CHAPTER 42

Rassia

Bahagyang sinusuklay ni Vincenzo ang mahabang buhok sa aking likuran habang seryoso lamang akong nakatingin sa salamin.

?Hindi pa rin ako makapaniwala na isa siyang Erenhal. Kaya naman pala... siya ang Vincarion na tinutukoy ng mga Erenhal...

?Bigla akong namula nang mahagip ng paningin ko sa salamin ang mga marka ng kuko ko sa kaniyang katawa

?"I like your hair, baby. It's the same color as my eyes..." bulong niya.

?Pabiro ko siyang inirapan para itago ang aking pagkakahiya.

"Vincarion... so that's your real name, huh? Vincarion Cenzo. Tell me, bakit Vincenzo ang nakalagay sa papel?"

?Huminto siya sandali, at tipid na ngumiti.

?"The Erenhals gave that name to me. They were quietly watching my mother from afar while she was pregnant.

One night, while she was walking in the garden, King Drakkon spoke to his daughter, straight into my mother's mind.

He remained hidden in the shadows, suggesting only a name.

Morticia told me my mother was startled, thinking it was a mere hallucination.

But she simply smiled, caressed her stomach, and whispered that 'Vincenzo' sounded better. "

?"But still, the Erenhals call you Vincarion." I shook my head slightly. Mahinang natawa.

"Whenever I hear that name, it reminds me of my entire existence..." hinawakan niya ang aking dalawang kamay at hinalikan iyon.

"Vincarion is not just a name, it is the dark truth of my blood that the world fears. Vincenzo is the mask, the Crown Prince they adore. But no matter the name, I am the man who loves you."

Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi, dinaramdam ang bawat init ng kaniyang balat.

"Handa akong yakapin ang lahat ng takot at panganib, basta't ikaw ang nasa tabi ko. Magkasama tayo sa dilim na ito, Vincenzo..."

Hahalikan na sana niya ako nang biglang may kumatok.

Mabilis akong sumulyap sa orasan. Alas-otso na pala! Narito si Elena para gisingin ako!

?"My lady, His Excellency is here," tawag ni Elena mula sa labas.

What? Ano ang ginagawa niya rito? Bakit narito ang aking ama?!

?"Oh my, Vincenzo! Hindi ka maaaring makita ng ama ko rito!" bulong ko sa gitna ng matinding taranta habang napapatakip sa aking bibig. ?Maging si Vincenzo ay nakitaan ko ng pagkagulat at mabilis na lumunok.

?Ngunit sa halip na kumilos, hinawakan niya ang aking baywang at mas inilapit ako sa kaniya. "But baby... gusto pa kitang makasama," paos niyang bulong, tila hindi alintana ang panganib na nasa labas lang ng pinto.

?"Damn it!" mahina kong sigaw. "Then hide the fuck here!" Binigyan ko siya ng matalim na tingin na hindi tumatanggap ng hiyaw o reklamo.

?"Wait, baby—”

?Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis ko siyang itinulak at isinarado ang malaking cabinet sa loob ng aking walk-in closet. Halos huminto ang paghinga ko sa bilis ng pangyayari.

?Nagmamadali akong lumabas ng closet, ngunit bago pa man ako makalapit sa pinto ay bumukas na ito.

?"Hmm... I smell a rat here," malamig na sambit ng aking ama habang dahan-dahang nililibot ang tingin sa bawat sulok ng aking silid.

?"F-father! Good morning! What are you doing here?" pilit ang ngiti ko habang pilit ding pinapakalma ang nanginginig kong boses.

Tinaasan lamang niya ako ng kilay habang dahan-dahang naglalakad sa loob ng aking silid. Ang bawat hakbang niya ay tila may sinusukat, ang mga mata ay mapanuri na para bang may hinahanap na nais niyang mahuli sa akto.

?Tahimik ko siyang sinusundan, pilit na itinatago ang panginginig ng aking mga kamay. Saglit na nagtama ang paningin namin ni Elena, at nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha habang nakatingin sa aking kasuotan.

?"Lady Rassia, wala ka na sa North. Bakit balot na balot ka yata ngayon?" puna ni Elena, ang kaniyang boses ay puno ng kuryosidad. "At isa itong himala, mukhang napakaaga mo yatang nagising."

Napakagat-labi ako at pilit na inayos ang kwelyo ng aking suot. Ramdam ko ang malalagkit na titig nila sa bawat galaw ko, lalo na ang mapanuring tingin ni Elena na tila binabasa ang bawat kasinungalingan sa aking mukha.

?"N-nasasanay lang ako sa lamig ng North, Elena."

Lalong kumunot ang noo ng aking ama habang ang kaniyang paningin ay nakapako sa aking likuran, direkta sa direksyon ng aking walk-in closet. ?Nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang humakbang nang mabilis patungo roon.

?"F-father? Bakit ka pupunta riyan?" pigil-hininga kong tanong, pilit na humahabol sa kaniyang mga hakbang.

?Hindi siya lumingon.

?"Hmm... I am just checking if there is a rat hiding among your lavish bags and dresses," malamig niyang sagot. Ang kaniyang boses ay puno ng paghihinala, tila ba alam niya na mayroon akong itinatagong hindi dapat naroroon.

Lumapit ang duke sa aking malaking cabinet at tinangka niyang buksan iyon.

Agad akong pumagitna at humarang sa harap ng cabinet kung nasaan si Vincenzo, halos itaya ko na ang aking buong katawan huwag lang mahawakan ng aking ama ang seradura nito.

?"Father, please! It's... it's a mess in there!" pilit na tawa ko. "It's embarrassing."

"A mess? So the maidservants are not doing their jobs well enough to keep your things in order?" Malamig niyang tanong, ang boses ay tila may talim na nagpapatahimik sa buong paligid.

?Binitawan niya ang seradura ng pinto at muling itinuon ang kaniyang mapanuring tingin sa akin. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko, ang kaniyang tangkad ay nagbibigay ng isang nakapanlulumong anino na bumabalot sa akin.

"You are a terrible liar, Rassia," bulong niya.

"Exactly like your mother when she was keeping secrets from me."

?Dahan-dahan niyang inabot ang aking balikat at marahang itinulak ako sa gilid.

"Now, move. I want to see this 'mess' for myself."

Napalunok ako at wala nang nagawa kundi ang mapapikit nang mahigpit. Halos maisip ko na ang itsura ni Vincenzo na nakasiksik sa gitna ng aking mga gown. Gusto kong matawa sa imahe na iyon pero agad ding naglaho ang kaisipang iyon dahil sa presensya ng aking ama.

?Bumilis ang tibok ng puso ko, tila sasabog ang aking dibdib nang mabilis at marahas na binuksan ng aking ama ang cabinet.

?Ngunit laking gulat ko nang tumambad ang loob nito, wala na roon si Vincenzo. Tanging ang aking mga marangyang kasuotan lamang ang naroon.

?Nakahinga ako ng maluwag, ang bigat sa aking balikat ay tila naglaho sa isang iglap. Sa gilid ng aking paningin, nakita ko ang pagtitig ni Elena sa akin. Punong-puno ng pagtataka ang kaniyang mga mata at halatang-halata na alam niyang may kung ano akong itinatago.

Kumunot lang ang noo ng aking ama at nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga habang tinititigan ang maayos na hanay ng aking mga kasuotan. Tila hindi siya makapaniwala na wala siyang nahanap na kahit anong ebidensya.

?"Oh... it's not a mess," tanging kong sambit, pilit na pinatitibay ang aking boses habang dahan-dahang kumakalma ang nagwawala kong puso.

Tila sumuko na ang aking ama sa dagang tinutukoy niya. Huminga siya nang malalim at humarap sa akin.

?"Rassia, I came by here to inform you that I will not be here for a while, I have important matters that require my immediate presence elsewhere."

"What? Why now? My birthday is only a few days away..." nag-iwas ako ng tingin.

"You've been asleep for five months, and now your debutante is upon us. I cannot miss the grandest birthday party of your life, Rassia. I will make sure I am here before the banquet begins..."

Ano naman kayang gagawin ng aking ama? Tila biglaan ito. I know my father, he's the type to cancel his schedule just to attend our family matters, just like he did when Russel ranked first in his department.

"Take care of yourself, Father. I will be waiting for your return. Your presence is the only thing that can truly complete the grandest banquet of my life..."

Nagbigay siya ng isang tipid na tango at ngiti bago siya tuluyang umalis. Maging si Elena ay sumunod na rin.

Nanlaki ang aking mga mata at tila napako ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ko ang isang mahigpit na yakap mula sa aking likuran.

?"Baby... I am afraid I have to go now. See you at your debutante, my sweet Rassia... and when that night comes, I will make sure everyone knows exactly who you belong to."

?Isang matipid na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Dahan-dahan akong humilig sa kaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi.

"Very well, do your duties, my prince. See you."

At sa isang iglap, tuluyan na siyang umalis mula sa aking teresa. Agad akong lumapit doon upang muling silipin ang kanyang anyo, umaasang masusulyapan ko pa siya kahit sa di kalayuan, ngunit hindi na siya mahagip ng aking paningin.

?"My lady, sigurado ho ba kayong kayo ang gagawa ng inyong cake, maging ang iba pang mga desserts para sa iyong banquet?" pag-aalalang tanong ng aming House Chief habang nakasunod sa aking mga hakbang.

?"Yes. It is obvious that I am the only one who knows how to use those kitchen tools," tugon ko sabay turo sa oven at sa iba pang modernong kagamitan na ipinagawa ko kay Eduardo.

Nakasunod sa akin ang mga servant na tila ba nagkakagulo at hindi mapakali, ang kanilang mga mata ay bakas ang matinding pagtataka.

"M-marunong ho kayo?" kabadong tanong ng isa sa kanila, habang pinagmamasdan ang pag-aayos ko ng mga sangkap.

?Hindi ko sila binalingan ng tingin. "I am planning to make graham balls, leche flan, and cake brownies," deklara ko sa tonong walang pag-aalinlangan. "Ang mga cake brownies ang magiging pinaka-espesyal sa lahat."

"G-gramham?" takang tanong ng chief na nagkamali pa sa pagbigkas.

?Huminto ako sa tapat ng counter at hinawakan ang isa sa mga kagamitang bakal. "Kaya manatili na lamang kayo riyan at manood. Mas mainam na matuto kayo sa halip na tumayo lang diyan

?"Kaysa sa halip na mataranta riyan, tulungan ninyo ako at mas mainam na matuto kayo kaysa nakatayo lang diyan," dagdag ko pa bago inirapan sila nang bahagya.

Agad silang nagkatinginan, tila nabigla sa utos ko ngunit mabilis ding kumilos upang tumabi sa akin, naghihintay ng susunod kong sasabihin.

Graham balls, leche flan, and cake brownies will be served at my birthday banquet. These desserts do not exist in this world, at least, not yet.

Many noble ladies will attend, dressed in their finest gowns and full of expectations. They will come to observe and judge, thinking they have experienced the best.

But they will be wrong.

The smooth sweetness of the leche flan, the rich and soft brownies, and the delightful graham balls will leave a lasting impression on their taste.

This banquet is not just a celebration for my debutante. ?It is the opening move for my R Atelier Café. Once the banquet ends, those nobles will be desperate to track down the origin of those tastes.

Nagsimula ang lahat sa isang tumpok ng mga biskwit. Inilapag ko ang mga ito sa gitna ng malawak na mesa at itinuro ang mga sangkap na kailangan.

?"Durugin ninyo ang mga biskwit na ito hanggang sa maging pino," utos ko sa dalawang servant na agad namang kumuha ng mga gamit na kahoy para pampitpit. "Huwag ninyong iiwanang may malalaking piraso, kailangang maging kasing-pino ito ng buhangin."

?Habang masigasig silang nagtatrabaho, kinuha ko ang malaking mixing bowl at dahan-dahang ibinuhos ang condensed milk na ginawa ko. Ramdam ko ang paglapit ng House Chief, pilit na sinisilip ang malapot at matamis na gatas na ngayon lang yata niya nakita sa tanang buhay niya.

?"My lady, iyan ho ba ang magsisilbing pandikit?" tanong niya, bakas ang pagkamangha.

?"Exactly," sagot ko nang hindi tumitingin. "At kapag pino na ang mga biskwit, ihalo ninyo iyan dito nang dahan-dahan. I want the texture to be firm enough to roll into perfect spheres."

Nang makuha na ang tamang timpla, sinimulan ko ang pagbilog sa palad ko. Ang mga servant naman ay tila nanonood ng isang banyagang ritwal. "Ganito ang gawin ninyo. Bilugin ninyo nang pantay-pantay, pagkatapos ay igulong ninyo sa natitirang durog na biskwit bago ilagay sa tray."

"Chief, Elena, the others can handle the graham balls. I need you two to help me make the leche flan and the cake brownies," utos ko sa kanila habang mabilis na hinahanda ang iba pang mga sangkap.

?Ang mga servant na naiwan sa graham balls ay tila kabadong-balisa, habang ang Chief at si Elena naman ay tumayo nang matuwid, bakas ang seryosong determinasyon na hindi ako mabigo. Alam nilang mas komplikado ang susunod na gagawin namin.

?Inabot ko ang malaking mixing bowl at hinarap ang oven na kanina pa nila pinagmamasdan nang may kaba.

?"Now, let's start with the cake brownies.

Elena, tunawin mo ang tsokolate at mantikilya.

Chief, batihin mo ang mga itlog, pero siguraduhin mong hindi ito masyadong mabula," sunod-sunod na utos ko.

"Kailangan nating makuha ang perpektong texture, I want it fudgy yet cake-like. Do not disappoint me."

The leche flan, the massive cake brownies, and the graham balls were finally laid out across the long table. They looked like a culinary display from another era, or another world entirely.

I smirked. The perks of being an ordinary girl from the modern world of Holmeia, now reborn into this world...

"Ngayon lang ako nakakita ng ganoong klase ng tsokolate. Mukhang napakabigat at napakatamis. Paano kaya nakuha ng ating Lady ang ganoong teknik?"

"Ang kinang ng dilaw na putahe... tila ba ginto na natunaw," bulong ng isa, ang mga mata ay nananatiling nakapako sa leche flan.

?"Siguro ay may kinalaman ito sa mga kakaibang kagamitan. Tunay ngang misteryosa ang ating Lady Rassia..."

Bahagya akong napangisi. I looked at their faces, a mix of hunger, confusion, and deep respect. Normal lang sa mundo ko ang mga ito, pero dito, para akong isang alchemist na nakatuklas ng bagong elemento.

?"Since you all worked hard," panimula ko, dahilan upang agad silang tumahimik at yumuko. "Tikman ninyo ang mga iyan."

Nagkatinginan sila, tila hindi makapaniwala. "M-my Lady? Sigurado ho kayo? Para sa mga noble ang mga ito—"

?"I need your feedback," putol ko sa kanila habang kumuha ako ng maliliit na plato. "Taste it."

?Nag-aalangan silang kumuha ng maliliit na piraso.

Si Elena ay dahan-dahang isinubo ang isang graham ball. Sa sandaling madikit ito sa kaniyang dila, nanlaki ang kaniyang mga mata at napahawak siya sa kaniyang pisngi.

?"Napakalambot... at ang tamis ay saktong-sakto lang!" bulalas niya.

?Nang matikman naman ng House Chief ang leche flan, tila siya nanigas sa kinatatayuan. "Ang texture... napakamakinis. Para itong ulap na natutunaw sa loob ng bibig ko. My Lady, wala pang ganito sa buong imperyo!"

"Hindi ko akalain na may ganito kang klaseng talento, My Lady!" muling bulalas ng House Chief, habang hindi magawang alisin ang tingin sa huling piraso ng brownies na tila ba isang mamahaling hiyas.

Ilang sandali pa ay dumating si Violet, ang tauhang inatasan ko para tumulong sa akin sa paghahanda sa nalalapit kong kaarawan.

?"Violet, how are the preparations?" tanong ko.

?Bahagya siyang yumuko bilang paggalang.

"I am here to inform you that everything is in order, My Lady. I assure you, this banquet will be the grandest event of the year. Not a single detail has been overlooked."

?Tumingin ako sa mga nakahain sa harap ko nang may kumpiyansa.

"Look at these, Violet. The desserts. This alone is proof that my birthday will be the grandest."

Nasa gitna ako ng hardin, tahimik na nakaupo habang dahan-dahang iginiguhit ang huling mga detalye sa canvass. Ipininta ko si Lucy Pearl na pinaliligiran ng makulay at masiglang tanawin, isang kabaligtaran sa kanyang likas na madilim at nakakapangilabot na aura.

?"Lucy, malapit na ang kaarawan ko," ani ko sa aking isipan habang nakatitig sa canvass. "Ibig sabihin, malapit na rin ang anibersaryo ng kamatayan ni Ina..."

"I miss her too! But staring at that painting is making me look like a total loser. Stop it, Rassia!" sigaw niya sa aking isipan.

Umiling na lamang ako, isang tipid na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang bawat hagod ng pintura sa canvass.

?"You look beautiful, despite being a demon, Lucy. I painted this specifically for you. My birthday is also your birthday to me. My existence is tied to yours... my birthday exist because of you."

Sandali siyang natahimik. Napangiti ako dahil dama ko ang kanyang pagkailang, alam kong namumula siya sa kailaliman ng aking isipan. Humigop ako ng aking creamy latte, ninanamnam ang tamis nito kasabay ng bango ng mga bulaklak at ang banayad na haplos ng hangin sa aking balat.

?"Lucy Pearl, I wonder if I can summon you?" tanong ko habang nakatanaw sa malayo. "Like how others summon their animal spirits..."

?"I don't think you can summon me... not yet," tugon niya, at bumalik ang seryosong talim sa kanyang boses.

"You would need a powerful master to teach you such a feat.

But even then, it is far too risky. I am not just a demon residing within you, Rassia.

I am your life force."

Dama ko ang bigat ng kanyang mana na tila bumalot sa aking puso. "If I am pulled out of your body, even for a second, you are pulling out the very thing that keeps you breathing. To summon me is to dance with your own death."

Sandali akong natahimik bago nagtanong muli, "Then, Lucy... when are you going to unseal my Eternal Flame mana?"

?Ramdam ko ang kanyang marahas na pag-irap sa kailaliman ng aking isipan.

?"Idiot," singasing niya, bakas ang pagkairita sa kanyang boses.

"How many times do I have to say this? I will unseal it when the time is right. As of now, your body is still adapting to your demonic mana. If I release that flame too early, you'll turn yourself into nothing but ashes."

?Lalo akong napangiti at muling humigop sa aking creamy latte.

"You're just worried about me, aren't you?"

?Hindi na siya muling sumagot.

?Bigla akong nakaramdam ng init sa aking mga pisngi nang sumagi sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Vincenzo.

Isang alaala na hindi ko mapigilang balikan, ngunit nagdulot din ng matinding kaba sa aking dibdib.

Kung kami ni Lucy Pearl ay iisa ang katawan at paningin.

.. nakita niya kaya ang lahat ng iyon?

?"Lucy Pearl," bulong ko, ang boses ko ay halos hindi marinig sa kaba. "Do you perhaps... see everything I see? Even the things... I do with Vincenzo?"

?Isang nakabibinging katahimikan ang namayani, bago ko naramdaman ang isang malamig at mapang-asar na enerhiya na bumalot sa aking isipan.

?"If you are asking if I watched that pathetic display of affection," singasing niya, bakas ang matinding pandidiri sa kanyang tono.

"Then yes, I saw it. And I don't think I am alone in this.

His Sovereign Spirit might saw everything too, unless that fool vampire prince knows how to close his dimension.

But as for you, you need to do something! "

"Rassia. If you plan to engage in such.

.. intimate acts, you must learn to sever our connection temporarily.

Strengthen your bond until you can close your dimension at will.

I have no desire to be a silent witness whenever you decide to give yourself to him.

Next time, seal your senses, or I might just intervene out of sheer disgust! "

Halos maibuga ko ang iniinom kong kape dahil sa tindi ng hiya. Ang init na dapo ng araw sa hardin ay walang-wala kumpara sa tindi ng pamumula ng aking mga pisngi. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang maglaho at maging abo sa puntong iyon.

?Nakakahiya!

?Nahagip ng aking paningin ang isang maliit na pigurang nakasilip mula sa malayo. Hindi ko mapigilang mapangiti, mukha siyang ewan doon dahil akala niya marahil ay nagtatago siya nang maayos, gayong kitang-kita ko naman siya mula sa aking kinauupuan.

?Ipinatong ko ang aking tasa at kinuha ang isang baso ng chocolate milk tea na hindi ko pa nagagalaw. Tumayo ako at pasimpleng naglakad patungo sa kinaroroonan ng aking alagang parrot. Agad na nag-ingay ang ibon sa aking presensya, tila ba labis na namamangha sa aking ganda.

?"Rassia! Quentin! Beautiful! Beautiful!" malakas na hiyaw nito habang papalapit ako.

Tinaas ko ang aking palad at ?mabilis siyang lumipad roon.

May sarili siyang tahanan dito sa hardin, hindi ko siya hinayaang nakakulong o nakatali sa isang masikip na hawla.

Sa halip, mayroon siyang malawak na tirahan na tila isang munting kwarto, napalilibutan ng mga sariwang bulaklak at malayang nakakalipad sa loob ng kanyang sariling paraiso.

"Hey there, Randal," my voice softening as I reached out to brush my fingers against his vibrant feathers. Napangiti ako nang mabasa ang nakaukit sa kaniyang lion crest. Randal Quentin.

"Still as talkative as ever, I see. Are you truly that captivated by me today, or are you just hungry for attention?"

?I let out a small, elegant laugh as he repeated my name once more.

?"Since you've been such a good boy," I glanced toward the chocolate milk tea in my hand and then back at the hidden figure of a boy.

"Maybe you'll help me find a little mouse out of his hiding spot, hmm?"

Mabilis na lumipad si Randal paikot sa ere, ang kanyang mga pakpak ay humahampas sa hangin habang masayang nanggagaya.

?"Little mouse! Little mouse!" hiyaw ng parrot, na tila ba tinutulungan ako sa aking panghuhuli.

?Sa isang iglap, mabilis na gumalaw ang mga damo sa gilid.

Halatang nagpanic ang bata at patakbong sumubok na lumayo sa amin ni Randal.

Ngunit bago pa man siya makalayo, ginamit ko ang aking bilis na itinuro sa akin ni Lucy Pearl upang harangan ang kanyang daan.

Sa isang kisap-mata, nasa harap na niya ako.

?"Hey, there. What's your name?" mahinahon kong tanong, bagaman bakas ang awtoridad sa aking boses. "You're the boy from the streets that day, right? How is your life here?"

Napakurap-kurap siya at napalunok nang malalim habang nakatitig sa akin.

Ang kanyang mga mata ay puno ng takot at pagkamangha.

I know this boy saw Lucy Pearl in me that day.

Ramdam ko rin ang kakaibang enerhiya mula sa kanya, isang pamilyar na bigat sa hangin.

I think he is a dark mage.

?"Don't be afraid of me, boy..." bulong ko, pilit na pinatatamis ang aking tono upang hindi siya tuluyang manginig sa harap ko. "I won't hurt you."

Inabot ko sa kanya ang chocolate milk tea. Akmang aabutin na niya ito, ngunit mabilis ko itong itinaas muli upang hindi niya mahawakan.

?"I asked for your name, little boy..." bulong ko sabay ngiti nang napakatamis, bagaman bakas sa aking mga mata ang pag-uusisa.

?Napayuko siya, bakas ang pagkalito at takot sa kanyang mukha habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

"Hindi kita lubos na maintindihan, binibini... sapagkat ako ay kasalukuyang nag-aaral pa lamang ng wika. Ngunit ang tanging naintindihan ko ay ang inyong tanong tungkol sa aking ngalan..."

Huminto siya sandali at napalunok, tila nahihiya sa susunod niyang sasabihin. "Ang totoo ho ay... wala akong pangalan. Lumaki ho ako sa kalye na kung ano-ano lamang ang itinatatawag sa akin."

The hell... wala man lang siyang pangalan...

Kahit saan ka man pumunta, hindi talaga nawawala ang mga pabayang magulang.

Mga taong hirap na nga sa buhay, pero tuloy pa rin sa pag-aanak na tila walang kinabukasang iniisip.

At sa huli, ang mga anak ang siyang sasalo ng bigat, sila ang magdurusa, sila ang maghihirap, sila ang maiiwan sa mga desisyong hindi naman nila pinili.

"Tanggapin mo ito." alok ko sa inumin. "Kung wala kang pangalan... ako na lang ang magpapangalan sa iyo. Ayos lang ba iyon?"

Saglit siyang natigilan bago dahan-dahang kinuha ang inumin mula sa akin.

Nanatili ang aking paningin sa kanya habang tinitikman niya ang inumin. Sa unang sipsip pa lamang, kitang-kita ko ang biglang pagbabago sa kanyang ekspresyon, ang bahagyang paglaki ng kanyang mga mata at ang panandaliang pagkaputol ng kanyang paghinga.

?"Ang... s-sarap, binibini!" bulalas niya, "Ngayon lamang ako nakatikim ng ganito... s-salamat ho..."

?

?"K-kahit... kahit may nakakatakot na naninirahan sa iyo..." bulong niya, halos hindi ko marinig kung hindi lamang dahil sa talas ng aking pandinig. Tumingala siyang muli, ang takot sa kanyang mga mata ay unti-unting napapalitan ng paghanga. "Ang bait niyo pa rin ho sa akin."

?"Tatawagin kitang... Dazro."

?Sa pagbigkas ko ng pangalang iyon, nanlaki ang aking mga mata nang makakita ako ng butil ng luha na dahan-dahang gumulong mula sa kanyang pisngi.

Hindi ko inaasahan na ang isang pangalan ay magdudulot ng ganoong klaseng emosyon.

?"Pasensya na, binibini..." punas niya sa kanyang mga mata gamit ang dumi ng kanyang manggas. "Ngayon lamang ako nakatanggap ng ganitong... kabaitan sa isang maharlika. Ngayon lamang may tumawag sa akin sa isang pangalang hindi isang pang-iinsulto."

?Huminga ako nang malalim, pilit na itinatago ang kirot sa aking puso. "Tell me, Dazro. Ano ang naging buhay mo bago ka napadpad dito?"

?"Madalas akong pinagmamalupitan sa labas, binibini. Upang mabuhay, napipilitan akong magnakaw ng tinapay at prutas sa palengke... mabilis ang aking mga paa, ngunit hindi sapat para takasan ang gutom," pagkukwento niya sa nanginginig na boses.

"At tuwing gabi ho... may mga nag-aaya sa aking makipaglaro sa isang madilim na taberno."

?Kumunot ang aking noo. Isang bata sa loob ng taberno? "Anong klaseng laro, Dazro?"

Dahan-dahang uminom muli si Dazro ng kanyang milk tea, tila mas kumportable na sa aking presensya. Ngunit ang susunod na lumabas sa kanyang mga labi ay nagpatigil sa takbo ng aking mundo.

?"Masaya ho roon sa taberno tuwing gabi, binibini.

.. dahil doon lang ho ako nakakatulog sa malambot na higaan," pagkukuwento niya nang may inosenteng ngiti, "May mga mamang nag-aaya sa aking makipaglaro ng taguan sa loob ng mga silid.

Sinasabi nila na kailangang wala akong saplot para hindi nila ako madaling mahanap.

.. at pagkatapos, may mga ginagawa silang laro na masakit sa katawan, pero sabi nila, iyon daw ho ang bayad sa pagkain at tulugan ko. "

What the fuck?! he was fucking raped! A fucking child!

I looked at him. Ang kanyang boses ay nananatiling payapa, ang boses ng isang batang hindi pa nauunawaan na ang tinatawag niyang 'laro' ay ang pinakasuklam-suklam na krimeng maaaring gawin sa isang tao.

Para sa kanya, ang hapdi at sakit ay bahagi lamang ng bayad para sa isang gabi na hindi siya giniginaw sa kalsada.

?"Minsan ho, pinapapikit nila ako... at sinasabing huwag maingay," dagdag pa niya, habang masayang nilalaro ang straw ng kanyang inumin. "Mababait naman ho sila, binibini... binibigyan nila ako ng isang barya pagkatapos."

Isang... barya?

?Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa hardin. Ramdam ko ang unti-unting pagdilim ng aking paligid, hindi dahil sa papalubog na araw, kundi dahil sa poot na naglalagablab sa aking dibdib. Ang inosenteng tinig ni Dazro ay tila mga saksak sa aking pandinig.

Sa loob ko, naramdaman ko ang paggising ni Lucy Pearl. "Men will always be men, they are vile beings who thrive on the weak. No wonder why my blade only ever thirsted for them."

?"Dazro," tawag ko sa kanyang pangalan, pilit na pinapanatiling matatag ang aking boses kahit na ang aking mga kamao ay nakakuyom na sa ilalim ng aking mahabang kasuotan.

"Hindi iyon laro. At hinding-hindi ka na babalik sa tabernong iyon."

?Tumingala siya sa akin, bakas ang pagkalito sa kanyang mga mata. "Binibini? Galit ho ba kayo?"

?"Hindi sa iyo, Dazro," pilit kong ngiti rito. ?"Tell me, Dazro. Saan banda matatagpuan ang tabernong iyon?"

?Ang aking boses ay nanatiling kalmado, ngunit sa ilalim niyon ay ang malamig na talim ng poot na handa nang kumawala.

"Sa market po, binibini. Sa mismong tapat ng malaking casino... may isang madilim na eskinita roon. Sa dulo niyon matatagpuan ang taberno."

"Thank you, Dazro. Those men... they did unspeakable things to you. They treated your innocence as a currency, and for that, I shall punish them."

?Nakita kong natigilan siya at nagtaka. My expression softening just enough to offer him the security he had never known.

Alam kong maiintindihan niya ito balang araw.

"You will never have to return to that tavern. I will be the nightmare of those who thought they could play with lives like yours."

"Hindi kita maintindihan, binibini... maaari rin bang makahingi muli ng g-ganito?"

?Inangat niya ang baso, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa pag-asang hindi pa rin niya lubos maisip na totoo.

Ang inosenteng hiling niya ay tila isang malakas na sampal sa akin, isang batang ang tanging hangad ay isang baso ng matamis na inumin, matapos ang lahat ng pait na ipinadama sa kanya ng mundo.

?"Pwedeng-pwede, Dazro," sagot ko nang may malambot na ngiti. Bahagya kong ginulo ang kanyang buhok, pilit na itinatago ang panginginig ng aking mga daliri dahil sa pigil na galit para sa mga taong nagnakaw ng kanyang pagkabata.

"B-binibini... m-maraming salamat dahil kinuha niyo ako. Ngayon ay nakakatulog at nakakain na ako nang maayos. Nabigyan din ako ng pagkakataong mag-aral sa Akademya..."

?"Wala iyon, Dazro," malumanay kong sabi, bagaman ang aking mga mata ay nananatiling matalim.

"Huwag mong iisipin ang nakaraan. Gamitin mo ang pagkakataong ito para maging malakas.

Dahil sa mundong ito, ang mga mahihina lamang ang tinatapak-tapakan.

.. at hinding-hindi ko hahayaang mangyari iyon sa iyo muli. "

Naramdaman ko ang biglaang pagpulupot ng kanyang maliliit na bisig sa aking baywang. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang marahas na pagyugyog ng kanyang mga balikat at ang pagbuhos ng kanyang mga luha.

?"Lucy Pearl... are you ready to hunt?"

"Always, Rassia."

"Tunay ngang napakaganda mo, Lady Rassia," ani Katarina. "Sa kwento ng kapwa ko engkantari ay tila nabighani sila sa iyong kagandahan at tama lang na sumuko sila sa iyo."

?"Tss. I'm still not used to working with a fuckass engkantari," malamig na singhal ni Agarus habang nakahalukipkip. Bakas sa kanyang mukha ang inis, ngunit nanatili ang kanyang respeto sa akin. "Ngunit bakit mo kami ipinatawag, Lady Rassia?"

?"Kayo ang aking napili," seryoso kong sagot habang tinititigan sila nang diretso.

"I want you to be my eyes for everything happening in Vermeleyon. If monsters attack a certain village, report it to me immediately. I will not let this continent crumble under the shadows while I am here."

"Understood, My Lady."

"You have my word."

Tumayo ako at isinuot ang isang itim na cloak.

"Prepare yourselves, Agarus, Katarina. I will hunt tonight," wika ko, "I wanted you to see how I deal with those who angered me in the shadows."

I want to see if their loyalty is truly in me.

I want them to witness my true power, to understand that the woman they serve is not just a title, but a force of nature.

And if I am disappointed by their reaction.

.. if I see even a shadow of fear, hesitation, or judgment in their eyes.

.. then they are no better than the filth I about to purge.

I will not hesitate. I will kill them myself before the night is over.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.