CHAPTER 39

The Imperial Palace

Located in Sartores, The Capital

??Sa loob ng pinakamadilim na silid ng Imperial Palace, niyanig ng tunog ng nababasag na vase ang buong paligid.

Ang Empress na si Megan, ang ina ni Lurtheron, ay hindi magkamayaw sa pagwawala.

Nagkalat ang mga mamahaling plorera at punit-punit na mga dokumento sa sahig, isang repleksyon ng kanyang nagngangalit na isipan.

?"Paano ito nangyari?!" sigaw niya, ang kanyang boses ay tila talim na humihiwa sa katahimikan.

"Ang aking mga espiya... ang aking pinakamahuhusay na mata sa North! Paano sila naglaho nang ganoon na lamang?!"

?Nanginginig sa takot ang mga tagasilbi sa isang tabi. Ang balitang nakarating sa kanya ay isang malagim na babala, ang kanyang mga espiya sa estado ng crown prince ay tila nahuli o tuluyan nang naitumba.

Ang Duke at ang mismong Crown Prince na si Vincenzo ay nagsisimula na ring maghalungkat. Alam niyang sa oras na matunton nila ang pinagmulan ng mga espiyang iyon, ang lahat ng daliri ay maituturo sa kanya.

Damn that daughter of Cesare! Alam kong may itinatago ang babaeng iyon!

pati na rin si Cesare! Ang hirap tuklasin ang katotohanan dahil sa pasakit sa ulo na dulot ng anak ni Luthor!

ang Vincenzo na iyon! Matagal ko nang pinaghihinalaan ang kanilang pamilya!

Noong namatay si Nadea, limang makapangyarihang healers mismo ang nagpatunay na ang dapat na mawala ay ang kanilang anak!

Ngunit bakit si Nadea ang namatay at hindi ang anak nila? Dapat siya ang nabuhay! Dapat ang bata ang nawala. May mali! May itinatago sila!

Nanatiling nakatayo si Lurtheron sa isang madilim na sulok ng silid, malamig at walang emosyong pinapanood ang bawat gamit na ibinabato ng kanyang ina.

Muling humarap ang Empress kay Lurtheron, ang kanyang mga mata ay naniningkit habang pilit na inaalala ang bawat detalye ng mukha ni Rassia na nagiging si Nadea.

?"Impossible ang sinabi mo, Lurtheron! Natitiyak akong may itinatago sila! May mali sa babaeng iyon!" muling asik ng Empress.

?"Wala akong naramdaman sa kanya, Ina," maikli at walang emosyong sagot ni Lurtheron.

"I spent enough time near her to sense even a flicker of hidden mana.

Ngunit wala. She felt like nothing more than a daughter of a Duke, spoiled, protected, and ordinary.

Maging ang tauhan na aking ipinadala roon. .. ay naglaho rin."

"Kung hindi mo makuha sa pamamagitan ng pagmamasid, then use your charm, Lurtheron! Seduce her! Make her heart beat for you until she becomes so blind that she spills every secret her father is hiding!"

Gigil na gigil ang mukha ng Empress, ang kaniyang ugat ay kitang kita sakanyang leeg.

Hindi ko hahayaang maging masaya ka, Cesare!

Dapat ako ang pinili mo, hindi si Nadea!

Ako ang nararapat sa tabi mo, ako ang para sa'yo!

Hindi kita kayang kalimutan! Kahit ituon ko ang aking atensyon kay Luthor, ikaw pa rin ang laman ng bawat isip ko, at sa bawat paghinga ko!

Minamahal pa rin kita, Cesare! Ikaw lang, at wala nang iba!

Kung minahal mo lang ako... kung ako lang ang pinili mo... hindi ka sana magdurusa ng ganito. Ngunit dahil hindi mo ako pinili, sisiguraduhin kong mararamdaman mo ang sakit na iniwan mo sa akin.

Seryoso lamang ang tingin ni Lurtheron sakanyang ina habang ang dugo galing sa kanyang pisngi ay tumulo dahil sa mga tumalsik na bubog.

Seduce that lady? mukhang mahihirapan ako roon.

Dahil kung ang pag-uusapan ay ang puso ni Lady Rassia, tila may nauna nang kumuha ng puwesto roon, ang aking kapatid.

Masyadong malagkit ang kanyang mga tingin kay Rassia, at ang babaeng iyon ay hindi rin nagpapahuli.

Halatang may malalim na pagtingin ang dalawa sa isa't isa.

Isang bulag lamang ang hindi makakakita sa tensyong namumuo sa pagitan nila sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata.

Mukhang pwede kong gamitin ang babaeng iyon lalo na't lumalalim ang aking suspisyon kay Vincenzo, maging kay Cayena.

Nevertheless, I should get rid of Vincenzo. He stands in the way of everything I am meant to build within this empire. In the name of the Great Goddess, I will do what must be done. This is not cruelty. This is purpose. This is devotion.

Rassia

Limang linggo na ang lumipas mula nang makabalik kami rito sa Quentior Palace. Narito ako ngayon sa aming hardin, pinalilibutan ng mga bulaklak na tanging sa lupain lang namin nabubuhay, inaamoy ko ang bango ng pulang rosas na may gintong enerhiya.

Napatingin ako sa asul na kalangitan, doon sa direksyong huling tinahak ni Razareth.

Limang linggo na ang nakalipas nang payagan ko siyang umalis.

Masakit man sa kalooban, alam kong hindi siya nararapat na manatili rito sa loob ng bakod ng palasyo.

Isang malayang nilalang si Razareth, ang kanyang tunay na tahanan ay ang mga malalalim na kweba kung saan nananahan ang kanyang mga kalahi, ang mga kauri rin ni Dragoroth.

?Ayon sa kanya, matagal na siyang nawawala sa kanilang teritoryo, at gaya ko, nais niya na ring umuwi sa sarili niyang pamilya. Kahit papaano ay napanatag ako. Hindi man kami magkasama sa ngayon, alam kong ligtas siya sa piling ng kanyang mga kauri.

Naalala ko rin ang naikwento ni Vincenzo tungkol kay Dragoroth. May sarili rin itong lupain na inuuwian, isang lihim na teritoryo sa ilalim ng pangangalaga ni Vincenzo.

?Ipinikit ko ang aking mga mata at malalim na huminga.

It's good to be back.

Ngunit limang linggo ko na ring hindi nakikita si Vincenzo. Kamusta na kaya iyon? Hindi man lang siya nag-abalang magpadala ng kahit isang maikling liham para ibalita kung ayos lang ba siya...

Of course, I won't be the first one to send him a letter. No way! I would never do that!

I believe that men should be the ones to make the first move!

Ang init dito sa Emberman ay tila mas lalong tumitindi dahil sa inis na nararamdaman ko. Sinabi niya sa akin na hintayin ko ang kanyang pagbabalik, ngunit limang linggo na ang lumipas at tanging katahimikan lamang ang natatanggap ko.

Napahinto ako sa sarili kong iniisip. Ang inis sa dibdib ko ay biglang napalitan ng isang malamig at nakakairitang realisasyon.

?"Does that mean... I am ghosted?!"

?Halos mapasigaw ako sa hangin, dahilan para mapatingin ang ilang tagasilbi sa malayo. Agad kong itinuwid ang aking tindig at nagkunwaring inaayos ang aking dress, pero ang utak ko ay nagwawala na.

Me? A Quentin? The daughter of Cesare Fuegoleon Quentin?!

Pagkatapos ng lahat ng pababy at more than a kiss na binitawan niya noong nasa himpapawid kami, bigla na lang siyang mawawala na parang bula?!

"Napakalakas ng loob mo, Vincenzo," bulong ko habang mabilis na pinapaypayan ang aking mukha na ngayon ay nag-iinit na sa galit.

Iniisip ko kung paano ko siya susunugin gamit ang apoy ni Razareth kapag nagpakita siya. Hindi, mas malala pa roon.

?"Lady Rassia!"

?Naputol ang malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang isang pamilyar na tinig. Mabilis akong lumingon at nakita ko si Elena, na nagmamadaling lumalapit sa akin habang bahagyang hinihingal.

?"Naririto ka lamang pala, Lady Rassia!" bulalas niya habang nagbibigay ng isang magalang na yuko. "Kanina ka pa pinapatawag ng duke para sa tanghalian! Huwag mo raw paghintayin ang inyong ama." bahagyang natawa si Elena.

Bahagya akong napa-irap nang palihim at napailing ngunit hindi ko rin maiwasang ngumiti, ngayon ay maayos na kami ng aking ama...

Ngunit bago pa ako makasagot, napansin ko ang isang pigura sa likuran ni Elena.

?Naroon si Commander Valentino, ang isa sa mga pinagkakatiwalaang pinuno ng hukbo ng aming pamilya. Nakatayo siya nang tuwid, suot ang kanyang armor na kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw ng Quentior Palace.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paraan ng pagtingin niya kay Elena, isang tinging puno ng paghanga at pag-aalaga na halatang higit pa sa pagkakaibigan.

Oh.

Mukhang may nabuong pagkaka-ibigan habang wala ako?

Agad na nag-iwas ng tingin si Elena at bahagyang namula ang kanyang mga pisngi nang mapansing palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

?"Commander," bati ko nang may halong panunukso sa aking boses. "Mukhang napapadalas ang pagbabantay mo... kay Elena..."

?Bahagyang napa-ubo si Valentino. "Nais ko lamang siguraduhin na makakarating nang ligtas si Elena sa inyong kinaroroonan, Lady Rassia."

Sandaling tumingin muli si Valentino kay Elena, "Tungkulin kong tiyakin na walang anumang banta ang makakalapit sa inyong mga lingkod. Ang kaligtasan ni Elena ay bahagi ng seguridad ng inyong palasyo, My Lady. Hindi natin alam kung sino ang nagmamasid sa labas ng pader ng Quentior."

Napataas ang aking kilay. Napakagandang palusot. Ginamit pa niya ang seguridad ng palasyo para lamang magkaroon ng rason na samahan si Elena.

?"A-ano ka ba naman, Lady Rassia! Walang namamagitan sa amin 'no!" depensa ni Elena.

Napataas ang aking kilay, wala naman ako sinabi ah?

Tahimik akong kumakain ng tanghalian habang ninanamnam ang malamig na orange juice. Halos mapailing na lang ako nang mapansin ang dahan-dahang paggalaw ng kutsara ng duke, pasimple niyang dinagdagan ng gulay ang aking plato.

Nagtaka ako at tumingin sa kanya, ngunit sinalubong niya lang ako ng isang seryosong tingin.

?"Father, by the way. Where is Russel?"

?"He's attending in his academy," sagot ng duke, at sa unang pagkakataon ngayong tanghalian, nakita ko ang bahagyang paglambot ng kanyang ekspresyon.

"Your brother became the rank 1 in the Aero department."

Napatigil ako sa pagsubo. Ang Aero Department... sa dati kong buhay, para lang itong isang strand o course sa isang ordinaryong paaralan. Ngunit sa mundong ito, ang Aero Department ay pinag-aaralan ng mga estudyanteng may hawak ng air element.

?"Rank 1?" ulit ko, isang tipid na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Naalala kong naging rank 1 din ako sa humss department sa dati kong buhay.

"Russel is indeed smart, Father. I can't wait to see him become a duke... and be just as strong as you."

?"He wants to be strong enough to protect you, Rassia," dagdag ni duke. "Iyon ang palagi niyang sinasabi sa akin bago siya umalis patungong academy."

?"If he's doing that well, then I should probably send him something," ani ko.

"Rassia, what do you look for in a man?"

?Natigilan ako sa kanyang isinambit. Halos mabulunan ako sa iniinom kong orange juice at dahan-dahang ibinaba ang baso.

?"What? Why are you asking me that all of a sudden?" tanong ko.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

Kinakabahan ako! Baka ipares ako ng Duke sa kung sinong hamak na Marquess o anak ng isang Count para lang sa alyansa!

Hindi ito maaari! Ang gusto ko lang ay si Vincenzo!

Ang Crown Prince na kahit ghoster ay siya pa rin ang nagmamay-ari ng atensyon ko!

?"My curiosity," simpleng saad niya habang kalmado pa ring humihiwa ng steak.

Don't tell me he's planning to match me with someone else?! Hinding-hindi ako papayag! Kung kailangang sunugin ni Razareth ang listahan ng mga manliligaw ko, ipapagawa ko!

Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili at ngumiti nang matamis sa aking ama, ang ngiting ginagamit ko noong bata ako kapag may kailangan ako o kapag sinusubukan kong maging perfect daughter.

?"Hmm... someone strong as you, father!" simula ko, binubuo ang imahe ni Vincenzo sa aking isipan habang nagsasalita.

"And has excessive wealth! Honor! Ridiculously handsome! Someone with Eternal Sovereign Spirit!"

Huminto ako sandali para tingnan ang reaksyon ng duke bago itinuloy ang listahan na tila ba naglalarawan sa isang taong kilala naming dalawa.

Bahagyang sumeryoso ang aking ekpresyon nang may maalala.

"... Someone who wouldn't dare keep me waiting for five weeks without a single word."

Napatigil ang Duke sa kanyang pagkain at tiningnan ako nang diretso. Alam kong nakuha niya ang aking pahiwatig.

"But a man with excessive wealth and honor is often a man with many enemies, Rassia. Are you ready to handle the chaos that comes with a man like that?"

Inangat ko ang aking baba at sinalubong ang kanyang tingin.

"Of course, father! I believe he can protect me,"

?"Tss, just say the name of the Crown Prince, Rassia. Do you really love him?"

Naramdaman ko ang pag-akyat ng init sa aking mga pisngi.

"F-father! I just have a crush on him!" halos mapasigaw kong depensa.

?Masyado atang maaga kung sasabihing mahal ko na agad si Vincenzo. Hindi pa naman niya ako nililigawan! Crush lang muna!

?Tumaas ang kilay ng aking ama, ang kanyang tingin ay naging mapanuri at may bahid ng panunukso na bihirang-bihira kong makita.

?"Hmm... how about that boy, Caspian?" tanong niya, dahan-dahang ibinababa ang kanyang kutsara.

"You seemed crazy about him since you were young. You used to follow him around like a lost kitten. What changed?"

Bigla akong napaayos ng upo.

Caspian. Ang pangalang iyon ay parang isang lumang kabanata na pilit ko nang ibinabaon sa limot.

Hindi na ako makikisali sa love story nila ni Cayena!

?"Father, that was... long ago! In child years!" mabilis kong sagot. "Bata pa ako noon at wala pa akong taste. I realized that following someone around isn't really my style."

Napabuntong-hininga ang Duke, ang kanyang mga mata ay naging mapungay.

?"Rassia, have you forgotten your birthday?

It's near... two weeks from now, You will be nineteen.

?I just remembered your mother's wish about you, that you cannot have a boyfriend until you turn nineteen.

And that day is fast approaching. Sa susunod na dalawang linggo, maaari ka na ring magkaroon ng kasintahan. "

Tumingin sa akin ang duke nang may seryosong awtoridad. "Nineteen is the age of maturity for our lineage, Rassia. It is the time when your heart and your mana are expected to be stable."

"Does that mean... you are giving me your blessing, Father?" I teased, trying to hide my nervousness.

"I am giving you my trust, Rassia," he replied. "But remember, if that Crown Prince hurts you even once in your nineteen years of existence, his birthday will become his death anniversary."

"I understand, Father, even though that sounds less like a blessing and more like a threat in disguise..."

"Tell me, Rassia. What do you want for your birthday? A land? and which land? I can buy that for you even an entire estate just for you. Just name it, Rassia."

?Napaawang ang labi ko. Iba talaga ang level ng pagiging Duke ng aking ama, para lang siyang nagtatanong kung anong gusto kong ulam o laruan.

?"But," bigla siyang nag-iwas ng tingin at halatang pumeke ng isang ubo. "Don't ask me for that silver tiara... because as you can see, I'm quite busy and I don't have time to acquire it for you."

?"I won't ask for that stupid tiara anymore, Father. Kahit ano pang gustong mong ibigay, sapat na iyon. At isa pa, iba ang gusto ko ngayon," saad ko.

?"What is it?" tanong niya, ang kanyang mga kilay ay halos magtagpo sa kuryosidad.

?"I want to start businesses." Napangisi ako sa aking mga plano.

?"What? businesses? Not a single business, but more?" Gulat na tanong ni duke. Bahagya siyang napa-ayos ng upo, tila hindi inaasahan na ang kanyang anak na dating mahilig sa luho ay magtatayo ng businesses.

?"Yes, Father. More than one," masigla kong sagot habang nagniningning ang aking mga mata.

Ito ang nais kong gawin bago magpakasal kay Vincenzo, lalo na't kapag naging Empress ako, nakatali na ang aking kamay sa mga protocol at hindi na ako pwedeng humawak ng mga negosyo.

?Kaya kailangan kong manatiling nakatago. Sa ganitong paraan, kapag naging Empress ako, mananatili pa rin ang aking yaman.

?Kaya magtatago ako sa pangalang... Hmmm, ano kaya? Isang pangalang may awtoridad pero may misteryo.

Madame Rische.

?Napangiti ako. Gagamitin ko ang dati kong pangalan!

?"That's my dream, father, to have businesses. For that, I want you to help me. Magtatago ako sa pangalang Rische. Walang makakaalam na ako ang nagpapatakbo ng mga iyon."

Gagamitin ko rin ang aking mga negosyo para tuparin ang mga pangakong binitawan ko sa mga bandido at sa mga engkantari.

Nakita kong lumambot ang ekspresyon ng aking ama.

?"Very well, Rassia. I will help you," seryoso niyang saad. "I will send my five cards for your businesses."

Halos malaglag ang panga ko. Five cards?

! Napainom ako ng juice para lang kumalma.

Ang five cards ay hindi lang basta pera, ito ay ang limang black gold cards na may unlimited credit line sa lahat ng bangko sa buong kontinente.

Ang isang card lang ay sapat na para bumili ng isang maliit na siyudad.

?Five cards is hilarious! I can buy a whole continent for that!

?"Father, are you serious?" paninigurado ko. "Limang card talaga? Baka naman ma-bankrupt ang House Quentin niyan?"

Natawa ang aking ama at umiling, ?"The Quentin wealth is older... we are very rich sa kapanahunan pa ng mga Erenhal, Rassia, five cards is like five gold coins to me..."

Damn it! Gusto kong maging independent woman, pero kailangan kong maging praktikal. Bakit ako maghihirap mag-ipon ng barya-barya kung ang yaman ay nasa harap ko na?

?"Thank you, Father. I will start today, immediately," saad ko nang may determinasyon.

?Tumayo ako nang tuwid, hudyat ng aking pamamaalam. Wala nang oras para mag-alinlangan. Gagamitin ko ang lahat ng kakayahan ko mula sa dati kong buhay, ang talas ng aking isip sa pagbabasa at ang hilig ko sa pagguhit.

Kailangan ko ring idistract ang aking sarili.

Bahala ka sa buhay mo, Vincenzo!

Kung akala niya ay uubusin ko ang oras ko sa paghihintay sa kanya, nagkakamali siya. Hindi ko siya papansinin hanggang sa siya na mismo ang magmakaawa para sa atensyon ko.

?Ngunit bago pa ako tuluyang makahakbang palabas, muling nagsalita ang duke.

?"Rassia, do you not want to plan your birthday? I guess I will hand that task to Violet."

?Napatigil ako. Hindi ko hahayaang pakialaman ng iba ang gabing dapat ay para sa akin. Mabilis akong lumingon at ngumiti.

?"Don't worry, Father, I will handle that as well. I have Elena by my side, and I have my own visions for that night," sagot ko.

Ang kaarawan ko ay hindi lang magiging isang party, ito ang magiging grand launch ng aking impluwensya.

?"Just trust me, Father. Madame Rische knows what she's doing."

Tatlong araw na ang lumipas mula nang ihayag ko sa duke ang aking mga plano, at sa loob ng mga araw na iyon, halos hindi na ako natulog. Ang bawat oras ay ginugol ko sa paggawa ng mga blueprint na magpapabagsak sa tradisyunal na merkado ng mundong ito.

?Ngayon, sa wakas, tapos na ako sa pagguhit at pagdidisenyo para sa aking unang negosyo.

?Inilatag ko ang mga papel sa aking malawak na desk.

Naroon ang mga detalyadong drawing ng coffee equipment, mula sa manual grinder machines, industrial ovens, hanggang sa mechanical mixers para sa cakes.

Lahat ng mga kagamitang ito ay hindi pa nag-e-exist dito, at alam kong ito ang magiging alas ko.

Alam kong magbu-boom ang negosyong ito. Ang mga cupcake at cakes sa panahon ngayon ay medyo matitigas at hindi masyadong masarap dahil kulang sa tamang teknolohiya at equipment!

?At isa pa,

Halos maiyak ako sa sobrang pag-crave ng Caramel Macchiato! At ang Cookies and Cream Milk Tea na may sapat na tamis at creaminess. Kung wala ang mga iyon sa mundong ito, gagawin ko sila!

?"Yes, that's right. I want a café for my first business," bulong ko habang pinagmamasdan ang logo na ginawa ko.

Kapag naisakatuparan ko na ang pundasyon nito, plano kong magtayo ng iba't ibang branches sa bawat sulok ng Vermeleyon.

"R Atelier Café!" tumili ako at nagawa ko pang yakapin si Elena na natatawa rin.

?"Ano ang mga kagamitan na ito, Lady Rassia?" tanong niya, dahan-dahang hinahawakan ang gilid ng papel na may drawing ng isang oven at coffee grinder. "Kay husay niyo palang gumuhit... nakakapagtaka, dahil noong una ay puro luho lamang ang inaatupag mo."

"Hindi lang iyan basta drawing, Elena. Ayan ang magiging pundasyon ng R Atelier Café at ikaw, ang makakasama ko sa pagtikim ng kauna-unahang Caramel Macchiato at Milk Tea sa mundong ito."

?"Caramel... Machi-ano, My Lady?" lito niyang tanong.

Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na sa aking walking closet, ?"Elena! Ihanda mo ang ating karwahe. Kailangan nating bisitahin ang pinakamahusay na panday at engineer sa bayan. Madame Rische is about to make history!"

Tinitigan ko nang diretso ang panday, ang aking ekspresyon ay seryoso at walang bahid ng pag-aalinlangan.

?Inilapag ko ang aking mga blueprint sa harap ng pinakamahusay na panday sa lokal na merkado. Ang bawat pahina ay naglalaman ng mga detalyadong mekanismo na kinuha ko mula sa aking alaala sa dati kong buhay, mga bagay na hindi pa kailanman nasisilayan sa mundong ito.

?Sinuri ng matandang panday ang mga drawing, ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa bawat detalyeng kanyang nakikita.

?"Ano ang mga kagamitang ito, Lady Quentin?" tanong niya, bakas ang labis na pagkamangha at kaba sa kanyang boses. "Ngayon lamang ako nakakita ng ganito... mukhang napakahirap din itong gawin."

"Engineer Eduardo, I swear to you, hindi lang ako makikinabang sa kagamitan na iyan," panimula ko, habang pinagmamasdan ang blueprint ng industrial oven na tila isang puzzle sa kanyang paningin. "This is not just a commission, Eduardo. This is your legacy."

"Isipin mo ang susunod na daang taon. Kapag ang bawat tahanan sa Imperyo ay gumagamit na ng mga makinang ito para sa kanilang kabuhayan, ang pangalan mo ang mauukit sa bawat turnilyo at bawat gear.

You won't just be a name in the archives, Eduardo.

You will be the father of a new era."

Tiningnan ko ito ng seryoso, "Now, tell me, Do you want to be remembered just a simple engineer, Eduardo?"

Tumayo siya nang tuwid, ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha ay napalitan ng isang seryosong determinasyon. "Makaaasa kayo, Lady Quentin. I will give you the finest machines this continent has ever seen."

?"I want it done in three days," panimula ko, "And keep this strictly confidential. No one can know I am behind all of these. Are we clear?"

?"Understood, Lady Quentin. B-but... three days?"

Napalunok siya, ang kanyang noo ay dinadaluyan na ng malamig na pawis. "Hindi ko po yata kakayanin iyon. Hindi sapat ang tatlong araw para lamang sa isang kagamitan, lalo na't ngayon lang ako gagawa ng ganito kakomplikadong mekanismo."

"Don't worry, Engineer Eduardo. I've sent the top thirty most excellent engineers in the West to help you,"

Kasabay ng aking mga salita, ang malalakas na yabag ng mga paa ay umalingawngaw sa pasilyo. Ngumiti ako nang marinig ang isa-isang pagpasok ng trentang engineer, ang mga pinakamahuhusay na utak na nakuha ko gamit ang aking koneksyon.

Agad kong isinuot ang aking madilim na cloak at hinila ang hood nito para takpan ang aking mukha. Nanatiling tago ang aking tunay na pagkatao sa harap ng trentang lalaking ito.

Ang alam lang nila ay ako si Madame Rische.

?"Listen well," saad ko, ang boses ko ay bahagyang binabaan para magtunog mas seryoso at may awtoridad.

"Engineer Eduardo will lead this project.

You have seventy-two hours to turn these blueprints into reality.

Everything you see, hear, and build inside these walls stays inside these walls.

The compensation for your silence and hard work is already waiting in your accounts. Do not fail me."

?Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata ng mga bagong dating habang nakatingin sila sa mga blueprint ni Eduardo. Alam kong sapat na ang bilang nila para gawing posible ang imposible.

?"Now, start," huling utos ko bago ako dahan-dahang lumabas ng silid, kasunod si Commander Valentino at Elena na kapwa naka cloak din.

Tumayo ako sa loob ng gusaling napili ko. Pinagmamasdan ang kabuohan.

Kasama ko ang anim na pinakamagagaling na interior designer sa Vermeleyon. Lahat sila ay nakatitig sa akin, naghihintay ng aking bawat salita, habang nananatili pa rin akong nakabalot sa aking madilim na cloak.

?Inilatag ko ang mga papel sa isang lumang mesa sa gitna.

?"This is the vision for R Atelier Café,"

?"I don't want a typical tea room," dagdag ko habang pinagmamasdan ang kanilang mga reaksyon. "I want an atmosphere where power and elegance meet. I want people to feel that stepping into R Atelier Café is like entering a different dimension."

?"Madame Rische," panimula ng isa sa mga designer, halatang namamangha sa detalye ng sketches. "Ang mga hubog ng arkitektura na ito... ang paggamit ng mga bintanang stained glass na may ganitong pattern... ngayon lamang kami makakakita ng ganitong istilo."

Tinitigan ko ang anim na interior designer nang may awtoridad.

?"Gawin niyo ang lahat ng makakaya ninyo. I trust all of you. Don't let me down." saad ko, "Ang mga gintong ibinigay ko sa inyong accounts ay tretreplihin ko sa oras na matapos niyo ito nang perpekto."

?Nakita ko ang paglunok nila at ang sabay-sabay na pagtango.

?"I want it done after 2 weeks." pagtatapos ko.

"U-understood, Madame Rische!"

Now that I have settled everything for my first business, it is time to plan my birthday banquet.

Damn you, Vincenzo. Do not ever show your fucking face to me.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.