CHAPTER 36
Rassia
Apat na araw na kaming naglalakbay pabalik sa Emberman, patungo sa Quentior Palace. Sa gitna ng gubat na aming dinaraanan, doon kami nagpalipas ng mga gabi sa loob ng aming mga tent.
Ngayong hapon, nagpasya kaming muling magpatuloy sa aming paglalakbay sakay ng aming mga kabayo.
Mula sa kalangitan, mabilis na bumaba ang lipad ni Dragoroth, ang malalaking pakpak nito ay lumikha ng malakas na hangin na nagpagulo sa pormasyon ng aming mga kapa. Napatingala kaming lahat nang humantong ang dambuhalang dragon sa tapat namin ng aking ama.
?Seryoso ang mukha ni Vincenzo habang nakasakay sa likuran ni Dragoroth. Ang kaniyang mga mata ay matalas na nakatingin sa di kalayuan.
?"Master Fuegoleon, halt!" sigaw ni Vincenzo, ang kaniyang boses ay nangingibabaw sa dagundong ng mga kabayo.
Agad na itinaas ng duke ang kaniyang kamay at tumigil ang tatlong daang kawal sa isang iglap. "What is it, Your Highness?"
?Pinababa pa ni Vincenzo ang lipad ni Dragoroth upang mas mapalapit sa amin.
"There is a clash happening ahead. They are the Bandits and Engkantari, and they seem to be fighting about a... dragon," babala niya, ang kaniyang tono ay puno ng awtoridad at panganib.
"Do you have any idea what is Engkantari, Lucy Pearl?" tanong ko sa aking isipan.
"Sa aking pagkakaalam, ang Engkantari ay kalahating tao at kalahating engkantado na hindi tinatanggap sa kontinente ng Palazan. Kaya naman naririto sila at naninirahan, at ang kanilang pag-uugali ay kahalintulad ng mga bandido." agad na tugon nito sa aking isipan.
"Engkantari... I've heard whispers of them. Are they truly as dangerous as they say?"
"Yes, the way they fight is brutal, and it shows they were never taught mercy... tss, I know what you're thinking, Rassia."
Palihim akong ngumisi.
Lumingon sa akin si Vincenzo, ang kaniyang mga mata ay sandaling lumambot bago muling naging matalim. "Stay close to your father, Rassia. Dragoroth and I will see if they are foolish enough to block our way."
Kung may isa pang dragon sa gitna ng labanang ito, hindi lang ito simpleng harang sa daan, ito ay isang digmaan.
?"Soldiers, listen up!" The duke shouted, "There is a fight happening ahead. Bandits and Engkantari are blocking our path. We are not stopping, and we are not taking a detour. We are going straight through them."
?He then looked at Russel and me, his eyes narrowing with a heavy warning.
?"Rassia, Russel, listen to me carefully. Stay in the center of the formation. Do not, under any circumstances, leave the side of your guards."
Napangisi ako habang mas hinihigpitan ang hawak sa renda ng aking kabayo.
"Father, I should consider this as my first battlefield."
Ang kaniyang mga kilay ay halos magsalubong sa tindi ng pag-aalinlangan. Binigyan niya ako ng isang matalim at mapanuring tingin.
?"Are you sure, Rassia?" tanong niya, ang boses niya ay puno ng babala. "This is not a simple sparring match in the courtyard. The people ahead of us are different."
?"... The bandits are chaotic, they fight dirty and will use any trick to slit your throat. But the Engkantari? They are systematic. They have a different way of fighting, They won't care that you are a Lady." he continued.
Naramdaman ko ang tensyon ng mga kawal sa paligid namin. Alam nilang kapag nagkamali ako, lahat sila ay mananagot sa Duke. Pero imbes na umurong, mas lalo kong itinaas ang aking baba.
?"I am sure, Father," seryoso kong sagot. "If they have different styles, then I will just have to adapt to both. Let Lucy's training show its worth."
"Don't you dare disappoint me now, Rassia. Let the scent of blood awaken the monster I carved out of you." rinig kong bulong ni Lucy Pearl sa aking isipan.
?Nagpakawala siya ng isang mabigat na hininga, "Fine. Stay close to me. Do not let them get behind you."
Matapos akong bigyan ng pahintulot ng duke, agad siyang bumaling kay Russel. Ang kaniyang boses na kanina ay puno ng pag-aalinlangan para sa akin ay naging kasing tigas na ng bato nang harapin niya ang walong taong gulang kong kapatid.
?"Russel," tawag niya rito, ang tono niya'y hindi tumatanggap ng anumang reklamo.
?"Father! I want to help too! I want to-"
?"Silence," putol ng duke sa kaniya. Hinawakan niya ang balikat ni Russel nang mahigpit, sapat na upang mapatitig ang bata sa kaniyang mga mata.
"You are the future Duke of House Quentin. You are the heir to this bloodline and the future of our people. Your life is not yours to gamble on a whim or out of curiosity."
Bahagyang tinapik ng aming ama ang balikat ni Russel.
?"A leader must know when to draw his sword and when to preserve his life for the sake of his people.
Today is a day for observation, not for action.
You will stay at the very center of the formation, guarded by our most elite knights.
If I see you even attempt to reach for your training blade, I will have you sent back to the Quentior Palace immediately. "
?Yumuko si Russel, halatang dismayado.
?"Is that clear, Russel? Your duty today is to watch, to learn, and to stay alive. The House of the Lion cannot lose its future in a skirmish with engkantaris and bandits."
?"Yes, Father, I'll summon my animal spirit to fight..." mahinang sagot ni Russel.
Binigyan ko ng simpleng tango at ngiti si Russel, na bakas ang pangamba at paghanga sa kaniyang mga mata.
?"Stay alive, Russel," mahina kong bilin sa kaniya, sapat na upang marinig niya sa gitna ng ingay ng mga gamit-pandigma.
Sumunod na ako sa likod ng duke. Maging ang mga tatlong daang kawal ay bumilis na rin ang takbo ng mga kani-kanilang kabayo.
Bahagyang lumapit si Commander Agostin, ang kaniyang kabayo ay sumasabay sa takbo namin. Wala na ang mga nakasanayan kong pilyong ngisi sa kaniyang mga labi, pinalitan ito ng isang seryosong ekspresyon na bihirang makita sa kaniyang mukha.
?"Your Excellency, we only have three hundred soldiers with us. Ang mga bandido at Engkantari sa unahan... maaaring doble o triple ang bilang nila sa atin. Masyadong mapanganib para kay Lady Rassia at sa batang Master." ani Agostin.
?Hindi man lang lumingon ang Duke. Nanatiling diretso ang kaniyang tingin sa usok na nagmumula sa labanan.
?"Agostin, I have not earned the title of Great Swordmaster for nothing."
Bahagya niyang hinila ang renda ng kaniyang kabayo, sapat na upang marinig siya ng mga nangungunang kawal.
?"Do you think House Quentin measures strength through numbers?
A hundred sheep will never defeat a single lion.
Every soldier of House Quentin is trained to be a wall that no enemy can break.
Hindi tayo mahina. Ang bawat isa sa inyo ay dumaan sa impiyerno bago niyo nakuha ang crest na iyan sa inyong mga baluti. "
?Itinaas niya ang kaniyang kamay, at ang tatlong daang kawal ay sabay-sabay na naglabas ng kanilang mga sandata. Ang tunog ng bakal ay umalingawngaw sa buong kapatagan.
?"Three hundred is not a small number," dagdag ng duke nang may kumpiyansa. "Sapat na ito upang ubusin ang sinumang mangahas na harangan ang daan ng aking pamilya. If they want blood, then we shall give them a river of it."
Napangisi ako habang pinagmamasdan ang likuran ng aking ama. Sa bawat salitang binitiwan niya, ramdam ko ang alab ng katapatan mula sa tatlong daang kawal na nasa likuran namin. Father truly is a great leader and a Duke.
He trusts his people and his soldiers, and that is the most important trait of a good leader.
Cinontrol ko ang aking kabayo na hanggang ngayon ay napapalibutan pa rin ng madidilim na anino ni Vincenzo palapit kay Commander Agostin. Nakita ko ang pag-aalangan sa kaniyang mukha, kaya isang matapang na ngisi ang ibinigay ko sa kaniya.
?"Don't worry about me and Russel, Commander Agostin, baka nakakalimutan mo? We have the blood of a Quentin. One of the powerful mages of bloodline in this continent. We don't just carry the name for titles. We can handle ourselves."
Bahagya akong lumingon kay Agostin at ngumiti ng matamis.
"I'll make sure anyone who tries to get past me regrets being born."
?Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata ni Agostin at ngumisi. ?Isang tipid na tango ang ibinigay niya sa akin,
"Understood, Lady Rassia. Then let's show these bastards what it means to cross our path."
Sa aming pagpasok sa battlefield, tila huminto ang mundo sa gitna ng kaguluhan.
Ang tatlong daang kabayo ng House Quentin ay nagdulot ng malakas na dagundong na naging dahilan upang mapalingon ang mga naglalaban.
Bahagyang nagulat ang mga Engkantari at mga bandido, napatigil sakanilang paglalaban.
?Agad na nakuha ng aking pansin ang itsura ng mga Engkantari at ng mga Bandido.
Hindi sila ordinaryong nilalang.
Ang mga engkantari ay matatangkad, tila hindi pangkaraniwan para sa isang tao, at malalaki ang kanilang pangangatawan.
Ang kanilang mahahabang tenga ay bahagyang gumagalaw habang ang kanilang mahahabang buhok ay maayos na nakatali.
Wala silang suot sa itaas, tanging ang kanilang pang-ibabang bahagi lamang ang may saplot, na nagpapakita ng kanilang mga maskuladong katawan na handang-handa sa pakikipaglaban.
?Sa kabilang banda, ang mga bandido ay tila kauri rin namin, ngunit ang kanilang itsura ay puno ng bagsik.
Ang bawat pulgada ng kanilang katawan, maging ang kanilang mga mukha, ay balot ng maiitim na tattoo na tila sumisimbolo sa bawat krimen na kanilang ginawa.
Katulad ng mga Engkantari, wala rin silang suot pang-itaas, at ang kanilang mahahabang balbas ay maingat na nakatali upang hindi makasagabal sa laban.
Nang makita ang pagbulusok ng aming hukbo, ang katahimikan ng gulat ay napalitan ng malalakas na sigaw ng poot mula sa magkabilang panig ng mga kaaway.
?"Isang grupo na naman?!" sigaw ng isang bandido, habang iwinagayway ang kaniyang dambuhalang palakol. Ang mga tattoo sa kaniyang mukha ay tila gumagalaw sa tindi ng kaniyang galit.
"Mga sakim! Hindi pa ba sapat ang mga Engkantari na ito at kailangan niyo pang makisawsaw?!"
?"Umalis kayo kung ayaw ninyong mamatay!" ulong ng isa pang bandido sa kaniyang mga kasamahan.
"Huwag ninyong hayaang maagaw nila ang dragon! Atin ang premyong ito!"
Maging ang mga Engkantari, sa kabila ng kanilang seryoso at malamig na disposisyon, ay naglabas ng nakakangilong hiyaw. Ang kanilang pinuno na may hawak ng mahiwagang kadena ay lalong hinigpitan ang kapit dito, habang ang kaniyang mahahabang tenga ay bahagyang kumikibot sa tensyon.
"Nerkale humans saira de lumar!" 'humans greed knows no bounds!'
Sigaw ng pinuno ng mga Engkantari sa kanilang sariling lengguwahe.
"Akala niyo ba ay ganoon lang kadaling agawin ang sagradong nilalang na ito? Ang dragon ay para sa amin! Sinumang humarang ay ituturing naming kaaway ng kalikasan!"
?"Take them down!" sigaw ng isang Engkantari na nakatali ang buhok nang mataas. "Protect the chains! Huwag ninyong hayaang makalapit ang mga kabayong iyan!"
Nagsimula ang tunay na kaguluhan. Ang tatlong daang kawal ng House Quentin ay hindi na lamang basta mga lalaking may espada, sila ay naging isang hukbo ng mga knight mages.
Sabay-sabay na nagningning ang mga magic circles sa kanilang mga palad, naglalabas ng iba't ibang kulay ng enerhiya na tumatama sa mga kalaban.
?"For House Quentin! Attack them!" sigaw ni Commander Agostin habang ang kaniyang magic circle ay nagpapakawala ng matatalas na tipak ng yelo.
?Sa kabilang dako, nakita ko si Russel. Kahit bata pa, ang kaniyang mukha ay puno ng determinasyon. Itinaas niya ang kaniyang maliit na kamay at sa isang iglap, isang maliwanag na asul na liwanag ang sumabog sa kaniyang harap.
Isang dambuhalang asul na lobo ang lumitaw mula sa kaniyang summoning magic circle, ang kaniyang animal spirit.
?"Protect the line, Fenris!" sigaw ni Russel. Ang asul na lobo ay nagpakawala ng nakakangilong alulong bago sinunggaban ang isang bandidong nagtatangkang lumapit sa kaniya. "I won't let you touch my family!"
Ngunit ang lahat ay napatigil nang maramdaman ang bigat ng presensya ng aking ama. Sa kaniyang harapan, ang hangin ay tila nag-iba ang daloy.
Isang nakasisilaw na gintong liwanag ang namuo sa kaniyang mga kamay hanggang sa mabuo ang kaniyang Weapon Manifestation, isang dambuhala at maringal na gintong espada na lumabas. Maging ang mata ng aking ama ay umiilaw na rin ng purong ginto.
"Now, feel the weight of a Great Swordmaster's power."
?Sa isang kumpas ng kaniyang gintong espada, isang wave ng purong enerhiya ang humati sa unahan ng aming pormasyon, na nagpatalsik sa dose-dosenang bandido at engkantari.
Sa gitna ng lumalalang labanan, napapalibutan ako ng mga piling knights ng House Quentin. Ang kanilang mga baluti ay kumikinang sa tuwing tumatama ang mga magic circle ng mga Engkantari, ngunit hindi sila natitibag.
?"Protect the Lady at all costs! Huwag hayaang may makalusot!" sigaw ng isang knight, habang ang kaniyang espada ay naglalabas ng kislap ng kuryente, pinapatalsik ang sinumang mangahas na lumapit.
?Naririnig ko ang kalansing ng bakal at ang mga pagsabog ng mahika sa paligid ko. Ang bawat knight ay kumikilos nang may perpektong koordinasyon.
Maya maya pa, lahat kami ay napatingin sa itaas nang marinig ang nakakangilong dagundong ni Dragoroth.
Hindi ito ang ordinaryong ungol niya, tila ito ay sigaw ng isang nagwawala at galit na halimaw.
Sa isang mabilis na pagbuka ng kaniyang bibig, isang dambuhalang fireball ang ibinuga niya sa kabilang banda ng battlefield.
?Agad na naging abo ang mga engkantari at bandidong tinamaan. Ang init ay ramdam hanggang sa kinaroroonan namin, at ang amoy ng nasunog na laman ay humalo sa alikabok.
?"Anong nangyayari?" bulong ko.
Tumingala ako at nakita ko si Vincenzo sa likod ni Dragoroth.
Bakas sa kaniyang mukha ang hirap, ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa renda, at ang kaniyang mga ugat sa leeg ay litaw na litaw.
Tila hindi niya masyadong makontrol ang galit ni Dragoroth, parang may kung anong nagtutulak sa dambuhala upang mawala sa sarili.
?Muli akong tumingin sa ibaba, sa kinaroroonan ng pulang dragon na bihag ng mga Engkantari. Doon ko napagtanto ang lahat.
?Ang pulang dragon ay hindi lang basta nahihirapan, nakatingala rin ito kay Dragoroth, ang kaniyang mga mata ay puno ng paghingi ng tulong.
Maging ang bibig nito ay may mga mahiwagang kadena rin na nakapulupot, kaya tanging mahihinang ungol lang ang nailalabas nito imbes na apoy.
?"The red dragon... it's calling out to him," bulong ko.
?Kaya pala nagwawala si Dragoroth. Nararamdaman niya ang sakit at ang pagka-alipin ng kauri niya.
Ang galit ni Dragoroth ay hindi para sa amin, kundi para sa mga kadenang pumipigil sa pulang dragon.
Ang tensyon sa pagitan ng dalawang dambuhala ay sapat na upang mayanig ang buong lupain.
?"Father!" sigaw ko sa gitna ng kaguluhan. "Dragoroth is reacting to the captive dragon! We need to break those chains now, or the Prince will lose control!"
Nilingon ako ng duke, ang kaniyang gintong espada ay naglalabas ng nakapapasilaw na liwanag habang nakikipaglaban. Bakas sa kaniyang mukha ang tensyon habang nararamdaman ang init mula sa itaas dahil sa pagwawala ni Dragoroth.
?"I know, Rassia!" sigaw niya pabalik, ang boses ay nangingibabaw sa ingay ng mga pagsabog.
?Muli niyang iwinasiwas ang kaniyang weapon manifestation, isang malakas na gintong slash ang naglayo sa mga bandidong nakapaligid sa kaniya bago siya muling sumigaw sa buong hukbo.
?"Let's focus to take these bastards down! If that dragon loses control, even us will burn to ashes! We must protect that red dragon!"
Lumingon siya sa banda ni Russel, "Russel, keep your spirit close!"
Ibinaling naman niya ang kaniyang tingin kay Commander Agostin at sa mga elite knights.
?"Commander Agostin! Divide the vanguard! Ang kalahati ay harangin ang mga bandido, ang kalahati ay sumama sa akin upang harapin ang mga Engkantari!"
Lumingon sa akin ang aking ama.
"Rassia! Now is the time! Show them what Lucy Pearl left inside you!"
?"With pleasure, Father," sagot ko habang nararamdaman ko ang sarili kong mana energy na kapareha ng magic circle na nagsisimulang uminit sa aking palad.
Bumaba ako sa kabayo at hinarap ang grupo ng Engkantari at bandido na natigilan sa paglalaban at sabay-sabay na humarap sa akin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Bawat hakbang ko ay tila nagpapabigat sa hangin, dahilan upang bahagya silang matigilan sa aking presensya.
"Isang babae sa digmaang ito... kakaiba."
?"Tingnan niyo ito," pangungutya ng isang bandidong may malaking pilat sa mukha. "Pinababa ng Duke ang anak niyang babae para makiusap? O baka naman regalo ito para sa akin pagkatapos ng laban?"
Bago pa man ako tuluyang makalapit, ang tensyon sa pagitan ng mga bandido at Engkantari ay biglang nag-iba ng timpla.
?"Sandali! akin ang babaeng iyan," sabi ng isang engkantari, habang dahan-dahang dinidilaan ang kaniyang labi. "Matagal na akong hindi nakakakita ng ganito kagandang mukha sa gitna ng digmaan. I'll keep her for myself!"
?"Huwag kang hangal, engkantari!" bulyaw ng isang bandido, ang kaniyang mga mata ay nanlilisik habang nakatitig sa akin nang may mapangahas na tingin. "She belongs to me. Ang kagandahan niya ay nararapat lamang sa aming lahi. Gagawin ko siyang alipin sa aming kuta!"
?"Wala akong pakialam sa kuta niyo!" sagot ng engkantari, ang kaniyang tingin ay tila hinuhubaran ako. "Kami ang unang nakakita sa kaniya! Akin siya!"
?"Hindi maaari!" sigaw pa ng isa pang bandido habang humahakbang palapit, ang kaniyang mapanuring mata ay nakapako sa akin. "She is mine! I will be the one to break her spirit!"
?Nagkatinginan ang dalawang panig, tila handa nang magpatayan dahil sa kanilang pagnanasa, habang ako ay nakatayo lang sa gitna nila, dahan-dahang binubuo ang aking mga pulang punyal. Ang kanilang mga bastos na salita ay tila nagpapakulo sa aking dugo.
?"Are you done?" malamig kong putol sa kanilang usapan.
?"Hindi niyo kailangang mag-away kung sino ang kukuha sa akin," saad ko habang ang aking mga mata ay unti-unting nagiging kasing-pula ng aking mana.
"Dahil ang tanging makukuha niyo sa akin ay ang dulo ng aking mga punyal."
?Bago pa man sila makasagot, mabilis na lumipad ang aking mga pulang punyal, tumatama sa mga bandidong pinaka-malapit sa akin habang ninanakaw ang kanilang kakayahang gumamit ng mahika. Ang kanilang malisya ay agad napalitan ng hiyaw ng sakit.
"And... I already belong to the Crown Prince with a dragon over there," malamig kong sabi, sabay turo sa direksyon nina Vincenzo at Dragoroth na kasalukuyang nagpapakawala ng init sa himpapawid.
?Hindi ko na hinintay ang kanilang reaksyon.
Sa isang mabilis na kumpas, itinapon ko naman ang aking pulang mga punyal sa mga Engkantaring paparating.
Ang mga dagger ay mabilis na lumipad, tumagos sa baluti ng isa, at tumama sa tatlo pang Engkantari sa likuran nito nang walang kahirap-hirap.
?Sa sandaling tumama ang aking mana sa kanila, ang kanilang mga magic circle ay biglang naglaho na parang bula. Ang apoy at kuryenteng inihahanda nila ay tila hinigop ng kawalan, na nag-iwan sa kanila na tuliro sa gitna ng battlefield.
?"Ang mahika ko! Hindi ko maramdaman ang mana ko!" sigaw ng isa sa kanila, habang gulat na nakatingin sa kaniyang walang laman na palad. "Anong ginawa mo?!"
?"Imposible! Wala pa akong nakitang tao na kayang burahin ang mana sa isang iglap!" bulyaw ng isang Engkantari na pilit na pinapaandar ang kaniyang magic circle, ngunit tanging usok lang ang lumalabas dito. "Sumpa ba ito?! Anong klaseng maruming kapangyarihan ang dala mo?!"
Tumawa ako nang mahina sa kanilang reaksyon, isang tawa na walang halong saya, kundi puno ng panghahamak. Ang pula at itim na liwanag sa aking palad ay lalong nagliyab.
?"Hah! Your magic won't work on me, fools," malamig kong sabi.
Muling nagliwanag ang paligid nang maglabas sila ng mga magic circle, mga elementong apoy, tubig, hangin, at lupa ang sabay-sabay nilang itinutok sa akin. Ang mga bandido at Engkantari na kanina lang ay nag-aaway para sa aking pag-aari ay nagkaisa na ngayon para ako ay pabagsakin.
?Ngunit sa isang kisap-mata, muli kong itinapon ang mga pulang dagger sa kanila.
Ang mga punyal na gawa sa aking mana ay humati sa hangin, tumatagos sa bawat magic circle na kanilang binuo.
Isang serye ng mga pagsabog ang naganap, at ang mga kalaban ay tumilapon at bumagsak sa di-kalayuan.
Muli, ang kanilang kapangyarihan ay naglaho na parang usok.
?"I told you," sabi ko habang dahan-dahang lumalapit, ang isa pang pulang dagger ay nabubuo na sa aking palad. "Your magic is useless against me. In this field, I am the law."
?"Anti-magic?!" sigaw ng isa sa mga bandido.
Narinig ko ang pagtawa ni Lucy Pearl sa aking isipan. "Hah!... what a joke. Your anti-magic isn't even your full strength, ngunit tila nanginginig na sila..."
Muling tumayo ang mga bandido at Engkantari, ang kanilang mga mata ay puno ng panibagong yabang. Mahigpit nilang hinawakan ang kanilang mga palakol at sibat.
"Napigilan mo nga ang aming mahika, pero hindi ka ililigtas niyan mula sa talim ng aming sandata, babae!" dura ng isa sa mga bandido habang hinahampas ang kaniyang palakol sa lupa. "Ang katawan mo ay mukhang mababali sa isang hampas lang ng totoong sandata!"
?"Wala siyang depensa! walang espada o kalasag! dakpin siya!"
"Tignan natin kung makakangisi pa 'yang maganda mong mukha kapag gumagapang ka na sa putikan!"
Hindi ako gumalaw. Hindi man lang ako kumurap habang papalapit ang mabibigat nilang yabag. Sa halip, isang dahan-dahan at madilim na ngisi ang gumuhit sa aking mga labi.
"Uh-huh... don't make me bring out my scythe. Careful. Once it's out, it doesn't show mercy."
Ngunit tila bingi sila sa babala ko.
?"Go ahead. Take one more step. Give me a reason to show you exactly what kind of monster is hiding behind this 'pretty' face."