CHAPTER 38
Rassia
Nang makaalis si Vincenzo patungo sa kinaroroonan ni Dragoroth, naiwan akong mag-isa sa harap ng isang nagngangalit na pulang dragon.
Binitawan ko ang aking scythe, at bago ito dumikit sa lupa ay mabilis itong naglaho at naging hangin.
Wala akong sandata, walang kalasag, tanging ang aking determinasyon lamang ang dala ko.
I should be afraid. I should be shaking in front of this giant red dragon, but I don't feel any fear. The only thing I want is to calm it down.
Muling dumagundong ang pulang dragon, isang ungal na yumanig sa aking dibdib. Ibinaling niya ang kaniyang ulo sa kalangitan at nagpakawala ng isang higanteng fireball.
I swallowed hard as I finally stood right in front of it. The massive dragon turned its head and looked directly at me.
The dragon let out a low growl that vibrated deep in my chest, but it didn't attack. It was watching me, searching my soul to see if it could trust me.
"Huminahon ka... gaya ng nakikita mo, hindi mo ako kaaway."
?Nagawa ko pang sulyapan ang mga kawal na nakapaligid at nagmamasid sa amin, bakas sa kanilang mga mukha ang matinding pag-aalala para sa akin.
?"The knights in armor... they tried to protect you earlier, didn't they? We are here to rescue you."
?I spoke softly despite the dragon's towering presence. I wanted it to understand that we weren't like the ones who had chained it. We were the ones fighting to set it free.
Muli itong nagpakawala ng isang malalim na dagundong na tila yumanig sa aking buong pagkatao. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo nang dahan-dahan nitong ilapit ang dambuhala at nagbabaga niyang ulo sa akin.
Ang kaniyang gintong mga mata, na mas malaki pa sa aking buong pagkatao ay nakatitig nang diretso sa aking mga mata, tila binabasa ang bawat hibla ng aking kaluluwa.
Sa sandaling iyon, alam kong sinusuri niya kung ang katapatang ipinapakita ko ay tunay o isa lamang patibong.
Nanatili akong matatag, hindi kumukurap, hinahayaang dumaloy ang aking mana upang iparamdam sa kaniya na ako ay katuwang, at hindi kalaban.
"Calm down, red beautiful dragon... I won't hurt you and won't put you back in chains."
Nagpakawala siya ng isang mahabang hininga ng mainit na hangin na nagpahangin sa aking buhok, habang ang kaniyang ginintuang mga mata ay nakatitig sa akin.
Narinig ko ang naghihisteryang sigaw ni Russel at ng aking ama na layuan ang dragon, ngunit hindi ko sila pinakinggan. Nanatili akong nakatayo, tila nakakubli sa isang sariling mundo kasama ang dambuhalang nilalang na ito.
Sa paligid, unt-unting huminto ang mga bandido at engkantari, maging ang aming sariling mga kawal ay napako sa kanilang kinatatayuan. Lahat sila ay naging saksi sa isang eksena, ang nagngangalit na pulang dragon ay dahan-dahang huminahon sa aking paglapit.
"Ano ang nangyayari? Bakit tumigil ang dragon?!"
"Totoo ba ang nakikita ko? Pinapaamo niya ang halimaw na pumatay sa ating mga kasama?"
"Huwag kayong gagawa ng anumang kilos na ikagugulat ng dragon!"
Dahan-dahan kong iniangat ang aking nanginginig na kamay. Sumagi sa isip ko ang sandaling napaamo ko si Dragoroth, ang pakiramdam ng kaniyang noo sa ilalim ng aking mga palad.
?"I'm not gonna hurt you... I promise..." mahinang bulong ko habang unti-unting binabawasan ang distansya sa pagitan namin.
?Nararamdaman ko ang pag-aalangan sa bawat paghinga niya, ngunit hindi siya umatras. Nang tuluyan na akong makalapit, idinampi ko ang aking palad sa kaniyang mainit na noo. Sa sandaling maglapat ang aming balat, tila may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan.
Isang koneksyon.
Ang kaniyang dambuhalang mata ay tuluyan nang pumikit tila tinatanggap ang aking presensya.
Wala pang limang segundo ang aking pag dikit sakanyang noo ay mabilis itong inangat muli ang kanyang ulo at nagpakawala muli ng malakas na dagungdong, dahilan upang mapaatras ako.
Mabilis at marahas ang kaniyang pagkilos kaya napasigaw ako sa gulat at napakapit sa hangin habang napapaatras nang mabilis.
?Muli siyang nagpakawala ng isang malakas na dagundong.
Narinig ko ang pagbunot ng mga espada ng mga kawal at ang paghahanda ng mahika ng mga engkantari at bandido. Ang aking puso, na kanina lang ay nagsisimulang kumalma, ay muling naghabol ng tibok.
Tumingala ako sa kaniya, pilit na hinahanap ang dahilan ng kaniyang biglaang pagwawala, habang ang init na nagmumula sa kaniyang katawan ay muling tumitindi.
"Lady Rassia, lumayo kayo riyan! Hindi siya nagpapasakop! Your Excellency, kailangang iligtas ang binibini bago pa siya tuluyang malamon ng apoy!"
"Lady Rassia, pakiusap, bumalik kayo sa hanay namin!"
"Lady Rassia—"
Natigilan ako at maging ang lahat nang makita ang dambuhalang pulang dragon na dahan-dahang yumuko sa aking harapan, tila kinikilala ako bilang kanyang panginoon.
?"Imposible..." rinig kong bulong ng karamihan, ang kanilang sandata ay dahan-dahang nilang ibinaba dahil sa pagkamangha.
Habang nakayuko ang dambuhalang ulo nito sa aking harapan, nakarinig ako ng isang babaeng boses sa aking isipan. Malalim ito at tiyak akong hindi si Lucy Pearl iyon.
?"You shall be my mother," wika nito, na tanging ako lamang ang nakarinig.
"The chains of men could not hold me, but your soul has tamed my fire. Command me, and I shall burn anyone who dares to look at you with malice."
?Napangisi ako, hindi makapaniwala sa narinig.
?"And why should I become your mother?" tanong ko rito.
?Bakit mother ang tawag nito sa akin? Hindi ko naman ito anak. Baliw ba ang dragon na ito? Naguguluhan ako kung paano niya naisip ang salitang iyon, lalo na't isa siyang dambuhalang nilalang na kayang tumupok ng isang buong hukbo.
?"It's simple," muling umalingawngaw ang boses nito sa aking isipan. "You are the reason why I met my mate, Dragoroth. I also felt our natural connection when you touched my skin... we also shared the same beauty and hair, mother."
Napailing ako at hindi napigilang mapangiti habang muling hinahawakan ang kaniyang mainit na noo. Hindi ko akalain na may ganito palang personalidad ang mga dambuhalang nilalang na ito.
?Kung si Dragoroth ay arogante at tila laging may pinatutunayan, ang pulang dragon namang ito ay sadyang mataas ang tingin sa sarili. We share the same beauty, huh? Mukhang hindi lang apoy ang nag-uugnay sa aming dalawa, kundi pati na rin ang bilib sa sariling ganda.
Hindi ko lubos maisip na ang isang dambuhalang nilalang na ito, na kayang sumunog ng isang kaharian ay may ganitong klaseng self-confidence.
"You have my word, Red dragon. I shall be your mother. But then, what's your name?" tanong ko.
?"Our kind has no name unless we have a master who will give them to us, Mother," tugon nito sa aking isipan.
Napasinghap ako at saglit na lumingon kina Dragoroth at Vincenzo na ngayon ay tuluyan nang lumalapag at papalapit sa aming kinaroroonan.
?"Hmm... I will name you similar to Dragoroth, your mate. Since you are a red dragon..." muli akong tumingin sa kaniya at hinaplos muli ang kaniyang noo, ramdam ko ang bawat ukit ng kaniyang matitigas na kaliskis.
?"I shall call you Razareth."
Sa pagbanggit ko ng pangalang iyon, isang malalim at kalmadong dagundong ang pinakawalan niya, senyales na pagtanggap sa kaniyang bagong pagkakakilanlan.
Dahan-dahang lumapag si Dragoroth sa aming tabi, ang dambuhala niyang mga pakpak ay lumikha ng malakas na hangin na nagpabulsok sa aking buhok at nagpaatras sa ilang mga nilalang na nakapaligid.
Ang itim niyang mga kaliskis ay tila sumisipsip ng liwanag, isang madilim na kaibahan sa nagbabagang pula ni Razareth.
?Mabilis na tumalon si Vincenzo mula sa likuran ni Dragoroth. Lumakad siya papalapit sa akin na may pamilyar na ngisi sa kaniyang mga labi, bagaman bakas sa kaniyang mga mata ang hinalong kaba at pagkamangha sa nasaksihan.
?"I guess you didn't need my help, baby. You did well today..." ani Vincenzo, ang kaniyang boses ay puno ng pagmamalaki.
Lumapit ang itim na dragon kay Razareth, at naglalabas ng mahinang huni na tila isang pagbati sa kaniyang mate. Sa unang pagkakataon, ang dalawang dambuhalang nilalang ay magkatabi sa harapan naming dalawa ni Vincenzo.
?"Meet my Razareth. Vincenzo, Dragoroth," pagpapakilala ko sa dalawa habang hindi inaalis ang kamay sa noo ng pulang dragon.
Bumaling ako kay Vincenzo at ngumiti.
"Vincenzo... huwag kang magugulat, pero tinatawag niya akong 'mother'."
Natawa nang mahina si Vincenzo at napakamot sa kaniyang ulo. "Mother? Well, kung ganoon, mukhang lumalaki ang pamilya natin nang mas mabilis kaysa sa binalak ko. Isang aroganteng itim na dragon at isang magandang pulang dragon... bagay nga sa iyo, Rassia."
"Pamilya? hmm... I guess they are our children now, Vincenzo,"
?"We are parents now... kung ganoon, kailangan ko na palang bilisan ang paghingi ng permiso sa Duke," sagot ni Vincenzo na may kasamang kindat, habang bahagyang sumusulyap sa aking ama na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.
Natawa ako nang malakas sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay, habang ang isang kamay ko ay nananatiling nakahawak sa mainit na kaliskis ni Razareth.
Napansin ko na tila napako pa rin sa kanilang kinatatayuan ang lahat ng mga nilalang sa paligid. Ang mga bandido, mga kawal, at ang mga engkantari ay hindi pa rin makapaniwala sa kanilang nakikita.
?Sineryoso ko ang aking ekspresyon. Dahan-dahan akong humarap sa kanila habang ramdam ko ang init na nagmumula sa likuran ko. Maging si Vincenzo ay humarap din nang may seryosong mukha. Ang dalawang dambuhalang dragon ay nanatiling na sa likod naming dalawa.
I focused my gaze on the crowd. The bandits and engkantari, who were at each other's throats just moments ago, stood frozen in shock. Their weapons hung uselessly in their hands as they stared at the two massive silhouettes towering behind us.
?"Tapos na ang laban na ito," mariin kong wika.
Vincenzo stepped forward,
?"Lower your weapons," Vincenzo commanded, "This conflict ends here. Any further drop of blood spilled today will be answered by the fire at our backs."
?I took a breath, feeling the warmth of Razareth's presence radiating behind me. I stepped up beside Vincenzo.
"Lay down your arms and surrender. From this moment on, anyone who dares to bring violence to this forest will face the wrath of the dragons."
Isa-isa nilang binitiwan ang kanilang mga sandata, at hindi ko napigilang mapangisi nang makitang isa-isa silang yumuyukod sa aming harapan nang may mga nakababang ulo. Ito ang hitsura ng ganap na pagsuko.
?Tanging ang mga kawal, ang aking ama, at si Russel lamang ang hindi yumukod, ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang matinding pagkamangha habang nakatingin sa akin at kay Razareth.
?Isang pinuno mula sa mga engkantari ang nangahas na magsalita, ang kaniyang boses ay nanginginig sa takot habang nakaturo sa pulang dragon.
?"Ilang taon naming ginugol ang aming lakas para lamang makontrol ang pulang dragon na iyan.
Ginamitan namin siya ng pinakamabibigat na kadena at mga selyong gawa sa mahika para lang mapatigil siya, ngunit wala kaming nakuha kundi poot at kamatayan.
Ngunit ikaw... nagawa mo ito nang walang kahirap-hirap. .."
"Sumusuko na kami. Ang taong kinikilala ng pulang dragon ay ang taong karapat-dapat naming paglingkuran." ani ng isang bandido.
Taas-noo ko silang tiningnan, ang bawat hibla ng aking buhok ay tila sumasayaw sa init na ibinubuga ni Razareth sa aking likuran. Hindi ko hinayaang makitaan ng kahit anong bahid ng pag-aalinlangan ang aking mukha.
"Do you swear your lives and your loyalty to the one who tamed the fire you could only hope to chain?"
?Humakbang ako palapit sa kanila, hindi alintana ang mga sandatang nakakalat sa lupa.
?"Look at this dragon," pagpapatuloy ko habang itinuturo si Razareth.
"She was nothing but a prize to be sold for the bandits, and a monster to be sealed for the engkantari.
Yet here she stands, free of chains, but bound to my will.
If I can command the pride of a dragon with a single touch, imagine what I can do to those who dare defy me. "
?"Surrender to me, surrender your weapons, your ambitions, and your very souls or die."
Muli silang yumukod, ang tunog ng kanilang mga tuhod na tumama sa matigas na lupa ay tila isang kumpas ng ganap na pagpapasakop. Sa gitna ng katahimikan, ang pinuno ng mga engkantari ang unang nag-angat ng kaniyang paningin, ang kaniyang tinig ay puno ng seryosong determinasyon.
?"Ang mga engkantari ay hindi pumuputol ng pangako," wika niya, habang inilalagay ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib bilang tanda ng tapat na sumumpa.
"Nakita namin ang hindi namin akalaing mangyayari sa aming buhay.
Ang pulang dragon na hindi napasuko ng aming pinakamalakas na mahika ay kusang nagpasakop sa iyo.
Mula sa sandaling ito, ang aming kapangyarihan at ang aming katapatan ay nakatali na sa iyong utos.
Ang iyong salita ang magiging batas ng aming lahi. "
Sumunod na nagsalita ang lider ng mga bandido, ang kaniyang dating mapangahas na awra ay tuluyan nang naglaho, napalitan ng wagas na paggalang.
?"Wala kaming ibang pagpipilian kundi ang kilalanin ang iyong higit na lakas," aniya habang nakayuko pa rin.
"Ang mga bandidong ito ay nabubuhay sa pagkuha ng gusto namin, ngunit sa araw na ito, napagtanto namin na may mga bagay na hindi nakukuha sa pagnanakaw o sa ginto.
Isinusuko namin ang aming mga ambisyon. Kung ang apoy ng dragon ay sumusunod sa iyo, sino kami para sumuway?
Isinusumpa namin, anuman ang mangyari, ang aming mga talim ay para na sa iyong proteksyon. "
?"I, Rassia Saint Quentin, announce you to be my secret forces,"
?"Simula sa araw na ito, kayo ang magiging mga mata at kamay ko sa dilim. You will be the shadows that guard the dukedom when the sun sets, and the fire that consumes those who dare to threaten my peace."
?Sinalubong ko ang mga mata ng kanilang mga pinuno.
?"Hindi kayo mabibigyan ng ranggo sa harap ng palasyo, at hindi rin kayo kikilalanin ng mga opisyal na kawal. Ngunit sa ilalim ng aking utos, kayo ay magkakaroon ng layunin na higit pa sa ginto. Ang inyong katapatan ay hindi sa korona, kundi sa akin lamang."
Tumalikod ako nang bahagya at itiningala ang aking mukha kay Razareth na nakatingin din sa akin.
?"In return for your service, I grant you my protection and golds," pagpapatuloy ko.
?"But remember this, betrayal is a luxury you cannot afford. If you break your oath, there is no corner of this continent where you can hide from the wings of my dragon. Go now, melt into the shadows, and wait for my command."
Kasabay ng aking huling salita, nagpakawala si Razareth at Dragoroth ng isang malakas na dagundong na nagpayanig sa lupa.
?"Masusunod!" sabay-sabay nilang tugon, ang kanilang mga tinig ay nagkakaisa sa gitna ng katahimikan.
?"We swear that our lives, our blades, and our shadows belong only to you! Your word is our command, and your enemies will be ours to hunt! we will wait for you!"
Sa isang huling yukod, dahan-dahan silang nagsimulang umatras at naglaho sa dilim. Ang mga engkantari ay mabilis na naglaho sa gawing kanan, habang ang mga bandido naman ay tahimik na tumungo sa kaliwa hanggang sa tuluyan silang lamunin ng dilim.
Mabilis na lumapit ang aking ama, ang Duke, kasunod si Russel.
Ang bawat hakbang nila ay bakas ang pagmamadali at ang hindi maikailang gulat sa kanilang mga mata.
Tumigil ang aking ama sa aking harapan, tila tinitimbang kung ang babaeng nasa harap niya ay ang anak pa rin niyang kaniyang kinagisnan.
"Rassia, you did well. Now you have your own forces," wika ng aking ama, ang kaniyang tinig ay puno ng seryosong tono habang tinitingnan ang direksyong nilabasan ng mga bandido at engkantari.
"Lalo na't malinaw na marami tayong kaaway na pilit na kinukuha ang iyong mga sikreto," pagpapatuloy niya habang humahakbang palapit sa akin.
"Mahalagang may sarili kang sandata na hindi sakop ng batas ng kaharian o ng mata ng publiko. Those people... they are dangerous, but they are yours now. Use them to guard the truths you aren't ready to reveal."
Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata, tila binabalaan ako sa mas malaking laban na paparating.
"Yes, father. Gagamitin ko sila para sa aking mga balak.
.. my gut feeling is... I will need them in the future.
Kailangan nating maghanda, hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap.
I need secret forces that they cannot trace back to us, I need people who can move where soldiers cannot.
They will be the ghosts that protect our family's future. "
?Seryosong tumingin sa akin ang aking ama.
?"Naniniwala akong mapamumunuan mo sila sa tamang landas. Ngunit tandaan mo, ang mga taong kumikilos sa dilim ay mahirap kontrolin. Siguraduhin mong ang katapatan nila ay nasa iyo, at hindi sa takot na ibinibigay mo sa kanila."
Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Vincenzo sa aking balikat.
?"?Huwag mong alalahanin ang mga gintong ipinangako mo sa kanila.
I will take care of it," deklara niya nang may katiyakan.
"Ang pondo para sakanila ay manggagaling sa akin.
Consider it my investment in the future you are building.
Walang bakas, walang koneksyon sa iyong pamilya, at higit sa lahat, walang limitasyon. "
?Tinitigan nang matalim ng aking ama si Vincenzo bago ito muling nagsalita nang may awtoridad.
"Hindi na kailangan, Vincenzo. Itabi mo ang iyong ginto. Ako ang ama at ako ang Duke, kaya responsibilidad kong ibigay ang lahat ng kakailanganin ng aking anak. Hindi ko hahayaang ang pundasyon ng kanyang mga plano ay magmula sa ibang tao."
?"Oh, come on, Master Fuegoleon. Don't be like that. You're talking to your future son-in-law here! Right, Lord Russel? I'm not some random guy off the street offering to buy a round of drinks. I'm the guy who's going to put a ring on her finger..."
Napatawa na lang ako. Vincenzo and his confidence.
Ang totoo ay hindi pa ako handang magpakasal, may nais pa akong gustong gawin. Hindi ko iyon magagawa kapag nagpakasal agad ako sakanya.
"Stop it, Vincenzo, Father. I will handle it myself.
Ako ang sasagot sa ginto nila. I will not let my future depend on someone else's pocket, not even yours.
Gusto ko, kapag tiningnan ako ng mga nilalang na iyon, ako ang nakikita nilang pinuno at hindi ang perang galing sa inyo.
I want them to owe their loyalty to me, and me alone. "
Nagpasya kaming muling maglakbay. Sa pagkakataong ito, napagdesisyunan kong sumakay kay Razareth.
Sa sandaling lumapat ang aking balat sa kanyang kabuohan, agad kong naramdaman ang dumadaloy na mana sa kanyang katawan, isang pamilyar na enerhiya na tila sumasalamin sa kapangyarihan ni Dragoroth.
?Hindi ako nahirapan sa pagkontrol sa kanya. Sa kabila ng kanyang nakakatakot na anyo, si Razareth ay masunurin at tila hinihintay lamang ang bawat kumpas ng aking kamay
?Ngayon, magkasabay na kaming lumilipad ni Vincenzo, bawat isa ay nakasakay sa sariling dragon na humahati sa makapal na ulap.
Napatingin ako sa ibaba kung saan matatanaw ang hukbo ng aking ama na tila mga langgam sa gitna ng malawak na lupain.
Sinasabayan namin sila sa himpapawid, hindi namin hinahayaang mawala sila sa aming paningin.
Sa mundong ito, hindi mo alam kung anong panganib ang bigla na namang haharang at sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong walang makakalapit sa kanila.
Napangiti ako nang bahagya nang mapansin ang paglapit nina Vincenzo at Dragoroth sa aming gawi. Hindi ko mapigilang mapatawa nang ilapit ni Dragoroth ang kanyang dambuhalang ulo kay Razareth.
Si Razareth naman ay tila nahiya sa ginawa ng kanyang mate na dragon, bahagya itong umiwas at nagpakawala rin ng mahinang ungol.
?"Hindi ko alam na clingy pala si Dragoroth, Vincenzo," wika ko, habang tinatapik ang leeg ni Razareth."May pinagmanahan yata."
"Razareth, bilisan mo." utos ko sa dragon sa aking isipan.
Humalakhak si Vincenzo, isang tunog na puno ng kapangahasan habang nakikipagsabayan sa bilis ni Razareth. Hindi siya natitinag sa tindi ng hangin, mas lalong naging mapanukso ang kislap sa kanyang mga mata.
?"Of course, baby, I am as clingy as Dragoroth." wika niya, ang boses ay seryoso pero may halong laro. "Huwag kang magmadali. Kapag tayong dalawa na lang ang magkasama, sisiguraduhin kong gagawa tayo ng mas higit pa sa isang halik."
Dalawang araw na ang lumipas matapos ang labanan sa Calevorne Forest. Ngayon, narito na kami sa ng lupain ng Emberman. Nadadaanan na namin ang malalaking nayon bago tuluyang marating ang Quentior Palace.
?Sa di-kalayuan, naaaninag ko na ang matatayog na tore ng palasyo. Sa gitna ng pagod, hindi na ako makapaghintay na makabalik, tila tinatawag na ako ng katahimikan ng aking sariling silid.
Muli akong napatingin sa ibaba.
?Habang naglalakad ang aming hukbo, sinalubong kami ng masiglang hiyawan at pagbati ng mga mamamayan para sa aking ama at sa kanyang mga kawal. Punong-puno ng galak ang kanilang mga mukha sa pag-aakalang ligtas ang lahat.
Ngunit sa likod ng mga ngiting iyon, bakas ang pait sa mga mata ng mga kawal na nakaligtas.
Mabigat ang katahimikan sa pagitan ng mga kawal. Mula sa tatlong daang magigiting na lalaki, dalawang daan at apatnapu na lamang ang natira. Ang iba ay naging mga abo na lamang dahil sa apoy ni Razareth.
?Pinabilis ko ang paglipad ni Razareth, hinahayaan siyang pumailanlang nang bahagya nang mas mababa upang mas matanaw ko ang kumpol ng mga tao sa ibaba. Sa bawat pagpagaspas ng kanyang dambuhalang mga pakpak, naramdaman ko ang paghinto ng hiyawan ng madla.
?Nasaksihan ko ang sabay-sabay na panlalaki ng kanilang mga mata. Ang takot at pagkamangha ay naghalo sa kanilang mga mukha nang masilayan ang isang maharlikang nakasakay sa isang dambuhalang pulang dragon, kasama ang mahal na prinsipe at si Dragoroth.
?Nagtama ang paningin namin ng aking ama. Sa isang seryosong tingin, binigyan ko siya ng isang tipid na tango, isang senyales na mauuna na ako sa Quentior Palace.
Naramdaman ko ang pagtabi ni Dragoroth sa aming gawi. Bumagal ang aming paglipad hanggang sa tanging tunog na lamang ng malalapad na pakpak ng mga dragon ang namamayani sa paligid.
?Tumingin sa akin si Vincenzo. Wala na ang mapanuksong ngisi sa kanyang mga labi.
?"Dito na muna tayo maghihiwalay, Rassia," wika niya, "I only promised to escort you and the Duke safely to Emberman. Now that the spires of Quentior are within your reach, I must head to the Imperial Palace. May importante pa akong kailangang gawin."
Tumango ako, pilit na itinatago ang biglang pagsikip ng aking dibdib. "Go, see you when I see you, Your Highness..."
?"Don't look so sad, baby. It doesn't suit a future Empress,"
?"Siguraduhin mo lang na magkikita tayo ulit, Vincenzo. Nais kong ligtas ka parati." sagot ko nang may halong banta, ngunit hindi ko na naiwasan ang pagpapakita ng pag-aalala sa aking mga mata.
?"I have too many plans with you to die now," nakangiti niyang sagot. "Until we meet again, baby."