CHAPTER 35

In the Northern Estate

Located in Wintergard, The North

Sa gitna ng malamig at mapanglaw na North, nagsasalo ng tanghalian ang pamilyang Quentin, kasama ang prinsipe at ang pitong miyembro ng Holy Cathedral, na pawang may kani-kaniyang iniisip habang binabalot sila ng malamig na hangin mula sa paligid.

Tatlong araw na ang lumipas mula nang maisagawa ang purification rite at ang paggising ni Rassia, isang pangyayaring nagdulot ng labis na kagalakan sa buong paligid dahil sa muling pagkamulat ng dalaga at sa naging matagumpay na pagsasagawa ng purification rite, na siyang nagbigay ng panibagong pag-asa at kapanatagan sa lahat ng naroroon.

Hindi muna umuwi ang Pope Theodoro, Cardinal Lurtheron, at ang iba pa nilang kasama dahil sa kalayuan ng kanilang pinanggalingan at sa haba at hirap ng paglalakbay patungo sa North, kaya't pansamantala silang nananatili roon upang magpahinga.

Batid ng lahat na ang paglalakbay papunta mula sa hilaga ay hindi biro, isang mahabang tahas na daan sa masukal at malalamig na lupain.

Tumigil ang ingay ng mga kubyertos nang basagin ni Pope Theodoro ang katahimikan. Ibinaba niya ang kanyang baso at itinuon ang kanyang seryosong tingin sa mga naroon, lalo na sa pamilyang Quentin.

"Bago kami lumisan sa estadong ito... nais ko lamang ipabatid na dalawang buwan mula ngayon, gaganapin na ang Holy Prophecy Gathering," panimula ng Pope, ang kanyang tinig ay malalim at puno ng awtoridad.

"Alam ko na batid ninyo na ito ay isang sagradong seremonya ng Holy Cathedral kung saan inilalahad ang mga pangitain at propesiya.

Ang araw na iyon ang sandali kung kailan mataas ang posibilidad na dumating ang mga propesiya sa bawat Pope ng kontinente. "

"Batid kong sa loob ng daang taon ay wala pa ring propesiya na nagpapakita sa sinumang Pope, ngunit ipinagdarasal namin sa dakilang diyosa na sa taong ito ay pagkalooban tayo ng pangitain…

Alam kong hindi karaniwang dumadalo ang House Quentin sa araw na iyon bawat taon, ngunit hinihiling ko na kayo ay dumalo.

" ani Cardinal Lurtheron at dumako ang tingin sa Duke, maging kay Rassia na may mga ngiti sa labi.

Nagkatinginan nang makahulugan sina Cesare at Vincenzo.

Sa kabila ng kalmadong ekspresyon ng kanilang mga mukha, tila may iisang takbo ang kanilang isipan, ang pangamba na baka may masama na namang balak ang Holy Cathedral, lalo na't nakatutok ang atensyon ng Pope at Cardinal Lurtheron kay Rassia.

Habang nagpapatuloy ang usapan, seryoso lamang na nakatingin si Rassia kay Pope Theodoro habang dahan-dahang kumakain. Walang mababakas na takot sa kanyang mga mata, tanging isang malalim lamang na pag-iisip.

?In the novel, naalalang kong kailanman ay hindi dumalo ang House Quentin sa The Holy Prophecy Gathering.

Bagaman ang bawat noble ay obligadong pumunta sa Holy Cathedral upang makiisa sa panalangin para sa Dakilang Diyosa, kung saan pinaniniwalaang mas diringgin ang dasal kapag mas maraming tinig ang nagkakaisa.

Ngunit iba ang katayuan ng aming pamilya.

Bilang isang Ducal Kingdom na ang kapangyarihan at awtoridad ay halos kapantay na ng Imperial Family, may espesyal na pribelehiyo ang mga Quentin na hindi sumipot sa mga ganong pagtitipon.

Sa orihinal na daloy ng istorya, mas pinili ng aking ama na ituon ang lahat ng atensyon sa pagprotekta sa kontinente laban sa mga banta.

Para sa Duke, ang pagbabantay sa kaligtasan ng mga tao ay mas mahalaga kaysa sa anumang ritwal o seremonya.

?"Very well, Your Holiness, Cardinal Lurtheron.

We will attend," pahayag ni Cesare sa boses na puno ng awtoridad.

"Hindi ko maaaring balewalain ang isang kaganapan na sinasabing magdadala ng mga pangitain para sa kinabukasan.

At dahil ang aking anak na si Lady Rassia ay nagising habang isinasagawa ang purification rite, marapat lamang na naroon ang House Quentin upang saksihan ang anumang mensaheng nais ipabatid ng Dakilang Diyosa. "

Nanatiling seryoso ang tingin ng Duke kay Pope Theodoro, isang tinging tila pilit na binabasa ang bawat iniisip ng matanda.

?Ginagawa ko ito upang iwasan ang kanilang mga hinala, kailangan naming patunayan sa kanila na wala kaming itinatago. Kahit pa hindi kami dumalo, hahanap at hahanap pa rin ng dahilan ang mga ito upang may matuklasan sa aking anak.

"Kung gayon, asahan ninyo rin ang aking presensya, bilang Crown Prince, nararapat lamang na naroon ako upang saksihan ang mga pangitain na ibabahagi ng Dakilang Diyosa. Hindi lamang ito tungkol sa tradisyon, kundi tungkol sa pagkakaisa ng Imperyo at ng Holy Cathedral." ani Vincenzo.

"I never thought my dear brother would attend," dagdag ni Cardinal Lurtheron, habang ang kanyang mapanuring tingin ay lumipat mula kay Cesare patungo kay Vincenzo.

"You are always busy protecting the continent because of the creatures and getting rid of who wants to cause chaos.

Masyado kang nakatuon sa iyong mga tungkulin bilang Crown Prince at sa pagpapanatili ng kaayusan, kaya nakagugulat na makitang maglalaan ka ng oras para sa isang. .. pagtitipon."

?Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Lurtheron, ang kanyang sarkasmo ay tila isang patalim na nakatago sa ilalim ng kanyang banal na kasuotan.

?"Ang pagdalo ko ay hindi lamang para sa seremonya, Cardinal Lurtheron," malamig na sagot ni Vincenzo, ang kanyang boses ay matatag at walang bahid ng pag-aalinlangan.

"Ang proteksyon ng kontinente ay kinabibilangan din ng pagbabantay sa mga mahahalagang kaganapan ng Katedral.

At bilang Crown Prince, tungkulin kong masiguro na ang bawat propesiya ay magsisilbi sa ikabubuti ng Imperyo. "

Umiigting ang panga ni Vincenzo habang seryosong nakatingin sakanyang kapatid.

Oh, fuck you to death, Lurtheron.

"In the Great Goddess's name, your devotion is truly inspiring, dear brother," tugon ni Lurtheron, ang kanyang boses ay malambot at puno ng huwad na paghanga.

Tahimik na nakamasid si Rassia at Russel, maging ang limang kasama ng Pope at Cardinal, sa tensyon sa pagitan ng dalawang magkapatid.

?Batid ni Rassia na ang bawat salitang binitawan ni Cardinal Lurtheron ay may kaakibat na patibong. Ang hidwaan ng magkapatid na Vincenzo at Lurtheron ay hindi lamang isang pamilyarang away, ito ay labanan sa pagitan ng trono at ng cathedral.

Sa gitna ng mabigat na tensyon sa pagitan ng mga makapangyarihang lalaki sa hapag, nananatili pa ring tahimik si Rassia. Sa halip na sumali sa mainit na palitan ng salita, dahan-dahan niyang kinuha ang sandok at nilagyan ng gulay ang plato ni Russel.

?Nakakunot ang noo ni Russel habang tinitingnan ang tumpok ng gulay na inilagay sa kanyang plato.

Tila nagrereklamo ang kanyang mga mata at naghahanap ng kakampi, ngunit pabiro lamang siyang tinaasan ng kilay ni Rassia.

Ang titig na iyon ng kanyang ate ay walang puwang para sa pagtanggi.

Dahil dito, walang nagawa si Russel kundi ang bumuntong-hininga at isa-isang kinain ang mga gulay nang labag sa loob.

Hindi naman nakaligtas ang simpleng tagpong ito sa paningin ni Lurtheron.

Habang pinagmamasdan ang pakikipag-ugnayan ni Rassia sa kanyang kapatid, hindi maiwasang ngumiti nang tipid ng Cardinal.

Ang kanyang sarkastiko at matalim na anyo ay panandaliang lumambot, tila naaliw sa ginawa ni Rassia.

I never expected her to be this... caring about her family in a quiet and sincere way. I guess my mother's suspicions about her... aren't true. Lalo na't wala rin akong naramdamang kakaiba sa binibining ito…

Ibinaling ni Lurtheron ang kanyang tingin sa kanyang kapatid na si Vincenzo, na tahimik na pinagmamasdan si Rassia. Halata sa mga mata ng Crown Prince ang lalim ng kanyang nararamdaman para sa dalaga.

Kay daling basahin ng aking kapatid. Ang bawat kilos niya ay puno ng proteksyon para sa binibining ito. Isang kahinaan na napakadaling gamitin laban sa kanya.

Rassia

Nakakabahala ang nalalapit na araw ng Holy Prophecy Gathering. Paano kung may propesiya ngang magpakita at isang masamang pangitain ang tumambad sa aming lahat?

Mabuti na lamang at nakauwi na rin ang Pope at si Cardinal Lurtheron kasama ang iba pa. Tunay ngang may panganib na dala ang kanilang presensya sa aking kapangyarihan.

Ngayon ay mas nauunawaan ko na ang mga isinambit ng mga Erenhal tungkol sa kanila.

?Napapaisip pa rin ako sa plano ng mga Erenhal at ng Haring Drakkon.

Nais niya bang mamuno ulit at maghiganti sa kontinente ng Vermeleyon at sa Holy Cathedral?

Ngunit patay na rin ang mga dating miyembro ng Holy Cathedral kaya wala na ring silbi ang kanilang paghihiganti kung sakali.

They are the highest form of royal blood. In ancient times, people believed they were the rightful rulers of Erenhal Sartorias and the Seven Kingdoms.

Kahit saang anggulo ko pa tingnan, nararapat talaga na ang dugo nila ang umupo sa trono ng Erenhal Sartorias dahil nagawa nilang pag-isahin ang pitong kaharian noon.

Ang Vermeleyon lamang ang kaisa-isang kontinente na nasa ilalim ng isang Emperor.

Hindi lang iyon, sila rin ang nagturo sa mga mages kung paano mag-summon ng animal spirit at sovereign spirit sa Gadesea.

?Nabasa ko pa sa isang libro na dahil sa mga Erenhal kaya mayroong mga pampublikong akademya kung saan ang mga walang pribilehiyong makapag-aral ay nabibigyan ng pagkakataon. Doon ay mas nahahasa ng mga bata ang kanilang kapangyarihan sa tulong ng mga guro.

?Nagtataka nga ako dahil ang librong iyon ay punit-punit at sunog na. Ang pahinang iyon lamang ang tanging nababasa ko habang ang ibang bahagi ay hindi na maunawaan. Ngunit pinili pa ring ilagay ang librong iyon sa library ng Quentior Palace.

Tila ang aking mga ninunong Quentin ay hindi nais na tuluyang mabura ang tunay na kasaysayan ng Vermeleyon.

?"Masyado atang malalim ang iniisip mo, Rassia? Care to share it with me..."

?Nagulat ako nang biglang sumulpot si Vincenzo sa aking tabi.

?Narito ako ngayon sa teresa ng northern estate habang pinagmamasdan ang mga kawal ng House Quentin sa ibaba.

Sa ilalim ng pamumuno ni Commander Agostin, abala ang lahat sa paghahanda para sa aming paglalakbay pauwi sa Emberman.

Tinitingnan din ng iba kung ligtas at handa na ang aming karwahe para sa mahabang biyahe.

?I am wearing a deep red coat long dress with a sharp collar and a plunging neckline. A black belt with gold details cinches my waist. Underneath, I wear black trousers and boots. Nagsuot din ako ng black gloves dahil sa tindi ng lamig dito sa North.

"Hmm... iniisip ko lang ang historya ng Erenhal Sartorias, Vincenzo. Ang mga Erenhal." nginitian ko siya ng tipid.

Kumunot ang noo ni Vincenzo habang sinusuri ang aking mukha, tila sinusubukan niyang basahin ang bawat emosyong dumadaloy sa aking pag-iisip.

?"Anong tingin mo sa... mga Erenhal?" tanong niya sa isang mahinang boses.

?Huminga ako nang malalim at muling itinuon ang paningin sa mga kawal sa ibaba.

?"Well... I don't know them personally so who am I to judge," sagot ko habang hinahaplos ang tela ng aking pulang coat dress dahil sa lamig. "Iba-iba rin kasi ang mga sabi-sabi at hindi ko alam kung ano ang totoo sa lahat ng narinig ko."

?"Ang kasaysayan ay isinusulat ng mga nagwagi, Vincenzo. Minsan, ang katotohanan ay natatabunan na lamang ng kung ano ang nais nilang paniwalaan natin."

"That's true," maikling tugon ni Vincenzo habang nakatanaw rin sa malayo. "History is often a collection of stories told by those who survived to tell them. The truth usually lies somewhere in the shadows."

Binalot kami ng sandaling katahimikan bago ko naramdaman ang muling pagbaling ng kaniyang atensyon sa akin. Sa pagkakataong ito, mas naging mapanuri ang kaniyang mga mata.

Napatitig ako sa kanya.

Damn...

Why is he so goddamn fine?

He's literally so handsome that every other guy feels unattractive to me except him.

I hate to think that other ladies might... be crushing on him too.

?"But tell me, Rassia, what if you encounter an Erenhal and he is... close? What if the very person you are talking to, or someone you have known for a long time, carries that blood?"

Nag-iwas ako ng tingin at marahang umiling at natawa nang mahina.

Dahil oo, nakipagkaibigan na ako sa isa sa kanila. Si Natalia. Ang kaniyang presensya ang nagpagaan sa loob ko noong nasa mundong Vlymir ako. Kung alam mo lang, Vincenzo, na nakita ko sa sarili kong mga mata na buhay na buhay ang sampung pinakamataas na Erenhal.

?"Of course lalayuan ko sila, Vincenzo. Ano bang klaseng tanong iyan?" wika ko. "Ang kanilang dugo ay itinuturing na lason ng mga tao at ng Holy Cathedral. Nararapat lamang na layuan sila dahil pahamak lamang ang kanilang dadalhin."

?"Rassia... kaya mo bang magmahal ng isang Erenhal?"

?Kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya bago muling natawa nang mahina.

?"Ano na namang tanong iyan, Vincenzo? Paano ako magmamahal ng isang Erenhal e matagal na silang wala?" Bumuntong-hininga ako at seryosong sinalubong ang kaniyang mga mata.

"Isa akong Quentin, Vincenzo. Ninuno ko si Aurelius Quentin na siyang kumitil sa halos lahat ng mga Erenhal noon. Isang malaking kahihiyan sa aking pamilya kung magmahal man ako ng isang katulad nila."

Nanatiling tahimik si Vincenzo, ngunit ang kaniyang mga mata ay nagpahiwatig ng isang bagay na hindi ko mawari.

Ngumiti ako at dahan-dahang hinawakan ang kaniyang kamay.

?"At isa pa, narito na sa aking harapan ang tanging nais kong mahalin," malambot kong saad habang nakatingin nang diretso sa kaniyang mga mata.

Ngumiti siya ng tipid at Inangat niya ang aking kamay at marahang idinampi ang kaniyang mga labi sa likod niyon.

"You have a way of making me forget the rest of the world, Rassia," bulong niya pagkatapos ng kaniyang halik. "Sana ay ganiyan pa rin ang iyong paninindigan kapag dumating na ang panahon na kailangan nating harapin ang katotohanan."

?Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang aking dibdib sa kaniyang huling sinabi. Marahil ay tinutukoy niya ang aking madilim na kapangyarihan.

?"Vincenzo... ano kaya ang mangyayari sa akin kapag nalaman—"

?Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad niyang hinawakan ang aking mukha, pinatatahimik ang aking mga pangamba.

"Hush, baby. I am here to protect you," malambing ngunit determinadong saad niya. Hinapit niya ako lalo palapit sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang tibok ng kaniyang puso. "I will use my connections, authority, and power to hide your secrets so no one can hurt you."

?Ramdam ko ang senseridad sa kaniyang boses. Sa mga sandaling ito, nais kong maniwala na sapat na ang kaniyang proteksyon upang itago ang lahat ng lihim na dala ko.

?"Magtiwala ka sa akin, Rassia," bulong niya habang hinahaplos ang aking buhok. "Walang sinuman ang makakaalam, at walang sinuman ang makakagalaw sa iyo habang nasa tabi mo ako."

Hindi ko mapigilang isipin kung hanggang kailan namin kayang linlangin ang lahat.

?"Vincenzo... kailan tayo ulit magkikita kung makakauwi na ako sa Emberman?" Malambing kong tanong.

?Bahagya siyang natawa at hinawakan ang aking baba upang iharap ako sa kaniya.

?"I'll visit you, of course," paninigurado niya.

"Ngunit marami rin akong dapat asikasuhin bilang Crown Prince.

Kailangan kong alamin ang lahat ng nangyari sa buong kontinente habang wala ako sa Imperial Palace.

But I promise I will visit you. Lalo na't may mahahalagang bagay din kaming kailangang isagawa ng iyong ama. "

"Wait, kumusta pala ang mga espiya rito sa estado mo? Iyong mga nag-eespiya sa akin?" tanong ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata, pilit binabasa ang kaniyang reaksyon.

?"Don't worry, I already dealt with them," seryosong sagot ni Vincenzo.

"As you said, you wanted those spies neutralized before the moon reached its peak.

Wala na sila simula pa noong araw na nagising ka.

Mabuti na lang din at aalis na tayo rito.

I already talked to the King of the North regarding this matter. "

?Napaatras ako nang bahagya sa gulat. "W-what? The King in the North? Close kayo?"

?Bahagya siyang natawa sa aking reaksyon, tila naaaliw sa aking pagkabigla.

?"Of course. He was my... let's just say a close ally," paliwanag niya. "We attended the same academy when I was younger. Malaki ang tiwala namin sa isa't isa pagdating sa seguridad ng hilaga."

?"Tss... don't be shy, Vincenzo. Just say he's your best friend," pang-aasar ko sa kaniya habang nakataas ang aking kilay.

?"Best friend? That's a very... common term for a Crown Prince to use," sagot niya habang umiiling, ngunit nananatili ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Hindi ko akalain na ganito kalawak ang koneksyon ni Vincenzo.

I also need connections, an ally I can truly rely on.

I know my father, the Duke, has built countless ties and alliances over the years, names bound by oaths, gifts, and old debts. But I cannot stop wondering how many of them would remain loyal if trouble came to House Quentin.

I do not want alliances built on my father's influence or inherited trust. I want something more certain.

Someone who does not stand beside me because of obligation, but because they chose to.

Someone who swore their loyalty not to my name, not to my house, but to me.

An ally who would not hesitate when everything begins to fall apart.

Naputol ang aming pag-uusap ni Vincenzo nang dumating ang aking ama. Gaya ng kaniyang nakagawiang mannerism, dahan-dahan niyang inayos ang kaniyang salamin habang naglalakad papalapit.

Sa likod niya, si Commander Agostin at limang kawal ng House Quentin ang nakabuntot, mga lalaking tila gawa sa bakal ang tindig, taglay ang lion sigil sa kanilang mga armor at ang mahahabang pulang kapa na sumasayaw sa hangin.

The soldiers of House Quentin form a large army, divided among four commanders who each lead their own formation. I estimate that our forces number around forty thousand soldiers.

Ang lakas ng aming hukbo ay katumbas ng mga Imperial Knights ng palasyo.

?Naalala kong natawa ako nang malaman ang mahigpit na height at body requirements para maging isang ganap na knight ng aming pamilya. If you want to be a knight for House Quentin, you really have to work for it.

Father is indeed strict, hindi sapat ang galing sa espada, kailangan ay may kahanga-hanga ka ring pangangatawan.

Ngunit sa kabila ng paghanga ko sa aming pwersa, may kaba ring nanahan sa aking dibdib.

?It will indeed lead to a war if a conflict happens between the Vacardis and the Quentins.

Ang dalawang pamilya ay itinuturing na pinakamalapit na magkakampi simula pa noong kapanahunan ng mga Erenhal. Ang anumang lamat sa relasyong ito ay hindi lamang gulo sa pagitan ng dalawang noble houses, kundi isang banta na magpapaguho sa buong kontinente.

Mabuti na lamang at ang aking ama, na isang Quentin, at si Vincenzo, na isang Vacardi, ay tila may malalim na pagtitiwala sa isa't isa. Sa gitna ng tensyon sa kontinente, ang kanilang alyansa ang nagsisilbing matibay na pundasyon na pumipigil sa kaguluhan.

?"Everything is prepared," deklara ng duke na puno ng awtoridad. "The knights are in formation, and the carriages are secured. Maari na tayong bumyahe ngayon din. I want us across the border before the moon reaches its peak."

Napansin ko ang pilyong ngisi ni Commander Agostin habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Vincenzo. Tila may ibig siyang ipahiwatig sa kaniyang mga tingin, kaya naman pasimple ko itong inirapan bago muling ibinaling ang aking atensyon kay Vincenzo.

?"Very well, then. Let's go,"

We walked together alongside Father, with Vincenzo positioned between us. Commander Agostin and the five knights followed closely behind.

The Northern knights saluted in perfect unison as we passed, a reminder of the power House Quentin and the Crown Prince held.

Tumigil ako sa paglalakad nang makalabas na kami sa Northern Estate. Sa aming harapan, ang tatlong daang kawal ng House Quentin ay nakahilera na nang maayos sa kani-kanilang mga kabayo, handa na sa pag-alis.

?Kaharap ko ang enggrandeng karwahe na may lion sigil ng aming pamilya. Naroon na si Russel sa labas, matuwid na naghihintay sa amin.

?Napatingin ako sa 'di kalayuan nang makarinig ako ng malakas na dagungdong, ang ungol ng isang dragon na tila nagpapatinig sa buong paligid.

Napangiti ako, naroon na si Dragoroth, tapat na naghihintay sa kaniyang master. Nakatingin ito sa amin ni Vincenzo at muling umungol nang malalim.

?"You'll ride Dragoroth, Your Highness?" tanong ko sa prinsipe habang nakatingala sa dambuhalang nilalang.

?"Yes. Not a problem if you wish to ride with me..." sagot ni Vincenzo na may kasamang pilyong ngisi.

?Agad na naputol ang kaniyang sasabihin nang marinig ang pekeng ubo ng aking ama. Nakataas na ang kilay ni Father kay Vincenzo, at maging si Russel ay ganoon din ang naging reaksyon.

?"Oh, thanks, Your Highness, but... I wish to be with Father and Russel," mahina kong tawa. "At isa pa, nakasakay na rin naman ako kay Dragoroth noong papunta tayo rito."

?"Unacceptable! You let my daughter ride with your dragon?!" biglang sigaw ng duke.

?Nagkatinginan ang mga kawal dahil sa biglaang pagtaas ng boses ng Duke. Habang si Russel naman ay tila namangha pa sa narinig at pasimpleng tumingin kay Dragoroth, na tila ba gusto rin niyang subukang sumakay rito.

?"Master Fuegoleon, relax. It was faster," kalmadong sagot ni Vincenzo.

?"You know what? Gentlemen, let's go now," pag-awat ko sa kanila bago pa lumala ang usapan.

"Father, Your Highness... I wish to ride a horse."

"Are you sure, ba— Lady Rassia?" tanong ni Vincenzo, bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses nang muntik na niyang masambit ang nakasanayang tawag sa akin.

?"Rassia, hindi ka marunong sumakay ng kabayo. I always give you the most luxurious carriages, ni minsan ay hindi ka nagkabayo," saway ng aking ama, ang kaniyang mukha ay puno ng pag-aalinlangan.

?"Father... I want to try something new. As if naman ikakamatay ko ito," pakiusap ko. "Tatlong daan ang kawal na kasama natin; isang dampi lang ata ng lamok ay hindi niyo hahayaang makalapit sa akin. Trust me, Father, I'm good. Tsaka mukhang madali lang naman magpaamo ng kabayo..."

Sumulyap pa ako sa mga matitikas na kabayo ng mga kawal, tila ba naghahamon.

?"But Rassia..."

?"But Big Sister..."

?"But baby..."

?Sabay-sabay nilang sambit, dahilan upang agad na kumunot ang noo ng dalawang Quentin. Muling tumingin nang masama ang aking ama at si Russel kay Vincenzo dahil sa huling tinawag nito sa akin.

?"Pretty please..." Nagawa ko pang mag-puppy eyes sa kanilang tatlo, ang aking huling alas.

?Sabay-sabay silang nagbuntong-hininga, talo sa aking pakiusap.

"Relax, Master. Ako na ang bahala," singit ni Vincenzo bago lumingon sa commander ng Northern Knights. "Commander Felias, bring large horses here. Well-trained ones, this instant."

?"Understood, Your Highness," mabilis na sagot ng commander.

?"What the? What do you mean large horses?" angil ng aking ama.

?"I'll cast a shadow to the horses to control them, Master. Hindi na nila kailangang pahirapan ang sarili nila sa pagkontrol. That way, they will be perfectly safe,"

?Nanlaki ang aking mga mata sa sinambit ni Vincenzo at hindi ko napigilang mapangiti nang malawak. Sa sobrang tuwa, bigla ko siyang niyakap at bahagya pang tumingkayad dahil sa kaniyang tangkad. Mabilis din niya ako niyakap sa bewang.

Tila natigilan ang lahat nang makita ang eksenang iyon, isang katahimikang biglang bumalot sa buong paligid. Maging ang mga maidservants na nakatanaw ay napatigil sa kanilang ginagawa, habang nakatingin sa akin at sa Crown Prince.

Isa-isa na kaming sumakay sa aming mga sari-sariling kabayo upang umuwi sa Emberman. Nalagyan na rin ng mga anino ni Vincenzo ang kabayo namin ni Russel.

Samantala, si Vincenzo ay sumakay na rin kay Dragoroth.

Sa isang malakas na pagaspas ng mga pakpak ng dragon, lumikha ito ng malakas na hangin na nagpahangin ng mga pulang kapa ng aming mga kawal.

Sinabi niyang sasabayan niya kami sa paglalakbay sa himpapawid, kahit na alam naming kaya niyang makarating sa Imperial Palace sa loob lamang ng ilang oras kung nanaisin niya.

?Nasa unahan kami ng tatlong daang kawal ng House Quentin. Pinamumunuan kami ng Duke na nasa pinaka-unahan, ang kaniyang likuran ay tuwid na tuwid habang suot ang kaniyang seryosong awtoridad.

Kami ni Russel ay nasa kaniyang likuran, sa gilid ni Russel ay naroon si Commander Agostin na kampanteng nakasakay sa kaniyang kabayo, habang sa gilid ko naman ay isang matikas at malakas na knight ng House Quentin na nakabantay sa bawat galaw ko.

Nang masigurong handa na ang lahat, pinihit ng duke ang kaniyang kabayo upang humarap sa amin, habang ang gintong kapa niya ay humahampas sa malamig na hangin ng North.

Father looks so cool... He is indeed the golden lion of House Quentin.

Tumingin siya sa tatlong daang kawal, sa amin ni Russel, at sandaling nag-angat ng tingin kay Vincenzo na nasa itaas.

"Listen well. We are moving through uncertain paths. Expect that we might encounter danger on our way to Emberman. Our enemies are watching, so do not let your guard down for even a second. Always be ready to fight."

??"You are the soldiers of the House of the Lion. We do not flinch, and we do not retreat. Stand firm, protect the blood of your House, and show them that no force in this continent can obstruct a Quentin's path. Let them hear the heartbeat of our march before they see our steel."

?Itinaas niya ang kaniyang kamay, isang hudyat na yumanig sa katahimikan ng paligid.

?"To Emberman! Move out!"

?"For House Quentin!" ang sabay-sabay na tugon ng mga kawal.

?Sa isang iglap, nagsimulang tumakbo ang aming mga kabayo.

Tumingala ako na may ngisi sa labi sa kalangitan. Ilang segundong nagtagpo ang aming mga mata ni Vincenzo.

?Kahit na malayo siya, ramdam ko ang titig niya na tila naninigurado sa aking kaligtasan. Bahagyang bumaba ang lipad ni Dragoroth, sapat na upang makita ko ang ngisi ng prinsipe na nakatingin sa akin.

Muli siyang nag-angat ng lipad patungo sa mga ulap, habang ako naman ay ibinaling ang tingin sa daan.

With that, we started our journey. Father led the way at the front, while the heavy sound of Dragoroth's wings followed us from the sky.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.