CHAPTER 64 #4

Dahan-dahang niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Pinilit niyang pigilan ang kanyang mga luha, ngunit kahit anong gawin niya, patuloy pa rin itong kumakawala at dumadaloy sa kanyang mga pisngi.

Patuloy pa ring tumutugtog ang musika sa kanyang paligid, banayad na pinupuno ang tahimik na silid. Ang bawat nota ay tila sumasabay sa malamig na hanging dumadampi sa kanyang mukha habang nakatayo siya sa terrace.

Nang mawalay ka sa aking puso

Kung bakit hanap-hanap ka pa

Ang 'yong mukha'y lagi

Lagi na lamang sa isipan ko

"I miss you so much, Vincenzo..." mahinang sambit ni Rassia, halos pabulong habang nanginginig ang kanyang boses. "It hurts..."

Bakit 'di magawa nitong damdamin

Ang paglimot sa mga nagdaan

Sadya nga bang ganyan

Pag nagmahal ay 'di matatakasan

"I wish you were here..." dagdag niya, habang muling tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. "I don't know how long I can keep waiting for you..."

"Can we stop this now?" nanginginig na tanong ni Rassia, halos hindi na mabuo ang kanyang tinig.

"C-can you please... stop making me w-wait?"

Tuluyan nang nanghina ang kanyang mga tuhod at napaluhod siya sa terasa. Agad niyang hinawakan ang gilid nito upang hindi tuluyang bumagsak, habang patuloy na tumutugtog ang musika sa kanyang likuran.

Nais ko'y makapiling kang muli

Nais ko'y mayakap kahit sa sandali

Kung pangarap ma'y tatanggapin ko

Ikaw pa rin ang iniibig ko

"You're hurting me, Vincenzo..." mahina niyang sambit, kasabay ng pag-agos muli ng mga luha sa kanyang pisngi. "I don't know how much longer I can keep doing this."

Napayuko siya habang pilit na inaayos ang kanyang paghinga.

"I keep telling myself that you're coming back. That you're somewhere out there, fighting your way back to me."

Nanginginig ang kanyang mga balikat. "But every day that passes without you... it gets harder."

Napahawak siya sa kanyang dibdib, saka marahang hinaplos ang kanyang tiyan.

"I miss you so much that it hurts."

Nais ko'y makapiling kang muli

Nais ko'y mayakap kahit sa sandali

Kung pangarap ma'y tatanggapin ko

Ikaw pa rin ang iniibig ko

"I m-miss you so much... e-even the sky feels empty without y-you..."

Habang patuloy na umiiyak si Rassia, bigla niyang naramdaman ang isang malakas at madilim na presensya sa kanyang likuran. Mabigat ang aura nito, sapat upang maramdaman niya agad kung sino ang dumating.

Ngunit hindi niya iyon pinansin.

Mas lalo lamang siyang napahikbi habang nakayuko at mahigpit na nakakapit sa gilid ng terasa.

"Little Red..."

Dahan-dahan lumapit si Drakkon kay Rassia at marahang hinaplos ang kanyang buhok. Ilang sandali siyang nanatiling tahimik, hinahayaan lamang siyang umiyak.

Hindi niya pinilit si Rassia na tumayo. Sa halip, nanatili lamang siya sa kanyang tabi, tahimik na ipinaparamdam na hindi niya kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.

"You don't have to hold everything inside, Little Red," mahina niyang sambit. "If you need to cry, then cry."

Patuloy niyang hinaplos ang buhok ni Rassia.

"I am here..." mahinang sambit ni Drakkon habang patuloy na hinahaplos ang buhok ni Rassia. "I will be the father figure you need."

Sandali siyang natahimik bago marahang tumingin kay Rassia.

"I know I'm not him, Little Red. I could never replace your father, and I won't try to. But until the day Vincenzo returns, you don't have to face everything alone. If you need someone to protect you, I'll be there. If you need someone to guide you, I'll be there..."

"I am here, Little Red. And the Erenhals are here too."

Nang marinig iyon ni Rassia, unti-unti siyang tumahan. Suminghot siya at marahang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi bago dahan-dahang tumayo.

Ilang sandali silang parehong nanatiling tahimik.

Drakkon crossed his arms as Rassia turned her gaze back toward the sky. Pareho nilang pinanood ang araw na unti-unting sumisilip mula sa abot-tanaw, tinataboy ang dilim na ilang oras ding bumalot sa mundo.

"Even the longest night must surrender to the dawn."

Dahan-dahang napatingin si Rassia kay Drakkon, ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa araw na unti-unting umaakyat sa kalangitan.

Drakkon's ruby eyes shined brightly when the sun finally rose above the horizon. His long black hair was gently dancing in the wind, with a few strands brushing against his pale skin. His black attire stood out against the golden morning light, making his dark presence even more striking.

"The sun always rises, and so do you. No matter how many times life pushes you into the darkness, there will always come a moment when you have to stand again."

The day of Rassia Saint Quentin's birth had finally come.

"Yes, Rassia... keep pushing!" ani Lapileon.

Parehong naroon sina Lapileon at Drakkon bilang mga doktor, parehong nakatutok kay Rassia habang tinutulungan siyang malampasan ang panganganak. Maingat nilang sinusubaybayan ang kanyang kalagayan, habang ang ibang healers naman ay nakapaligid upang tumulong.

Nakatali ang dalawang kamay ni Rassia dahil lumabas ang mahahaba at matatalim niyang itim na kuko. Kailangang pigilan ang mga iyon dahil maaaring masaktan ang dalawang healers na mahigpit na nakahawak sa kanyang mga kamay.

Nakakagat din siya sa isang puting tela upang mapigilan ang sarili niyang mapasigaw nang sobra, ngunit hindi pa rin nito tuluyang napigilan ang kanyang mga sigaw.

"That's it, Rassia... you're doing well..." patuloy ni Lapileon. "Just a little more..."

Nanatiling kalmado si Drakkon habang maingat na sinusubaybayan ang kalagayan niya.

"Breathe, Little Red. Don't lose your focus. You're almost there."

Muling napasigaw si Rassia, at napahigpit ang pagkakahawak ng dalawang healers sa kanyang mga kamay nang maramdaman ang pag yanig ng buong kastilyo.

Yumanig ang sahig at bahagyang gumalaw ang mga kasangkapan sa paligid. Maging ang mga bintana ay kumalabog sa lakas ng pagyanig. Kasabay nito, biglang nagliyab nang mas mataas ang mga apoy sa fireplace, habang ang mga kandila sa buong kastilyo ay nagsimulang kumislap at magliyab nang mas malakas.

Kasabay ng pagsigaw ni Rassia ay ang malakas na pagdagundong ng tinig ni Razareth sa labas ng kastilyo.

Nagwawala ang pulang dragon dahil sa matinding pag-aalala sa kanyang master. Ramdam din niya ang malakas na mana at paghihirap ni Rassia mula sa loob ng kastilyo, ngunit wala siyang magawa upang makalapit dito.

Sa tindi ng kanyang pagkabalisa, ilang bahagi na ng kalapit na kagubatan ang nasunog dahil sa kanyang naglalabasang apoy.

Napatigil si Lapileon at napatingin kay Drakkon. Saglit silang nagkatitigan, at sa kanilang mga mata ay parehong mababakas ang iisang pangamba.

"Bakit ka tumigil, Your Highness?" tanong ng healer, naguguluhan habang nakatingin kay Lapileon.

"She will not handle this. She can't control her Eternal Flame mana yet," malamig ngunit seryosong saad ni Lapileon. "Kapag tuluyan itong sumabog, maaaring kainin naman ito ng kanyang anti-magic. We can't take that risk. Her life is at stake."

Napatingin si Drakkon kay Rassia, na patuloy na nagpupumilit sa kabila ng kanyang panghihina.

"She is already exhausted," dagdag ni Drakkon. "Her mana is becoming unstable. If we force her any further, we might lose control of the situation."

Napakagat-labi ang healer. "But if we stop now..."

"We don't have a choice," putol ni Lapileon. "We need to keep her alive..."

Samantala, sa labas ng silid, naroon si Morticia habang pinagmamasdan sina Cayena at Natalia na pabalik-balik sa paglalakad sa pasilyo.

"Kakayanin niya 'to..." bulong ni Cayena habang kinakagat ang kanyang kuko, halatang balisa. Ilang beses na siyang napapatingin sa nakasarang pinto, na para bang umaasang maririnig niya roon ang isang senyales na ligtas si Rassia.

Huminto si Natalia at malalim na bumuntong-hininga. Saglit siyang napatingin kay Cayena bago muling ibinaling ang kanyang tingin sa pintuan.

"I trust our father and Lapileon," mahinahon niyang sambit. "They know what they're doing. If anyone can keep Rassia and the baby safe, it's them."

Tahimik lamang si Morticia habang nakikinig sa kanilang dalawa. Ngunit maging siya ay hindi maitago ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Napatingin silang tatlo nang biglang bumukas ang malaking double doors. Ngunit dalawang healer lamang ang lumabas mula sa silid.

Agad na lumapit sa kanila sina Cayena, Natalia, at Morticia, kapwa bakas sa kanilang mga mukha ang matinding pag-aalala.

"Ano nang nangyayari?" mabilis na tanong ni Cayena.

Nagkatinginan muna ang dalawang healer bago sumagot ang isa.

"The lady's life is in critical condition. Her mana has become too unstable, and we can no longer continue with the usual delivery."

Napatigil si Morticia. "Then what are you going to do?"

"We will perform a cesarean section. It is the safest option for both the mother and the child."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.