtago mo ng iyong mana sa Prinsipeng lobo.
.. dahil sa kaniya kami humingi ng tulong. "
?Lumingon siya kay Natalia na ngayon ay nakasandal na sa pader at may mapanuksong tingin sa amin.
?"Si Natalie... ang nagsabi... sa akin ng kakayahan ng Prinsipe at kung paano niya kami matutulungan, dahil din sakanya kaya napapayag namin ang prinsipeng lobo," pagtatapos niya.
Napalunok ako. Kaya pala... kaya pala ganoon na lamang ang kumpyansa ni Vincenzo sa harap ng isang Erenhal.
Hindi ko akalain na habang ako ay nasa gitna ng mahimbing na tulog, si Vincenzo ay naglakbay hanggang sa kontinente ng Nervales at nakipag-alyansa sa isang lahing matagal ko nang itinuturing na lihim.
Mukhang hindi alam ni Vincenzo ang totoong pagkakilanlan ni Natalia... mukhang hindi niya rin alam na bampira ito...
Tumingin ako kay Natalia na tila ba binabasa ang aking iniisip. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.
?"Kung gayon... thank you for helping them, Nat-Natalie... as well as that wolf of yours. I'm truly grateful," tapat kong saad.
"Huwag mo nang isipin 'yon, Rassia," ang kaniyang boses ay nananatiling mahinhin. "Masaya akong nakita kang gising at ligtas. Wala akong ibang hiling kundi ang iyong kaligtasan."
Huminga siya nang malalim habang muling itinaas ang kaniyang hood, "Hindi na ako maaaring magtagal pa. Ilang oras na lamang ay may mga makakahalata na sa pagkawala ng prinsipeng ito sa kaniyang sariling kaharian. Dapat ko na siyang ibalik sa kaniyang nasasakupan..."
?Sa isang iglap, sa isang mabilis na pagkurap lamang ng aking mga mata ay nasa tapat na siya ng natutulog na lobo. Mukhang ginamit niya ang kaniyang bilis bilang isang bampira, isang kakayahang nagpaalala sa akin kung gaano kapanganib at makapangyarihan ang mga Erenhal.
Yumuko siya nang may pag-iingat at hinawakan ang lobo, ang kaniyang mga daliri ay tila may dalang pamanhik sa nilalang na kaniyang tinatawag na hari. Maya-maya pa ay inilabas niya ang kaniyang susi ng lagusan.
?"Zeravon Noktaynar."
?Kasabay ng kaniyang pagbigkas sa mga katagang iyon, isang puting lagusan ang mabilis na bumukas sa kanilang likuran.
?"This is not a goodbye, Rassia. See you when I see you," ngumiti siya at tumingin sa akin at tinanguan niya lamang si Vincenzo.
?Sa isang iglap, kasabay ng paglaho ng puting liwanag, ay wala na ang lobo at ang bampira sa aming harapan.
Maya-maya pa, bigla kong naramdaman ang init ng hininga ni Vincenzo sa aking kanang leeg, kasabay ng muling pagpulupot ng kaniyang mga kamay sa aking baywang. Ramdam na ramdam ko sa aking likuran ang matigas at matipunong katawan niya na tila ba naging pader na sumusuporta sa akin.
"Since my friend has successfully claimed her king... do you still have enough energy to continue what we started, hmm... baby?"