CHAPTER 37

The Battle in Calevorne Forest

Located in The West

Napatingala ang lahat nang lumitaw si Rassia na may pulang at itim na mana aura sa kalangitan. Ang dalagang si Rassia ay tila umaangat sa himpapawid. Nakapikit ito, habang ang kanyang mga kamay ay naglalabas ng pinaghalong itim at pulang enerhiya.

Maya-maya pa, ang mga magic circle ng mga engkantari at bandido ay naglaho na parang bula, maging sa mga kawal ng House Quentin ay tuluyang nawala.

Dumilat si Rassia, at ang kanyang mga mata ay kumikislap ng pulang enerhiya.

Tumingin siya sa kanyang ama, sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga paningin. Tahimik silang nagtanguan, at sa sandaling iyon, tila naunawaan ng Duke ang nais iparating ng kanyang anak.

My daughter is as beautiful as her mother...

Nevertheless, her ability is quite useful, even though my soldiers also lost their own abilities.

I am the only one unaffected, as I have poured my mana into my sword. Only I can do this, and Vincenzo as well, since I taught him.

The engkantaris and the bandits outnumber us. Even though they possess no magical abilities right now, they still have strength and resistance of their own. However, even if my soldiers are armed with nothing but swords, they still possess skill and capability.

A single knight of House Quentin is a force unto themselves, capable of cutting down twenty men single-handedly.

Matapos hugutin ni Cesare ang kanyang sandata mula sa bumagsak na engkantari, tumingin siya sa kanyang mga kawal nang may matalim at hindi natitinag na mga mata. Ang kanyang boses ay umalingawngaw sa buong paligid.

"Soldiers! We are outnumbered, but the enemy is weak!

My daughter has stripped them of their magic, they are powerless!

though her power weakens you too, do not falter!

?Even if your bodies feel heavy, use your swords!

Even if your blades break, fight with your bare hands!

?Our priority is the Red Dragon. Guard its chains at all costs!

Do not let a single creature near it. ?Stand your ground! Protect the dragon!"

Sa gitna ng nakabibinging ingay ng labanan, sabay-sabay na itinaas ng mga kawal ang kanilang mga espada. Bagama't nangangatog ang kanilang mga tuhod at mabigat ang kanilang mga braso dahil sa kapangyarihan ng anak ni Cesare, nanaig ang kanilang pagsunod.

"You heard His Excellency! forget the exhaustion! protect the red dragon or die trying!" sigaw ni Agostin.

?"Protect the red dragon!" sabay-sabay na sumigaw ang mga Quentin knights.

Ang mga engkantari, bandido, at ang mga kawal ng House Quentin ay naglaban gamit ang kani-kanilang mga sandata.

Samantala, si Vincenzo ay patuloy na nahihirapan sa pagkontrol kay Dragoroth.

Pawis na pawis siya at halos mabali ang kaniyang tindig habang pilit na sinusupil ang nagngangalit na enerhiya ni Dragoroth.

?"Dragoroth! As your master, I command you!

Calm yourself!" sigaw ni Vincenzo, ang kaniyang boses ay paos na sa pagsisikap na panatilihin ang kontrol.

Ramdam niya ang bawat tibok ng puso ng dambuhala na tila isang pagsabog sa kaniyang sariling dibdib.

"Don't let me exhaust your life force!"

Ngunit ang boses ni Dragoroth ay umalingawngaw sa kaniyang isipan, hindi bilang isang hayop, kundi bilang isang nilalang na puno ng poot at paghihirap.

?"But master! Nararamdaman ko! She is my mate! Ang aking kapareha!" ang boses ng dragon ay tila isang nagngangalit na bagyo.

"Sinasaktan nila ito! Ramdam ko ang kaniyang sakit sa bawat hininga ko! Hindi ito maaari... hindi ko mapapayagang dumanas siya ng hirap sa kamay ng mga lapastangang iyan!"

"Stop this instant, Dragoroth! Maging ang mga kawal ni Master Fuegoleon ay lalamunin ng iyong nangangalit na apoy!" sigaw ni Vincenzo, ang kaniyang mga kamay ay nanginginig na sa tindi ng enerhiyang pilit niyang sinusupil.

Ang kaniyang boses ay halos malunod sa dagundong ng mga pakpak at sa tila impyernong init na ibinubuga ng dambuhala.

Ramdam ni Vincenzo ang bigat ng kaniyang responsibilidad, hindi lang ito tungkol sa pagpapatumba ng kaaway, kundi tungkol sa kaligtasan ng kaniyang sariling mga kakampi.

Ang apoy ni Dragoroth ay walang pinipili, isang bulag na galit na handang tupukin ang lahat, maging ang mga tapat na kawal na nakikipaglaban sa kanilang panig.

?"Hindi lang ang kalaban ang mamamatay sa ginagawa mo!" hiyaw ni Vincenzo. "Isipin mo ang iyong nasasakupan! Kung hindi ka hihinto, magiging abo ang lahat bago pa natin mailigtas ang iyong kapareha!"

"Naririnig ko siya... ang kaniyang mahinang pagtawag sa aking pangalan sa gitna ng kaguluhan. It is a bond you will never understand, master! A dragon without his mate is a star without its light. I will burn this entire forest for her!"

Nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga si Vincenzo, ang kaniyang mga balikat ay bahagyang bumagsak sa tindi ng pagod.

?"You're wrong, Dragoroth," ani Vincenzo, ang kaniyang boses ay mas lalong naging seryoso at puno ng pait. "I very much understand you."

Muling bumuga ng apoy si Dragoroth. Ngunit sa isang iglap, ginamit ni Vincenzo ang kaniyang Shadow Control, hinablot ng mga itim na galamay ang leeg at pakpak ni Dragoroth, marahas itong hinila pababa upang ilihis ang direksyon ng apoy patungo sa bakanteng langit.

?"Master!" sigaw ng dragon kasabay ng malakas na dagunggong na puno ng pagkagulat at pagtatraydor.

"You will leave me no choice, Dragoroth," malamig na sambit ni Vincenzo.

?Sa isang iglap, mabilis na lumayo si Vincenzo mula sa nagngangalit na dragon.

Gamit ang kaniyang itim na enerhiya bilang isang Dark Mage, lumutang siya sa kalangitan, ang kaniyang itim na kapa ay humahampas sa hangin habang ang kaniyang awra ay unti-unting lumalawak, sapat na upang bigyan ng kilabot maging ang mga nilalang sa ibaba.

?Hinarap niya ang kaniyang palad sa dambuhalang dragon.

Mula sa kailaliman ng lupa, mabilis na lumabas ang mga higanteng anino na tila mga buhay na kadena.

Yumakap ang mga ito sa bawat bahagi ng katawan ni Dragoroth, sa kaniyang mga pakpak, leeg, at buntot, dahilan upang hindi ito makagalaw.

Dumagundong nang malakas ang dragon.

?"Ravoc," tawag ni Vincenzo.

Kasabay ng kaniyang pagtawag ay ang biglang pagkulog at pagdilim ng kalangitan. Ang mga ulap ay nag-ipon sa itaas nila, tila kinikilala ang pagdating ng isang mas mataas na nilalang. Mula sa namumuong itim na usok, lumitaw ang presensya ni Ravoc. Ang Panther of the Darkness.

"I'll handle this dragon of yours, master. You can go to your lady, kanina ko pang nararamdaman na nag-aalala ka para sa kaniya," wika ni Ravoc.

Napatingala ang lahat, mga bandido, engkantari, at maging ang mga beteranong kawal, sa nakalululang presensya ni Ravoc

"Isang Sovereign Spirit!" sigaw ng isang engkantari habang pilit na pinapatatag ang kaniyang nangangatal na mga kamay.

?"Malakas ang pwersa nila!" hiyaw naman ng isang bandido, pilit na tinatakpan ang kaniyang mga mata mula sa nakasisilaw na itim na awra ni Ravoc. "Maging ang hangin ay sumusunod sa kaniya! Wala tayong laban sa kapangyarihang ito!"

"Hindi ito maaari... ang mga ganyang nilalang ay dapat nananatiling tulog sa ilalim ng lupa!"

Isang engkantari ang nananatiling nakatayo nang tuwid, ang kaniyang mga mata ay naglalabas ng maputlang asul na liwanag habang pilit na nilalabanan ang bigat ng presensya ni Ravoc. Sa kabila ng takot ng kaniyang mga kasamahan, tila nakakita siya ng pagkakataon sa gitna ng kaguluhan.

?"Huwag kayong mag padala sa takot!" sigaw ng engkantari, ang kaniyang boses ay binalot ng mahika upang marinig ng lahat ng kaniyang mga kakampi.

"Naroon lamang ang Sovereign Spirit, tila pinipigilan ang itim na dragon na iyon! Magpatuloy tayo! Hangga't abala sila sa isa't isa, wala silang sapat na lakas para harapin tayong lahat!"

Ang atmospera sa kinaroroonan ni Rassia ay biglang nagbago.

Mula sa kaniyang mga palad, ang itim na usok ay dahan-dahang namuo hanggang sa mahulma ang isang dambuhalang Scythe.

Ang talim nito ay kasing-itim ng gabi, ngunit ang mga ukit na kulay pula ay nagliliwanag na tila dumadaloy na sariwang dugo.

?Ang mga nakapaligid na engkantari at mga bandido na nagtangkang lumapit ay napaatras, ang kanilang mga balat ay nanindig sa bagsik ng enerhiyang inilalabas ng dalaga.

?"A girl with a scythe?!"

"Impossible! Ang sandatang iyan ay hindi para sa isang babaeng katulad niya!"

?"Scythe is the hardest weapon to control!"

"Kailangan ng pambihirang balanse at lakas ang ganyang kalaking talim nang hindi nawawalan ng kontrol! Paanong hawak ito ng babaeng iyan nang ganyan kadali?!"

"This girl is not a mage!"

"Kakaiba ang mana presence niya... tila ako'y nahihilo sa lakas nito! Hindi ito ang daloy ng mahika na nakasanayan natin. It's too heavy!"

Bahagyang kumitid ang mga mata ni Rassia habang pinapanood ang panginginig ng mga lalaking nasa harap niya. Isang mapait at nakakalokong ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi.

These fools... Akala ba nila ay sapat na ang kanilang bilang para tumbasan ang kalidad ng aking kapangyarihan?

"You wanted a prize, right? Here's your prize." malamig na sambit ni Rassia.

Mabilis na sumugod si Rassia. Sa isang iglap, walang kahirap-hirap niyang napatalsik ang mga bandido.

Hindi pa man sila bumabagsak, mabilis na niyang inikot ang kaniyang dambuhalang scythe gamit ang dalawang kamay upang salubungin ang mga nasa likuran niya, nagresulta ito sa pagtilapon ng mga engkantari na ngayon ay duguang humandusay sa lupa.

Muli niyang inikot ang scythe sa kaniyang kamay, ang pulang detalye nito ay tila mas lalong nagliwanag, tila nasiyahan sa dugong dumanak sa paligid.

Is that it? hindi man lang nasugatan ang aking katawan. Ang mga engkantari at bandido na ito ay puro salita lamang.

?"Tumayo kayo," malamig na utos ni Rassia habang tinitingnan ang mga sugatang kaaway. "I haven't even started playing with you yet. Huwag niyong sabihing hanggang dito lang ang tapang niyo?"

Agad tumayo ang mga ito at sabay-sabay na nag hiyawan. Alam ng mga bandido at engkantari na wala na silang matatakasan, ang tanging paraan ay ang patayin ang dalagang nasa harap nila.

?"Sabay-sabay! Sugod!"

Muling sumugod ang mga kalaban kay Rassia nang sabay-sabay. Sa halip na umiwas, mabilis na pinalibot ni Rassia ang kaniyang scythe sa kaniyang katawan at tumakbo nang mabilis para salubungin sila. Tila ba sumasayaw ang dalaga sa gitna ng labanan.

?Wala man lang bakas ng pagod sa kaniyang mukha.

Sa isang mabilis na pag-ikot, hinampas niya ang kaniyang sandata at napatalsik ang mga bandidong nasa harap niya.

Hindi pa sila nakakabawi ay muli niyang inikot ang scythe gamit ang dalawang kamay para harapin naman ang mga engkantari sa likod niya.

Dahil sa lakas ng kaniyang bwelo, tumilapon ang mga ito at duguang bumagsak sa lupa.

?"Ito na ba ang lahat?" tanong ni Rassia habang nakangisi nang bahagya.

?Napahinto ang mga natitirang kalaban. Takot ang makikita sa kanilang mga mata dahil kahit anong gawin nilang pag-atake, hindi man lang nila mahawakan ang dulo ng kaniyang damit.

Duguang napatayo ang mga bandido at ang mga engkantari. Kahit hirap na, pilit nilang hinawakan ang kanilang mga sandata habang nakaharap sa dalaga. Sampung bandido at pitong engkantari na lang ang natitira, at bakas sa kanilang mukha ang matinding pagod at hingal.

?Nagkatinginan ang mga engkantari at nagtanguan, tila may binuong plano na sila-sila lang ang nakakaalam.

?Sa isang kurap ng mata, isa-isa silang naglaho na parang bula.

Napakabilis ng pangyayari. Sa sumunod na segundo, muli silang nagpakita sa paligid ni Rassia, sa harap, sa likod, at sa magkabilang gilid nito.

Sabay-sabay silang umatake mula sa lahat ng anggulo upang masigurong wala siyang matatakasan.

Ngunit sa pagkakataong ito, tuluyan nang sumeryoso si Rassia.

?Tumigil ang kaniyang pagngisi at napalitan ito ng isang malamig na titig. Ang kaniyang mana presence, na kanina ay parang naglalaro lang, ay biglang bumigat at nagdilim. Ramdam ng mga kaaway na tila huminto ang oras sa paligid ng dalaga.

?Sa isang iglap, itinaas niya ang kaniyang scythe at muling binalot ng pula at itim na enerhiya ang kaniyang buong katawan.

Hindi na siya magpapaligoy-ligoy pa. Ang kaniyang mana ay lalong lumakas, sapat para maramdaman ng mga kalaban na wala na silang kawala sa susunod niyang galaw.

?"I have more important things to do than playing around with garbage like you," sambit niya at tumingin sa pulang dragon na nahihirapan sa kadenang na sa katawan nito.

Muling sumugod ang mga engkantari at mga bandido nang sabay-sabay.

Sa dami ng kanilang atake at sa bilis ng kanilang paglaho't pagpapakita, hindi na naiwasan ni Rassia ang lahat ng ito.

Nagkaroon siya ng sugat sa kaniyang kanang braso at sa kaniyang likod.

Dumaloy ang dugo sa kaniyang balat, na nagpamantsa sa kaniyang suot.

?Mabilis na umatras si Rassia at itinukod ang kaniyang scythe sa lupa upang hindi siya tuluyang bumagsak. Humihingal siya nang bahagya, ngunit ang kaniyang mga mata ay nananatiling matalim at puno ng galit. Hindi siya papayag na matalo lang ng mga ito.

?"You guys are really a pain in the ass," malamig niyang saad habang tinitiis ang hapdi ng kaniyang mga sugat.

Habang ang kanang kamay niya ay mahigpit pa ring nakahawak sa kaniyang itim na scythe, itinaas ni Rassia ang kaniyang kaliwang kamay.

Mabilis na nag-ipon doon ang isang itim na enerhiya hanggang sa maging isang malakas na energy blast. Ang paligid ay tila nayanig sa lakas ng kapangyarihang inilalabas niya.

?"Masyado kayong naging kampante dahil lang nasugatan niyo ako," bulong niya habang ang itim na liwanag sa kaniyang palad ay lalong lumalaki.

Nang pakawalan ni Rassia ang itim na energy blast, tila matutumba ito sa lakas ng kanyang pinakawalan. Ngunit, isang matibay na bisig ang sumalo sa kaniyang baywang mula sa likod. Ramdam ni Rassia ang pamilyar na bango nito.

Yumanig ang lupa sa lakas ng impact. Isang matangkad na pigura ang lumitaw sa likod ni Rassia, na nagpatalsik sa mga bandidong lalapit kay Rassia.

?"Vincenzo," sambit ni Rassia, bakas ang gulat sa kaniyang mga mata.

?"Who gave you the right to lay a finger on her?" tanong ni Vincenzo, ang boses niya ay parang kulog na nagbabanta ng kamatayan.

?Hindi na nagbigay ng pagkakataon si Vincenzo. Mula sa anino ng mga bandido, lumabas ang mga itim na galamay na gawa sa purong kadiliman. Pinuluputan nito ang mga binti ng sampung bandido, na nagpako sa kanila sa kinalalagyan nila.

?"Rassia, now!" utos ni Vincenzo.

?Naintindihan agad ni Rassia ang plano. Ginamit niya ang kaniyang scythe para dambahin ang mga kalaban na hindi makagalaw. Sa isang mabilis na pag-ikot, tila ba sumasayaw siya sa gitna ng mga nakagapos na bandido.

Ang bawat kumpas ng kaniyang sandata ay nag-iiwan ng malalalim na sugat, habang si Vincenzo ay patuloy na nagpapakawala ng mga dark orbs patungo sa mga engkantari na pilit na naglalaho.

Tila huminto ang mundo nang magtagpo ang kanilang mga likuran. Ramdam ni Rassia ang init na nagmumula sa likod ni Vincenzo.

?"Baby... are you alright?" basag ni Vincenzo sa katahimikan, ang kaniyang boses ay baritono at puno ng awtoridad.

?Bahagyang lumingon si Rassia, sapat lang para makita ang matalim na gilid ng mukha ni Vincenzo. "Ofcourse, but how's dragoroth? ayos lang ba siya?"

?"Focus, Rassia," paalala ni Vincenzo, ang kaniyang boses ay baritono at puno ng awtoridad. "The dragon is fine. It's these idiots you should worry about."

?"Very well, then help me clean up this mess," sagot ni Rassia habang mas hinigpitan ang hawak sa kaniyang scythe. "You guys stink of poop." dagdag pa niya habang nakatingin sa mga kaaway.

"Don't look back. Just focus on what's in front of you. I've got your back, baby." bulong ni Vincenzo. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang dambuhalang espada, at ang itim na enerhiya nito ay lalong lumakas. "

?"I know you do," maikling sagot ni Rassia.

"Let's finish this together, baby."

Sa isang iglap, sabay silang humarap sa kanilang mga kaaway. Ang bagsik ng scythe ni Rassia at ang mapanirang puwersa ng espada ni Vincenzo ay sumalubong at sumalo sa mga atake ng kanilang kalaban.

Napatingin ang Duke na si Cesare sa dalawa at hindi napigilang ngumisi.

Hmm... prove it to me, Vincenzo, that you are worthy of my daughter.

Show me that you possess the strength, the wit, and the courage to stand against a world that devours the weak.

Words and promises are not enough, I want to see if you can fight for her, protect her, and remain standing even when everything around you falls apart.

Natigilan ang lahat sa tindi ng pagwawala ng pulang dragon. Sa kabila ng mabibigat na kadena at mga taling nakapulupot sa kaniya, umungol ito nang napakalakas, isang tunog na tila humahati sa kalangitan at nakakatindig-balahibo sa sinumang makarinig.

?Sa isang iglap, isang nakakasilaw na pulang mana ang sumabog mula sa kaniyang katawan. Ang dambuhalang kadena sa kaniyang leeg ay naputol na parang marupok na sinulid. Maging ang mga taling may mahika sa kaniyang buntot at mga paa ay nadurog sa tindi ng enerhiyang pinakawalan niya.

?Tumayo ang pulang dragon, ang kaniyang mga mata ay nagniningas sa galit. Tumingala siya sa kalangitan at nakita ang kalagayan ni Dragoroth, ang itim na dragon na nahihirapan dahil kay Ravoc.

Tila ang paghihirap ni Dragoroth ang nagsilbing mitsa ng kaniyang poot. Doon siya kumuha ng lakas, isang lakas na nagmumula sa pagnanais na iligtas ang kaniyang kauri.

?"Vincenzo, look!" sigaw ni Rassia habang nakatingin sa pulang dragon na malaya na ngayon. "Ang pulang dragon... nagwawala siya dahil kay Dragoroth!"

?Napahigpit ang hawak ni Vincenzo sa kaniyang espada. Ang itim na enerhiya ng Ravoc ay tila lalong naging agresibo habang nararamdaman ang init mula sa pulang dragon.

"The red dragon is reacting to Dragoroth's pain. Their connection is deeper than I thought."

Napatigil ang lahat sa gitna ng labanan, ang mga engkantari, mga bandido, maging ang matatapang na kawal ng House Quentin ay tila napako sa kinatatayuan. Natigilan sila sa napakalaking anyo ng pulang dragon na ngayo'y dumadagundong at ang presensya nito'y nagpapayanig sa paligid.

Sa isang iglap, ibinuka ng pulang dragon ang kaniyang dambuhalang bibig at nagpakawala ng isang higanteng fireball. Ang bawat kislap nito ay puno ng poot, isang paghihiganti para sa itim na dragon na si Dragoroth na kasalukuyang naghihirap sa itaas.

?Ang fireball ay hindi lamang tumama, ito ay sumabog at kumalat na parang dagat ng apoy sa buong paligid.

?Ang mga engkantari na kanina ay mabilis na naglalaho ay hindi man lang nakagawa ng kanilang mga barrier. Ang mga bandido at maging ang ilang kawal ng House Quentin na hindi agad nakatakbo ay agad na nilamon ng nagbabagang apoy.

Walang itinira ang kaniyang bagsik, lahat ng humarang sa kaniyang paningin ay naging abo sa loob lamang ng ilang segundo.

?"Vincenzo, duck!" sigaw ni Rassia

?Mabilis na gumawa ng kalasag si Vincenzo sa kanilang paligid. Ang pulang apoy ay humampas sa kanilang proteksyon, naglalabas ng mga kislap ng itim at pulang liwanag habang pilit nilang tinitiis ang matinding init.

?"Fuck! The red dragon has lost its mind in rage!" madiing sabi ni Vincenzo, habang pilit na pinapanatili ang kaniyang tayo. "It only sees the pain of Dragoroth!"

Mabilis na ikinatwa ni Rassia ang kaniyang kamay upang bawiin ang anti-magic field na kaniyang inilatag sa paligid. Alam niyang sa tindi ng poot ng pulang dragon, kailangang magamit ng lahat ang kanilang mahika kung nais nilang mabuhay sa gitna ng nagbabagang impiyerno.

?"Father! Russel!" sigaw ni Rassia habang pinapanood ang kaniyang pamilya.

?Hindi nag-aksaya ng panahon si Cesare. Sa isang kisapmata ay narating niya ang dako ni Russel.

Itinaas ng Duke ang kaniyang mga kamay, at ang hangin sa paligid nila ay tila naging matitigas na pader ng gintong kristal, isang dambuhalang kalasag ng hangin na humahawi sa apoy ng dragon.

?Ang dambuhalang espiritung lobo ni Russel ay umungol, at ang kaniyang nagyeyelong aura ay humalo sa hangin ni Cesare, na lalong nagpatibay sa kanilang depensa laban sa lumalagablab na fireball.

Sa kabilang dako, ang mga engkantari, na dati ay kampante sa kanilang mahika, ay nagkandarapang tumakbo.

Ang mga bandido ay nagtutulakan, habang ang mga kawal ay mabilis na nagsisialisan sa landas ng pulang dragon.

Wala nang pakialam ang sinuman sakanilang paligid, ang tanging mahalaga ay makalayo sa galit ng dragon.

Lumingon si Vincenzo kay Rassia, ang kaniyang buhok ay bahagyang hinahawi ng malakas na presyur mula sa mga pakpak ng dragon. Sa gitna ng nagbabagang paligid, ang kaniyang mga mata ay hindi kakikitaan ng takot, kundi ng isang mapanganib na plano.

?"Rassia! Let's not fight it. Let's try to tame it!" sigaw ni Vincenzo sapat na para marinig sa gitna ng dagundong ng apoy.

I suppose this is the right moment. Everything has led to this, I can feel it. Rassia will be able to tame that dragon, I'm certain of it. She is the destined master of the Red Dragon and this is where that destiny begins.

?"Ayan din ang nasa isip ko, Vincenzo!" mabilis na sagot ni Rassia. Hinigpitan niya ang hawak sa kaniyang scythe, ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya ito itinaas para pumatay.

Nagkatinginan ang dalawa, isang sulyap na puno ng tiwala na tanging sila lamang ang nakakaalam. Alam nilang mapanganib ang kanilang gagawin, ang amuin ang isang nilalang na kasalukuyang lalamunin na ng poot ay tila pagyakap sa kamatayan.

?"Rassia! The truth is... that dragon is Dragoroth's mate!" sigaw ni Vincenzo, "No wonder they reacted that way when they saw each other's pain!"

"Mate..." bulong ni Rassia, at isang emosyon ang dumaan sa kaniyang mga mata. "Kaya pala... ramdam ko ang takot sa kaniyang mana, Vincenzo. Hindi siya nananakit dahil gusto niya, kundi dahil natatakot siyang mawala si Dragoroth!"

?"Vincenzo! Kailangan nating ipakita sa kaniya na hindi tayo ang kalaban!" hiyaw ni Rassia habang dahan-dahang humahakbang pasulong, ibinababa ang kaniyang depensa. "Vincenzo, pumunta ka roon, ipatigil mo si Ravoc ngayon din!"

?"It's risky, Rassia! Kung bibitawan ko ang control kay Dragoroth ngayon, dalawa na silang magwawala!" babala ni Vincenzo. Bakas sa kaniyang mukha ang pangamba, ngunit kitang-kita rin ang kahandaang sumugal para sa dalaga.

?"Magtiwala ka sa kanila, Vincenzo! Magtiwala ka sa koneksyon nila!" giit ni Rassia.

?"But-"

?"Vincenzo!" napalunok si Vincenzo nang makita ang mga mata ni Rassia na nagliliyab na rin sa pulang enerhiya.

?"Mag-iingat ka, Rassia... please," bulong ni Vincenzo bago siya mabilis na lumundag paitaas patungo sa itim na dragon.

Mabilis na kumilos si Vincenzo nang marating niya ang kinaroroonan ni Dragoroth sa kalangitan. Habang ang paligid ay naglalabog sa init ng nagngangalit na pulang dragon, agad niyang inutusan ang kaniyang kapangyarihan.

?"Ravoc, gumawa ka ng napakalaking pananggalang! Bawat apoy na ibubuga ng pulang dragon ay dapat saluhin ng itim na anino!"

?"Understood, Master." tugon ni Ravoc.

?Pagkatapos ay lumingon si Vincenzo kay Dragoroth. Sa gitna ng kaguluhan, marahan niyang hinaplos ang noo ng itim na dragon, isang kilos na puno ng pamilyar na pagtitiwala at awtoridad.

?"Dragoroth, as your master, listen to me. Rassia will tame her right now. Calm down now and help us tame the red dragon, are we clear?"

?Ang itim na dragon, na kanina ay hirap na hirap, ay huminga nang malalim. Ang kaniyang mga mata ay unti-unting bumalik sa dati nitong linaw habang nararamdaman ang dampi ng kaniyang amo.

?"M-master, masusunod," mahinang tugon ni Dragoroth, ang boses ay may halong pagsisisi. "Pakawalan mo na ako. Patawad sa aking inakto."

?"Focus, Dragoroth," sagot ni Vincenzo habang tuluyang binibitiwan ang huling gapos ni Ravoc sa dragon. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Kailangan ka namin ni Rassia ngayon."

Mabilis na lumundag si Vincenzo at sumampa sa malawak na likuran ni Dragoroth. Ramdam niya ang panginginig ng bawat himaymay ng kalamnan ng dragon, hindi dahil sa takot, kundi sa nanunulay na pananabik at matinding determinasyong makalapit sa kaniyang mate.

"Now let's go, Dragoroth," seryosong utos ni Vincenzo habang mahigpit ang kapit sa makakapal na kaliskis nito.

"Let's go to your beloved mate... and to my Rassia."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.